Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 41

Ano ang mga sinasabi ng mga kilalang tao tungkol sa Islam

3
ANO ANG SINASABI NILA TUNGKOL SA RELIHIYONG ISLAM?

Ang (relihiyong) Islam na ipinahayag kay Propeta Muhammad ay
karugtong at huling yugto ng lahat ng mga naunang relihiyong ipinahayag (ng
Allah) at sa gayon, ito ay para sa lahat ng panahon at lahat ng tao. Ang kalagayan ng
Islam ay pinatutunayan (at pinatatatag) ng mga maliliwanag na katotohanan. Una,
walang anumang aklat na ipinahayag ng Allah na may malawak na sakop sa anyo at
nilalaman na tulad nito (maging sa mga aklat na unang naipahayag sa sangkatauhan).
Ikalawa, walang ibang relihiyon na ipinahayag na may matitibay na patunay upang
magbigay ng patnubay sa lahat ng aspeto ng buhay ng tao. Karagdagan pa nito, ang
Islam ay tumutugon sa (pangangailangan ng) sangkatauhan sa malawak na pananaw
nito at naghahandog ng mga pangunahing alituntunin (upang lunasan) ang lahat ng
makataong suliranin. Higit sa lahat, matatag nitong hinarap ang hamon ng labing-
apat na dekada at taglay nito ang lahat ng katangian ng isang huwarang lipunan
tulad ng nangyari sa panahon ng pamamahala ng huling Propetang si Muhammad .
Ito ay naging isang himala na ang Propeta Muhammad ay matagumpay
niyang nahikayat maging ang kanyang mahigpit na kaaway tungo sa pagyakap sa
Islam na hindi kinasasangkutan ng anumang materyal na pang-akit. Ang mga suma-
samba sa mga idolo o diyus-diyusan, mga bulag na tagasunod ng kani-kanilang mga
ninuno, ang tagapagtaguyod ng mga hidwaan ng mga tribu, ang mapang-abuso ng
makataong dangal at dugo, silang lahat ay naging pinakamarangal na mamamayan
sa ilalim ng patnubay ng Islam at ng Kanyang Propeta. Ang Islam ang siyang daang
nagbukas sa kanila ng mga mabubuting pananaw na pang-ispirituwal at marangal
na buhay sa pamamagitan ng pagpapahayag na ang kabutihan ay siyang tanging
batayan ng karangalan at katangian. Sila ay hinubog sa kanilang panlipunan, kultura,
moral at pangkalakalang pamumuhay kaakibat ng mga pangunahing batas at mga
simulain na umaalinsunod sa likas ng tao, samakatuwid, naaangkop at umaakma sa
lahat ng panahon sapagkat ang likas ng tao ay sadyang hindi nagbabago.
Nakalulungkot isipin na ang mga Kristiyano ng Kanluran na sa halip
na magtangkang unawain ang kagila-gilalas na tagumpay ng Islam sa maagang
panahon nito, ay itinuring ang Islam bilang karibal na relihiyon. Sa panahon ng
Krusada, ang (paninira) kalakarang ito ay nagtamo ng higit pang lakas at sigasig
at maraming babasahin o lathalain ang nilimbag upang bigyan ng masamang batik
ang malinis na pangalan ng Islam. Ngunit, ang Islam ay nagsimulang ibantayog
(at ipalaganap) ang kadalisayan (at katotohanan) nito sa mga makabagong iskolar
na ang tapang (ng panulat) at makatuwirang pagsusuri tungkol sa mga paniniwala
ng Islam ay ganap na napabulaanang lahat laban sa mga paratang ng mga taong
tinatawag na Orientalists (walang kinikilingang taga-silangan).
Ano ang mga sinasabi ng mga kilalang tao tungkol sa Islam
4
Babanggitin namin sa inyo ang ilan sa mga dakilang manunuri at
mananalaysay ng Islam. Sila ay di-Muslim na kinikilala sa makabagong panahon.
Sadyang ang katotohanan ng relihiyong Islam ay hindi nangangailangan ng gayong
tagapagtaguyod upang ipagtanggol ang sarili nito. Ngunit (nakalulungkot isipin
na) ang mahaba at mapanirang-puring propaganda laban sa Islam ay lumikha
ng malaking kalituhan sa isipan (ng maraming tao) maging sa ibang taong may
malayang pananaw at makatuwiran.
Kami ay umaasa na ang mga sumusunod na makatuwirang puna ay
makapagdudulot ng ibayong lakas upang magkaroon ng makabuluhang pagsisikap
(o pag-aaral) tungkol sa Islam.
Ito (Islam) ay naghahandog ng panibagong pag-asa sa mga alipin,
pagkapatiran sa sangkatauhan, at pagkilala sa mga pangunahing katotohanan ng
kalikasan ng tao. Ito ang puna ni Ginoong Canon Taylor, isang sulat na binasa
sa harap ng Church Congress sa Walverhamton, noong Oktubre 7, 1887. Hinango
mula sa aklat na may pamagat na The Preaching of Islam pahina 71-72.
Ang diwa ng katarungan ay isa
sa pinakamagandang pamantayan ng
Islam, sapagkat habang aking binabasa
ang Quran, aking natagpuan yaong
mabisang simulain ng buhay, hindi
mahiwaga (walang kababalaghan)
bagkus isang praktikal na gamit sa
pagtataguyod ng pang-araw-araw na
buhay na angkop sa buong daigdig.
Puna ito ni Ginang Sarojini Naidu, sa
kanyang lecture tungkol sa The Ideals of Islam, tingnan ang kanyang aklat na
may pamagat na Speeches at Writings of Sarojini Naidu, Madras, 1918, pahina
167.
Ang kasaysayan ay nagbigay linaw na ang maling haka-haka tungkol
sa mga panatikong Muslim na nangagkalat sa buong daigdig at ipinipilit na
tanggapin ang Islam sa dulo ng espada sa pananakop ng ibang lahi ay isa sa
kakatwang kabalintunaang alamat na paulit-ulit na sinusulat ng mga manunulat
ng kasaysayan. Puna ni Ginoong De Lacy O Leary sa kanyang aklat na Islam at
the Crossroads, London, 1923 pahina 8.
Ngunit, ang Islam ay mayroong pang higit na paglilingkod sa Kaunlaran
ng Sangkatauhan. Ito ay tumatayo na higit na malapit sa tunay na Silangan kaysa
Ano ang mga sinasabi ng mga kilalang tao tungkol sa Islam
5
sa Europa, at taglay nito ang isang kagila-gilalas
na tradisyon ng nag-uugnayang mga lahi tungo sa
pagkakaunawaan at pagtutulungan ng bawat isa.
Walang ibang lipunan ang may taglay ng ganitong
tagumpay sa pagtatatag ng pagkapantay-pantay
na kalagayan, ng (pag-asa o) karapatan at ng
pagpupunyagi na sadyang marami at ng maraming
lahi ng sangkatauhan. Ang Islam ay mayroong
pang lakas upang mapagkasundo ang hayagan
na hidwaan dulot ng masalimuot na elementong
sangkap ng lahi at tradisyon. Kung sakali mang
ang magkakasalungat na mga lipunan ng Silangan
at Kanluran ay palitan ng pagkakaisa, ang
pamamagitan (mediation) ng Islam ay lubhang
isang pangangailangan. Nasa kanyang kamay nakasalalay ang malaking lunas
ng mga suliranin na kinahaharap (at kinasasangkutan) ng Europa kaugnay ng
relasyon nito sa Silangan. Kung sila man ay magkaisa, ang bagong pag-asa ng
kapayapaan ay maitatatag. Ngunit kung ang Europa ay tumanggi sa pamamagitan
ng Islam, at gumamit ng armas sa kanyang mga karibal, ang usaping (kaso) ito ay
lubhang mapanganib sa magkabilang panig. HAR Gibb, Whither Islam, London,
1932 pahina 379.
Isang magandang puna
na isinulat ni Ginoong George
Bernard Shaw, isang kilala at
pinagpipitaganang kristiyanong
manunulat mula sa Amerika. Sa
kanyang aklat na The Genuine
Islam vol. 1 no. 81936, hayagan
niyang sinabi na:
Lagi kong inilalagay
ang relihiyon ni Muhammad sa
mataas na pagpapahalaga dahil
sa kahanga-hangang tatag (at
lakas) nito. Ito ang tanging relihiyon para sa akin ang nagtataglay ng malawakang
kakayahan sa nagbabagong aspeto ng pamumuhay na nakagagawa ng sariling
pang-akit sa bawat panahon. Aking pinag-aralan si Muhammad, ang kahanga-
hangang tao at sa aking palagay siya ay malayo sa pagiging Anti-Kristo. Dapat
siyang tawaging Tagapagligtas ng Sangkatauhan. Naniniwala ako na kung ang
taong katulad niya ang gumanap na diktador sa makabagong daigdig, siya ay
Ano ang mga sinasabi ng mga kilalang tao tungkol sa Islam
6
magtatagumpay sa paglutas ng mga suliranin sa paraang magdadala ng higit
pang kailangang kapayapaan at kaligayahan. Aking hinuhulaan na ang relihiyon
ni Muhammad (ang Islam) ay tatanggapin sa Europa sa darating na panahon tulad
ng pagtanggap ng Europa sa ngayon.
Ang paglaho ng ang [rasismo] diskriminasyon tungkol sa kulay ng tao
sa mga Muslim ay isa sa ipinagkakapuring tagumpay na nakamit ng Islam at sa
magkapanabay na pagsulong (ng kaunlaran) ng daigdig ay mayroon, na laging
nangyayari, ng isang nagsusumigaw na pangangailangan para sa pagpapalaganap
nitong mabuting katangian ng Islam. Puna ni Ginoong Aj Toynbee, Civilization of
Trial, New York, 1948, pahina 205.
Ang pag-unlad ng Islam ay siyang marahil ang pinakakagila-gilalas na
pangyayari sa kasaysayan ng tao. Nagsimula sa lupain (Arabia) at mamamayan
(Arabo) na hindi man lang binigyang pansin, ang Islam ay lumaganap sa kalahating
bahagi ng mundo sa isang dekada lamang, binagsak ang mga naglalakihang
kaharian, hinubog (sa kabutihan) ang mga kaluluwa ng mga lahi, at itinatag ang
buong bagong daigdig ng Islam.
Habang pinagtutuunan natin nang masusing pagsusuri ang pag-unlad nito,
higit na kakaibang bagay ang ating natatagpuan. Ang ibang malalaking relihiyon
ay nagtagumpay sa paraang marahan, nakaranas ng masakit na pakikipaglaban
(o pakikihamok) at huling pinagtagumpayan lamang sa pamamagitan ng tulong ng
makapangyarihang monarko na yumakap sa bagong relihiyon. Ang Kristiyanismo
ay mayroong kaanib na Konstantino, ang Buddhismo ay may kaanib na Asoka, at
ang Zoroastrianismo ay may kaanib na Cyrus. Bawat isa ay umaasa sa kanilang
piniling kulto sa kapangyarihan ng sekular na kapamahalaan. Ngunit hindi ang
Islam. Nagmula sa disyertong lupain (ng Arabia) na bihirang pamahayan lamang ng
mga lahing walang sariling pamayanan na noon ay hindi ibinibilang sa kasaysayan
ng tao. (Ngunit) Ang Islam ay sumulong sa isang malaking pakikipagsapalaran
na tinaguyod lamang ng maliit na bilang ng tao at laban sa mga nagbibigatang
hadlang na pangmateryal. Magkagayunman, ang (relihiyong) Islam ay tila isang
himalang nagtagumpay sa magaang pamamaraan at mayroong ilang henerasyon
na nakatunghay sa nagniningas ng sinag ng buwan na pinagtagumpayan mula sa
Pyrenes hanggang sa Himalayas at mula sa disyerto ng Gitnang Asya hanggang
sa mga disyerto ng Gitnang Aprika. Puna ni A.M.L Stoddard, na kinuha mula
sa aklat na Islam, Religion of all Prophets, ni Begum Bawani Waqf, Karachi,
Pakistan pahina 56.
Ang Islam ay relihiyon na tumutugon sa makatuwirang kaisipan sa
pinakamalawak na katawagan nito na isinasaalangalang sa larangan ng
Ano ang mga sinasabi ng mga kilalang tao tungkol sa Islam
7
etimolohiya at kasaysayan. Ang kahulugan ng pagiging makatuwiran bilang
isang pamamaraang nakasalalay sa pangrelihiyong paniniwala na umaayon sa
prinsipiyong iginagawad ng katuwiran ay sadyang taglay ang kaangkupan nito.
Hindi maipagkakaila na maraming doktrina at sistema ng teolohiya at marami ring
pamahiin mula sa pagsamba sa mga santo hanggang sa paggamit ng mga rosaryo
at mga anting-anting ay ikinabit sa pinakapunong katawan ng Pananampalataya
ng Muslim. Ngunit sa kabila ng mayamang kaunlaran, sa bawat pananaw ng
kataga, ng mga aral ng Propeta, ang Quran ay nanatili sa kanyang kalagayan
bilang pangunahing panimula, at ang paniniwala sa Kaisahan ng Diyos ay
lagi nang ibinabantayog dito nang may kadakilaan, karangalan at sa ganap na
kadalisayan. Ito (ang relihiyong Islam) ay may tanda nang tiyak na pananalig, na
sadyang mahirap matagpuan bagaman nilagpasan ang panlabas na pusyaw nito.
