April 2014

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 8

VOLUME XXXIV

Issue 3
APRIL 2014 Serving Los Baos and nearby communities
www.lbtimes.ph
Totoy Binata Ka Na Oplan Tule
inilunsad ng MHO
Pagsasanay sa organic vegetable production
isinagawa ng GAD Offce, PCAARRD
ni Joyce Marie Maloles
ni Joyce Marie Maloles kasama ang mga ulat ni James Gabrido at Lembert Tandang
Itutuloy sa pahina 3
Muling inilunsad ng Municipal Health
Offce (MHO) ang taunang Totoy Binata
Ka Na Oplan Tule sa limang barangay ng
Los Baos mula Abril 22 - Mayo 17. Naglaan
ang bawat barangay ng isang araw upang
isagawa ang libreng pagtutuli. Tinatayang sa
bawat barangay ay nasa humigit kumulang
100 kalalakihan na may edad walo pataas ang
sumailalim sa libreng tule mula nang simulan
ito noong Abril.
Bago ang sesyon ng pagtutuli, ang
mga kalalakihan ay pinangaralan muna
tungkol sa pag-iwas sa droga at sigarilyo.
Ginanap ang pangatlong bahagi ng
pagsasanay sa organic vegetable production
ng Gender and Development (GAD) Offce
ng Los Baos at ng Philippine Council for
Agriculture, Aquatic and Natural Resources
Research and Development (PCAARRD)
noong Abril 30 sa PAMANA Center sa
Brgy. Putho-Tuntungin.
Nakilahok sa pagsasanay ang humigit
kumulang 40 na katao mula sa mga
barangay ng Maahas, Timugan, Bagong
Silang, Lalakay, at Putho-Tuntungin.
Tinalakay ang paggawa ng organikong
pataba gamit ang manure tea, kompost,
binurong katas ng halaman, lactic
acid bacteria serum, at green manure;
paggawa ng organikong pestisidyo; at ang
organikong pagbibinhi ng gulay. Si Celeria
S. Rodolfo ng UP Los Baos Institute of
Plant Breeding (IPB) at mga kasamahan
sa proyekto ang mga nagsilbing punong
tagapagsanay.
Ayon kay Lucas Dela Cueva, pangulo
ng Maahas Senior Citizens Association
at isa ring kalahok, bukod sa pagkakaroon
ng pagkain na walang masamang kemikal,
maari din nila itong pagkakitaan.
Dagdag pa niya, maliban sa
magkakaroon sila ng karagdagang kita ay
mapapabuti pa ang kanilang kalusugan
dahil sa organic na ani. Plano ni Dela
Cueva na magpatawag ng pulong sa mga
magsasaka ng Brgy. Maahas para ituro
ang mga natutunan nila sa pagsasanay.
Sa ganitong paraan, mas mabilis na
mapalalaganap ang organic farming sa
kanilang lugar aniya. Nag-uwi rin ang mga
nakilahok sa pagsasanay ng mga organic
spray para masubukan sa kanilang pananim.
Ang naunang dalawang bahagi ng
pagsasanay ay ginanap noong Abril 15-16
at Abril 23 at 25 sa munisipyo ng Los
Baos.
Layunin ng programang Kabataang
Iwas Droga at Sigarilyo (KIDS) na
magsilbing gabay ng mga kabataan ukol
sa kapahamakang dulot ng droga at
sigarilyo. Matapos ang pagbibigay aral,
ang mga kabataan ay nanumpa sa harap ng
kanilang mga magulang na sila ay hindi
kailanman maninigarilyo at gagamit ng
ipinagbabawal na gamot.
Ang Oplan Tule ay isinagawa ng
MHO sa pakikipagtulungan sa mga
barangay council ng bawat barangay at
sa kooperasyon ng Makiling Medical
Society.
Libre!
Tulong-tulong ang mga kalahok mula sa mga barangay ng Maahas, Timugan, Bagong Silang,
Lalakay, at Putho-Tuntungin sa paghahanda ng mga sangkap para sa organikong pestisidyo bilang
bahagi ng pagsasanay sa organic vegetable production (Larawang kuha ni LBTandang).
