Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

ANG KASAYSAYAN NG MATAAS NA PAARALAN NG DR. ARSENIO C.

NICOLAS

Sampung taon na ang nakakaraan (Hunyo 2004) nang maitatag ang mataas na paaralan ng Dr. Arsenio C. Nicolas sa pamamagitan ng pagsusumikap ng ilang tao na may masidhing pagnanais na magkaroon ng isang paaralang huhubog di lamang sa pag-uugali ng mga mag-aaral kundi pati na ang kanilang pagkatao. Kabilang sa mga taong ito ay si G. Joel Lim Gerolia, isang dating guro ng Mataas na Paaralan ng Calauag, na buong puso namang sinuportahan ng nooy Schools Division Superintendent, Gng. Azucena O. Romulo. Gayun din ay sinuportahan ni dating Punong Bayan Eric N. Entienza kabilang ang Sangguniang Bayan ng Calauag ang nasabing proyekto. Kabilang sa mga sumuporta at naniniwala sa kahalagahan ng pagkakaroon ng isang mataas na paaralan sa dakong ito ng Distrito Tres ng Calauag ay sina; Punong Barangay Francisco F. Banico ng Pandanan, Punong Barangay Carlos Danseco ng Sta. Rosa, Punong Barangay Leonisto Dollente ng Maglipad, Punong Barangay Efren Verdera ng Salvacion, Punong Barangay Mario Alega ng Tikiwan, Punong Barangay Erlinda Pedrezuela ng Kalibo, Punong Barangay Corazon Matira ng Binutas, Barangay Kagawad Cezar Orogo ng Pandanan na nooy siyang namiminuno sa komitiba ng Edukasyon sa Sangguniang Barangay ng Pandanan, gayun din ang bumubuo ng PTA ng Mababang Paaralan ng Sta. Rosa at Pandanan. Sa kabilang dako, si Gng. Magdalena M. Nicolas, isang pilantropo sa Bayan ng Calauag kasama ang kaniyang anak na si G. Arsenio M. Nicolas, Jr., ay buong puso at kusang loob na nagdonasyon ng isang palagay na lote na pagtatayuan ng nasabing paaralan, na ngayoy kinikilala bilang Mataas na Paaralan ng Dr. Arsenio C. Nicolas (Dr. Arsenio C. Nicolas National High School). Nagsilbi bilang pansamantalang silid aralan ay ang bahay nayon ng Brgy Pandanan kung saan ay mayroong apatnaput dalawang (42) mga mag-aaral na pawang mga naninirahan sa Brgy. Pandanan at mga karatig na barangay. Ang nasabing pansamantalang silid aralan ay buong husay namang ginampanan ng mga masisipag na guro gaya nina Bb. Imelda Decena, Bb. Marjorie Alcantara, G. Rosalio Gaza at G. Joel Lim Gerolia bilang siyang Gurong Tagapamanihala. Dahil sa mga pagsusumikap ng nasabing mga guro, ay tuluyang kinilalan ng Kagawaran ng Edukasyon ang Mataas na Paaralan ng Dr. Arsenio C. Nicolas noong ika-29 ng Marso 2005 kung saan sa loob ng isang dekada ay naitayo ang mga sumusunod: a. b. c. d. e. f. g. h. i. 3 silid aralan sa ilalim ng Principal Led School Building Proram 2 silid aralan buhat sa Kagawaran ng Edukasyon na isinagawa ng DPWH 1 silid aralan buhat sa Priority Project ni Dating Punong Bayan Eric N. Entienza Maayos na sistema ng kuryente 1 poste ng kuryente Maayos na sistemang patubig sa pamamagitan ng Rotary club of Calauag Multipurpose stage Kongkretong pader Pangunahing Seradura

j. k. l. m. n. o. p. q. r. s. t. u.

Grotto Lapida ng kasaysayan ng Mataas na Paaralan ng Dr. Arsenio C. Nicolas 11 yunit ng kompyuter sa ilalim ng DepEd Computerization Program o DPE Kagamitang pang-laboratoryo Sound system ng paaralan Rostrum Pathway Munting silid-kaguruan Kantina ng paaralan Mga bubong ng pathway 3 palikuran Kongkretong palaruan

Iilan pa lamang yan sa mga nais pang idagdag na pasilidad ni G. Joel Lim Gerolia at pamunuan ng paaralan, katunayan, upang maging higit na angkop at napapanahon ang Mataas na Paaralan ng Dr. Arsenio C. Nicolas pina-plano na rin ang pagkakaroon ng Senior High School sa paaralang ito na ang ituturong kurso ay may kaugnayan sa napapanahong hanapbuhay gaya ng Bread & Pastry making, Food Processing, Shielded Metal Arc Welding at iba pang kursong magiging hagdan sa pagkakaroon ng magandang kinabukasan ang bawat mag-aaral na magsisipag tapos sa paaralang ito. Kung kayat sa pamamagitan ng ibayong pagtutulungan at pagsusumikap ng bawat isang may pakialam sa paaralang ito, patuloy itong maghahatid ng ligaya at magiging matatag sa mga darating pang panahon.

You might also like