Itong katapatan sa pagsunod sa pangunahing prinsipiyo ng relihiyon, ang simpleng
paraan ng pagkakapahayag nito, ang katibayan ng tagumpay na nakamit nito
mula sa mainit na bintang (o paratang) ng mga misyonaryo na nagpapalaganap
nito ay sadyang puno ng maraming paliwanag na dahilan tungkol sa tagumpay
ng misyonaryo ni Muhammad. Ito ay isang pananampalataya na ganap, walang
anumang bahid ng masalimuot na paniniwala at madaling maabot ng karaniwang
(kaisipan) pang-unawa na sadyang inaasahan na dapat taglayin (ng isang tunay na
relihiyon) at tunay na nag-aangkin ng isang kahanga-hangang lakas upang hawiin
nito ang daan tungo sa kalooban ng mga tao. Ito ang puna ni Ginoong Edward
Montet, La Propagande Dhretienne et ses Adversaries Musulmans Paris 1890,
quoted by TW Arnold The Preaching of Islam, London 1913 pahina 413-414.
Hindi ako Muslim sa karaniwang
katawagan (o kahulugan) nito,
ngunit ako ay umaasa na ako
ay maging Muslim bilang isang
taong sumusuko sa Diyos.
Ngunit ako ay naniniwala sa
mga nakasaad na salaysay ng
Quran at ang iba pang pagpa-
pahayag ng Islamikong pananaw
ay sadyang malawak na tinipong
mga banal na katotohanan na
kung saan ako at ang aking ibang
kasamahang kanluranin ay mayroong higit pang matututuhan; at ang Islam ay tiyak
na isang malakas na katunggali para sa (hamon ng) pagtugon sa mga pangunahing
balangkas ng isang relihiyong panghinaharap. Ito ang puna ni Ginoong W.
Montgomery Watt, Islam and Christianity Today, London 1983, pahina ix.
Ano ang mga sinasabi ng mga kilalang tao tungkol sa Islam
8
ANO ANG SINASABI NILA TUNGKOL KAY MUHAMMAD?
Sa panahon ng mga dekada ng mga Krusada, lahat ng uri ng paninirang
puri ay isinagawa laban kay Propeta Muhammad . Subalit sa pagsilang ng
makabagong panahon, tanda ng kalayaan sa relihiyon at kalayaan sa kaisipan,
nagkaroon ng malaking pagbabago sa mga pamamaraan ng mga kanluraning
manunulat sa paglalarawan ng kanyang katauhan at pag-uugali. Ang mga pananaw
ng ibang di-Muslim na iskolar tungkol kay Propeta Muhammad na ibinigay sa
huli, ay nagpapatunay nitong kuro-kuro.
Ngunit ang kanluran ay mayroon pang isang hakbang na dapat isulong
upang matagpuan ang isang dakilang katotohanan tungkol kay Propeta Muhammad
at ito ay ang kanyang pagiging tunay at huling Propeta ng Allah para sa
buong sangkatauhan. Sa kabila ng lahat ng kanilang makatuwirang pagsusuri at
pagpapaliwanag, wala pang tapat at makatuwirang pagtatangka ang ginawa ng mga
taga-kanluran upang unawain ang pagiging Propeta ni Muhammad . Sadyang
nakapagtataka na sa kabila ng mga karangalan at papuri na iginawad sa kanya nang
dahil sa kanyang katapatan at tagumpay subalit ang kanyang pag-angkin bilang
tunay na Propeta ng Allah ay nababanagan maging ito man ay tuwirang nakahayag
o hindi tuwirang nakahayag. Ito ang dahilan kung bakit ang paghahanap ng maka-
tuwirang tibok ng puso ay lubhang kailangan, at isang masusi at makatuwirang
pag-aaral ay kailangan. Ang sumusunod na mga nagliliwanag na katotohanan na
hinango mula sa buhay ni Propeta Muhammad ay ipinagkaloob upang bigyang
daan ang isang makatuwiran, walang kinikilingang panunuri at makatarungang
pasiya tungkol sa kanyang pagiging isang Tunay na Propeta.
Hanggang siya ay umabot sa gulang na (40) apatnapu, si Muhammad
ay hindi kilala bilang isang mambabatas at mananalumpati. Hindi siya kailan-
man nakitaan na nagsasalita tungkol sa paksang pampisika, moral na prinsipiyo
o simulain, mga batas, pulitika, mga kaalamang ukol sa kabuhayan o lipunan.
Walang alinlangan na siya ay nagtataglay ng isang huwarang pag-uugali, kalugud-
lugod na ugali, kilos at marangal na pagkatao. Ngunit walang anumang bagay
na makapagbibigay ng pansin at nakahihigit pa sa karaniwan mula sa kanya sa
hinaharap. Ngunit nang siya ay lumabas mula sa yungib ng Hira na may dalang
bagong mensahe, siya ay ganap na nagbago. Maaari nga kayang mangyari na ang
gayong tao na may katangiang nabanggit sa itaas ay kagyat na naging huwad at
nag-angkin na siya ay Propeta ng Allah at nag-aanyaya nang lubos ng pagkapoot
sa kanyang mga mamamayan. Ito ay maaaring itanong: sa ano kayang dahilan na
siya ay nakaranas ng lahat ng dusa at pasakit? Ang kanyang mga kababayan ay
naghandog sa kanya na tanggapin siya at kilalanin bilang kanilang hari at ialay
Ano ang mga sinasabi ng mga kilalang tao tungkol sa Islam
9
ang lahat ng yaman ng kanilang lupain upang itigil lamang at talikdan nang ganap
ang pagpapalaganap niya ng kanyang relihiyon. Ngunit, siya ay tumanggi sa
mga nakatutuksong mga alok at pinili niyang ipagpatuloy ang pagpapalaganap
ng kanyang relihiyon, hinarap niya ang lahat ng uri ng pang-aabuso, panlipunang
pag-aalsa laban sa kanya, panlalait at pananakit ng kanyang sariling mamamayan.
Hindi ba ang tulong lamang ng Dakilang Allah at ang kanyang katatagan na
ipalaganap ang mensahe ng Allah at ang kanyang malalim na pananalig na hindi
maglalaon ang Islam ay mangingibabaw bilang tanging pamamaraan ng buhay
para sa sangkatauhan, na siya ay tumindig na tila isang bundok sa harap ng lahat
ng salansang at sabwatan upang siya ay talunin? Karagdagan pa nito, siya ba ay
dumating na may hangaring makipagtunggali laban sa mga Kristiyano at Hudyo, at
bakit siya may paniniwala kay Hesus at Moises at sa lahat ng mga Propeta ng Allah,
na isang pangunahing pangangailangan ng pananampalataya ng Islam na kung ito
ay wala, sinuman ay hindi maaaring maging isang Muslim sa tunay na diwa ng
Islam?
Hindi ba ito ay isang di-mapag-aalinlanganang katibayan ng kanyang
pagiging tunay na Propeta na sa kabila ng kawalan niya ng kakayahang magbasa
at magsulat at nagkaroon ng karaniwan at mapayapang buhay sa gulang na
apatnapu, nang siya ay magsimulang magpalaganap ng kanyang mensahe, lahat ng
mamamayan ng Arabia ay nagimbal at namangha at naakit sa kanyang kagila-gilalas
na kahusayan sa pananalita at talumpati? Ito ay hindi mapantayan o matularan na
maging ang lahat ng lipon ng arabyanong manunula, mananalumpati na kinikilala
at iginagalang ay nabigong kumatha ng katulad ng kanya. At higit sa lahat, paano
siya makapagpapahayag ng mga katotohanan tungkol sa larangan ng agham na
nilalaman ng Quran na walang sinumang tao noong panahon na yaon ang maaaring
makagagawa ng gayon?
At ang panghuli, bakit siya nakaranas ng matinding hirap maging pagkaraan
ng kanyang pagkamit ng kapangyarihan at kapamahalaan? Bigyan natin ng matapat
na pagnilay-nilay ang kanyang binitawang mga salita nang siya ay naghihingalo:
Kaming pamayanan ng mga Propeta ay hindi namamana. Anumang aming iniwan
ay nakalaan sa kawanggawa.
Bilang isang katotohanan, si Propeta Muhammad ay siyang huli sa lahat
ng mga Propetang ipinadala ng Allah sa ibat ibang lupain at panahon mula pa sa
simula ng pagkakaroon ng buhay ng tao dito sa planetang daigdig.
Kung ang kadakilaan ng layunin, ang simpleng pamamaraan at ang
kagila-gilalas ng mga bunga ang siyang tatlong batayan ng katalinuhan ng tao,
sino kaya ang makapaghahamon na ihambing ang sinumang dakilang tao sa
Ano ang mga sinasabi ng mga kilalang tao tungkol sa Islam
10
makabagong kasaysayan kay Muhammad ? Ang mga kilalang tao ay lumikha
ng mga sandata, mga batas, mga nagtatayugang mga kaharian lamang. Sila
ay nakapagtatag, ng hindi hihigit sa materyal na kapangyarihan na kadalasay
gumuguho sa harap ng kanilang mga paningin. Ang taong ito ay hindi lamang
nakapagpagalaw ng mga sandatahang kawal, ng mga batas, mga kaharian, ng mga
ibat ibang lipon ng tao at angkan, ngunit milyun-milyong tao na naninirahan sa
ikatlong bahagi ng mundo; at higit pa roon, pinagalaw niya ang mga dambanang
dalanginan, ang mga diyos, ang mga relihiyon, ang mga paniniwala, pananalig
at maging ang mga kaluluwa. Ang kanyang tiyaga at pagtitiis sa tagumpay, ng
kanyang layunin na ganap na nakalaan sa iisang simulain at hindi sa hangaring
makapagtayo ng kaharian; ang kanyang walang katapusang pagdarasal, ang
kanyang marubdob at malahimalang pakikipag-ugnayan sa Allah, ang kanyang
kamatayan at kanyang tagumpay pagkaraan ng kanyang kamatayan; lahat ng ito
ay sumasaksi hindi ng pagkukunwari bagkus ng matatag na pananalig na siyang
nagbigay sa kanya ng lakas ng kapangyarihan upang mapanumbalik ang isang
prinsipyo. Ang prinsipiyong ito ay may dalawang kahulugan: ang Kaisahan ng
Diyos at ang di-nalilikhang Diyos (na konsepto); ang una ay nagpapahiwatig kung
ano ang Diyos at ang huli ay nagpapahiwatig kung ano ang hindi Diyos; ang isa ay
nagtatakwil sa mga huwad na diyos sa pamamagitan ng espada at ang isa naman
ay nagsisimula sa isang kaisipan sa pamamagitan ng salita.
Isang (dakilang) pilosopo,
(mahusay na) mananalumpati,
mambabatas, mandirigma, mananakop ng
ibang kaisipan, (isang) tagapagpanatili
ng maka-tuwirang prinsipyo (tungkol) sa
isang uri ng pananampalataya na walang
kinikilalang imahen o larawan (ng
Diyos); tagapagtatag ng dalawampung
makamundong naglalakihang kaharian
at ng ispirituwal na kaharian, iyan ay
si Muhammad . At hinggil sa lahat ng
pamantayan na kung saan sinusukat
ang kadakilaan ng tao, ito ang aming
maitatanong, mayroon pa kayang isang
tao na higit na dakila kaysa sa kanya
(Muhammad)? Ito ang puna ni Lamartine, Histoire de la Turquie, Paris 1854 vol
ii, pahina 276-77.
Hindi ang pagpapalaganap kundi ang pananatili ng kanyang relihiyon
ang siyang pinagtutuunan namin ng paghanga, at ito rin ang siyang dating
Ano ang mga sinasabi ng mga kilalang tao tungkol sa Islam
11
dalisay at wagas at ganap na impresiyon
na kanyang inukit sa Mecca at Madinah ay
siyang napanatili pagkaraan ng labindalawang
dekadang himagsikan ng mga Indiano,
Aprikano at Turkong nanalig sa Quran. Ang
mga tagasunod ni Muhammad ay nagkakaisang
napagtagumpayan ang tukso ng pagbabawas
ng mga bagay ng kanilang pananampalataya
at panalangin sa antas ng mga damdamin
at imahinasyon ng tao. Ako ay naniniwala
sa Isang Diyos at si Muhammad ay Sugo ng
Diyos, ay isang simple at tiyak na adhikain ng
Islam. Ang matalinong pagbibigay ng larawan
sa Diyos ay hindi kailanman humantong sa
kababaan ng anumang nakikitang idolo, at ang karangalan ng Propeta ay hindi
lumihis sa pagsukat ng makataong kabutihan; at ang kanyang laging buhay na
mga simulain o kaisipan ay pumigil sa pasasalamat ng kanyang mga disipulo sa
hangganan ng katuwiran at relihiyon. Ito ang puna ni Edward Gibbon at Simon
Ocklay, History of the Saracen Empire, London, 1870, pahina 54.
