Sa isang malawak na lupain na maraming pananim ay may nakatira na simpleng magsasaka.
Isang araw ay may nakita itong itlog na pakalat kalat sa kanyang pananim. Inakala niya na itlog ito ng manok kaya isinali niya ito sa mga itlog na nililimliman ng anyang manok. Kinalaunan ay napisa ang mga itlog. Ang itlog na ito pala ay isang agila pero hindi alam ito ng magsasaka. Akala ng agila ay kamukha din niya ang mga sisiw. Nakalipas ang panahon at namatay ang agila na inaakala na isa lamang siyang manok. Lumipas ang panahon at may isang magsasaka ulit ang nakakita ng itlog sa kanyang mga pananim. Pinulot niya ito at isinali sa mga itog ng kanyang mga manok sa pagaakalang isa lamang itong itlog ng manok hangang sa isang araw ay napisa na ang mga ito. Hindi din alam ng magsasaka na ito ay isang agila. Isang araw napatingin sa taas ang agila at nakita niya ang mga ibon na malayang lumilipad. Nasabi niya sa sarili niya na sana makalipad din ako parang mga ibon na ito. Lumipas ang ilang araw at may napadpad na isang dalubhasa sa kalikasan sa kanyang bahay. Nakita ng dalubhasa ang agila at tinanong ang magsasaka alam mo ba na ang isa sa mga alaga mong sisiw ay isang agila? Sumagot ang magsasaka baka po nagkakamali po kayo iyan po ay isang ordinaryong sisiw lamang. Sumagot ang dalubhasa papatunayan ko sayo na ito ay isang agila. Pinulot niya ito at inangat ang kanyang kamay, hinulog niya ang agila at bumagsak lamang ito sa lupa. Sabi ng magsasaka sabi ko naman po sa inyo, iyan ay isa lamang agila. Sabi ng dalubhasa teka lang subukan natin ulit. Umakyatat ang dalubhasa sa puno dala dala ang agila, hinulog niya ito at bumagsak pa din ito sa lupa. Sabi ng magsasaka sabi ko naman sayo hindi ibon yan! Manok lang yan Sabi ng dalubhasa sa magsasaka tutal madami naman ang mga sisiw mo, pwedeng akin na lang ito. Sabi ng magsasaka sige sayo na lang yan! Wala namang silbi yan! Umalis ang dalubhasa dala dala ang agila at umakyat siya sa pinakamataas na bundok na alam niya. Kadating nila sa tutok ay tinignan niya ang agila at sinabi Agila hindi ka isang manok! Isa kang agila! Lahat ng nakikita mong lugar ay kaya mong puntahan dahil may papak ka! Kaya mong lumipad! Alalahanin mo na kaya among lumipad! Napaharap ang agila sa araw at doon naalala niya ang kanyang mga magulang na mga agila at lumilipad at nakakapunta sa mga lugar na gusto nilang puntahan. Lumipad ang agila nang malaya at Masaya. Simula noon ay hindi na ulit nasilayan ang agila na minsan nagakalang isa lamang siyang manok at wala siyang mararating.