2
LOS BAOS TIMES
LB chess wiz qualifes in ASEAN chess tournament
MHO nagpaalala patungkol sa rabies
Ayon sa Municipal Health Offce
(MHO), bagamat mataas ang bilang ng
kaso ng animal bite o kagat ng hayop sa
Los Baos, hindi naman mataas ang kaso
ng rabies. Dagdag pa ng MHO, isa pa
lamang ang naitalang kaso ng rabies simula
Enero 2014.
Sinasabi ng MHO na ang pagtaas
ng bilang ng kaso ng animal bite tuwing
tag-init ay maaaring dahil sa mas madalas
na paglabas sa bahay ng mga kabataan
tuwing bakasyon. Ayon din sa kanilang
obserbasyon, may posibilidad na mas
maging agresibo ang mga aso kapag
mainit ang panahon. Isa pa ding nakikitang
dahilan ang kapabayaan o di responsableng
pag-aalaga sa hayop ng ilan.
Paalala ni Dr. Alvin Isidoro, municipal
health offcer, parte ng responsableng pag-
EDI TORI AL STAF F
Aletheia Canubas James Gabrido
Joyce Marie Maloles Rowely Parico
Lembert Tandang Jaira Elisa Undag
Ricarda Villar
Writers
Ricarda Villar
Editor-in-Chief
Joyce Marie Maloles
Associate Editor
Ricarda Villar
Layout Artist
Rosa Pilipinas Fadri-Francisco
Adviser
The Los Baos Times is produced by the students and
staff of the Department of Development Journalism
at the UP Los Baos College of Development
Communication. No part of this paper may be
reproduced or distributed in any form or by any means
stored in a database or retrieval system without
prior consent. All rights reserved.
The Los Baos Times is located at Rm. 201B,
Department of Development Journalism,
College of Development Communication,
University of the Philippines Los Baos
College, Laguna
Tel. No.: (049) 536-2511 local 401 or 410
Email: lbtimes@devcom.edu.ph
Website: http://lbtimes.ph
NEWS
aalaga sa mga hayop ang pagsunod sa
mga alituntunin na nakasaad sa Anti-
rabies Act. Ang ilan sa mga nakapaloob
dito ay ang mga sumusunod:
1. Pabakunahan ang alagang aso sa
pinakamalapit na klinika.
2. Irehistro ang alagang aso sa
munisipyo.
3. Itali o ikulong ang alagang aso
upang hindi magpagala-gala sa
daan.
4. Kapag nakakagat ang alagang
aso, obligasyon ng may-ari
na tulungan o bayaraan ang
mga nagastos ng biktima sa
pagpapabakuna.
Kapag naman nakagat ng anumang
hayop, gawin ang mga sumusunod:
1. Huwag pumunta sa albularyo o
gumamit ng bawang at iba pa sa
sugat.
2. Linisin agad ang sugat gamit ang
ordinaryong sabon at tubig.
3. Pumunta sa pinakamalapit na health
center para sa bakuna. Dapat pa ding
magpabakuna kahit may bakuna ang
asong nakakagat.
Ayon kay Dr. Isidoro, malaking tulong
ang pagkakaroon ng Animal Bite Treatment
Clinic sa Rural Health Unit sa Brgy. Anos sa
mababang bilang ng kaso ng rabies sa Los
Baos. Gayun pa man, kailangan pa din ang
agarang pag-iingat at responsableng pag-
aalaga sa mga hayop.
Para sa mga galang aso, maaaring
tumawag sa inyong barangay upang ito ay
mahuli at makulong.
Nine-year-old Michael Jako Concio Jr. of Brgy.
Mayondon will be one of the Philippine representatives to
the 15th ASEAN + Age Group Chess Championships to
be held on June 3-12, 2014 at the Sands Cotai Central in
Macau.
Jako earned his slot in the Philippine delegation after
ranking third in the 2014 National Age Group Chess
Championships in San Antonio, Quezon Province held last
April 21-27. The top three players in the 14 categories will
represent the Philippines at the ASEAN chess tournament
in Macau.
This is not the frst time that Michael Jr. will represent
the country in an international chess tournament. In 2012,
he competed in the open under 8 category at the World
Youth Chess Championships in United Arab Emirates.
ni Joyce Marie S. Maloles
by Ricarda Villar
At a young age, Michael Concio Jr. has already won in several chess
tournaments (Photo courtesy of MConcio).