Siya ang Cesar at Papa na pinag-isa; ngunit siya ay Propeta na
walang pagbabalatkayong Papa, Cesar na walang lipon ng Cesar; na walang
nagbabantay na kawal, na walang nagmamasid na alalay, walang kaharian, walang
permanenteng hanapbuhay; kung mayroon mang isang tao na may karapatang
maging tagapamahala sa pamamagitan ng makadiyos na panuntunan, ito ay si
Muhammad, sapagkat nasa kanya ang lahat ng lakas (ng kapangyarihan) na hindi
ginamitan ng sandata at walang taguyod nito. Ito naman ang puna ni Bosworth
Smith, Mohammad and Mohammadanism, London, 1874 pahina 72.
Imposible sa sinumang nag-ukol ng pag-
aaral sa buhay at ugali ng dakilang Propeta ng
Arabia, na nakaaalam kung paano magturo at kung
paano mabuhay upang maramdaman niya ang
anuman maliban sa isang mapitagan at mataimtim
na paggalang sa gayong makapangyarihang
Propeta, isa sa dakilang Sugo ng Kataas-taasang
(Diyos). At bagaman mayroon akong sasabihin
sa inyo na maaaring ituring ng karamihan na ito
ay pangkaraniwan lamang, ngunit sa aking sarili
kapag aking binabasa itong (Quran) nang paulit-
ulit, mayroong damdamin ng paghanga ang aking
Ano ang mga sinasabi ng mga kilalang tao tungkol sa Islam
12
nadarama at isang bagong damdamin ng kabanalan para sa makapangyarihang
guro ng lupaing Arabia. Ito ang puna ni Annie Besant, The Life and Teachings of
Muhammad, Madras 1932, pahina 4.
Siya ay nakahanda sa anumang mga pag-uusig tungkol sa kanyang
pananalig o paniniwala, ang mga taong may mataas na paggalang at
pinagpipitaganan na naniwala sa kanya at siya ay kinilala nila bilang pinuno, at
ang kadakilaan ng kanyang natamong tagumpay - lahat ng mga ito ay nakikipagtalo
sa kanyang pangunahing katapatan. Ang pag-aakalang si Muhammad ay isang
huwad (na propeta) ay nagbibigay ng higit na suliranin kaysa sa pagbibigay lunas
nito. Higit pa rito, walang isa mang dakilang tao ng kasaysayan ang binigyan ng
kaaba-abang pagpapahalaga ng taga-kanluran maliban kay Muhammad. Ito ang
puna ni W. Montgomery, Mohammad at Mecca. Oxford, 1953 pahina 52.
Si Muhammad, ang taong binigyan ng ispirasyon, ang tagapagtatag ng
Islam ay isinilang noong bandang 570 (c.e.) sa tribung Arabia, na noon, sila ay
sumasamba sa mga idolo. Isinilang na ulila, siya ay laging matulungin sa mga
dukha, mga kapus-palad, sa mga balo at ulila, sa mga alipin at mga naaapi. Sa
gulang na (20) dalawampu, siya ay isa ng matagumpay na mangangalakal, at
pagkaraan ay naging tagapamahala ng mga naglalakbay na karaban ng kamelyo
na pag-aari ng isang mayamang balo. Nang umabot sa gulang na (25) dalawamput-
lima, nakitaan siya ng mabubuting katangian ng kanyang pinaglilingkuran, kaya
inalok siya ng kasal nito. Kahit na ang babae ay (15) labinglimang taong gulang na
matanda sa kanya, pinakasalan niya ito, at habang buhay, siya ay naging ulirang
asawa.
Tulad ng mga dakilang Propeta na nauna sa kanya, si Muhammad ay
sadyang nakikimi bilang tagapagdala ng Salita ng Diyos, sapagkat nararam-
daman niya ang sariling kakulangan sa pananalita. Ngunit ang anghel Gabriel
ay nag-utos sa kanya ng Basahin mo!. Katulad ng ating nalalaman tungkol sa
kanya, si Muhammad ay walang kakayahang magbasa o sumulat, ngunit siya ay
nagsimulang bigkasin ang mga salitang inspirasyon na pagkaraan ay naging isang
malaking sangay ng mundo: Na mayroon lamang Tanging Isang Diyos.
Sa lahat ng bagay, si Muhammad ay praktikal. Nang ang kanyang minamahal
na anak na si Ibrahim ay namatay, isang eklipse ang naganap, at ang balita ay
kumalat na nagpapahiwatig ng kalungkutan ng Diyos. Sa gayong kalagayan,
sinabi ni Muhammad na ang eklipse (pagdidilim) ay isang likas na pangyayari.
Hindi makatuwiran na iugnay ang mga bagay na ito sa kamatayan o pagsilang ng
sinumang tao.
Ano ang mga sinasabi ng mga kilalang tao tungkol sa Islam
13
Sa oras ng kamatayan ni Muhammad, isang pagtatangka ang nilayon sa
kanya upang siya ay gawing isang may pagkadiyos ngunit ang isang tagapamahala
niya ay pinutol ang pagtatangkang ito sa pamamagitan ng isang dakilang pananalita
sa kasaysayan ng relihiyon: Kung sinuman sa inyo ang sasamba kay Muhammad,
(alalahaning) siya ay patay na. Ngunit, kung kayo ay sasamba sa Allah [Diyos],
Siya (ang Allah) ay buhay magpakailanman. Ito ang puna ni J ames A Michener,
Islam, The Misunderstood Religion in the Readers Digest (American Edition)
for May, 1955, pahina 68-70.
Ang aking pagpili kay Muhammad upang manguna sa talaan ng mga
dakilang tao ay maaring ikagulat ng maraming mambabasa at maaari ring maging
isang katanungan sa iba, ngunit siya lamang ang tanging tao sa kasaysayan ang
naging matagumpay sa larangan ng relihiyon at maging sekular na antas (ng
buhay). Michael Hart, The 100:A Ranking of the most Infuential Persons in
History, New York: Hart Publishing Company, inc 1978, pahina 33.
Ako ay isang Kristiyano. Subalit ang mga Muslim ay hindi nauunawaan.
Sadyang hindi inuunawa. Kung tutuusin tayong lahat ay dapat maging katulad nila.
Sila ay makatuwiran, lalo na sa kanilang mga anak. Wala nang ibang grupo katulad
ng mga Black Muslim, na nagsisikap nang lubos na maturuan ang kanilang
mga anak ng mga tamang bagay, hindi sila naninigarilyo, hindi sila umiinom o
nagpapakalango sa alak, pinangangalagaan nila ang kanilang mga kababaihan,
sila ay nag-uutos na gumalang. At ano ang ginagawa ng ibang mga tao na ito?
Sila ay nagrereklamo tungkol sa kanila, pinupulaan
nila sila. Tayo ay magiging isang mahusay mundo kung
tutularan natin sila. Hindi natin kinakailangan na
maging isang Black Muslim, subalit maaari nating
yakapin ang mga bagay na makabubuti.
Puna ni Bill Cosby sa The New York
Post kung saan niya dinetalye ang ilan sa
mga kakulangan ng makabagong lipunan.
Iminungkahi rin niya na kung nais nating
magkaroon ng maayos na pamilya ay dapat
lang na magbasa tayo ng Quran, iwas sa
krimen at mas maraming produktibong
tao.
h t t p : / / www. b r e i t b a r t . c o m/ Bi g -
Hollywood/2013/06/10/cosby-all-should-
be-muslims
Ano ang mga sinasabi ng mga kilalang tao tungkol sa Islam
14
ANO ANG SINASABI NILA TUNGKOL SA QURAN?

Ang sangkatauhan ay tumanggap lamang ng mga Banal na Patnubay
sa pamamagitan ng dalawang paraan: una, ang Salita ng Allah (sa pamamagitan
ng Kanyang Kapahayagan o Banal na kasulatan); ikalawa, ang mga Propeta na
pinili ng Allah upang maipalaganap (o maipaliwanag) ang Kanyang kautusan
sa mga tao. Ang dalawang bagay na ito ay lagi nang magkasama. Kaya naman
ang anumang pagtatangkang malaman kung ano ang nais ng Allah ay nagbibigay
daan sa pagkakaligaw kung walang pagsasaalang-alang sa dalawang bagay na
nabanggit. Ang mga Hindu ay tumalikod sa kanilang mga Propeta at pinag-ukulan
ang kanilang mga aklat na nagpatunay lamang ng salitang nagbibigay talinhaga
hanggang sa kalaunan ito ay nangawala. Katulad din ng mga Kristiyano, sa ganap na
pagwawalang bahala sa Aklat ng Allah, ay pinagtuunan ng higit na pagpapahalaga
si Hesukristo at hindi lamang siya itinaas o itinuring bilang Diyos kundi ganap ding
naglaho ang tunay na diwa ng Tawheed (Pagkilala at Pagsamba sa Tanging Isang
Diyos) na napapaloob sa kanilang Banal na Kasulatan.
Katotohanan pa nito, ang mga pangunahing Kasulatang ipinahayag bago
dumating ang Quran tulad ng Torah (ni Moises) at ang Ebanghelyo (ni Hesus) ay
dumating sa anyo ng isang aklat pagkaraan lamang ng mahabang panahon ng paglisan
ng mga Propeta at maging ang mga pagsasalin sa ibang wika ng mga ito. Ito ay
sapagkat ang mga tagasunod ni Moises at Hesus ay walang ginawang pagtatangka
na mapanatili ang mga Kapahayagang ito sa panahon na buhay pa ang kanilang mga
Propeta. Magkagayon, sila ay nagsulat pagkalipas ng mahabang panahon pagkaraan
ng kanilang kamatayan. Sa gayon, kung ano ang nasa kamay ng mga Kristiyano sa
ngayon ay nasa anyo ng Bibliya (Ang Lumang Tipan at Bagong Tipan) ay isang salin
lamang ng ilang pangyayari tungkol sa mga orihinal na kapahayagan na naglalaman
ng pagbabago o pagdaragdag na ginawa ng mga tagasunod ng mga naturang mga
Propeta. Sa kabilang dako, ang huling kapahayagang aklat, ang Quran ay nanatili
hanggang sa ngayon sa kanyang orihinal na anyo. Ang Allah na rin ang nagbigay
katiyakan na ito ay Kanyang pananatilihin sa wagas na anyo at pangangalagaan
laban sa anumang katiwalian at ang buong Quran ay naisulat sa panahon ng
Propeta Muhammad mismo kahit ito man ay sa mga dahon ng palmera, tipak-
tipak na bato, balat ng hayop at mga buto. Higit sa lahat, libu-libong kasamahan ng
Propeta ang nakasaulo ng buong Quran at ang Propeta mismo sa kanyang sarili ay
binibigkas ito kay Anghel Gabriel minsan sa isang taon at makalawang ulit nang
siya ay malapit ng mamatay. Pagkaraan nito, si Abu Bakar, ang unang Khalifa ay
ipinagkatiwala ang buong kalipunan ng Quran sa isang eskriba (manunulat) ni
Propeta Muhammad na si Zaid Ibn Thabit. Ang kalipunang ito ay nasa pag-iingat
ni Abu Bakr hanggang sa kanyang pagpanaw. Pagkaraan, ang pangalawang Khalifa
Ano ang mga sinasabi ng mga kilalang tao tungkol sa Islam
15
na si Omar ibn Al- Khattab at pagkaraan niya ay ipinagkatiwala kay Hafsah, ang isa
sa asawa ni Propeta Muhammad . At mula sa orihinal na siping ito, ang ikatlong
Khalifa na si Uthman ibn Affan ay naghanda ng maraming iba pang sipi at ipinadala
ang mga ito sa ibat ibang panig ng pamayanang Muslim.
Ang Quran ay maingat na pinangalagaan at pinanatili sapagkat ito ay aklat
ng patnubay para sa sangkatauhan sa lahat ng panahong darating. Sa ganoon ngang
kadahilanan, ang aklat na ito ay hindi nakalaan sa mga Arabo lamang sa kabila ng
katotohanan na ito ay ipinahayag sa wikang Arabik.
Ito ay nangungusap sa tao bilang isang nilikhang may natatanging
pananagutan at tungkulin:
O tao! Anong nakaakit sa iyo (upang mapaligaw) mula sa (landas ng)
iyong Panginoon? Quran 82:6
Ang mga praktikal na mga aral ng Quran ay naitatag batay sa mga
magagandang halimbawa ni Propeta Muhammad at ng mga mabubuting Muslim
sa lahat ng panahon. Ang kakaiba at natatanging pamamaraan ng Quran ay ukol
sa mga alituntuning naglalayon ng pangkalahatang kapakanan ng tao at nakabatay
sa mga kakayahang maaabot ng tao. Sa lahat ng aspeto nito, ang karunungang
napapaloob sa Quran ay tiyak at hindi mapag-aalinlanganan. Hindi nito itinatakwil
at hindi rin naman sinasaktan ang laman at maging ang kaluluwa. Hindi ginagawang
tao ang Diyos at hindi rin ginagawang Diyos ang tao. Ang lahat ng bagay ay maingat
na inilalagay sa angkop na kalagayang sakop ng kabuuang balangkas ng paglikha.
