Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

PANGALAN NG DIYOS NA GINAWA NG TAO, PANGALANG IKALILIGTAS?

Para sa mga SAKI NI JEHOVA, ang pgbigkas ng pangalang JEHOVA ay may kinalaman sa ikaliligtas ng mga taoIto ang kanilang paninindigan, kaya nga ganito ang kanilang inilagay sa kanilang BIBLIA: Gawa 2:21 ANG BAWAT ISA NA TUMATAWAG SA PANGALAN NI JEHOVA AY MALILIGTAS [Tagalog New World Translation] Kitang-kita sa pahayag ng kanilang BIBLIA, na nakasalalay sa PANGALANG JEHOVA ang kaligtasan ng taoang sinomang tumawag sa PANGALANG ito ay MALILIGTAS. At ganun din ang sinasabi ng kanilang PUBLIKASYON: HAVE YOU BEEN TAUGHT TO USE GOD'S NAME, JEHOVAH? IF NOT, YOUR SALVATION IS IN JEOPARDY, for "everyone who calls on the name of Jehovah will be saved"! -- Acts 2:21; compare Joel 2:32. [The Watchtower, August 15, 1997, p. 6.] Ito po ay isang nakakatakot na kalagayan, dahil tayo po ay pinatatawag nila sa PANGALANG INIMBENTO ng KATOLIKO. IT HAS BEEN MAINTAINED BY SOME RECENT SCHOLARS THAT THE WORD JEHOVAH DATES ONLY FROM THE YEAR 1520 (cf. Hastings, "Dictionary of the Bible", II, 1899, p. 199: GeseniusBuhl, "Handwrterbuch", 13th ed., 1899, p. 311). DRUSIUS (LOC. CIT., 344) REPRESENTS PETER GALATINUS AS THE INVENTOR OF THE WORD JEHOVAH, AND FAGIUS AS IT PROPAGATOR IN THE WORLD OF SCHOLARS AND COMMENTATORS. [Jehovah CATHOLIC ENCYLOPEDIA] Pinaliliwanag ng AKLAT KATOLIKONG ito na CATHOLIC ENCYLOPEDIA na ang UMIMBENTO ng SALITANG JEHOVA ay si PETER GALATINUS. At ito naman po ay sinigundahan at sinangayunan ng isang CATHOLIC WEBSITE ang CATHOLIC ANSWERS Interestingly, this fact is admitted in much Jehovah's Witness literature, such as their AID TO BIBLE UNDERSTANDING (p. 885). This is surprising because Jehovah's Witnesses loathe the Catholic Church and have done everything in their power to strip their church of traces of Catholicism. DESPITE THIS, THEIR GROUP'S VERY NAME CONTAINS A CATHOLIC "INVENTION," THE NAME "JEHOVAH." [CATHOLIC ANSWERS,www.catholic.com YAHWEH or JEHOVAH] Na ang tutol nga ni Prince Jumong isang JW, ay isang STAFF lang daw ang may sabi ng statement na ito Sabi nga ng PANGALAN ng WEBSITE CATHOLIC ANSWERS, kaya malinaw na ito ang SAGOT ng KATOLIKO sa isyung ito. Isang IMBENTONG PANGALAN ng KATOLIKO, tatawagin natin at tayoy maliligtasnakakakilabot po iyan. Iniwan na nga natin ang relihiyong ito dahil napatunayan natin na ang kaniyang mga aral ay hindi totoo, pagkatapos ang kanya pa palang INIMBENTO ang MAGLILIGTAS sa atin? Ano ba naman iyon?

Kanino bang pangalan ang sinasabi sa GAWA 2:21 ang dapat nating tawagin? Ang pananalitang ito na sinabi sa GAWA 2:21 ay ginamit din ni Apostol Pablo sa Roma 10:13, narito ang pagkakasabi: Roma 10:13 SAPAGKA'T, ANG LAHAT NA NAGSISITAWAG SA PANGALAN NG PANGINOON AY MANGALILIGTAS. Eh kanginong pangalan ang kaniyang tinutukoy, JEHOVA ba? Huwag po tayo ang sasagot niyan, si Apostol Pablo ang may sabi niyan kaya siya lang ang makakasagot, narito ang kaniyang pahayag, itataas lang natin ng basa sa VERSE 9: Roma 10:9 SAPAGKA'T KUNG IPAHAHAYAG MO NG IYONG BIBIG SI JESUS NA PANGINOON, AT SASAMPALATAYA KA SA IYONG PUSO NA BINUHAY SIYANG MAGULI NG DIOS SA MGA PATAY AY MALILIGTAS KA: Klaro ang tinutukoy ni Pablo, ang Pangalan ng Panginoong JESUCRISTO. Ang pangalan niya ang dapat tawagin ng sinomang tao na nagnanais maligtas. Bakit PANGALAN ni CRISTO? Narito ang sagot sa atin: Gawa 4:10, 12 Nais kong malaman ninyong lahat at ng buong Israel na ang taong ito ay nakatayo sa inyong harapan at lubusang gumaling dahil sa kapangyarihan ng PANGALAN NI JESUCRISTO na taga- Nazaret, na inyong ipinako sa krus ngunit muling binuhay ng DiyosSa kaniya lamang matatagpuan ang kaligtsan, SAPAGKAT WALANG IBANG PANGALAN NG SINUMANG TAO SA BUONG MUNDO NA IBINIGAY NG DIYOS SA MGA TAO UPANG TAYO AY MALIGTAS. Wala pong ibang PANGALAN na ibinigay ng DIYOS para sa kaligtasan ng tao kundi ang PANGALAN ni JESUCRISTO, ito po ang TANGING PANGALAN na ibinigay sa atin para sa ating KALIGTASAN. Kung may magtuturo ng iba sa sinasabing ito ng Biblia, iyan po ay KASINUNGALINGAN at PANDARAYA. Ang PANGALAN din pong ito ay ang PANGALAN sa ikapagpapatawad ng ating mga kasalanan: Gawa 10:38 SAMAKATUWID BAGA'Y SI JESUS NA TAGA NAZARET, kung paanong siya'y pinahiran ng Dios ng Espiritu Santo at ng kapangyarihan: na naglilibot na gumagawa ng mabuti, at nagpapagaling sa lahat ng mga pinahihirapan ng diablo; sapagka't sumasa kaniya ang Dios. Gawa 10:43 Siya ang pinatotohanan ng lahat ng mga propeta, na ang BAWA'T SUMASAMPALATAYA SA KANIYA AY MAGKAKAMIT NG KAPATAWARAN SA MGA KASALANAN SA PAMAMAGITAN NG KANIYANG PANGALAN. Kitang-kita ang nagdudumilat na katotohanang ito na pilit binabaluktot at tinututulan ng iba

You might also like