Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang Alamat ng Unggoy

Sa isang liblib na bayan ng punuan, matatagpuan ang isang pamilyang puno ng pagmamahal. May isang
ina na mapag-aruga, maalaga at mapagsilbi sa pamilya at isang ama na masipag at nagsusumikap para sa
ikakabuti ng pamilya. Biniyayaan sila ng tatlong supling. Si Budoy ang panganay sa tatlo, may pagkukusa
siyang tumulong sa gawaing bahay bago pumasok ng paaralan. Ang sumunod ay si Banoy na masipag mag-aral
at maaalalahanin sa bunsong kapatid. Ito ay si Bugoy, isang mabait ngunit makulit na bata.

Maagang gumising ang ina upang ipaghanda ng makakain ang pamilya bago nito simulan ang iba pang gawaing
bahay. Pagkaalis ng bahay ng kanyang asawa at dalawang anak, nagsisimula na siyang maglaba, maglinis ng
bakuran at buong bahay. Sapat sana ang buong maghapon upang magawa ng ina ang lahat ng bagay kung hindi
lang nagiging pasaway si Bugoy. Siya lamang ang naiiwan sa bahay na nakakasama ng ina sa buong
maghapon.

Gustong-gusto ni Bugoy ang paglalaro at pagpapabuhat sa ina o paglalambitin nito sa braso nito. May
katandaan na ang ina kaya't madaling sumakit ang likod nito tuwing magpapabuhat si Bugoy. Ganun din siya sa
kanyang ama, pagdating nito ng bahay ay dali-dali siyang tatakbo at magpapabuhat sa ama. Nakagawian na
niyang gawing barbel ang anak tuwing ito'y makikipaglaro sakanya. Hindi nila masadong kinagagalitan ang
kanilang mga anak dahil sa ayaw nilang lumayo ang loob ng mga ito sakanila.

Isang umaga, hindi nakabangon ang ina upang maghanda ng pagkain dahil sa sobrang sakit ng katawan. Si
Budoy at Banoy ang umako ng responsibilidad ng ina. Tumulong din ang kanilang ama upang mas mapadaling
matapos ang mga gawain. Ngunit hindi ito alintana ni Bugoy, nagpumilit pa rin itong magpabuhat sa ama at
mangulit sa ina kahit sa ganung kalagayan.

Hindi nagustuhan ng Diwata ng pagmamahal ang ginagawa ni Bugoy sa kanyang magulang. "Sobra na" wika
nito. Pinatagal niya ang masamang pakiramdam ng ina upang maramdaman ni Bugoy na kailangan niyang
alagaan ang ina ngunit hindi pa rin ito nagbago. Bagkus, naging mas makulit ito at naging pasaway pa kaya ang
kanyang ina ay hindi makapagpahinga ng maayos. Hindi magawang magalit ng ina dahil ayaw niyang
magtatampo ang kanyang bunso sa kanya. Pilit itong tumatayo sa kama upang makipaglaro at buhatin si Bugoy.

Ganun din si Bugoy sa ama, hindi nito naiisip na pagod ang ama sa pag-aalaga sa ina, paggawa ng gawaing
bahay at pagpasok sa pabrika. Patuloy ang ganun kakulitan ni Bugoy. Dahil sa sobrang pagmamahal nila kay
Bugoy, hinahayaan na lamang nila at naisip na magbabago din ito sa paglipas ng panahon.

Tunay ng hindi nagustuhan ng Diwata ang ginagawa ni Bugoy kaya't ginawa niya itong hayop na kawangis ng
tao, puno ng balahibo na titira sa mga punong-kahoy. Binigayan siya ng isang kalakasan na hindi kaya ng ibang
hayop, ang magpalambitin sa mga sanga ng puno nang hindi nahuhulog. At ang kanyang mga magulang ay
naging isang malaki at matibay na puno na maaring maging tirahan ni bugoy habangbuhay.

Naglahong parang bula ang bahay nila Narsiso at Lara. Tumubo ang dalawang malaki at matibay na puno,
kalaunang tinawag na Narra at makikita doon na may tatlong hayop na nagpapalambitin at tinawag na mga
unggoy.

You might also like