Katotohanan pa nito, ang mga iskolar na nagpaparatang kay Propeta
Muhammad na siya ang may-akda ng Quran ay nagsasabi ng isang bagay na
sadyang imposible. Maaari bang makapagsabi ang isang tao ng ikaanim na siglo
(C.E.) na tumutukoy tungkol sa mga katotohanan ng agham na nilalaman ng
Quran? Maaari ba niyang maipaliwanag ang pagkakalikha ng sanggol sa loob ng
sinapupunan ng buong ganap tulad ng ating natatagpuan sa makabagong agham sa
ngayon?
Pangalawa, makatuwiran bang paniwalaan na si Muhammad na hanggang
sa gulang na 40 ay nakilala lamang sa kanyang pagiging matapat at marangal
ay biglang naging may-akda ng isang aklat na hindi matularan sa panitikang
kahusayan at ang katumbas nito na mga lipon ng mga manunulang arabo at
mananalumpati ng mataas na kalibre ay walang kakayahang kumatha? At ang huli,
makatarungan bang sabihin na si Muhammad na kilala ng lahat bilang Al-Ameen
(ang mapagkakatiwalaan) sa kanyang lipunan at patuloy na hinahangaan ng mga
Ano ang mga sinasabi ng mga kilalang tao tungkol sa Islam
16
di-Muslim na iskolar ng dahil sa kanyang angking katangian ng pagiging matapat
at marangal ay dumating na may dalang huwad na pag-aangkin (ng kapahayagan) at
sa ganoong panghuhuwad ay makapagtuturo sa libu-libong tao ng kabutihang asal,
ng marangal at matapat na katangian na nakapaghubog ng pinakamabuting tao sa
balat ng lupa?
Katiyakan, ang sinumang matapat at walang kinikilingang manunuri ng
katotohanan ay maniniwala na ang Quran ay kapahayagang Aklat na nagmula sa
Dakilang Allah.
Bagaman kayo ay hindi naman kinakailangang sumang-ayon sa lahat ng
kanilang sinabi, kayo ay aming bibigyan ng ilang kuru-kuro o pamumuna mula sa
mga pinagpipitaganang iskolar na di-Muslim na nagpahayag ng sariling puna tungkol
sa Quran. Ang mga mambabasa ay madaling makita kung paano ang makabagong
daigdig ay lumalapit sa katotohanan hinggil sa Quran. Kami ay nananawagan sa
lahat ng iskolar na bukas ang kaisipan na pag-aralan ang Quran sa pananaw ng
naturang mga puntos. Aming tinitiyak na ang anumang ganitong pagtatangka ay
makahihikayat sa isang mambabasa na ang Quran ay hindi maaaring maisulat ng
sinumang tao.
Gaano man kadalas basahin ito (ang Quran) ang pagtunghay nito sa
simula ay nakababagot ngunit unti-unti ang paanyaya nito ay sadyang nakakaakit,
namamangha sa mga salaysay at sa huli ay nagdadala sa rurok ng kabanalan
(at taimtim na pagdakila) nito. Ang pamamaraan nito ay umaalinsunod sa mga
nilalaman nito at ang layunin ay masigasig, matayog, kamangha-mangha, lagi
nang may dalang tunay na inspirasyon. Kaya, ang aklat na ito ay patuloy na mag-
aanyaya sa lahat ng panahon ng isang mapuwersang panghihikayat. Ito ang puna
ni Gothe na hinango sa TP Hughes Dictionary of Islam, pahina 526.
Aking tinanggap nang walang alinlangan, na ang Quran ay tumatangan
ng isang mahalagang katayuan mula sa kalipunan ng mga dakilang aklat na
panrelihiyon sa buong mundo. Bagaman ito ang pinakabago sa lahat ng likhang
pampanitikan, ito ay gumawa ng isang kagila-gilalas na bunga sa malaking pangkat
ng tao. Ito ay lumikha ng isang bagong makataong kaisipan at isang bagong sigla ng
pag-uugali. Una nitong hinubog ang maraming bilang na tribu ng disyertong lupain
ng Arabia tungo sa isang pamayanan ng mga bayani at pagkaraan ay nagpatuloy
na lumikha ng isang malawakang pampulitiko at relihiyosong mga samahan ng
mga tagasunod ni Muhammad na itinuturing na pinakadakilang puwersa na dapat
bigyang pansin ng mga taga-Europa at ng Silanganin sa ngayon. Ito ang puna ni
G. Margoliouth, introduction to J M Rodwells The Quran, New York, Everymans
Library, 1977, pahina 7.
Ano ang mga sinasabi ng mga kilalang tao tungkol sa Islam
17
Isang gawa, na pagkaraan, ay malakas na nanawagan at tila walang
maihahambing na mga damdamin na kahit sa malayong mambabasa malayo sa
sukat ng panahon at higit pa rito bilang kaunlarang pangkaisipan ay isang gawa
na hindi lamang naghahatid ng pagkamuhi sa simula ng kanyang pananaliksik
ngunit nagbabago (naman) ang ganitong damdamin tungo sa pagkamangha at
paghanga, ang gayong gawa ay maaaring isang kamangha-manghang bunga
ng makataong kaisipan at isang suliranin sa pinakamataas na layunin ng bawat
mapag-isip na tagapagmasid ng mga tadhana ng sangkatauhan. Ito ang puna ni
Dr. Steingass na hinango sa TP Hughes Dictionary of Islam pahina 526-7.
Ang nabanggit na obserbasyon sa
itaas ay nagbigay ng paunang mungkahi
ng mga nakakita kay Muhammad na siya
ang may-akda ng Quran ay sadyang
walang batayan. Paanong ang isang tao
mula sa pagiging isang di-nakapag-aral
ay naging isa siya sa mahalagang may-
akda sa larangan ng likhaing panitikan
sa buong pampanitikang Arabik? Paano
niya, kung gayon, naipahayag ang mga
katotohanan ng kalikasan ng agham samantalang walang tao ang maaaring
makagawa ng gayong pahayag sa panahong yaon, at ang lahat ng mga ito na
kahit minsan ay hindi nagkaroon ng kahit bahagyang kamalian sa kanyang
pagpapahayag sa naturang paksa? Ito ang puna ng Scientist na taga-Pransiya na
si Maurice Bucaille, sa kanyang aklat na may pamagat na The Bible, the Quran
and Science, 1978, pahina 125.
Dito, samakatuwid, ang katangian nito bilang isang likhang panitikan
ay hindi nararapat marahil na sukatin sa pamamagitan ng mga nabuong kasa-
bihang may bahid diskriminasyon at panlasa, kundi sa mga bunga na kanyang
nagawa sa mga kasabay ni Muhammad at sa kanyang mga kababayan. Kung ito
man ay nagsalita ng may taglay na lakas ng kapangyarihan at ng panghihikayat sa
mga puso ng kanyang mga tagapakinig upang pagdugtungin nito ang salungat at
hindi sumasalungat na elemento sa isang matibay na pagkakaisa at pinagsanib na
katawan, at pinagtibay ng mga kaisipang malayo sa mga kaisipang pang arabeng
nangingibabaw sa ngayon, magkagayon, ang marubdob na pagpapahayag
ay sadyang ganap, sa simpleng dahilan na ito ay lumikha ng isang makataong
pamayanan mula sa malulupit na tribu at nagbigay ng bagong pag-asa sa dating
sinira (distorted) ng kasaysayan. Ito ay puna ni Dr. Steingass, hinango sa Hughes
Dictionary of Islam pahina 528.
Ano ang mga sinasabi ng mga kilalang tao tungkol sa Islam
18
Sa aking paggawa ng kasalukuyang pagtatangka upang pag-ibayuhin
ang gawain ng aking mga naunang kasamahan at makagawa ng isang bagay na
maaaring tanggapin bilang kahalintulad ng kahanga-hangang pagbigkas ng Quran
sa wikang Arabik bagaman ito ay kapos sa diwa (at sigla), ako ay nakaranas ng
hirap sa pag-aaral ng masalimuot ngunit mayaman at ibat ibang indayog na bukod
sa dalang sariling mensahe nito ay binubuo ang Quran nang di-mapasubaliang
pag-aangkin na ito ay nabibilang na isa sa mga dakilang likhang pampanitikan
ng sangkatauhan. Ang kanyang taglay na katangian yaong di-mapantayang
indayog tulad ng paniniwala ni Pickthall na inilarawan sa kanyang Banal na Aklat,
ang pinakahimig nito ay pumupukaw at nagdadala sa tao ng pagluha sa kanilang
mga mata at pagkamangha ay hindi man lang binigyang pansin ng mga naunang
tagasalin, samakatuwid, hindi nga kataka-taka kung walang sigla at walang buhay
ang kanilang ginawang pagsalin kung tunay na ito ay ihahambing sa kagila-gilalas
at pinalamutiang orihinal nito. Ito ay puna ni Arthur J. Arberry, The Quran
Interpreted, London: Oxford University Press, 1964, pahina 10.
Ang isang lubos at makabuluhang pagsusuri nito (Quran) sa pananaw
ng makabagong kaalaman ay maghahatid sa atin upang makilala ang pagka-
kasundo ng dalawa (ang Quran at makabagong agham) tulad ng sinabi noon sa
ilang ulit na pagkakataon. Sadyang hindi nga namin maubos isipin para sa isang
tao sa panahon ni Muhammad na maging may-akda ng gayong pahayag batay sa
kalagayan ng kaalaman noong kanyang kapanahunan. Ang gayong pagsasaalang-
alang ay mga bahagi na nagbibigay sa Kapahayagan ng Quran ng isang kakaibang
kalagayan, at ang puwersa na naghatid sa mga walang pagkiling na siyentipiko
upang tanggapin ang kanyang kawalan ng kakayahan na magbigay ng paliwanag
batay lamang sa mga naturang materyalistikong pangangatuwiran. Ito ang puna
ni Maurice Bucaille, The Quran and Modern Science, 1981, pahina 18.
Karagdagan ng tagasalin sa Tagalog.
Sa kabuuan, matatagpuan natin sa Quran ang mga Tinipong karunungan
na maaaring gamitin ng marurunong na tao, mga dakilang pilosopo, at
pinakamahusay na politiko. Ngunit may iba pang pagpapatunay sa kabanalan ng
Quran, ito ay ang katotohanang napanatili nila nang buo sa habang panahon
mula nang ito ay ipahayag at magpahanggang ngayon. Binabasa at muling
walang sawang binabasa ng mga Muslim at dahil sa paulit-ulit na pagbasa, ito
ay natutuhang mahalin sa bawat araw. Ito ang nagbunsod ng isang malalim na
damdamin ng mapitagang takot at paggalang ng ninumang bumabasa o nakikinig
nito. Kaya hindi sa pamamagitan ng talas ng sandata o sapilitang pakikialam ng
mga misyonaryo ang sanhi ng mabilis at dakilang pagsulong at pagkalat ng Islam,
bagkus higit sa lahat mula sa katotohanang itong Quran ay Aklat ng Diyos na
Ano ang mga sinasabi ng mga kilalang tao tungkol sa Islam
19
itinanghal at ibinantayog ng mga Muslim sa harap ng mga manlulupig, at may
kalayaang tanggapin o tanggihan. Ito ay puna ni
Laura Veccia Vagliere hinango ni E. Bawany, 1967
pahina 62.
Ang Quran ay hitik ng dakilang moral na aral
at alituntunin; ang kaayusan ay baha-bahagi na hindi
maititiklop ang isang pahina na hindi katatagpuan ng
mga simulain o sawikain na aayunan o pagtitibayin ng
lahat ng tao. Ang baha-bahaging ayos nito ay nagbunga
ng mga paksa, kaisipan at lubos na alituntunin na
angkop sa karaniwang tao sa anumang pangyayari.
Sinulat ni JW Draper, vol 1, 1875.
Ano ang mga sinasabi ng mga kilalang tao tungkol sa Islam
20
TUNGO SA TAMANG PATNUBAY
Ang katagang Islam ay isang salita mula sa wikang Arabik na
nangangahulugan ng pagsuko sa Kalooban ng Allah (Diyos). Hinango ito sa
salitang Arabik na Salam na nangangahulugan din ng kapayapaan. Kaya
naman, ang relihiyong Islam ay nagtuturo ng pagsuko sa Diyos ayon sa Kanyang
mga ipinahayag na Banal na Batas tungo sa tunay na kapayapaan ng isip at
kapanatagan ng puso ng tao. Ang pinakamahalagang katotohanang ipinahayag ng
Allah sa sangkatauhan ay ang walang sinumang banal o may karapatang sambahin
maliban sa Makapangyarihang Diyos, ang Allah. Samakatuwid, ang lahat ng tao ay
nararapat lamang sumuko at sumamba sa Kanya.
