Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

1

Republic of the Philippines )


Metropolitan Manila ) ss
City of Manila )

SINUMPAANG SALAYSAY

Ako si Francisco Cielo y Cuaresma, nasa hustong gulang at nakatira 1257
Concepcio St. Sampaloc, Manila, matapos makapanumpa ng naaayon sa batas y
nagsasabing:

1. Ako ay isa sa mga testigo sa aksidenteng naganap sa kalye Forbes, Sampaloc
Manila noong ika 21 ng Enero 1993 kung saan nasagasaan ang isang babaeng
nagngangalang Rochelle Lanete;

2. Bilang testigo, ako ay kinuhanan ng salaysay ng pulis na nag-imbestiga sa kaso
na aking pinanumpaan sa harap ni Atty.Ricardo Diaz

3. Sa pagtatanong sa akin ng imbestigador na pulis sa aking salaysay, ito ang aking
mga nasabi:

T. Matatandaan mo ba kung nasaan ka noong gabi ng Enero 21,
1993 bandang alas diyes ng gabi?
S: Nasa panulukan po ako ng Sta. Teresita at G. Tuazon St at ako
ay nikikipag-inuman sa aking mga kaibigan

T: Mayroon ka bang natatandaan na hindi pangkaraniwang na
nangari ng gabing iyon?
S: Mayroon po, habang kami ay nag-iinuman, yung kaibigan
naming sa kabila ng Forbes St ay tumawid papunta sa amin
at tinawag kami dahil may rumampa raw na kotse sa island

T: Ano naman ang ginawa mo nang marining mo na tinawag
kayo ng kaibigan mo?
S: Ako po ay tumakbo papunta sa kotse na rumampa, ngunit ng
malapit na ako sa kotse, may nakita ako na tao na
nakahandusay sa gitna na kalye at napansin ko na
nagtakbuhan ang mga tao na may hawak na kahoy at bato at
hinahabol po nila ang kotseng kalalampas lang at sila ay
nagsisigaw ng HOY TIGIL MO YAN, kaya ako ay nakihabol na
rin hanggang sa ako ang mauna na nakapunta sa harapan ng
kotseng ito at tinukuran ko para hindi makaalis

T: Ano naman ang ginawa mo nang huminto na ang kotse na ito?
S: Dahil palapit na ang mga taong may dala ng kahoy at bato,
sinabi kong huwag galawin ang Driver at paatrasin na lamang ito
para madala ang nasagasaan sa hospital. Kaya ako ay sumakay sa
loob ng kotse para hindi makatakbo ito. At pinaatras naming
hanggang sa nakahandusay na babae.

T: Nakilala mo ba kung kaninong kotse itong sinakyan no na
hinabol ninyo at kung sino ang driver nito?

S Ang kotse ay Toyota ng may plaka na PES 764 at minamaneho
noon ni Leonard Mendez.

2
T: Papaano mo nakilala na si Mendez ang Driver?
S: Kinuha ko po ang lisensya niya noong nasa loob kami ng kotse
para makasiguro na kung tatakbo siya at kilala na siya.

T: Nakita mo ba na nasagasaan ni Mendez ang babae na
nakahandusay sa gitna ng kalye na si Rochelle Llanete?
S: Hindi po, pero siya po ang hinabol ng mga tao na nagsabing
siya ang nakasagasa at isa pa nang pinaatras namin siya ay
nerbyos na nerbyos siya at hindi pa nga siya nakaatras ng deretso
dahil pag atras niya ay nasagi pa niya ang island sa gitna.

T: Sino naman ang nagdala sa nasagasaan na si Chele Llanete sa
hospital?
S: Ako po, kasama si Edwin Tabao at si Mendez

T: Sino naman itong si Edwin Tabao
S: Siya po ang may ari ng kotseng rumampa sa gita ng island.

T Ilan ba kayong humabol sa kotse na minamaneho ni Mendez?
S: Marami pong tao ng humabol kay Mendez, kasama na ang
matandang kaibigan naming na tumawag sa amin dahil may
rumampa na kotse at ito ay si Mang Balbin

T. Nasabi mo na kasama ka sa nagdala sa biktima sa hospital, ila
ba ay naimbistigahan at nagbigay ng salaysay sa mga Police
Investigator?
S: Tinanong lang ako kung ano ang ginagawa ko doon at sinagot
ko naman na kasama ako sa naghatid sa biktima pero maliban
doon hindi na nila ako tinanong.