3
LOS BAOS TIMES
LBG holds fun run, raises funds for scholarships
Brgy. Mayondon holds free chess clinic
by Ricarda Villar
The Los Baos Group (LBG), Incorporated held a
Takbo ng Bayan para sa Kabataan last May 18, 4 am at
the UP Los Baos Baker Hall.
According to Randolph Tolentino, the activity head
and one of the prime movers of the LBG Inc., the fun
run aimed to gather funds for high school scholarships.
Tolentino explained that LBG Inc. members have observed
that several elementary students are not able to pursue high
school because of fnancial constraints. The organization
will be coordinating with the Los Baos National High
School and Los Baos Community National High School in
identifying deserving students for the scholarship.
LBG Inc. is a volunteer organization focused on doing
community service, cleaning programs, relief operations,
medical missions, among others. The organization was
registered at the Securities and Exchange Commission in
January 2013 and is a recognized civil society organization
as well as a member of the Municipal Development Board.
Fourteen children, aged 2-12, took part in a free chess
clinic organized by Brgy. Mayondon last May 7-16.
Barangay Councilor Michael E. Concio spearheaded
the chess clinic and served as a tutor together with his
The organization currently has 30 active members. LBG Inc.
membership is granted to individuals who have taken part in three
organization activities. Organization IDs will then be issued. LBG Inc.
does not require any membership fee.
NEWS
Mula sa pahina 1
Pagsasanay sa organic vegetable production...
by Ricarda Villar
Ang mga pagsasanay na ito ay bahagi ng programang
Enhancing Gender-Sensitive Sustainable Agriculture and
Aquatic Science and Technology (S&T)-based Livelihood
Enterprises in Los Baos ng PCAARRD at ng lokal na
pamahalaan ng Los Baos.
Michaela (left photo) and Michella (right) teach the basic of chess play to the participants through one-on-one play and small group sessions
(Photo courtesy of MConcio).
children Michaela Angela, 19 years old; Michella, 18 years old; and
Michael Jr., 9 years old. According to Councilor Concio, it is their
familys way of giving back to the community.
Tinatayang nasa 125 na residente o nasa 25 pamilya sa bawat
barangay ang matutulungan ng kabuuang programa sa pamamagitan ng
pagsulong ng sustainable gender-sensitive livelihood projects sa tulong
ng ibat-ibang ahensyang bahagi ng Los Baos Science Community.
4
LOS BAOS TIMES
COMMUNITY POSTS
Brigada Eskwela 2014
May 19-24, 7 am
Los Baos Community
National High School
Jamboree Road, Timugan,
Los Baos, Laguna
May 19-23, 7 am
BN Calara Elementary School
Anos, Los Baos, Laguna
Los Baos National High School
Pearl St. Umali Subdivision,
Batong Malake, Los Baos, Laguna
Lopez Elementary School
Lopez Ave, Los Baos, Laguna
Mayondon Elementary School
Mayondon, Los Baos, Laguna
Los Baos Integrated School
Mayondon-Bayog, Los Baos, Laguna
April 28-May 16 Suspension of PTCFOR
for Laguna Province during the
Palarong Pambansa 2014
All permits to carry frearms outside of
residence (PTCFOR) are suspended in Laguna
Province for 19 days from April 28 to May 16,
2014. Only members of the PNP, AFP, and other law
enforcement agencies (LEAs), who are performing
offcial duties and in agency-prescribed uniforms
will be allowed to carry frearms. This is part of the
security preparations to ensure that the Palarong
Pambansa 2014 would be free from frearm-related
incidents and to ensure safety of the populace, as
well as the tourists. Aside from the suspension,
checkpoints, Sita/Oplan Bakal, mobile/foot patrols,
and other security operation will be conducted in
close coordination with the AFP.
Karaniwang Sakit ng mga Bata sa Tag-init
Ayon kay Dr. Alvin Isidoro, municipal health
offcer, karaniwan ang sipon, ubo, lagnat, pagtatae,
bulutong, sore eyes, at bungang araw sa mga
kabataan tuwing tag-init.
Kaugnay nito, nagbigay ng payo si Dr. Isidoro:
Ugaliin ang madalas na pag-
inom ng malinis na tubig.
Kumain ng malinis na
pagkain.
Maghugas ng kamay bago
kumain.
