Paggamit NG Nang Na Mahaba at NG Na Maikli

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Paggamit ng Nang na mahaba at Ng na maikli Ang NANG ay ginagamit kapag idinidescribe kung paano ginawa o naganap ang isang

bagay o pangyayari. Madalas, sina-sandwich ito bilang tagapag-ugnay sa pagitan ng isang verb (pandiwa) at adjective o adverb (pang-uri). In other words, ganito: Verb + NANG + Adverb/Adjective Halimbawa, 1. makatulog NANG mahimbing 2. tumawa NANG walang-pangingimi Ang NANG ay ginagamit din bilang pantukoy sa isang sitwasyon, i.e. bilang katumbas ng WHEN sa Ingles. Halimbawa, 1. NANG makatulog ang nanay ni Bing 2. NANG tumawa ang mga duwende On the other hand, ang NG naman ay ginagamit bilang possessive modifier sa isang sentence. Halimbawa, 1. Ang pisngi NG Macabebe 2. Ang siga NG Tondo Ginagamit rin ang NG bilang pantukoy sa mismong object ng sentence. As in ganito: 1. Binaha NG asupre 2. Nagnakaw NG puto Subukin nating i-apply ang mga example sa itaas at ganito, halimbawa, ang kalalabasan: 1.NANG tumawa ang mga duwende NANG walang-pangingimi, Binaha NG asupre Ang pisngi NG Macabebe. 2.NANG makatulog NANG mahimbing Ang nanay ni Bing, Nagnakaw NG puto Ang kilabot NG Tondo. Lima lamang ang dapat tandaan:

Sa mga nais matuto, lima lamang ang dapat tandaang tuntunin sa paggamit ng nang. 1. Kasingkahulugan ng noong. Umaga nang barilin si Rizal. Nang umagang iyon ay nagkasakit si Pedro 1. Kasingkahulugan ng upang at para. Sa mga Espanyol, dapat barilin si Rizal nang matakot ang mga Pilipno Dapat dalhin si Pedro sa ospital nang magamot. 1. Bilang pinagsamang na at ng. Sa mga Filipino, sobra nang lupit ng mga Espanyol. Sobra nang hirap ang inabot ni Pedro. 1. Nagsasabi ng paraan o sukat. Binaril si Rizal nang patalikod. Namayat nang todo si Pedro dahil sa hika. 1. Bilang pang-angkop ng inuulit na salita. Barilin man nang barilin si Rizal ay hindi siya mamamatay. Ginamot nang ginamot si Pedro para gumaling. Halaw ni Tata Raul Funilas sa Filipino ng mga Filipino ni Virgilio S. Almario

You might also like