Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Acedillo, Bryle C. 2011-71054 A book review on the book: Bakit Baliktad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino?

by Bob Ong Ang pinaka-unang libro na binili ko ever in my life ay ang unang libro na ginawa ni Bob Ong; ang ABNKKBSNPLAKo?!. Pagkatapos kong basahin ang libro, napahanga ako sa paaran ng kanyang pagsusulat. Isang siyang henyo at mapagpatawang uri ng manunulat. Maraming nagtatanong kung sino nga ba talaga si Bob Ong. Sabi ng iba, si Bob Ong daw ay isang grupo ng mga tao. Kasama ako sa mga taong nagtataka kung sino ang taong nasa likod ng pangalang Bob Ong. Kaya nung kinailangan naming gumawa ng book review, ito ang pinili ko. Bukod sa isa ito sa mga nakalista na pwedeng pagpilian sa syllabus, pinili ko ito dahil alam kong madudumihan nanaman ang aking utak dahil sa mga mensaheng gusting ipabatid sa ating lahat ni Bob Ong. Maraming punto ang nakalahad sa librong ito. Minsan, mapapaisip ka nalang na oo nga no? o bakit kaya? at minsan, palihim ka nalang na tatawa dahil ang mga halimbawa na binato ng librong ito ay minsan ginawa mo rin. Pero ang pinaka-importanteng rason kung bakit magandang basahin ito ay dahil maliliwanagan ka sa tunay na kalagayan ng bansang ating kinalalagyan ngayon. Maaring si Bob Ong ay isang grupo ng mga manunulat. Pero hindi na po iyan ang dapat nating pagtuunan ng pansin sa ngayon. Kung tutuusin, wala na akong pakialam kung si Bob Ong man ay isang lalake, babae, bakla, tomboy, grupo ng mga tao, hayop o engkanto man. Dahil sa ngayon, ang mahalaga ay meron pang nabubuhay na Pilipino na may pakialam pa sa bansang Pilipinas at sa mga kapwa nitong Pilipino. Kaya dahil dito, saludo ako sa kanya. Nakapaloob sa aklat na ito daw ay pinagtipong mga artikulo galing sa BobongPinoy.com na siya mismo ang webmaster at ang tagapagsulat nito. At dahil sa website na ito, malayang nakakapagusap ang mga Pilipino sa ibat-ibang sulok ng bansa na kung saan tinatalakay ang politika, at kung anu-ano pa. Naipahayag din ng mga kapwa Pilipino ang kanilang mga saloobin sa harap ng maraming Pilipino pati na mga banyaga.

Nakakatuwa ang pagkakagawa ng librong ito. Baliktad ang cover niya, kaya kung magbabasa ka nito sa labas, ihanda mo ang sarili mo sa mga taong tatawanan ka dahil baliktad kang magbasa. Nakapagtataka rin kung bakit ganito ang pamagat ng librong ito. Bakit kaya nasabi ni Bob Ong (BO nalang para cute) na baliktad tayong magbasa ng libro? Habang binabasa ko ang librong ito, nalaman ko na hindi pala literal na baliktad na pagbabasa ang ibig sabibhin ni BO. Ang tunutukoy dito ay ang mga kaugalian ng mga Pilipino na hindi tama pero hindi naman gaanong masama, mali lang talaga. Katulad ng halimbawa niya ng may karatulang BAWAL MANIGARILYO ngunit ang katabi nito ay mga upos ng sigarilyo. Baliktad. Dahil ginagawa nating mga Pinoy ang kabaliktaran ng dapat. Sa umpisa palang ng librong ito, nakasulat na sa panimula na Bawal basahin ang nakasulat dito! pero syiempre, kung sino man ang nakabili ng librong ito ay di magaalinlangang basahin ang nakasulat sa panimula nito. Dito palang, naipakita na ni BO ang pagiging pasaway ng mga Pilipino at ang kakulangan sa disiplina kung kayat ganito tayo ngayon mahirap. Kalat sa buong libro ang pangit na imahe ng mga Pilipino. Simula palang sa pinakaunang dayalogo sa pagitan ng kanyang among banyaga at katrabaho kung saan ipinapakita ang maduming imahe ng Pilipinas. Laganap ang red tape, graft at corruption sa bansang ito ika nga. Ang mas nakakainis pa dito, ay ang mismong mga edukado, professional, at mga nasa gobyerno pa ang gumagawa nito. Kakaiba talaga tong libro ni Bob Ong, nakakainis siya. Nakakainis kasi totoo ang kanyang isinusulat tungkol sa atin. Naging malikhain si BO sa paglalahad ng ideya ng pagiging bobo ng mga Pinoy. Iprinisenta niya ang ideya na ganito tayong mga Pilipino. Ganito ang tingin ng ibang bansa sa atin. Mga bobo, mahina, mahirap, gutom, at corrupt. Diyan tayo pinaka-kilala bilang mga Pilipino; diyan tayo tanyag. Inilahad sa libro ang pagiging mahina natin sa maraming bagay, sa ingles, matematika, desisyon sa sarili at sa bansa. At dahil dito, natatanim sa isipan ng mga mambabasa na sa ayaw mot sa gusto, ganito tayo at ganito rin ang pananaw sa atin ng ibang bansa.