Umiwas sa mga maduduming
lugar o bagay na maaaring
magdala ng mikrobyo.
Manatili sa loob ng bahay
hanggat maaari upang maka-
iwas sa mga karaniwang sakit.
Dagdag pa ni Dr. Isidoro, mapabata man
o matanda, makabubuting kumain ng mga
prutas, gulay at masustansyang pagkain upang
mapaglabanan ang sakit.
April 1 - June 30, 2014 Tax Amnesty
Ipinatutupad ang tax amnesty sa
real property tax sa Los Baos simula
Abril 1 Hunyo 30, 2014 sa ilalim ng
Panlalawigang Ordinansa Blg. 01, S.
2014.
Pinaliwanag ni Ador Castillo dela
Cruz ng Los Baos Municipal Treasury na
mula Abril 1 hanggang Hunyo 30 ay hindi
na sisingilin ang 2% na multa o penalty
kada buwan sa late payment na sakop ng
taong 2011 at ang mga sumunod pang
taon.
Ang lahat ay inaanyayahang
samantalahin ang tax amnesty at
magbayad ng buwis sa lupa sa lalong
madaling panahon. Magtungo lamang sa
Municipal Treasury at magbayad sa Land
Tax Division.
May 18 Takbo ng Bayan para sa Kabataan
The Los Baos Group, Inc. will be holding
a fun run on May 18 at 4 am at the UP Los Baos Baker
Hall. Registration fee is PhP 200 for the 2K, 5K, and 10K
categories. Participants may register at the:
1. Gender and Development (GAD) Offce of the
New Municipal Bldg. during offce hours
2. Leos Photo along Lopez Avenue from
9 am - 6 pm
3. Timog Greens and Grill at Brgy. Timugan along
the National Highway from 1 pm - 11 pm
4. Red Gloves Boxing Gym at Junction from 8 am
- 5 pm
5. UPLB Baker Hall from 4-6 pm daily until May 17
Proceeds will fund high school scholarhips for
deserving Los Baos indigent students. For inquiries,
contact Randolph Tolentino at 0917 3783057.
Kalusugang Sigurado
Handog ng Knights of
Columbus Council 11993
Immaculate Conception Parish
ang Kalusugang Sigurado sa
May 18, 2014 (Sunday) mula
5am-10am sa Immaculate
Conception School sa Bayan,
Los Baos, Laguna.
Ang Diagnostic Package na
nagkakahalaga ng PhP 300 ay
naglalaman ng mga sumusunod:
ECG, FBS, Total Cholesterol,
BUN, SGPT, CBC, uric acid,
at urinalysis. Magdala ng urine
sample at huwag kumain o
uminom ng ano man sa loob
ng 8-12 oras bago ang mga
pagsusuri.
Los Baos Idol Season 2
Gaganapin ang audition
para sa Los Baos Idol
Season 2 sa Robinsons Town
Mall Los Baos sa May 24,
2014 sa ganap na ika-9 ng
umaga.
Magparehistro sa
tanggapan ng Sangguniang
Bayan at hanapin si Ping
Ramos (0933 3234925).
Dalhin ang sumusunod
na dokumento sa inyong
pagpaparehistro:
1. Orihinal at photocopy
ng inyong voters
ID (o voters ID ng
magulang kung ang
magpaparehistro ay
minor de edad);
2. Orihinal at photocopy
ng inyong certifcate of
residency;
3. Photocopy ng birth
certifcate; at
4. School ID.
5
LOS BAOS TIMES
FEATURE
Be brave.
Kapag ikaw ay matatakutin, walang mangyayari sayo. Kailangan buo ang loob
(If you get scared easily, nothing will happen to you. You have to be prepared.).
Learn to be independent.
Siyempre magbubukid ako, natuto akong magsupport sa sarili ko (Of course,
since I was a farmer, I learned how to support myself).
Believe in yourself.
Maniwala ka sa sarili mo. Kung matapang ka lang, kulang yun. Kailangan
maniwala ka na kaya mong gawin yung mga bagay na yun (You have to believe
in yourself. Being brave is not enough. You have to believe that you can do things
[that you need to do]).
