Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Sa hirap ng buhay ngayon, madaming Pilipino ang naghahanap ng pwedeng pag kakitaan

at ng mga hanap buhay ngayon. Mapa sa konstruksyon, pagiging katulong, or pangongolekta ng


mga bote, dyaryo, at bakal, lahat ay ginagawa para lamang makapag uwi ng pagkain na ilalaman
sa mga kumukulong mga sikmura, mapag patuloy ang pag aaral ng mga bata, at ipambayad sa
renta ng bahay o sa kuryente na pataas ng pataas kada pag lipas ng panahon.. Alam ng
karamihan na napakahirap ng buhay sa Pilipinas. Kung mapag iisipan, halos dalawa lang ang
pwedeng gawin ng mga tao upang mabawasan kahit ng kakaunti ang kanilang paghihirap. Ito ay
ang maghanap ng matinong trabaho ditto sa Pilipinas, o pumunta sa ibang bansa at mag hanap
ng trabaho dun. Karamihan sa mga tao ay pinipili na pumunta sa ibang bansa upang kumita.
Kadalasan sa mga trabaho na kanilang kinukuha ay ang pagiging caregiver, laborer, at iba pang
maituturing na ganoon kalaki ang kita ngunit sapat lamang na pang tustus sa mga utang. Ang
mga ganitong trabaho naman ay may sarisariling karangalan din dahil ginagawa nila ito para sa
kanilang mga pamilya subalit ang iba, sa sobrang hirap at gipit ng buhay, ay pumapayag na
bigyan ng trabaho o nalololoko ng mga taong hindi ligal na rehistrado ang pangunguha ng mga
trabahador o ang tinatawag na illegal recruiter.

Una sa lahat, ano nga ba ang ibig sabihin ng illegal recruitment? Ayun sa website ng
POEA o ang Philippine Overseas Emplyment Administration, ang illegal recruitment ay ang
pagkuha ng mga tao para sa trabaho o ang pag lipat ng mga gamit o tao sa ibang bansa a
walang tama lisensya. Ibig sabihin neti, hindi na momonitor ng gubyerno ang proseso ng pag
kuha sa mga trabahador na ito. Kung titingnan, mukang ayos lang ito dahil ito naman ay
nagbibigay ng trabaho. Oo nga, may trabaho na nakukuha dito, ang problema lang dito ay
kadalasan, pag dating sa ibang bansa, nagugulat na lang sila na minamaltrato lang sila ng
kanilang mga boss o amo at pag gusto na nilang umuwi, hindi sila pinapayagan o hindi binibigay
ang kanilang mga passport. Minsan naman, ang trabaho na binibigay sa kanila ay iligal tulad ng
pag dadala ng mga iligal na droga tulad ng shabu sa ibang bansa. Ito ay delikado dahil pag sila ay
nahuli, maaring makulong sila ng pang habang buhay o kaya naman sa ibang bansa at bitay ang
parusa. Dahil sa mga illegal recruiters na ito, mas nahihirapan ang gubyerno na tumulong sa
mga Pilipino na nasa ibang bansa.

Ano-ano ang mga bagay na pwedeng tingnang para malaman kung illegal recruiter ang
iyong pinapasukan? Ilan sa mga bagay na laging ginawagawa ng mga illegal recruiter ay ang
pagsingil ng mga placement fee o iba pang bayad na hinid kasama sa resibo, ang pangangako na
agad na makakalis ng bansa ang trabahador, at ang walang kakayahan na mag pakita o
makapagbigay ng tama o sapat na impormasyon ukol sa sarili (POEA, 2014). Dapat maging
maingat ang mga tao sa mga kausap nila na mga employer.

Dahil na nagiging malaking problema na ang illegal recruiting sa ating bansa, gumawa
nan g mga hakbang at batas ang ating gubyerno upang mapigilan ito at matulungan narin ang
mga maari nilang mabiktima at para mapuksa narin ang mga illegal recruiters. Ang isa sa mga
ito ay ang Presidential Decree No. 2018 na nag sasabi na ang illegal recruiting ay pwedeng
maparusahan ng pang habang buhay na pag kakakulong. Nakapasailalim narin sa Republic Act
No. 10022 ang pag tulong sa mga biktima ng illegal recruitment. Mayroon na rin na Presidential
Task Force na ginawa upang labanan ang illegal recruiting. Madami nang ginagawa ang
gubyerno upang tulungan ang mga nabiktima, ang problema nga lang ay talagang napakadami
na nabibiktima ng mga illegal recruiters dahil sa pangako nila ng madaling pag alis ng bansa
upang makapagtrabaho kaagad at ang mabilis na kita. Sa hulit huli, nasa mamamayan parin ang
kapangyarihan na maging aktibo at pagiging maingat uang mabawasan ang mga nabibiktima.

Upang paging alerto ang mga tao ditto, nag tayo ang POEA ng isang website na nag
bibigay impormasyon sa mga mamamayan ukol dito. Nag bibigay din sila ng tulong at mga
rekomendasyon na maaaring gawin upang makaiwas na sa illegal recruitment. Kailangan din
nating maging alerto dahil baling araw ay baka tayo naman ang mabiktima ng mga ito.

SOURCES
http://www.poea.gov.ph/air/identify.htm
http://www.lawphil.net/statutes/repacts/ra2010/ra_10022_2010.html
http://www.chanrobles.com/presidentialdecreeno2018.html#.U3C6LfmSzpc
http://globalnation.inquirer.net/104165/binay-seeks-lgu-media-help-in-battling-illegal-
recruitment
http://www.poea.gov.ph/air/whatisir.htm

FOR PPT: *can I just have these phrase then just report on the stuff on stage using stuff that I
prepared?
-Illegal recruitment
- bakit nabibiktima ang mga tao sa illegal recuiters
-bakit may mga illegal recruiters.
-mga hakbang na kinuha ng gubyerno upang makatulong sa mga nabiktima
-Pano maging alerto sa mga taong ito.

You might also like