IKATLONG PAMANAHUNANG PAGSUSUSLIT SA ARALING PANLIPUNAN 7
Pangalan: ________________________________Baitang/Seksyon: ______________Petsa: _____________ I. PAGPIPILI Panuto: Bilugan ang titik na may pinakatamang sagot
1. Ano ang layunin ng Kilusang Propaganda? a. Ang maging probinsya o estado ng Espanya ang Pilipinas. b. Labanan ang mga Espanyol sa kanilang pang-aabuso c. Mapaganda ang buhay ng mga Pilipino d. Mapigilan ang pagkakaroon ng digmaan sa pagitan ng Espanyol at Plipino 2. Ano ang ipinapakita ng aklat ni Pedro Paterno na pinamagatang Sampaguita na kinapapalooban ng mga tula tungkol sa pag-ibig? a. Pinapahalagahan ng mga Pilipino ang pagmamahal. b. Ang mga Pilipino ay maaaring maging manunulat c. Kakayahan ng mga Pilipinong makalikha ng mga gawang literature. d. Pagkakaroon ng damdaming nasyonalismo. 3. Ano ang dahilan ng pagbitay sa tatlong pari na sina Gomez, Burgos at Zaragoza? a. Sila ay pinagbintangang namuno sa pa-aalsa sa Cavite. b. Nagpakalat ng ideya tungkol sa kasamaan ng mga prayle c. Nagtatag ng Kilusang Propaganda. d. Sila ang namuno sa Katipunan 4. Ano ang naging bunga ng pagkakaaresto ni Jose Rizal? a. Pagsisimula ng nasyonalismo b. Pagkakatatag ng Katipunan c. Pagpapatuloy ng pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas d. Pagsisimula ng rebolusyon 5. Bakit mahalaga ang Masonry sa Kilusang Propaganda? a. Nagkaroon ng mga masonic lodge sa Pilipinas b. Nagkaroon ng kasanayan ang mga Pilipino sa paghawak ng armas. c. Naging matagumpay ang layunin ng Kilusang Propaganda d. Nagkaroon ng katuwang ang Kilusang Propaganda sa mga gawain magpagpapatupad ng kanilang layunin 6. Bakit hindi nagtagumpay ang Kilusang Propaganda sa kanilang layunin? a. Mas malalakas ang armas ng mga Espanyol b. Dahil sa mga personal interest ng mga miyembro nito c. Kulang sa suportang pinansya at hindi pagkakaisa ng mga miyembro d. Lahat ng mga miyembro ay nag-aaral sa Europa. 7. Ano ang Kartilya? a. Pahayagan kung saan inilalarawan nito ang mga pang-aabuso ng mga Espanyol b. Ito ay kalendaryo ng mga aktibidad ng Katipunan c. Ito ay gabay ng Katipunan na dapat sundin ng mga Katipunero. d. Journal ng Katipunan 8. Ano ang naging resulta ng ni Honoria Patino? a. Pagkakawatak-watak ng mga Katipunero b. Pagbitay kay Rizal c. Kinumpiska ang mga kagamitan ng Katipunan d. Pagkakadiskubre ng Katipunan 9. Ano ang naging bunga ng pagkakahati ng Katipunan sa dalawang grupo o faction? a. Hindi pagkakaisa ng mga miyembro. b. Kakulangan sa abilidad sa pamumuno c. Kalituhan sa mga miyembro d. Pagkasira ng organisasyon. 10. Ano ang ipinapakita ng pang-iinsulto ni Daniel Tirona kay Andres Bonifacio? a. Hindi pagrespeto sa nagtatag ng Katipunan. b. Crab mentality c. Mababang tingin sa mga mahihirap o walang pinag-aralan. d. Pagpapahalaga sa sarili
II. PAGPUPUNO Panuto:Isulat sa patlang ang tamang salita upang makumpleto ang pangungusap. Piliin ang sagot na nasa kahon.
11. Ang layuning politikal ng Katipunan ay ipaglaban ang _____________________ ng Pilipinas mula sa mga Espanyol. 12. Ang pinakalayunin ng Kilusang Propaganda ay _______________________. 13. Karamihan sa miyembro ng Kilusang Propaganda ay nasa gitnang uri na kilala rin sa tawag na ________________________. 14. Ang hakbang na isinagawa ng Katipunan sa pagtupad ng kanilang layunin ay sa pamamagitan ng ________________________. 15. Ang _________________________ ay simbolo ng pagsisimula ng Digmaang Pilipino-Espanyol.