Love your neighbors
Magmahal sa kapwa mo. Wag mo dapat isipin kung ano ang makukuha mo
sa kanya para lang maging kaibigan sya. Wag ka rin mamimili ng magiging
kaibigan mo at pakisamahan mo sila ng mabuti (Love your fellowmen. Dont think
about all the perks you might get when you become friends with a certain person.
Dont choose who youre going to be friends with, get along with them kindly).

Persevere.
Matiyaga, ganito dapat ang sundalo (Persevering, a soldier should be like this).
They eloped on October 1, 1950 and
were married on November 18, 1951. They
were blessed with nine children, six girls
and three boys. Unfortunately, their 8
th

child Marissa died.
Fast-forward to 60 years after they
got married, Nanay Aurelia and Mang
Norberto are living in Los Baos with
one of their children and a grandson. All
of their children are all college degree
holders and are working in different parts
of the Philippines, and some in other
countries.
How they were able to send all of
their children to college is something that
Nanay Aurelia takes credit for. Swerte
siya at mahilig ako magnegosyo (Hes
lucky he has a wife that likes to venture
in businesses), said Nanay Aurelia. She
made sure to grow Mang Norbertos salary
by trying different businesses such as
sewing, tailoring, selling food, to name a
few. She would sell these to workers of
employees of big corporations based in
Laguna.
Now, they are busy with gardening,
taking care of their grandson, and telling
stories of how diffcult life was then
but how they got through it due to their
bravery, perseverance, and hard work.
Mang Norbertos Life Lessons
Continued from page 8
Remembering World War II Veterans...
6
LOS BAOS TIMES
Libis ng Nayon Resort, dahil sa panahon ngayon
ay maraming nag-a-outing. Mas magandang
puntahan ang Libis ng Nayon, kasi ito ay running
water at everyday napapalitan ng tubig ang pool.
-Perla Cangao, Brgy. Anos
Dampalit, binabalik-balikan na puntahan o
dayuhin ng mga tao.
- Eduardo Tagalog, Brgy. San Antonio
Pook ni Maria Makiling. Maraming taga Los
Baos [ang] nakakarating sa magandang lugar
na ito. Nakakalungkot lang dahil sarado na ito
ngayon. Sana mabigyan ng pansin at maibalik ang
dating ganda nito.
-Mark Cruz, Brgy. Batong Malake
Dampalit Falls para sa akin dahil ito ay lugar
na makasaysayan sa bayan ng Los Baos. Bukod
sa NAWASA ay maituturing na itong isa sa mga
beautiful spots sa Los Banos. Marami ng mga
dayuhan ang dumayo dito para maligo. Subalit
sa di inaasahang pangyayari ay natabunan ang
paliguan ng dahil sa bagyong Milenyo. Sanay
maibalik ang dating ganda nito.
-Ma.Theresa Cruz, Brgy. Batong Malake
Paciano Rizal Shrine, dito sa lugar na kung saan
ang kanyang labi ay nakalibing sa tabi o bakuran
ng kanyang bahay. Siya ang nakakatandang
kapatid ni Gat. Jose Rizal.
-Gabriel Galsim, Brgy. Batong Malake
Sa National Arts Center, maganda doon at ang
tanawin. Maganda ring pasyalan pag nag-hiking.
-Ysa Lorren Gatil, Brgy. Anos
Floating Restaurant sa Baybayin Old Municipal
Hall, magandang simoy ng hangin at masarap ang
pagkain.
-Melo Jean Lalo, Brgy. Bayog
Yamashita Shrine sa PCAARRD, hindi gaanong
kilala yun at napupuntahan ng mga taga LB.
-Vian Pez, Brgy. Bambang
Pook ni Maria Makiling, dun magandang
puntahan ng mga tao at hindi pa naman
napupuntahan ng karamihan.
-Jolan Dela Cruz, Brgy. Batong Malake
Anong alam mong pasyalan dito sa Los Baos
na hindi alam ng karamihan?
ANONG
MASASABI
MO?
Gaano kahalaga ang industriya ng turismo sa Los Baos?
Napakahalaga ng partisipasyon ng turismo. Dito nakasalalay kung
gaano karami ang mag-iinvest sa ating bayan. Kapag ang Los Baos
ay dinarayo ng maraming mga turista o bisita dahil sa magaganda
nitong tourist destinations, mas mataas ang posibilidad na makumbisi
ang mga negosyante na mag-invest sa Los Baos.