Ang katagang Muslim ay yaong sumusuko sa Kalooban ng Allah
(Diyos) maging anuman ang kanyang lahi, bansa o tribu. Ang pagiging Muslim
ay nangangahulugan ng kusang-loob na pagsuko at mapagpakumbabang pagtalima
sa Allah (Diyos), at mamuhay nang ayon sa Kanyang kautusan. Marami ang
may maling pag-aakala na ang Islam ay isang relihiyon ng mga Arabo lamang.
Ito ay sadyang malayo sa katotohanan. Karagdagan, sa maraming pumapasok sa
Islam sa lahat ng sulok ng daigdig lalo na sa Inglatera at Amerika, makikita natin
ang sambayanang Muslim mula Bosnia hanggang sa Nigeria, at mula Indonesia
hanggang sa Morocco. Maliwanag na makikita na ang mga Muslim ay galing sa
maraming ibat ibang lahi, kulay at tribu. Sa katunayan, higit sa 80% bahagdan
ng pangkalahatang Muslim ay hindi mga Arabo. Higit na marami ang Muslim sa
Indonesia kaysa sa buong bansang Arabo. Kaya naman, kahit na nakararami ang
bilang ng Muslim sa mga lahing Arabo, hindi sila ang pinakamalaking bilang ng
Muslim sa daigdig. Magkagayon, sinumang sumuko nang lubusan sa Allah (Diyos)
at Siya lamang ang kanyang sinasamba ay isang Muslim.
Ano ang mga sinasabi ng mga kilalang tao tungkol sa Islam
21
ANG WALANG HANGGANG MENSAHE
Hindi bago ang relihiyong Islam sapagkat ang Islam (ang pagsuko sa
kalooban ng Diyos) ay tanging relihiyon sa paningin ng Diyos. Sa ganitong
kadahilanan, ang Islam ay tunay at likas na relihiyon, at ito ang dating walang-
hanggang mensahe na ipinahayag sa pagdaloy ng panahon sa lahat ng Propeta ng
Allah katulad nina Abraham, Noah, Moses, Hesus at Muhammad . Silang lahat
ay nagturo ng isang magkakatulad na Mensahe: ang dalisay na Monoteismo. Hindi
nagtatag ng bagong relihiyon si Propeta Muhammad katulad ng maling pag-aakala
ng marami, bagkus Siya ang pinakahuling Propeta ng Islam. Sa pagpapahayag ng
Allah sa Kanyang huling mensahe kay Muhammad , na sadyang walang-hanggan
at para sa lahat ng sangkatauhan, binigyang kaganapan ng Allah ang kasunduan
na Kanyang ibinigay kay Abraham, na isa sa mga nauna at bantog na Propeta.
Sapat ng sabihin na ang panuntunan ng Islam ay siya ring panuntunan ni Propeta
Abraham, sapagkat kapwa Bibliya at Quran ay nagpapakilala kay Abraham bilang
isang huwaran ng sinumang isinusuko nang buong puso ang sarili sa kalooban ng
Allah, at siya ay tuwirang sumasamba sa Diyos na walang isinaalang-alang na
tagapamagitan. Sa oras na maunawaan ito, magiging maliwanag na ang Islam ang
siyang pandaigdigan at walang-hanggang mensahe kaysa sa lahat ng relihiyon,
sapagkat lahat ng Propeta at Sugo ng Allah ay mga Muslim (silay sumusuko
sa Kalooban ng Allah), at kanilang itinuro ang Islam (pagsunod sa Kalooban ng
Makapang-yarihang Allah).
Ano ang mga sinasabi ng mga kilalang tao tungkol sa Islam
22
ANG KAISAHAN NG ALLAH
Ang haligi ng pananampalatayang Islam ay ang
paniniwala sa Kaisahan ng Allah - ang tanging Diyos
na sinasamba ng mga Propeta kasama na rito sina
Abraham, Noah, Moses, at Hesus at Muhammad .
Itinuturo ng Islam na ang dalisay na paniniwala sa
Allah ay likas sa tao. Kaya naman, nagagampanan
nito ang likas na pagnanais ng kaluluwa. Ang
konsepto ng Diyos sa Islam ay tuwiran, maliwanag
at madaling maunawaan. Itinuturo ng Islam na ang
puso, kaisipan at kaluluwa ng tao ay mga angkop na
sisidlan ng maliwanag na banal na pahayag. Ang mga
pahayag ng Allah sa tao ay hindi nalalambungan ng magkasalungat na misteryo
o labag sa katwirang katuruan. Kaya naman, itinuturo ng Islam na bagaman hindi
kayang matarok at di-maabot nang lubusan ng ating limitadong kaisipan ang
Kaluwalhatian ng Allah, hindi Niya inaasahan na tayoy tumanggap ng mga di-
makatotohanan o lantarang huwad na paniniwala hinggil sa Kanya.
Ayon sa mga katuruan ng Islam, ang Makapangyarihang Allah ay tanging
Iisa. Ang Kanyang kaisahan ay hindi dapat mabahiran ng pagbibigay katambal sa
Kanya, maging sa paniniwala at pagsamba. Dahil dito, pinag-uutusan ang mga
Muslim na panatilihin ang tuwirang ugnayan sa Allah. Magkagayon, ang anumang
tagapamagitan ay tahasang ipinagbabawal. Sa pananaw ng Islam, ang paniniwala
sa Kaisahan ng Diyos ay nangangahulugan na ang pagganap ng lahat ng panalangin
at pagsamba ay nararapat na iukol ng bukod-tangi sa Kanya. Siya lamang ang may
karapatan sa katawagang Panginoon at Tagapagligtas.
Bagaman ang ibang relihiyon ay naniniwala sa Iisang Diyos, hindi nila
iniuukol ang kanilang panalangin sa Kanya. Gayundin, ibinibigay nila ang
katawagang Panginoon sa mga nilikha na sadyang malayo sa pagkakaroon ng
mga katangiang Ang Maalam ng Lahat ng Bagay, Ang Makapangyarihan, at
Ang Walang Pagbabago. Sa kabila ng katotohanang ito, ang mga katangian ng
tunay na Diyos ay matutunghayan din maging sa kanilang hawak na kasulatan.
Ayon sa Islam, hindi sapat na ang tao ay maniwala na ang Diyos ay iisa, bagkus
nararapat niyang gampanan ang paniniwalang ito sa pamamagitan ng tamang pag-
aaral. Sa madaling salita, ang konsepto ng Diyos sa Islam, na lubos na nakasalalay
sa Banal na Pahayag, ay sadyang maliwanag sa pagiging Banal Ang Diyos ay
Diyos at ang tao ay tao. Sa dahilang ang Diyos (Allah) ay ang tanging Lumikha at
ang Tagapanustos sa sandaigdigan, Siya ay may kahigtan sa Kanyang mga nilikha
Ano ang mga sinasabi ng mga kilalang tao tungkol sa Islam
23
ang Lumikha at ang nilikha ay hindi kailanman maghahalo. Nagtuturo ang Islam na
ang Diyos ay may natatanging kalikasan, at Siya ay malaya sa kasarian, kahinaan,
at lampas sa anupamang kayang liripin ng tao.
Nagtuturo ang Banal na Quran na ang mga Tanda at katibayan ng katalinuhan,
kapangyarihan at pananatili ng Diyos ay kitang-kita sa ating kapa-ligiran. Kaya
naman, tinatawagan ng Allah na pag-isipan ng tao ang mga nilikha sa paligid niya
upang magkaroon siya ng higit na pang-unawa sa Kanyang Lumikha. Naniniwala
ang mga Muslim na ang Allah ay Mapagmahal, Maawain, at Mahabagin. Nasa
Kanyang Kamay ang araw-araw na pangyayari sa tao. Sa ganitoy nasa natatanging
katamtamang katayuan ang Islam sa gitna ng huwad na pananampalataya at
mapagmalabis na pilosopiya.
Maraming relihiyon at pilosopiya ang naglalarawan sa Diyos na may Mataas
na Kapangyarihan subalit walang malasakit, o hindi mulat sa buhay ng bawat
isang tao. Ang ibang relihiyon naman ay nagbibigay sa Diyos ng mga katangiang
pantao, at nagtuturo na Siya ay naroroon sa Kanyang mga nilikha, sa pamamagitan
ng pagsasatao, o pagiging isang nilikhang bagay. Sa kabilang dako, sa Islam ay
binigyang-linaw ng Diyos ang katotohanan sa pamamagitan ng pagpapahayag sa
tao na Siya ay Mapagmahal, Mahabagin, Maawain at Kanya ring tinutugon ang mga
panalangin. Subalit Kanya ring binigyang-diin na walang anumang makatutulad sa
Kanya, na Siya ay di-sakop ng panahon, kapaligiran at ng Kanyang nilikha.
Dapat ding banggitin na ang Allah na sinasamba ng mga Muslim ay
Siya ring Diyos na kinikilala ng mga Hudyo at Kristiyano sapagkat iisa lamang
ang Diyos. Sa kasamaang-palad, ang ibang tao ay may maling pananaw na ang
sinasambang Diyos ng mga Muslim ay kaiba sa Diyos ng mga Hudyo at Kristiyano,
at inaakala na ang Allah ay isa lamang diyos ng mga Arabo. Ang maling
kaisipang ito na patuloy na ipinalalaganap ng mga kaaway ng Islam ay sadyang
malayo sa katotohanan, sapagkat ang katagang Allah ay pantanging pangalan
ng Makapangyarihang Diyos sa wikang Arabik. Ito rin ang katagang ginagamit ng
mga Arabong Hudyo at Kristiyano. Magkagayunman, dapat liwanagin na bagaman
magkatulad ang sinasamba ng mga Muslim sa Diyos na kinikilala ng mga Hudyo at
Kristiyano, ang konsepto nila sa Kanya ay iba. Bilang halimbawa, hindi tinatanggap
ng mga Muslim ang paniniwala ng mga Kristiyano at Hudyo na ang Allah ay isa
sa Tatlong Persona ng Diyos o ang Diyos ay nagkaroon ng anak. Hindi lamang
itinatakwil ito ng Banal na Quran bagkus kung ito nga ang tunay na kalikasan ng
Allah (Diyos), disin sanay maliwanag na ipinahayag Niya ito kina Noah, Abraham,
Moses, Hesus, Muhammad at iba pang mga Propeta.
Ano ang mga sinasabi ng mga kilalang tao tungkol sa Islam
24
ANG BANAL NA QURAN
Ang literal na kahulugan ng katagang Quran mula sa wikang Arabik ay
ang babasahin o bibigkasin. Kapag ginamit ito hinggil sa Islam, nangangahulugan
ito ng panghuling mensahe ng Allah sa sangkatauhan na ipinahayag kay Propeta
Muhammad . Ang Banal na Quran, na magkaminsay isinusulat na Koran,
ay literal na Salita ng Allah na lagi nang binabanggit sa tuwina. Taliwas sa ibang
mga banal na pahayag, lubusang napag-ingatan ang Quran sa bawat kataga nito
at kahulugan sa isang buhay na wika isang wikang ginagamit pa rin hanggang sa
kasalukuyan.
Isang buhay na himala ang Quran sa wikang
Arabik; at bantog bilang Aklat na hindi matularan
sa istilo, uri at sa bisang ispirituwal nito. Ibinaba
ang huling Pahayag na ito kay Propeta Muhammad
sa loob ng 23 taon. Ang pagkakaiba ng Banal
na Quran sa ibang aklat na pangrelihiyon ay ang
lagi nang pagturing sa Banal na Quran bilang
isang Salita ng Allah ng mga taong naniniwala
rito hindi ito isang bagay na ipinasiya ng isang
konseho maraming taon pagkaraang naisulat.
Gayundin, binibigkas ang Banal na Quran nang
hayagan sa harapan ng kapwa Muslim at di-
Muslim na lipunan noong panahon ni Propeta
Muhammad . Ang buong Quran ay lubusang
naisulat, at marami sa mga kasamahan ng Propeta
ang nakasaulo nito nang ganap sa bawat titik
at pagbigkas kung papaano ito naipahayag. Kaya naman, taliwas sa ibang aklat, ang
Banal na Quran ay lagi nang nasa kamay ng mga karaniwang mananampalataya
at kailanmay hindi sila nagkaroon ng pag-aalinlangan na ito ay Banal na Salita ng
Allah. Dahil sa malawakang pagsasaulo nito, ganap itong napanatili.
Sa kabilang banda, ang mga kasulatang hawak ngayon ng ibang relihiyon
ay nahaharap sa malaking pag-aalinlangan hinggil sa pagiging dalisay o orihinal
ng mga ito. Ang mga tagasunod na rin ang nagbibigay ng lantarang pagpuna sa
maraming pagkakasalungat at kamaliang nasasaad sa mga ito.
