Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 6

Filipino 2

Ipinasa ni:
Viljohn R. Esquejo

Ipapasa kay:
Gng. Ermilyn Ramos




Ang Panagbenga o Baguio Flower Festival
ay ipinagdiriwang sa Baguio City tuwing Nobyembre.
Ngaung taong ay ang ika labing pitong pagdiriwang
nito na may temang Community Convergence for a
Sustainable Tourism Growth. Ito ay naglalayong
maakit ang mga turista at palawakin ang turismo sa
lugar.



Sa pagdiriwang ng Panagbenga
ngaung taon ay sari-saring mga aktibidad
ang isinagawa. Ilan sa mga ito ay circus
sa Melvin Jones, mga concert, at iba pa.
Dumalo rin ang kompanya ng Coca-Cola
upang magbigay ng libreng coke.
























Hinding rin mawawala ang Session Road in Bloom at Market Encounter na isa sa
mga pangunahing kaganapan sa pagdiriwang ng Pangabenga.

SESSION ROAD IN BLOOM
























MARKET ENCOUNTER











May mga kompetisyon rin ang pinaghandaan ng mga kalahok sa Panagbenga. Ilan
ang mga ito ay ang Landscape competition, Float Competition, at Drum and lyre
competition.







































Sa kasagsagan rin ng pagdiriwang ng Panagbenga ay narito rin ang mga ibang
pangyayaring naganap. Makikita sa mga larawan na ito ang mga tao na nagsisiksikan
upang salubungin ang mga pangunahing kaganapan sa Pangabenga. Kaya kailangan ng
matinding pagiingat ng mga dalang gamit para maiwasan na madukutan. Nakita ko at
naranasan ang
pakikipagsiksikan upang
mapanuod lamang ang mga
ito at kung hindi ka
matiyaga ang mawawalan
ka ng pasensya dahil sa
sobrang siksikan ay halos
hindi ka na makaraan.







Hindi rin maiiwasan ang mga kalat ng
iniiwan ng mga tao kung saan saan na
nagdulot ng polusyon sa Baguio City.





























. Ang ibang mga lugar ay may mga pagdiriwang rin na pinaghahandaan. May mga
ginaganap ring mga aktibidad ang ibang mga lugar na ito. Isa sa dinamiraming lugar na
nagdiriwang ng Fiesta ay ang Scout Barrio. Ang Scout Barrio isang maganda at tahimik
na lugar na kung saan maraming puno at malayo sa polusyon. Ang Scout Barrio ay
tinaguriang isa sa pinakamalinis na lugar sa Baguio City. Sila ay nagdiriwang ng Fiesta
tuwing ika-lima hanggang ika-labing dalawa ng Pebrero na kung saan naisasabay ang
pagdiriwang ng Panagbenga. Isa sa mga aktibidad ng aming lugar ay pagkakaroon rin ng
isang Drum and Lyre Competition at ilang mga kontest. Ang pagdiriwang namin ng
Fiesta ay napakasimple at mapayapa.
Sa aking naging karanasan sa mga ito ay akin paring ipinagmamalaki ang
pagdiriwang ng aming Fiesta sa aming lugar. Dahil sa aking naging karanasan ay aking
naikumpara na mas tahimik at malayo sa gulo ang pagdiriwang namin sa aming lugar
kaysa sa pagdiriwang ng Panagbenga. Isa ring dahilan ay ang hindi ku malimutan na
pangyayari sa pagdiriwang ng Pangabenga na kung saan nadukutan ang aking mga
kasama na galing pa sa Pangasinan upang masilayan lamang ang pagdiriwang ng
Pangabenga. Sa ganitong pangyayari na imbes na masaya silang umuwi ay napalitan pa
ito ng pagsisisi.

You might also like