Gaano kadami ang bumibisita sa Los Baos?
Mayroon tayong tinatawag na accomodation na mga bisita o yung
mga nananatili ng ilang gabi dito sa atin at ang whole day na mga
bisita na nananatili lamang ng isang buong araw dito sa atin. Sa
kabuuan, mayroon tayong humigit kumulang 200,000 na bisita sa
bawat buwan. Para sa buwan ng Mayo lamang, nagtala ang ibat-
ibang mga hotels at resorts ng 300,000 na mga turista na dumayo sa
kanilang lugar.
Ano ang magagawa ng mga mamamayan sa pagpapaunlad
ng industriya ng turismo?
Magkaroon tayo ng sapat na kaalaman patungkol sa mga
magagandang destinasyon dito sa Los Baos. Huwag tayong maging
dayuhan sa ating sariling bayan. Malaking bagay na alam natin ito
upang sa mga pagkakataon na mapagtanungan tayo ng mga turista
ay alam natin kung saan sila maaaring pumasyal. Sayang naman ang
pagkakataong ipakilala ang ating bayan sa kanila kung wala tayong
maayos na maisasagot. Malaki ang maitutulong ng pagkakaroon
ng sapat na kaalaman kung paano natin maipagmamalaki ang ating
bayan sa pagpapaunlad ng ating turismo.

Malaking bagay din ang pagkakaroon ng disiplina ng mga
mamamayan. Kahit gaano kaganda o kasayang puntahan ang isang
lugar, isa pa ding malaking konsiderasyon ng mga turista ang peace
and order situation. Kung hindi tahimik ang isang lugar, matatakot
ang mga turista na dumayo. Walang pag-unlad kung walang disiplina.
Ang disiplinang ito, kasama ng nagkakaisang mamayan at matahimik
na bayan ay mga elemento ng maunlad na turismo.
Mayroon bang mga bagong pasyalan sa Los Baos?
Ang lumang munisipyo ay gagawing makasaysayang museo
kung saan ipapakita ang mga kasaysayan ng Los Baos mula
1615 hanggang sa kasalukuyan at ilalagak ang ilang mga lumang
kagamitan.
Anu-ano ang mga ginagawang hakbang para maipagbigay alam sa
nakararami ang mga pasyalan sa Los Baos?
Magpapalabas ng isang music video kung saan ipinapakita ang
mga pasyalan sa Los Baos.
Magtatayo ng Tourism Center at souvenir shop sa ibaba ng
bagong munisipyo.
MUNICIPAL TOURISM OFFICE
Kinapanayam ng aming reporters na sina James Gabrido at Lembert
Tandang ang Tourism Offcer ng Los Baos na si Rommel E.
Maningas upang malaman ang kanilang mga proyekto.
ULAT BAYAN
Itutuloy sa pahina 7
7
LOS BAOS TIMES
Ano ang kaugnayan ng blood pressure sa
hypertension? Bakit kailangang kuhanin ang
blood pressure?
Ang blood pressure ay mahalagang vital sign.
Ayon sa Joint National Committee (JNC), ang
normal na blood pressure ay:
150/90 pababa para sa may edad 60
pataas
140/90 pababa para sa edad 60 pababa
Kung ang blood pressure ng isang tao ay
patuloy na lumalampas sa mga pamantayang
nabanggit, siya ay maaring mayroong
hypertension. Subalit dapat tandaan na ang
blood pressure ng isang tao ay paiba-iba
depende sa sitwasyon. Halimbawa, kung under
stress o puyat ang isang tao, maaaring tumaas
ang kanyang blood pressure.
Ano ang mga dapat tandaan kapag ang isang
tao ay may hypertension?
1. Bantayan o alamin ang blood pressure.
2. Inumin ang tamang gamot.
3. Bantayan ang diyeta.
4. Regular na mag-ehersisyo.
5. Huwag manigarilyo.
6. Kung umiinom, kumunsumo lamang
ng tamang dami ng alkohol.
Paano malalaman kung magkakaron
ng stroke?
Ang atake ng stroke ay kadalasang biglaan.
