Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 7

E

P
P



5
Modified In-School Off-School Approach Modules (MISOSA)
Distance Education for Elementary Schools
SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS
PANGUNAHING PARAAN NG
PAGPAPARAMI NG HALAMANG
ORNAMENTAL
Department of Education
BUREAU OF ELEMENTARY EDUCATION
2nd Floor Bonifacio Building
DepEd Complex, Meralco Avenue
Pasig City
Revised 2010
by the Learning Resource Management and Development System (LRMDS),
DepEd - Division of Negros Occidental
under the Strengthening the Implementation of Basic Education
in Selected Provinces in the Visayas (STRIVE).
This edition has been revised with permission for online distribution
through the Learning Resource Management Development System (LRMDS) Portal
(http://lrmds.deped.gov.ph/) under Project STRIVE for BESRA, a project supported
by AusAID.
Section 9 of Presidential Decree No. 49 provides:

No copyright shall subsist in any work of the
Government of the Republic of the Philippines. However,
prior approval of the government agency or office wherein
the work is created shall be necessary for exploitation of
such work for profit.

This material was originally produced by the Bureau of Elementary
Education of the Department of Education, Republic of the Philippines.

1
PANGUNAHING PARAAN NG PAGPAPARAMI
NG HALAMANG ORNAMENTAL




ALAMIN MO




Kung ikaw ay napapasyal o napapunta sa isang narseri,
naiisip mo ba kung paano napaparami ang mga halamang
ornamental. Sa inyong bakuran, nakita mo ba ang ginagawang
pagpaparami ng mga halaman ng iyong tatay at kuya? Sa
modyul na ito ay malalaman mo na isa sa mga gawain sa
pagnanarseri ay ang pagpaparami ng halamang ornamental.
Kung ikay ay balak magparami ng halaman upang maging
matagumpay ay kailangang alam mo ang pangunahing paraan
ng pagpaparami ng halamang ornamental? Isang magandang
hanapbuhay rin ang pagpaparami ng halaman.




















2


PAGBALIK-ARALAN MO



Tingnan mo ang mga larawan. Pag-aralan ang mga larawan kung paano
napaparami ang mga halamang ornamental.




































3





4.









5.





Sa palagay mo alin ang madaling pagpaparami ng mga halamang ornamental?
Alin naman sa mga ito ang mahirap na pagpaparami?

(Basahin ang isang pakikipanayam)

Sa inyong barangay ang iyong kamag-aral na si Julio ay inanyayahan na
makapanayam ang isang magaling na magsasaka ukol sa pagpaparami ng mga
halamang ornamental. Narito ang mga payak na tanong ni Julio kay Mang
Ruben.

Julio : Anu-ano po ang paraan ng pagpaparami ng
halamang ornamental?
Mang Ruben : Marami ang mga paraan ng pagpaparami ng mga
halaman tulad ng mga sumusunod:

1. pagpupunla sa pamamagitan ng buto
2. pagpuputol o pagtatanim ng mga sanga
3. pagpapaugat (pagmamarcot)
4. pagdurugtong (grafting)
5. pagpapabuko (budding)



4

Julio : Marami pala ang mga paraan ng pagpaparami ng
mga halamang ornamental.
Mang Ruben : Oo, mayroon tayong limang mga pangunahing paraan
ng pagpaparami ng halaman.
Julio : Ang sibuyas at bawang paano po pinadadami?
Mang Ruben : Ang sibuyas at bawang ay napaparami sa
pamamagitan ng tubers. Maaari din sa buto.
Julio : Maraming salamat po at nalaman ko ang mga
pangunahing paraan ng pagpaparami ng halaman.
Maari po bang magbigay kayo ng mga halimbawa ng
mga halaman na angkop sa ibat ibang uri ng
pagpaparami.
Mang Ruben : Narito ang mga halimbawa.
sa buto ilang-ilang zinnia, tsitsirika
sa sanga Euphorbia, San Francisco, Rosal,
Sampaguita
pagdurugtong gumamela, santan, white angel
sa tubers o ulo azucena, suhi, dwarf banana,
bromeliad, iris, lily, calla lily



PAG-ARALAN MO



Lagyan ng halimbawa ang mga puwang ng mga paraan ng pagpaparami
ng halaman.

Hal: zinnia Buto

1. Rosal _________
2. sampaguita __________
3. calla lily _________
4. tsitsirika _________
5. San Francisco

1. Anu-ano ang mga silid ng isang tahanan?
2. Itala o isulat sa kuwaderno ang mga kasangkapang dapat
Makita sa bawat silid gayundin ang mga palamuting maaaring
ilagay sa bawat silid.





5


TANDAAN MO



Ang pangunahing pagpaparami ng halaman ay ang pagpapaugat at
pagpupunla.



ISAPUSO MO



Mahalaga na matutuhan ang ibat-ibang paraan ng pagpaparami ng
halaman dahil makatutulong din ito sa inyong kabuhayan.




GAWIN MO



Subukin magpatubo ng buto ng halaman na mayroon sa inyo. Itala kung
ilang araw bago tumubo.



PAGTATAYA



Magtala ng limang halamang ornamental na nakikita mo sa inyong paligid
na maaaring patubuin sa buto at lima din sa pag-papaugat.
Kapag nakapagtala ka at natapos mo maaari mo nang gawin ang susunod
na modyul.


Binabati kita at matagumpay mong natapos ang modyul
na ito! Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na
modyul.

You might also like