Ang Pinoy ay isang napakalaking pesimista. Karamihan ng kilala ko ngayon lalo na sa UP ay mga pessimist. Lahat ng nakikita nila ay puro mali. Mas nakikita nila ang bulok na sistema ng gobyerno kaysa sa kagandahan ng Palawan; ang polusyon sa Maynila kesa sa Chocolate Hills sa Bohol. Walang ibang ginawa kundi magsisisigaw, magrally at magreklamo sa kung anu-ano. Pero hindi ko sila masisisi, dahil kahit ako, marami rin akong reklamo sa bansa natin. Pero mas pinipili ko nalang na ituon ang aking pananaw sa mga bagay na kontrolado ko. Maraming artikulong inilagay si BO na tungkol sa mga banyaga pati mismong mga Pilipino na itinatakwil ang sariling bansa. Ngunit ang pinaka tumatak sa isipan ko ang artikulong Who Wants To Be a Filipino? ni Herdy Yumul. Nakapaloob dito ang opinyon ng isang Pilipino na tuluyang nawalan ng pagkamakabayan. Tinatanong sa artikulong ito na kung ikaw daw ay mairereincarnate at bibigyan ng kapangyarihang pumili, pipiliin mo pa rin bang maging Pilipino? Dito palang, napaisip na ako. Gusto ko pa rin ba? Ang Pilipinas, ayon sa libro, ay puno ng mga Pilipinong ikinakahiya at handang itakwil ang sariling bansa. Hindi ko sila masisisi. Balikan natin ang nakasulat sa libro. Pano nga ba mabuhay sa Pilipinas? Kailangan mong mag-OFW para mapaaral ang anak. Para makapaaral naman ng anak mo ang iyong apo, kailangan nya ring mag-OFW... Samantala, ang mga kababayan mong hindi mo kasing-palad ay nagtitinda ng sariling anak o kidney. Ang iba ay nagiging fulltime contestants sa game shows at lottery. Ang mga teacher kailangang magtinda, ang mga pulis kailangang mangotong, ang mga nurse kailangang mag-abroad, at ang mga mamemelikula ay kailangang gumawa ng basura para kumita. Kung bakit mga basura ang kumikita at kung bakit gustong-gusto ito ng mga Pilipino ay walang nakakaalam. Page 146 Ganito nga ba kaiharap mabuhay sa Pilipinas? Marami pang nakasulat tungkol sa mga ganito sa librong ito na hindi ko na babanggitin dahil mas hahaba pa ang aking book report at baka sabihin mo po na nandadaya ako hehe. Anyway, balik tayo sa ating pinag-uusapan. Nang binasa ko ang parteng ito ng libro, hindi ko maiwasaang malungkot. Nakakahiya tayong mga Pilipino at inaamin ko iyon. Kung ganito kahirap ang Perlas ng Silangan, sino pa nga ba ang gugustuhing maging Pilipino? Kung