Ngunit kung ang stroke ay dahil sa pagbabara
ng ugat sa utak, mapapansin na ang kanan
o kaliwang bahagi ng katawan ay mahina
o manhid. Halimbawa, hindi maigalaw ang
buong kanang bahagi ng katawan o kaya ay
nabulol dahil ang kalahati ng bibig ay manhid.
Sa hemorrhagic stroke naman ay nagkakaroon
ng biglaan at matinding pananakit ng ulo.
Mga dapat alamin tungkol sa stroke at hypertension
Ang stroke at hypertension ay isa sa mga pangunahing sanhi ng kamatayan ng maraming
Pilipino. Ano nga ba ang mga ito at paano sila maiiwasan? Kinapanayam ng Dito sa Laguna
si Dr. Rojohn R. Maliwat, cardiologist mula sa Health Serve Medical Center.
Para sa mensahe, kumento, o suhestiyon na
maaaring mapag-usapan sa Dito sa Laguna,
tumawag o mag-text: Send LAGUNA <name>
<address> <message> to 0916-188-DZLB (3952) o
tumawag sa 536-2433.
Ang Dito sa Laguna ay nasa ilalim ng produksyon
at pamamahala ng Department of Development
Broadcasting and Telecommunication ng UP Los
Baos College of Development Communication.
Ang bahaging ito ay sa produksyon ng mga
sumusunod: Project Coordinator/Program Producer:
Ma. Teresita B. Osalla; Program Hosts: Mark Lester
M. Chico and Mildred O. Moscoso; Episode Producer:
Ma. Teresita B. Osalla
Ano ang maaaring gawin upang
maiwasan ang stroke?
Tandaan na mas mainam ang pag-iwas
dito kaysa sa pag-gagamot. Magagawa ito
sa pamamagitan ng:
1. pagbabago sa uri ng pamumuhay
partikular sa diyeta. Mayroong
tinatawag ang JNC o World Health
Organization na diet approaches na
may kinalaman sa pagkain ng prutas
at gulay at mababang pagkonsumo
ng asin upang masugpo ang
hypertension.
2. pagkakaroon ng regular na
aktibidades na pang-pisikal o
ehersisyo.
May kinalaman ba ang paninigarilyo
sa stroke?
Ang paninigarilyo ay isa sa mga
pangunahing dahilan ng pagkakaroon ng
bara sa ugat.
Ano ang dapat gawin kapag inatake
ng stroke ang isang tao?
Kung malayo sa gamot o oxygen, gawin
ang mga sumusunod:
1. Hayaang nakahiga ang pasyente at
tumawag ng tulong.
2. Maghanap ng paraan kung paano
makakapunta sa pinakamalapit na
ospital.
3. Kung alam na ng pasyente na syay
may bara sa puso at sumakit ang
kanyang dibdib, hingin sa pasyente
ang karaniwang iniinom na gamot
o anumang blood pressure (BP)-
lowering pill. Lagyan ang pasyente
ng isang tableta ng BP-lowering pill
sa ilalim ng dila upang lumuwag
ang ugat sa puso at mawala ang
sakit. Kung hindi pa din nawala ang
sakit ng dibdib, dalhin na sa ospital ang
pasyente.
Anu-ano ang mga risk factors sa pagkaroon
ng cardiovascular disease?
1. May edad na 45 pataas
2. Kasarian mas madaling magkaroon
ng cardiovascular disease ang
mga kalalakihan kumpara sa mga
kababaihan.
3. Hypertension kung ang blood pressure
ay laging lampas sa normal
4. Diabetes o mataas na antas ng asukal sa
dugo
5. Mataas na antas ng choresterol sa dugo
6. Obesity
7. Kakulangan sa ehersisyo
8. Mga gawaing nakapag-bibigay ng stress
Bilang huling paalala ni Dr. Maliwat,
pinaalalahanan niya ang bawat isa na
kumunsulta muna sa doktor bago uminom ng
anumang gamot at upang mabigyan ng payo
tungkol sa tamang gamot, diyeta at ehersisyo.
Ang Dito sa Laguna ay isang programang ipinalalabas tuwing Sabado sa Community Cable Channel 8
sa ganap na ika-10 ng umaga. Laman nito ang mga magagandang kwento, masasayang karanasan, at
makabuluhang mga usapan patungkol sa Laguna. Ang replay ay tuwing Lunes (2PM), Miyerkules (4PM),
at Biyernes (10PM) sa parehong istasyon.