III. PAGKILALA A. Panuto: Kumpletuhin ang word puzzle sa pamamagitan ng pagsagot sa mga hint. Pahalang 16. Pangalan ng unang Filipino Masonic Lodge na itinatag ni Graciano Lopez Jaena sa Barcelona. 17. Binubuo ng labintatlong gabay na dapat sundin ng mga Katipunero. 18. Isa sa kaisipan ni Marcelo H. del Pilar kung saan ang pagiging probinsya ng Pilipinas ng bansang Espanya ay magbubunga ng pagkakaroon ng pantay na karapatan ng mga Pilipino.
Pababa
19. Sa aklat nya na El Progreso de Filipinas, kanyang binanggit ang mga hakbang upang umunlad ang Pilipinas. Isa na rito ay pagpapatayo ng mga tulay at sementong daanan. 20. Pangalan ng unang Masonic Lodge na itinatag sa Pilipinas. 21. Isang satire na sinulat ni Graciano Lopez Jaena kung saan ipinapakita nya rito ang pagiging abuso ng mga prayle.
B. Isulat sa patlang ang tinutukoy ng pangungusap.
22. Siya ang naging unang editor ng La Solidaridad. _____________________________ 23. Ama ng Himagsikang Pilipino. ____________________________ 24. Utak ng Katipunan. _______________________________ 25. Lakambini ng Katipunan. __________________________ 26. Pangalawang editor ng La Solidaridad. _____________________________ 27. Ina ng Katipunan ___________________________ 28. Unang presidente ng Katipunan. ______________________________ 29. Humahawak sa kaso ng mga miyembro ng Katipunan. _____________________ 30. Ang Sangguniang ito ay binubuo ng President, Sekretary, Treasurer, Comptroller, at Fiscal ___________________________ 31. Pinuno ng Magdalo ___________________________ 32. Pinuno ng Magdiwang _____________________________ 33. Nanalong president matapos ang halalan sa kumbensyon sa Tejeros. __________________________
19 G
20 N
16 R C I
N
17 K T
Y
21 F
S
18 A A N
O
O
Pag-aalsa Ilustrado Kalayaan Sigaw sa Pugadlawin Asimilasyon IV. PAGTATAPAT TAPAT Panuto: Pag-ugnayin ang Hanay A sa Hanay B sa pamamagitan ng pagsulat ng titik ng tamang sagot sa patlang. 34. Jose Rizal a. Agapito Bagumbayan 1. _______ 35. Andres Bonifacio b. Plaridel 2. _______ 36. Emilio Jacinto c. Pinkian 3. _______ 37. Antonio Luna d. Dimasalang 4. _______ 38. Marcelo H. del Pilar e. Taga-Ilog 5. _______
V. ANALOHIYA Panuto: Pag-aralan ang mga sumusunod na salita. Isulat ang salitang may kaugnay sa inilaang patlang. Hal: Andres Bonifacio : May Pag-asa Jose Rizal : Dimasalang
39. Kalayaan : Katipunan La Solidaridad : ______________________ 40. Katipunan : Pag-aalsa Kilusang Propaganda : ________________________ 41. Felix Resureccion Hidalgo : Virgenes Christianas Expuestas al Populacho Juan Luna : ____________________________ 42. Graciano Lopez Jaena : La Solidaridad Emilio Jacinto : __________________________ 43. Mi Ultimo Adios : Jose Rizal Pag-ibig sa Tinubuang Lupa : _______________________
VI. SANAYSAY Panuto: Gawin ang mga sumusunod na gawain 1. Ikaw ay sumali sa isang kilusang rebolusyon laban sa mga Espanyol. Susulat ka sa iyong magulang o kaibigan para maipaliwanag ang mga sumusunod: a. Sanhi ng pagsali mo sa kilusan (5pts.) b. Kahalagahan ng pagsali mo sa kilusan (5pts) c. Mensahe mo sa susunod na henerasyon ng mga Pilipino. (5pts)