Repleksyon ng kahapon at kasalukuyan, mga akdang bumuhay at bumubuhay sa tanging daan na
nag-uugnay sa ating lumipas. Tunghayan natin ang pagkabuhay ng ilan sa mga pangunahing tauhan ng 4 na obra maestrang Filipino. Maria Blanca: O ngayon ko napagtanto batas ng tao ay liko: Sa mali, ay anong amot sa tumpak ay lumayo! Don Juan: Maglubag na, aking giliw, sa galit mong kinikimkim, kahit ano ang marating akoy iyot ikawy akin, O Pontisiping mataas, ngayon ko po bubuksan ang laman ng kalooban, si Donya Maria ang tunay sa puso koy minamahal. Florante: Ito ay si Laurang ikinasisira ng pag-iisip ko tuwing magunita at dahil sa tanang himutok at luha-itinono ko sa pagsasalita. Laura: Di lubhang nalaon niyong pag-alis mo, o sintang Florante sa Albanyang Reyno, narinig sa bayay isang piping gulo na isang piping gulo na umaalingawngaw sa hanggang sa palasyo. Adolfo: Ikaw na umagaw ng kapurihan koy dapat kang mamatay! Crispin: Ganito na ba lamang tayo habang araw kaka? Ibig kong magkasakit sana bukas sa bahay, magkasakit nang mahabang panahon upang maalagaan ng nanay at huwag nang pabalikin sa kumbento!, Sa gayoy hindi na ako mapagbibintangang magnanakaw at di na ako matatakot! Basilio: Naloloko ka na ba Crispin?, walang maibibili ng pagkain at gamut ang nanay. Sinasabi ng saksristan mayor na nagnakaw ka ng dalawang onsa. Ang dalawang onsa ay tatlumput dalawang piso Sisa : Mahaba-habang araw na pong hindi ko nakikita ang anak kong si Crispin. Inaasahan kong makikita siya sa kumbento kanginang umaga, ngunit doon ang sinabi nila sa akin-. Ginoo. Ang mga anak ko poy hindi magnanakaw kahit silay nagugutom. Kami po ay bihasa nang magtiis sa gutom Padre Damaso: Ang nangangailangan ng mga perito ay ang tuta. Kinakailangang maging lalo pang hangal kaysa sa mga indiyo, na nagpapatayo ng kani-kanilang bahay pag hindi natutuhang itayo ang isang paaralan na binubuo lamang ng apat na pader na napapatungan sa ibabaw ng isang habong sawali. Maria Clara: Ano pa ang magagawa ko? Masasabi ko kaya sa iyo kung sino ang aking ama? Walang tanging natitira sa akin kundi ang magtiis, ingatan ang aking sarili ang gaitong lihim at mamamatay na nagtitiis!-Ngayon aking kaibigan, ngayong nababatid mo na ang malaungkot na kasaysayan ng aba mong si Maria, maidudulot mo pa kaya sa kanya ang ganyang ngiting mapanlibak? Crisostomo: Ngayoy nakikita ko ang kalagim lagim na kanser na sumisira sa ating lipunan, kumakapit sa ating mga laman at humihingi ng isang biglaang pansugpo. Sila ang nagmulat sa aking mga mata, ang nagpakita ng kabulukan at pumipilit sa aking akoy maging salarin!
Basilio : Hindi po ako humahalukipkip, at akoy gumagawang katulad ng iba upang maintindig ang isang lahi sa pagkakaguho, sa paraang papagkaisahin ang kanyang mga mamamayan at itanim sa lahat at bawat isa ang pananagutan sa ikabubuti ng lahat. Datapwat maging ang anuman ang magagawang sigla ng kilusan naming ito ay naniniwala rin kaming kailangan ang pagkakahati-hati ng Gawain kung kayat pinili ko ang aking sariling gawain at tinungo ko ang karunungan.
Simoun: Ano ang kabutihang inyong ginagawa ukol sa bayang itong pinagkautangan ninyo ng pagkatao, nagbigay-buhay sa inyo, at nagbibigay ng inyong nababatid? Hindi ba ninyo alam na walang kabuluhan ang buhay na hindi inuukol sa layuning hindi dakila; isang batong natapon sa kaparangan na hindi magamit sa pagtatayo ng gusali?