Hinggil sa katuruan ng Banal na Quran, isa itong pandaigdigang Kasulatan
at ito ay patungkol sa lahat ng sangkatauhan, hindi sa isang partikular na tribu o
natatanging-tao. Hindi bago ang dala ng mensaheng ito, bagkus ang mensaheng
Ano ang mga sinasabi ng mga kilalang tao tungkol sa Islam
25
dinala rin ng lahat ng Propeta: Pagsuko sa Makapangyarihang Diyos at Pagsamba
lamang sa Kanya. Kaya naman, ang pahayag ng Allah sa Quran ay nakatuon sa
pagtuturo sa tao sa kahalagahan ng paniniwala sa Kaisahan ng Diyos, hubugin ang
kanilang buhay sa patnubay na Kanyang ipinadala.
Karagdagan nito, mababasa sa Banal na Quran ang mga kasaysayan ng
mga naunang Propeta tulad nina Abraham, Noah, Moses at Hesus; at gayundin ng
maraming mga pag-uutos at pagbabawal mula sa Dakilang Allah.
Sa makabagong panahon na kung saan nakalugmok ang maraming tao sa
matinding pag-aalinlangan, sa kawalang-pag-asa sa ispirituwal na pangangailangan
at sa di-malamang katumpakan ng pamahalaan, ang Banal na Quran ay nag-aalay
ng kalutasan sa kahungkagan ng ating pamumuhay at sa kaguluhan na sumasakmal
sa mundo sa ngayon. Sa maikling pananalita, ang Banal na Quran ay isang aklat
ng patnubay na di-mapapantayan ang kahusayan.
Ano ang mga sinasabi ng mga kilalang tao tungkol sa Islam
26
SI PROPETA MUHAMMAD
Taliwas sa mga namuno ng maraming relihiyon, ang huling
Propeta ng Islam ay tunay na naitala bilang isang kilalang
tao sa kasaysayan. Maliwanag ng ganap ang kanyang
buhay sa mga nasusulat na kasaysayan, at batid
maging ang pinakamaliit na detalye ng kanyang
pamumuhay. Hindi lamang tangan ng mga Muslim
ang ganap na teksto ng mga Banal sa Salita ng Allah
na ipinahayag kay Muhammad , hawak din nila
ang kanyang mga napanatiling winika at pangaral o
salaysay na tinatawag na Hadith.
Matapos banggitin ang mga ito, dapat malaman ng sinuman na ang mga
Muslim ay naniniwala na si Propeta Muhammad ay tao lamang na pinili ng
Allah, at siya ay walang anumang katangian ng pagkadiyos. Upang ilayo ang tao sa
pagsamba sa kanya, itinuro ni Propeta Muhammad sa mga Muslim na tawagin
siyang Sugo ng Diyos at Kanyang Alipin. Ang misyon ng panghuli at pangwakas
na Propeta ng Allah ay tanging ituro sa tao na walang sinuman ang maaaring
tawaging diyos o may karapatang sambahin maliban sa Makapangyarihang Allah,
at gayundin ang maging buhay na halimbawa ng pahayag ng Allah. Sa payak na
salita, nagpadala ng kapahayagan ang Allah kay Muhammad , na kanya namang
itinuro, isinabuhay at ipinairal sa sambayanan.
Sa ganitong paraan, higit pa sa pagiging Propeta si Muhammad dahil siya
rin ay isang tagapangasiwa ng pamahalaan at isang pinuno. Siya ay namuhay nang
payak sa paglilingkod sa Allah, at pinamunuan niya ang isang relihiyon na sadyang
saklaw ang lahat ng aspeto ng pamumuhay isang panuntunan ng buhay. Itinuro
niya kung ano ang ulirang kaibigan, asawa, guro, pinuno, mandirigma at hukom.
Dahil dito, sinusunod siya ng mga Muslim hindi dahil sa kanyang kapakanan,
bagkus bilang pagtalima sa Allah. Hindi lamang ipinakita ni Muhammad kung
papaano makipagkapwa-tao, higit na mahalaga ay ipinakita niya kung papaano
makipag-ugnayan at sumamba sa Allah ayon sa mga paraang nais Niya.
Katulad ng ibang Propeta, naharap si Propeta Muhammad sa matinding
pagtutol at pagmamalupit sa panahon ng kanyang misyon. Magkagayunman, nanatili
siyang mapagpaumanhin, matiisin at makatarungan. Kanyang pinakitunguhan nang
mabuti ang kanyang mga kaaway. Naging matagumpay ang bunga ng kanyang
misyon. Bagaman nagsimula ang kanyang misyon sa pinakamahina at malayong
mga pook sa mundo, lumaganap ang Islam mula Espanya hanggang sa Tsina sa
Ano ang mga sinasabi ng mga kilalang tao tungkol sa Islam
27
loob lamang ng isang daang taon pagkaraang mamatay si Propeta Muhammad .
Siya ang pinakadakila sa lahat ng mga Propeta ng Allah hindi sa dahilang nagdala
siya ng bagong mga doktrina o gumawa ng higit na mahuhusay na himala, bagkus
ang bunga ng kanyang misyon ay nagdala ng higit na bilang ng tao sa landas ng
dalisay at tamang paniniwala sa Iisang Tunay na Diyos kaysa sa ibang Propeta.
Ano ang mga sinasabi ng mga kilalang tao tungkol sa Islam
28
ANG PAMAMARAAN NG BUHAY SA ISLAM
Sa Banal na Quran, itinuturo ng Allah sa tao na nilikha sila upang sambahin
Siya, at ang batayan ng lahat ng tunay na pagsamba ay ang laging pag-alaala sa Allah.
Sa dahilang sakop ng Islam ang lahat ng aspeto ng buhay, ang lagi nang paggunita
sa Allah ay binibigyan ng pansin sa lahat ng gawain ng tao. Binibigyang-linaw ng
Islam na ang lahat ng kilos ng tao ay itinuturing na mga gawang pagsamba kung
ginagawa ito dahil sa Allah at ayon sa Kanyang Banal na Batas. Kaya naman, ang
pagsamba ay hindi lamang mga panrelihiyong rituwal. Ang mga katuruan sa Islam
ay nagsisilbing habag at lunas sa kaluluwa ng tao. Ang mga katangiang katulad ng
pagpapakumbaba, katapatan, matiisin at pagkakawanggawa ay matiim na ipinag-
uutos. Karagdagan nito, ipinagbabawal sa Islam ang pagmamalaki at pamumuri sa
sarili, sa dahilang ang Allah lamang ang tanging Hukom sa pagkamakatwiran ng
tao.
Ang pananaw ng Islam sa kalikasan ng tao ay higit na makatotohanan at
mahusay na pinagtimbang. Hindi pinaniniwalaan na likas na makasalanan ang tao,
bagkus siya ay may kakayahang gumawa ng mabuti at masama. Itinuturo rin ng
Islam na ang paniniwala at pagsagawa ay lagi nang magkasama. Binigyan ng Allah
ang tao ng kalayaan, kaya naman ang sukat ng kanyang pananampalataya ay batay
sa kanyang mga gawa at asal. Gayundin naman, nilikha ang tao na sadyang mahina
at lagi nang natitisod sa kasalanan. Ito ang kalikasan ng taong nilikha ng Allah ayon
sa Kanyang Talino. Ang tao ay hindi likas na makasalanan o nangangailangan ng
Ano ang mga sinasabi ng mga kilalang tao tungkol sa Islam
29
kumpuni. Ito ay sa dahilang laging bukas ang landas ng pagsisisi sa lahat ng tao. At
minamahal ng Allah ang nagsisising makasalanan na taos pusong naninik-luhod sa
paghingi ng tawad sa Kanya.
Naitatatag ang tunay na pamumuhay Islamiko sa pamamagitan ng tamang
takot sa Allah at matapat na paniniwala sa Kanyang Walang-Hanggang Habag.
Ang isang pamumuhay na walang takot sa Allah ay humahantong sa kasalanan
at pagsuway, samantalang ang paniniwalang hindi patatawarin ng Allah ang mga
mabibigat na kasalanan ay humahantong sa kawalan ng pag-asa. Ang Islam ay
nagtuturo: Tanging ang mga naliligaw lamang ang nawawalan ng pag-asa sa
Habag ng kanilang Panginoon.
Karagdagan nito, ang Banal na Quran na ipinahayag kay Propeta
Muhammad ay naglalaman ng napakamaraming katuruan hinggil sa kabilang-
buhay at sa Araw ng Paghuhukom. Dahil dito, naniniwala ang mga Muslim na ang
lahat ng tao ay hahantong sa paglilitis ng Allah sa kanilang mga paniniwala at gawain
nang silay nabubuhay pa sa mundo. Sa paghusga sa tao, ang Allah ay Mahabagin
at Makatarungan. Huhusgahan ang tao ayon lamang sa kanilang nakayanan. Sapat
nang sabihin na itinuturo ng Islam na ang buhay ay isang pagsubok, na ang lahat
ng tao ay may pananagutan sa Allah. Ang matapat na paniniwala sa kabilang buhay
ay isang susing humahantong sa isang matuwid na buhay at moral. Sa kabilang
banda, kung ang pananaw ay wala nang darating pa pagkatapos ng kamatayan,
ito ay magdudulot sa tao na maging maramot, makamundo at magkakaroon ng
mababang moralidad.
Ano ang mga sinasabi ng mga kilalang tao tungkol sa Islam
30
ISLAM - TUNGO SA HIGIT NA MAHUSAY NA PAMUMUHAY
Itinuturo ng Islam na ang tunay na kaligayahan ay maaari lamang makamtan
sa pamamagitan ng isang pamumuhay na may kaakibat na paggunita sa Allah, at
sa pagkakaroon ng kasiyahan sa bawat biyayang ibinibigay Niya. Karagdagan
nito, ang tunay na kasarinlan ay ang kalayaan sa pagiging alipin ng mababang
pagnanasa, at kalayaan sa mga ideolohiyang gawa ng tao. Ang naturan ay siya
namang kabaliktaran sa pananaw ng maraming tao sa makabagong daigdig na
itinuturing ang Kalayaan bilang isang kakayahang bigyang-kasiyahan ang lahat
ng kanilang pagnanasa nang walang pagpipigil.
Ang maliwanag at malawak na patnubay ng Islam ay nagbibigay sa tao
ng isang malinaw na takda sa layunin at landas ng buhay. Bilang karagdagan sa
pagiging kasapi ng kapatiran sa Islam, ang timbang at praktikal na katuruan ay
pinagmumulan ng kapayapaan, patnubay at moralidad. Ang tuwiran at malinaw na
ugnayan sa Makapangyarihang Diyos, kasama ng pagkakaroon ng pagpapahalaga
sa layunin at sa pagiging kasapi ng pandaigdigang kapatiran ay nagpapalaya sa
tao mula sa maraming
pagkabalisa sa araw-araw
na pamumuhay. Sa maikling
salita, ang pamamaraang
buhay Islamiko ay dalisay
at kapaki-pakinabang.
Nagtuturo ito ng pagdisiplina
at pagpipigil sa sarili sa
pamamagitan ng palagiang
pagdarasal at pag-aayunong
itinakda nito. Nagpapalaya
rin sa tao sa mga pamahiin
at sa rasismo (lahat ng
pagbibigay ng di-matwid
na opinyong nauukol sa
lahi, lipi, kulay ng balat at
kabansaan). Makakamtan
lamang ng tao ang tunay na
karangalan o kadakilaan sa
pamamagitan ng pagtanggap
sa lagi nang paggunita sa
Allah sa araw-araw na
gawain at ang pagtanggap na
Ano ang mga sinasabi ng mga kilalang tao tungkol sa Islam
31
ang tanging pagkakaiba ng tao sa mata ng Allah ay ang pagiging masunurin sa
Kanya.
Binigyan tayo ng Dakilang Lumikha ng talino at kakayahang mangatwiran,
magtimbang at magpasiya. Kaya inilagay Niya ang ating isip sa pinaka-itaas ng ating
katawan, ang ulo, upang ito ay manguna at mamayani sa ating pagpapasiya nang
higit sa damdamin o emosyon na kadalasay nakapaglilihis ng landas. Sinumang
nagnanais magkaroon ng tama at makatarungang pagtitimbang at paghuhusga, siya
ay dapat maharap sa higit sa isang pag-aaralan o pagpipilian. Huwag ibilanggo
ang sarili sa isang pananampalatayang hindi dumaan sa malaya at kusang pagpili.
Huwag talikuran ang karapatang pumili ng isang tamang pananampalatayang
makapagbibigay ng katiyakan sa kasiyahan at kapanatagan hindi lamang dito sa
lupa bagkus maging sa kabilang buhay.
Inaanyayahan namin kayong magpatuloy sa pag-aaral hinggil sa Islam
upang magkaroon ng kaukulang kaalaman na siyang tanging kailangan upang
timbangin at piliin ang katotohanan tungo sa isang tamang pananampalataya at
ganap na panuntunan ng buhay.