mangyayari man na magkaroon ng trahedya at mamatay ang lahat na Pilipino, at tatanungin sila kung gusto pa ba nila maging Pilipino, tiyak na lolobo ang populasyon ng Amerika at ang Pilipinas ay magiging ghost country. Kung ako naman ang tatanungin, gusto ko pa rin bang maging Pilipino? Hmm.. Mamaya ko nalang ito sasagutin. Para may suspense. Charing! Si Bryle Acedillo ay isang taong madaling kumbinsihin. Nang natapos kong basahin ang yellow book ni Bob Ong, nasaktan ako at nainis. Hindi kay Bob Ong kundi sa ating mga Pilipino. Tama lahat ng kanyang isinulat dito. Mahirap ang Pilipinas, matagal-tagal pa bago ito ay tuluyang umunlad. Or worse, mabaon na ito sa kahirapan. Kailanman hindi mo makikitang uunlad ang isang bansang mismo ang mga taong nakatira dito ang humuhugot sa isat -isa. Sa bayan nila, hinihikayat ang mga tao na umunlad. Dito raw sa atin, pag umunlad ang tao, hinihila pababa... Pag nakikitang namumunga ka, babatuhin ka ng babatuhin hanggang sa malaglag ang mga prutas mo. Introduction. Sabi ni Barth Suresky, isang Amerikano, Ang pangunahing problema sa tingin ko, matapos ang maraming taon na pagmamasid, ay ang mababang pagtingin ng bansa sa sarili niya, isang nakakabahalang kakulangan sa sariling dangal bilang Pilipino.(Page 151) Sumasang-ayon ako sa sinabi niya. Mismo tayong mga Pilipino ay ikinakahiya ang sarili natin. Paano na kaya ang ibang bansa? Pero sa ngayon, hindi na muna importante ang tingin nila sa atin. Inilabas ni Bob Ong ang mga baho ng Pilipinas hindi upang sirain ang imahe ng Pilipinas, kundi upang malaman natin at mapag-usapan ang problemang matagal na nating hindi pinagtutuunan ng pansin. Kung nasaktan ka at nainis sa mga pangungusap na ibinato ng librong ito, marahil ito ay dahil mahal mo ang Pilipinas. Kung hindi mo alam kung sino ka, paano mo maipagmamalaki ang sarili mo? (page 157) Kung i-uugnay mo sa Philippine Literature, malaki ang naging tulong ng librong ito. Inilalarawan dito ang karaniwang pang-araw-araw na buhay, desisyon, ugali at pananaw ng isang Pilipino sa bansang ito, na nagpapakita ng tradisyon at pasadya. Upang maunawaan ang ating sariling panitikan, kailangan nating matutunang unawain kung ano tayo ngayon, noon, at kung

ano tayo pwedeng maging. Ipagmalaki ang sariling atin. Pilipino tayo, hinding hindi natin iyan dapat ikahiya. Kapansin-pansin nga naman ang katangahan o kabobohan ng mga Pilipino, yung tipong nasisilaw tayong mga Pinoy sa kung anong mayroon ang ibang bansa kahit maliliit na bagay lang. Samantalang minamaliit at pinagtatawanan nila tayo sa lahat ng ating pinaggagawa. Ngunit hindi pa naman huli ang lahat. Marahil isa ito sa mga mensahe ni BO. Isinulat niya ang librong ito upang mamulat ang ating pagka Pilipino. Nagbigay man siya ng masasakit na komentaryo tungkol sa bansa natin, sa huli, ipinagmamalaki parin niya ang pagiging Pilipino niya. Sabi pa nga niya Ordinaryong mamamayan lang ako na nagkukwento ng pananaw ko tungkol sa aking bansa. Kung tatanungin ako uli kung gusto ko pa bang maging Pilipino, ang isasagot ko ay Oo. Kung kailan kinakailangan tayo ng ating sakiting bansa, hindi tayo dapat magtago at magpakabingi-bingihan. Higit sa pakikinig kung ano ang sinasabi, unawain mo kung ano ang ipinahahayag: May problema ang bansa, nangangailangan ito ng tulong mo. Yan la ng ang simpleng mensahe. Hindi na importante kung may iba kang opinyon, ang importantey isa ka ring nagmamalasakit. (page 199) Pilipino ako, sapat nang dahilan yon para mahalin ko ang Pilipinas. Bob Ong

Acedillo, Bryle C. 2011-71054 Reaksyon ukol sa Huling kabanata

Naniniwala po ako na nasagot ni padre Florentino ang pag-aalinlangan ni Simoun. Dahil naniniwala ako na ang kabantugang tagapagligtas ng bansa ay kailanman hindi maaring ibigay sa isang taong mismong sangkot sa pagkaluklok nito. Mali ang ginawa ni padre Florentino dahil hinayaan niyang kainin siya ng sarili niyang galit at naisipan niyang mahiganti. Bilang isang padre, malaki itong kasalanan dahil linabag niya ang utos ng Panginoon. Sinabi niyang isa Siyang makatarungang Diyos. Ang walang pananampalataya sa kanya ay magdudusa. Hindi natin masisisi si Simoun dahil hindi rin naman naging madali ang kanyang pinagdaanan. May choice tayo lahat. Sa sitwasyon si Simoun, hindi niya naiwasang idaan sa masama ang kanyang pamamaraan. Hindi maililigtas ng krimen at kasamaan ang mga dinumihan ng krimen at kasamaan. Ang poot ay walang nalilikha kundi mga panakot; ang krimen ay mga salarin ang nalilikha. Pag-ibig lamang ang nakagagawa ng mga bagay na dakila. Ang katubusan ay kabutihan; ang kabutihan ay pagpapasakit, ang pagpapasakit ay pag-ibig.

You might also like