FEATURE
Para sa pag-aayos ng ilang pasyalan, ang
munisipyo ay humihingi ng tulong sa mga
barangay kung saan matatagpuan ang mga
pasyalan. Halimbawa, nakikipagtulungan
ang munisipyo sa mga unibersidad upang
maisaayos ang Yamashita Shrine at
makatulong sa kaunlanran ng lugar.
Ibubukas sa publiko ang mga hotspring
tuwing tag-lamig o tag-ulan. Kilala din ang
Los Baos sa magagandang hot springs.
Ngunit karaniwang isinasara ang mga
paliguan tuwing panahon ng tag-lamig.
Lingid sa kaalaman ng marami, mas
mainam magpunta sa mga hotsprings
sa panahon ng tag lamig o sa tuwing
maulan. Kaya naman sa darating na La
Laguna Festival sa Sta. Cruz, Laguna,
ia-anunsyo na ang mga hotspring sa
bayan ng Los Baos ay magbubukas
at magbibigay ng 50% na bawas sa
presyo. Dahil dito maaring kumita ang
mga may-ari ng hotspring kahit na malamig
o tag-ulan.
Mas papagandahin ang mga taunang
programa gaya ng Baamos Festival na
idinaraos tuwing Setyembre upang mas
makahikayat ng mga turista.
Isasaayos pa ang daloy ng trapiko sa Los
Baos at pananatilihin ang disiplina sa
pagpapanatili ng kalinisan at kagandahan
ng mga pasyalan.
Mula sa pahina 6 Ulat Bayan...
Be a community correspondent.
LB_Times
lbtimes@devcom.edu.ph
https://www.facebook.com/LbTimes
Share stories from your barangay, school, and/or organization.
Mga natatanging kwento ng Los Baos
Hindi porket may baril ka, ikaw ay matapang na.
Norberto Garcia Sr.
It has been more than 70 years since World War II.
Most Filipinos who fought in this war have already died
or have already migrated abroad. In Los Baos, however,
a war veteran remains-- Norberto Garcia Sr.to tell his
story.
Before becoming a guerilla, Mang Norberto was a
farmer in Batangas City. He volunteered for the war in
1940 and joined the Philippine Scouts. The Philippine
Scouts was made up of Filipinos who served under the
United States Army Philippine Department. It was a
military organization formed by the Americans in 1901
and lasted until the end of World War II.
After the war, he served as a constabulary from 1957
to 1975. The Philippine Constabulary was Philippine
National Polices (PNP) predecessor. Eventually, upon his
retirement, Mang Norberto became a jeepney driver while
also being an active member of their local church.
His years of service during World War II might have
been brief but it brought him lots of life lessons that he
would like to share to future generations.
During the Japanese occupation, Mang Norberto
recalled how they would make use of what little
ammunitions they had against the Japanese. Sometimes
they would throw rocks at them so they could protect their
chickens or their pigs from thieves.
Kapag nandyan na yung mga Hapon, tawag namin
dun hit and run, magbabato kami sa kanila sabay takbo ng
mabilis kasi may mga baril sila (Every time the Japanese
came, which we call hit and run, we threw things at them
and then we run as fast as we could because they had
guns), Mang Norberto recalled.
When the Americans came, Mang Norberto and other
guerillas served by pointing out the places where the
Japanese hid.
It was during the young Norbertos time as a soldier
patrolling the frst district of Laguna that he met the
young Aurelia, his wife, who also experienced hardships
by Rowely Parico and Jaira Elisa Undag
during World War II. Her family had to go to the mountains to
hide for a period of time. When they went back to their houses,
they found out that the Japanese had ransacked their homes. But
the Japanese were not their only enemies then, other Filipinos
who were searching for food and other necessities would steal
whatever they had in their houses.
It was in these turbulent years that Norberto and Aurelia
met and fell in love with each other. The young Aurelia was then
manning their sari-sari store where the young and already smitten
Norberto would everyday buy softdrinks and biscuits.
Nanay Aurelia narrated how the young Norberto would break
away from their troop after hours of patrolling so he could be
with her. She eventually fell in love with the soldier.
Continued on page 5
Remembering
World War || Veterans
Norberto Garcia Sr. of Brgy. Lalakay
shares his life lessons

You might also like