Download as ppt, pdf, or txt
Download as ppt, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Liwayway A.

Arceo
Si  LIWAYWAY A. ARCEO
(mangangatha, nobelista,
mananaysay, tagasalin – wika,
editor), ayon sa isang kritikong
gumawa ng isang pag-aaral noong
1979 sa kanyang mga katha ng
dekada 40, ay feminista na bago
pa “nauso” ang katagang iyon.
Siya ay may apat na anak –
Florante, Celia, Ibarra, at Jayrizal
– at ang kanyang asawang si
Manuel Principe Bautista na
isang manunula ay pumanaw na
noong 1996.
Ang 1991 ang Taong Ginto ni
Liwayway A. Arceo sa Panitikang
Tagalog: 50 taon na siyang
manunulat na propesyonal. Sa
ikatlong katha niyang nalathala,
ang Uhaw sa Tigang na Lupa,
nagsimula ang kanyang
maningning na karera sa
Panulatan, ang kilalanin iyon na
Pangalawang Pinakamahusay na
maikling katha ng 1943, ng si
Arceo ay tin-edyer pa lamang.
Siya ay naging bidang artista sa isang
pelikulang gawa ng mga Hapon at
Filipino noong Ikalawang Digmaang
Pandaigdig noong 1944. Ang pelikula
ay pinamagatang “Tatlong Maria”.
Pinasok niya rin ang pag-aarte sa
isang drama sa radyo na
pinamagatang Ilaw ng Tahanan. Ito ay
naging soap opera sa RPN 9 noong
1970’s.
Siya ay ang awtor ng mga sikat na
nobela tulad ng Canal de la Reina at
mga koleksyon ng mga maiikling
kwento tulad ng Ina, Maybahay, Anak at
iba pa, Mga Maria, Mga Eva at Ang Mag-
anak na Cruz
Itinuturing ng mga kritiko ang Uhaw sa
Tigang na Lupa bilang panulukang-bato ng
makabagong maikling kathang Tagalog, at
isinalin sa Ingles at Nipongo at nalathala
sa New York City, U.S.A. at Tokyo, Japan.

You might also like