Ano ang mga sinasabi ng mga kilalang tao tungkol sa Islam
32
ANG MGA KARAPATAN NG TAO AYON SA ISLAM
Dahil ang Allah (Diyos) ang Siyang Ganap at Tanging may Kapangyarihan
at may Kapamahalaan sa mga tao at sa buong sanlibutan, Siya ang Nag-iisang
Nakapangyayaring Panginoon, ang Tanging Isang Tagapagtaguyod at Tagapanustos,
ang Maawain, na ang Kanyang awa ay laganap at sakop sa lahat ng Kanyang nilikha;
at dahil sa Siya ang nagbigay sa bawat tao ng makataong dangal at prinsipiyo at
hiningahan Niya ng Kanyang Espiritu, magkagayon ang tao ay nakikiisa sa Kanya.
At sa pamamagitan Niya, ang mga tao ay magkakatulad sa elementong sangkap ng
pagkakalikha nila at walang tunay na kaibahan na dapat pangibabawan ng bawat
isa nang dahil lamang sa pagkakaiba-iba tulad ng angkan, kulay o lahi bukod pa
sa sari-sariling katangian (sa ugali, asal o kilos). Ang bawat tao, samakatuwid, ay
may kaugnayan sa lahat ng kanyang kapwa tao. At ang lahat ng tao ay nagiging
isang pamayanan ng pagkakapatiran nang dahil sa marangal at kalugud-lugod
na pagpapaalipin sa Allah, ang Mahabaging Panginoon ng buong santinakpan.
At dahil sa gayong pinagpala at pinagkaisang damdamin, ang pagpapahayag ng
Islam tungkol sa Kaisahan ng Allah ang siyang nangingibabaw at siyang haligi na
umuugnay sa kaisahan ng sangkatauhan at ang pagkakapatiran ng lahat ng tao.
Bagaman ang isang bansang Islamiko ay maaaring maitatag sa alinmang
bahagi ng mundo, ang Islam ay hindi nagnanais na bigyang hangganan ang mga
karapatan ng tao nang ayon sa kasakupan ng kanyang sariling bansa. Ang Islam
ay nagbigay ng ilang pangunahing karapatan bilang pangkalahatang batayan para
sa sangkatauhan at sa kabuuan nito, ito ay dapat ipatupad at igalang sa lahat ng
panahon kahit na ang gayong tao ay naninirahan sa loob ng teritoryo ng bansang
Islamiko o sa labas nito, maging siya man ay nasa mapayapang kalagayan o nasa
panahon ng digmaan. Ang Quran ay maliwanag na nagsabi:
O kayong mananampalataya, maging matibay na saksi ng Allah sa
katarungan. At huwag ang inyong galit sa iba ang umiral at maglihis sa inyo sa
katarungan. Maging makatarungan sapagkat ito ay malapit sa pagkatakot sa
Allah. (Quran 5:8)
Ang dugo ng tao ay sagrado sa lahat ng pagkakataon at hindi dapat na
dumanak nang walang katarungan. Ang sinumang lumabag o sumuway sa pagiging
sagrado ng dugo ng tao sa pamamagitan ng pagkitil ng buhay na walang kaukulang
katarungan, ang Quran ay nagsabi na ito ay katumbas ng pagpatay sa buong
sangkatauhan.
Sinumang kumitil ng buhay na hindi naglalayong ipaghiganti ang pinatay,
Ano ang mga sinasabi ng mga kilalang tao tungkol sa Islam
33
at (sinumang pumatay) upang maghasik ng katiwalian sa lupa, kahalintulad nito
ang pagkitil niya sa buong sangkatauhan. (Quran 5:32)
Hindi pinahihintulutan na apihin o lapastanganin ang mga kababaihan, mga
bata, mga matatanda, maysakit at mga sugatan. Ang dangal at puri ng mga babae
ay nararapat na igalang sa lahat ng pagkakataon. Ang mga taong nagugutom ay
nararapat na pakainin, ang hubad ay dapat damitan, ang sugatan ay dapat gamutin
kahit na sila ay nabibilang sa pamayanang Islamiko o hindi.
Kung kami man ay nagpapaliwanag ng mga karapatan ng tao sa ilalim
ng relihiyong Islam, kami ay tapat na tumutukoy tungkol sa mga karapatang
ipinagkaloob ng Allah, ito ay hindi ibinigay ng sinumang hari o ng pangkat ng
mambabatas. Ang mga karapatan na ibinigay ng mga hari o ng mga mambabatas
ay maaaring bawiin o ipawalang-saysay sa paraan na kung paano ito isinagawa at
ipinagkaloob. Ito ay katulad din ng mga karapatang tinatanggap at sinang-ayunan
ng mga namumunong diktador. Maaari nilang ipagkaloob ang mga ito kung kailan
nila maibigan at bawiin kung kailan nila nais at maaari nilang labagin ang mga
ito nang hayagan kung ito ay kanilang masumpungang gawin. Ngunit sa Islam,
ang mga karapatan ng tao ay iginawad ng Dakilang Allah, walang sinumang
mambabatas sa mundo o sa anumang pamahalaan sa lupa ang may karapatan na
gumawa ng hakbangin upang susugan, dagdagan o baguhin man ang mga karapatang
ipinagkaloob ng Allah. Sinuman ay walang karapatang bawiin, ipawalang-saysay
o palitan ang mga ito. Hindi rin naman ito mga pangunahing karapatan ng tao na
iginawad sa papel lamang bilang isang pakitang-tao at pagtatanghal at itinakwil sa
aktuwal na pamumuhay pagkaraang ito ay pagtibayin. Hindi rin ito katulad ng mga
pilosopiyang kaisipan na walang nagpatibay sa likod ng mga ito.
Ang kasunduan (saligan) at mga sinang-ayunang mga batas at itinakdang
kapasiyahan ng Nagkakaisang mga Bansa (United Nations) ay hindi maihahalintulad
sa mga karapatang itinakda ng Dakilang Allah sapagkat ang una ay hindi naaangkop
sa bawat tao subalit ang huli ay angkop sa lahat ng mananampalataya. Sila ay
isang bahagi at kabigkis ng pananampalatayang Islam. Ang bawat Muslim o mga
pinunong Muslim na nagtuturing sa kanila bilang mga Muslim ay nararapat na
tanggapin, kilalanin at ipatupad ang mga karapatang ito. Kung sila ay nagpabaya na
maipatupad ito at nagsimulang itakwil o talikdan ang mga karapatan na pinagtibay
ng Allah o gumawa ng mga susog at baguhin yaon o hayagang lumabag sa mga ito
habang sila ay kumikilala ng mga ito batay sa salita lamang ng kanilang mga bibig,
ang hatol ng Banal na Quran sa gayong pamamahala ay tuwirang maliwanag at
walang alinlangan.
At sinuman ang humatol na hindi nababatay sa ipinahayag ng Allah, sila
yaong di-mananampalataya. (Quran 5:44)
Ano ang mga sinasabi ng mga kilalang tao tungkol sa Islam
34
ANG KARAPATAN NG TAO SA PAMAYANANG ISLAM
1. Ang Kaligtasan ng Buhay at Ari-arian; sa huling sermon na ipinahayag
ni Muhammad sa panahon ng Hajj, siya ay nagsabi: Ang inyong buhay
at ari-arian ay ipinagbabawal sa sinuman hanggang sa Araw ng inyong
pakikipagharap sa Allah sa Araw ng Pagkabuhay na Muli. Ang Propeta ay
nagsabi rin tungkol sa mga dhimmi (mga taong di-Muslim na naninirahan
sa bansang Muslim). Ang sinumang pumatay ng (Dhimmi) tao na sakop ng
kasunduan, siya ay hindi makaaamoy ng halimuyak ng Paraiso.
2. Ang Pangangalaga sa Dangal. Ang banal na Quran ay nagsabi:
i. O kayong Mananampalataya, huwag hayaan ang isang pangkat sa inyo ay
hamakin o laitin ang ibang pangkat ng tao. (Quran 49:11)
ii. Huwag kayong maniniktik sa isat isa.
iii. Huwag kayong mang-iinsulto sa pamamagitan ng pagtawag ng ibang
(palayaw, bansag o taguri) pangalan. (Quran 49:11)
iv. Huwag manirang-puri at libakin ang iba. (Quran 49:12)
3. Ang Kabanalan at Katiwasayan ng Pansariling Buhay. Ang Quran ay
nagbigay ng kautusan:
a. Huwag kayong maghinala sa isat isa.
b. Huwag kayong pumasok sa alinmang tahanan na walang pahintulot.
4. Ang Kapanatagan ng Pansariling Kalayaan. Ang Islam ay nagtakda ng mga
prinsipiyo na walang sinumang mamamayan o tao ang maaaring mabilanggo
maliban ang kanyang kasalanan ay napatunayan sa isang hayag na paglilitis.
Ang pag-aresto sa isang tao na batay lamang sa hinala at siya ay ikinulong nang
walang kautusan ng hukuman at pagkakait sa kanya ng sapat na panahon at
pagkakataon upang maipagtanggol ang kanyang sarili ay hindi pinahihintulutan
ng Islam.
5. Ang Karapatan ng Pagtutol Laban sa Pang-aabuso. Ang isa sa mga karapatan
na ipinagkaloob ng Islam sa tao ay ang karapatan upang tumutol laban sa pang-
aalipin ng pamahalaan. Ang Quran ay nagsabi tungkol dito. Ang Allah ay
Ano ang mga sinasabi ng mga kilalang tao tungkol sa Islam
35
nasusuklam sa mga masasamang pag-uusap sa harap ng madla malibang ito
ay ginagawa ng taong napinsala. Sa Islam, tulad ng mga paksang nauna, ang
lahat ng kapangyarihan at kapamahalaan ay itinuturing bilang isang tiwala;
ang sinuman na tumanggap ng gayong kapamahalaan ay nararapat na tumayo
nang may pagpapakumbaba sa harap ng kanyang pamayanan na nakalaan para
sa sinuman o kaninumang kapakanan at siya ay maipapatawag upang gamitin
ang ganitong kapangyarihan. Ito ay sinang-ayunan ni Abu Bakr na nagsabi sa
kanyang unang pananalita:Makiisa kayo sa akin kung ako ay matuwid, ngunit
iwasto ninyo ako kung ako ay gumawa ng pagkakamali. Sundin ninyo ako
habang ako ay sumusunod sa mga kautusan ng Allah at ng Kanyang Propeta,
ngunit magsilayo kayo sa akin kung ako ay napapaligaw.
6. Ang Kalayaan ng Sariling Pagpapahayag. Ang Islam ay nagbibigay
ng karapatan sa kaisipan at pagpapahayag sa lahat ng mamamayan ng
bansang Islamiko sa kasunduan na ito ay nararapat gamitin lamang tungo
sa pagpapalaganap ng katotohanan at mabuting pag-uugali at hindi sa
pagpapalaganap ng kasamaan at mga kalisyaan. Ang kalayaan ng pagpapahayag
sa Islamikong konsepto ay higit na mataas kaysa sa konsepto na namamayani
sa kanluran. Sa anupamang pamamaraan, ang Islam ay hindi nagpapahintulot
upang ang kasamaan at kalisyaan ay mapalaganap. Ito ay hindi rin nagbibigay
sa sinuman ng karapatan upang gumamit ng pang-aabuso o pagmamalabis sa
salita upang gumawa ng mga pagpuna. Naging kaugalian ng mga Kasamahan ni
Propeta Muhammad na magtanong sa kanya kung ang isang bagay o pangyayari
ay may takdang kapahayagan sa kanya mula sa Dakilang Allah. Kung siya ay
nagsabi na hindi siya nakatanggap ng kapahayagan ukol sa gayong bagay o
pangyayari, ang mga Muslim ay malayang magpahayag ng kanilang sariling
opinyon sa naturang bagay o pangyayari.
Ano ang mga sinasabi ng mga kilalang tao tungkol sa Islam
36
7. Ang Kalayaan sa Pakikipag-ugnayan. Ang Islam ay nagbigay din sa mga tao
ng kalayaan ng pakikianib at pagtatag ng mga pangkat o samahan. Ang ganitong
karapatan ay nalalakipan din ng mga tiyak na pangkalahatang alituntunin.
8. Ang Kalayaan ng Budhi at Paniniwala. Ang Islam ay nagbigay ng kautusan.
Walang sapilitan sa relihiyon. Sa kabilang dako, ang mga lipunang
totalitarian ay ganap na nagkakait sa bawat tao ng kanilang kalayaan. Sa
katotohanan, ang di-makatarungang pagkilala ng ganitong Pamahalaan ng
alinmang bansa ay nagpapahiwatig ng isang uri ng pang-aalipin sa lahat ng
tao. Sa pagkakataong ito, ang pang-aalipin ay nangangahulugan ng ganap na
paghawak (paniniil) ng tao sa kanyang kapwa tao - sa ngayong panahon na ito,
ang gayong uri ng pang-aalipin ay legal na naglaho ngunit napalitan naman ng
lipunang totalitarian na nagtatakda ng magkatulad na uri ng (paniniil o pang-
aalipin) pamamahala sa tao.