T: Ikaw ba ay lasing ng gabing iyon?
S: Ako po ay nakainom per hindi naman lasing na naging dahilan
para ako ay hindi nila pansinin.

T: Nang ikaw at tumakbo papunta sa nakarampa na kotse, nakita
mo na may nakahadusay na tao sa gitna?
S: Hindi ko napansin, nang malapit na ako saka ko lang
nakita ang babae dahil sa mga taong naghahabol na sa
kotseng ni Mendez

T: Ikaw ba ay sinaktan, binugbog o kaya ay pinangakuan para
magbigay ng salaysay na ito?
S: Hindi Po.


4. Bilang katunayan, kalakip nito bilang Annex A ang kopya ng aking salaysay
noong ika 12 ng Marso 1993 na aking pinanumpaan sa harap ni Atty. Ricardo
Diaz

5. Dahil sa aking nasaksihan masabi ko na walang kinalaman si Edwin Tabao sa
nasabing aksidente dahil yung kaibigan ko na si Mang Balbin na tumawag sa akin
na nagmula sa kabila ng Forbes ang nakakita ng pagrampa na sasakyan nito sa
island divider dahil siya ay nasa kalye Forbes nang mga sandaling iyon at dahil
doon ay tinawag niya ako para pumunta at tumulong sa nasabing kotse. Kung
ang kotseng nakarampa sa island na minamaneho ni tabao ang nakabangga sa
babaeng nakahandusay sa gitna ng kalye, ito sana ang sinabi sa amin ni Mang
3
Balbin na nakakita ng pagrampa ng kotse ni Tabao., at hindi lamang ang
pagrampa ng nasabing sasakyan

6. Bukod dito, dahil sa kasama si Mang Balbin sa mga Humahabol sa Kotse ni
Mendez na sinasabi nilang nakabangga kay Llanete, ito ang magpapatunay na
walang kinalaman si Edwin Tabao, dahil hindi nila ito hinabol dahil nakatuon ang
paghabol nila kay Mendez Lamang;

7. Kahit hindi ko nakitang personal kung sino ang nakabangga kay Llanete, sigurado
akong walang kinalaman dito si Edwin Tabao, dahil maraming sandali and
nakalipas nang siya ay marampa sa island at ako ay makarating sa nasabing
lugar at nang pagdating ko doon ay nakita ko ang kotse ni Mendez na dumaan at
pagkaraan nito at noon ko nakita ang babaeng humandusay sa kalye kayat si
Mendez ang hinala kong nakabangga dito.

8. Sa salaysay na ito ay gusto kong maliwanagan ang aking naging testimonya sa
hukuman at nais kong maituwid na hindi ako tumestigo laban kay Edwin Tabao
dahil alam kong wala siyang kinalaman sa nasabing aksidente. Katunayan ay siya
ang unang tumulong sa biktima dahil siya ang kumarga dito papunta sa kotse ni
Mendez hanggang sa hospital;

9. Hindi rin siya akusado sa kaso dahil siya ay testigo lamang nang ang kaso ay
unang inimbistigahan ng pulis.

10. Sa salaysay na ito, lubos akong tumetestigo na walang kinalaman si Edwin Tabao
sa naganap na aksidente noong ika 21 ng Enero 1993 na naging dahilan ng
pagkamatay ni Rochelle Llanete.

11. Bilanga katibayan sa katotohan ng salaysay na ito, nilagdaan ko ito ngayong ika
___ ng Setyembre 2011 sa Lungsod ng Maynila.




FRANCISCO CIELO y CUARESMA
Nagsalaysay

SUBSCRIBED AND SWORN to before me this ____ day of September 2011 at the
City of Manila ,Philippines, affiant exhibiting to me his Government Issued Identification
Card with Serial No. _____________________, issued by __________________________


NOTARY PUBLIC
Doc. No. ___
Page No. ___
Book No. ____
Series of 2011

You might also like