Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

ABSTRAK

Aira Mae P. Ocop , Jamie Bianca P. Tabulao , Anne Marian Mae E. Valdez ; MGA SALIK SA PAGDAMI NG MGA OUT OF SCHOOL YOUTH SA MGA PILING LUGAR NG SAMAR AT LEYTE ; Naglalayon ang pag-aaral na ito na matukoy ang mga saloobin ng mga Out of School Youth sa mga piling lugar ng Samar at Leyte. Ang mga naging kalahok sa pag-aaral na ito ay limampung (50) mga piling lugar ng Samar at Leyte. Gumamit ng isang sarbey kwestyuner ang mga mananaliksik bilang instrumento sa pagkuha ng mga datos. Nagbigay ng mga talatanungan ang mga mananaliksik sa mga napiling kalahok at matapos sagutin ito ay kinolekta ang mga talatanungan at sinuri ng mabuti ang mga datos na nakuha. Sa pagtukoy ng mga saloobin ng mga Out of School Youth sa mga piling lugar ng Samar at leyte, napag-alaman na ang pinaka-pangunahing sanhi ng patuloy na pagdami ng mga Out of School Youth ay problemang pinansyal. Iminungkahi ng pag-aaral na ito na palawakin pa ang mga programa ng gobyerno na naglalayung mabigyang oportonidad ang mga kabataang nais ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral. Inilahad ang mga datos na nakalap sa pamamagitan ng tekswal o tabyular o grapikal na presentasyon. Sa pamamagitan ng mga datos na nakalap, nahinuha ng mga mananaliksik ang mga sumusunod na konklusyon. Limamput anim na porsyento (56%) ng mga OSY sa Samar at Leyte, ang nagsabing hindi sapat ang ibinibigay na suporta ng gobyerno.

Problemang pinansyal ang tinutukoy na pinaka-pangunahing sanhi sa pagtigil sa pag-aaral ng mga kabataan, walumpong porsyento (80%) ng mga respondente ang nagsabi nito. Limangpung porsyento (50%) ng mga respondent ang nagsasbing nawawalan na sila ng pagasang makapag-aral muli. Nagnanais makatanggap ng iskolarsyip mula sa gobyerno ang tatlumpot apat na porsyento (34%) ng mga respondente. Nakatulong sa mga magulang ang pitumpong porsyento (70%) ng mga respondente sa pamamagitan ng paghahanpbuhay. Walang ahensya ng gobyerno ang tumutulong sa kanila nang mapabilang sila sa mga OSY, walumpot limang porsyento (85%) ng mga respondente ang nagsabi nito. Limangpung porsyento (50%) ng mga respondent ang nagsabing walang mabuting nadulot sa kanila ang pagiging OSY. Tatlumpot dalawang porysento (32%) sa mga kalahok ang nagiging tambay na lamang nang silay mapabilang sa mga OSY. Nahahangad ang tatlumpot tatlong porsyento (33%) ng mga respondente na mapalawak pa ang mga programang pang-edukasyon ng pamahalaan. Talumpot limang porsyento (35%) sa mga respondent ang gusto pang makabalik sa pag -aaral. Batay sa kongklusyon ng mga mananaliksik, iminumungkahin ang mga sumusunod na rekomendasyon: (1) Palawakin pa ang mga programa ng gobyerno na naglalayong mabigyang oportunidad ang mga nais pakapagtapos ng pag-aaral. (2) Pilgilan ang patuloy na paglawak ng suliraning prolemang pinansyal na sa

kasalukuyan ay nakakaapekto na sa buhay ng isang mag-aaral. (3) Ipabatid sa mga ahensya ng gobyerno kung gaano kahalaga sa karamihan ang kanilang mga proyekto, halimbawa na lamang ng mga iskolarship na kanilang iniaabot sa mga nangangailangan.(4) Hikayatin ang mga magulang na dumalo sa mga siminar na mapagkukunan nila ng mga kaalaman kung papaano mapaghandaan ang pag-aaral ang kanilang mga anak sa hinaharap. (5) Hikayatin ang mga Out of School Youth na dumulog sa mga tanggapan o ahensya ng gobyerno na magbibigay solusyon sa kanilang problema sa halip na umasa na lamang.

You might also like