9. Ang Pangangalaga ng Damdamin tungkol sa Relihiyon. Sa gitna ng kalayaan
ng paniniwala at kalayaan ng konsensiya, ang Islam ay nagbigay ng karapatan
sa tao na ang kanyang panrelihiyong damdamin ay mabigyan ng tamang
paggalang at walang dapat sabihin o gawin na makapanghihimasok ng kanyang
karapatan.
10. Ang Pangangalaga Laban sa Di Makatarungang Pagkakakulong. Ang
Islam ay kumikilala rin ng karapatan ng tao na hindi siya maaaring hulihin o
ipiit nang dahil sa kasalanan ng iba. Ang Quran ay maliwanag na nagbigay ng
ganitong prinsipiyo. Walang sinuman ang maaaring umako sa kasalanan ng
iba.
11. Ang Karapatan Tungkol sa mga Pangunahing Pangangailangan ng
Buhay. Ang Islam ay kumikilala sa karapatan ng mga nangangailangang tao
na ang tulong at pagdamay ay nararapat na ibigay sa kanila. At sa kanilang
yaman, ay may takdang karapatang nauukol (nakalaan) sa nangangailangan
at naghihikahos.
12. Ang Pagkakapantay-pantay ng lahat sa Harap ng Batas. Ang Islam ay
nagbigay sa kanyang mamamayan ng ganap at buong karapatan tungkol sa
Pagkakapantay-pantay ng tao sa mata ng batas.
13. Ang Mga Pinuno o Tagapamahala ay Hindi Makapangyayari nang Higit
sa Batas. Isang babae na nabibilang sa mataas na angkan at marangal na
pamilya ang dinakip sa salang pagnanakaw. Ang kaso ay inihain sa Propeta,
at doon ay ipinayo na siya ay iligtas sa parusa ng pagnanakaw. Ang Propeta ay
Ano ang mga sinasabi ng mga kilalang tao tungkol sa Islam
37
sumagot. Ang mga bansa na unang nabuhay bago pa man kayo ay pinuksa
ng Allah sapagkat sila ay nagpaparusa sa kasalanan ng mga pangkaraniwang
tao ngunit hindi sila nagpaparusa sa mga kasalanan ng mga taong kilala o
matataas sa lipunan. Isinusumpa ko sa Kanya (Allah) na Siyang may tangan ng
aking buhay na kung si Fatimah, ang anak ni Muhammad ay magnakaw, aking
puputulin ang kanyang kamay.
14. Ang Karapatan na Makilahok sa Pamamalakad ng Bansa. At ang kanilang
pamamalakad ay isinasagawa sa pamamagitan ng sanggunian sa kanilang sarili.
(Quran 42:38). Ang Ash-Shura o ang Sanggunian ay walang isang kahulugan
maliban sa ang tagapagpaganap na pinuno ng pamahalaan at ang mga miyembro
ng pagpupulong ay nararapat na ihalal sa pamamagitan ng malayang pagpili at
pagboto ng tao.
Bilang pangwakas na pananalita, ipinaliliwanag na ang Islam ay nagtatangka
na makamit ang mga nabanggit sa itaas na mga karapatan ng tao at marami pang
iba hindi lamang sa pagkakaloob ng mga tiyak na mga legal na pangangalaga kundi
higit sa lahat ay inaanyayahan ang sangkatauhan na lagpasan ang mababang antas
ng buhay ng hayop tungo sa pagsulong sa isang higit pang mahalaga kaysa sa
pagkakamag-anakan batay sa dugo, antas ng lahi, o kapalaluan sa wika at karangyaan
sa kabuhayan. Ito ay nag-aanyaya sa sangkatauhan na tumahak sa landas na kung
saan ang kanyang makahulugan at malalim na katalinuhan ay maging daan upang
mapag-alaman ng tao ang isang tunay na halimbawa at huwaran ng pagkakapatiran
ng tao.
Ano ang mga sinasabi ng mga kilalang tao tungkol sa Islam
38
Cooperative for Call and Guidance
Al Batha Islamic Center
+966-11-4083405 / 0555289269
www.islamcocg.com - batha1409@gmail.com
Cooperative for Call and Guidance - Rawdhah +966-11-4922422 / 0551701765
Cooperative for Call and Guidance - Rawdhah +966-11-4916065 / 0554370319
Cooperative for Call and Guidance - Al-Badiyah +966-11-4330888 / 0558024983
Cooperative for Call and Guidance - Dira +966-11-4031587
Cooperative for Call and Guidance - Naseem +966-11-2328226 / 0530424394
Cooperative for Call and Guidance - at As-Sulay +966-11-2410615 / 0502845103
Cooperative for Call and Guidance -Umm-Al-Hamam
+966-11-4826466 / 0543524047
Cooperative for Call and Guidance - Al-Shifa +966-11-4222626 / 0509514736
Cooperative for Call and Guidance - Sultana +966-11-4240077 / 0550341945
Cooperative for Call and Guidance - North of Riyadh
+966-11-4705222 / 0536127736
Cooperative for Call and Guidance - Al-Azizia +966-11-2821800 / 0537099885
Cooperative for Call and Guidance - Air Base +966-11-4761856 / 0532560824
Cooperative for Call and Guidance - Nadheem +966-538660414
Cooperative for Call and Guidance - New Sinayah
+966-11-4982225 / 0558870856
Cooperative for Call and Guidance - Diriyah +966-11-2240811 / 0507558962
Cooperative for Call and Guidance
Care Center For New Muslim
+966-11-2423008 / +966-11-2423001
Cooperative for Call and Guidance - Al Kharj +966-11-5440662 / 0504310249 / 0502640723
Cooperative for Call and Guidance - Dilam +966-11-5410029
Cooperative for Call and Guidance - Huraymalah +966-11-5262042
Cooperative for Call and Guidance - Shaqra +966-11-6222061
Cooperative for Call and Guidance - Afaj +966-11-4682034
Cooperative for Call and Guidance - Aqiq +966-11-7221624
Cooperative for Call and Guidance - Dawadmi +966-11-6423636
Cooperative for Call and Guidance - J eddah Hay balad
+966-12-6479897 / 0531013644
Cooperative for Call and Guidance - J eddah Hay Salah
+966-12-6829898
Cooperative for Call and Guidance - J eddah Sinaiya
+966-12-6362892 / 0569693742
Cooperative for Call and Guidance - J eddah +966-12-6760452 / 012 6735334
Cooperative for Call and Guidance - Taif +966-12-7346818 / 7344388
Cooperative for Call and Guidance - Al Kafji +966-13-7674840
Cooperative for Call and Guidance - Dammam +966-13-8320004 / 0563778504
Cooperative for Call and Guidance - J ubail +966-13-3625500
Cooperative for Call and Guidance - Hafr Al Batn +966-13-7230807 / 0533605019
Cooperative for Call and Guidance - Al Ahsa +966-13-8875444 / 013 5866672
Cooperative for Call and Guidance - Ar-ar +966-14-6610513 / 0531880542
ISLAMIC CENTERS
Ano ang mga sinasabi ng mga kilalang tao tungkol sa Islam
39
Cooperative for Call and Guidance - Tabuk +966-14- 4211170 / 014 4211315
Cooperative for Call and Guidance - Yanbu Sinaiya
+966-14-3211575
Cooperative for Call and Guidance - Buraydah +966-16-3248980 - 016 6320005
Cooperative for Call and Guidance - Unaizah +966-16-3644506 / 0503023115
Cooperative for Call and Guidance - Zulf +966-16-4225657
Cooperative for Call and Guidance - Majma +966-16-4323949 / 0501520657
Cooperative for Call and Guidance - Abha +966-17- 2240038
Cooperative for Call and Guidance - J izan +966-17-3230020 - 017 3263009 / 0502008571
ISCAG - Philippines)Islamic Studies, Call &
Guidance-Philippines Congressional Road,
Salitran I, Dasmarinas, Cavite Philippines
Tel. (0063 46) 416-3371 / Fax 506-1451
Omar Penalber - +639284276656
Ibrahim Mata - +639172078071
(IL&IO) Islamic Library & Information Offce,
P.O. Main Box 52916 Stall-B, HL Commercial
Building Pandan Citicenter Phase 1 Magalang
Road, Angeles City Philippines
Tel. (0063 45) 887-4577
Email: weblikislm@hotmail.com
DAR AL-DHIKR ISLAMIC CALL AND
GUIDANCE CENTER
#63 DONA CONCORDIA ST. MANSILINGAN
BACOLOD CITY, PHILIPPINES,
Bacolod, 6100, PHILIPPINES
+63-034-4460494
omarbetita@yahoo.co
dar_aldikr@yahoo.com
Islamic Information Center Manila 3/F
Agoncillo Bldg., 1580 Taft Ave. corner Pedro
Gil St., Ermita, Manila 1000
+63 2 404 1619
+63 2 404 1620 (fax)
CGCL Dawah Center | Masjid Al Salam,
Purok 1, Brgy. Marinig, Cabuyao City, Laguna,
Contact Person: Bro. Yaser Banao,
09998141322 Smart, 09354474270 Sun, Sis.
Zainab Lozada (Ladies Section) 09194971347
IDCC Dawah Bulakenyo, 103 Bagumbayan
Bulakan,Bulacan
Rodolph Muhammad Paras, +639465029080
Masjid Al-Ghali, Blk. 40 Lot 2 Brgy. Sta. Maria
Dasmarinas City, Cavite, Philippines
Nuh Nonilon Caparino - +639196297677
IBNU ABBAS ISLAMIC CENTER, 190
SAMSON RD. CALOOCAN CITY, Caloocan
City, MANILA 1400, PHILIPPINES
+632 -366-0614 / 442
Masjid As-sabireen Care Center for New
Muslim
1040-A Malaya St., Pangarap Village, Caloocan
City,
ISLAMIC DAWAH COUNCIL OF THE
PHILIPPINES, Manila, Escolta
Phone: +632479229
Islamic Wisdom Worldwide, Manila Phone: +632-488-3398
ISLAMIC CENTERS IN THE PHILIPPINES
Ano ang mga sinasabi ng mga kilalang tao tungkol sa Islam
40
MOHAMMAD DELA PENA 0501394924 - mdp_jun66@hotmail.com
AHMAD FERNANDEZ 0500599356 - ahmadfxvf@yahoo.com
MOHAMMAD CRUZ 0502931230 - jesuscruz2007@yahoo.com
WALEED RAPSING 0553203547 - walid.ghuraba@gmail.com
ABDULLAH GONZALES 0502167040 - chroonz@hotmail.com
NASSER MESIDERIO 0508147279 - nasme1956@yahoo.com
OMAR TARON 0559826765 - omartaron@yahoo.com
RAED CAPULE 0507558962 - ledcap2000@yahoo.com
YUSUF BUTUCAN 0503158298 - yab712@yahoo.com
MIKAEL SULTAN 0501459895 - m.sultan.batha@gmail.com
KHALID DE GUZMAN 0569943750 - k.deguzman@gmail.com
J AMAL RAMIREZ 0565498699 - m.ramirez.batha@gmail.com
ABDULMALIK MAGTURO 0557113205 - abdulmalikmagturo@gmail.com
ADAM DIZON 0559637693 - dizonadam@gmail.com
OMAR TOMAROCON 0544192052 - omar_tomarocon@yahoo.com
PARA SA MGA KARAGDAGANG KAALAMAN; MAGSADYA SA TENT (BATHA
ISLAMIC CENTER SA TABI NG AL MAWASEM SUPERMARKET).
TUMAWAG SA TELEPONO BILANG 011-4083405.
Bicol Muslims Islamic Information and Dawah
Center Inc. Emmanuel B. Borres Purok 2,
Salvacion, Tabaco City
+639199909377, Al-Kawari Masjid Maroroy
Daraga, Albay
Darus Salam Pampangga, Ebus Guagua
Pampanga Al Rahman Mosque
Imran Edgar Cortez +639107958583
Brgy. Pulo Infanta Quezon Philippines Mohammad S. Moha CP: +639109725841
Ar Rahman Center, Timeless Treasure Bldg.
Quezon Blvd. Corner J acinto Street, Davao
City Philippines
Ceazar (Ahmad) J avier jr. +639065334391
MINDORO ISLAMIC RESEARCH CENTER
Inc. POBLACION 4, VICTORIA, ORIENTAL
MINDORO 5205 PHIL.
ISHMAEL DENIS L. HONG
CP#: +639095291912
J UMIATO MOALAFATE KULOBOHOM
FOR DAWAH ORG.
BRGY. PUROK 1 PAVIA ILOILO CITY.
AHMAD VICENTE CP. : +639126877593
NASSER MESIDERIO CP.: +639082446197
Block 19 Lot 1-A Kasiglahan Village
San J ose, Rodriguez, Montalban, Rizal,
Philippines.
Ahmad Tale
Mobile: 09057503839 / 09287670154
Carolina Islamic Dawah and Guidance
Center Zone 3 Carolina Naga City
Muhammad J erry Ante
Mobile: 09277552273

You might also like