Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Prologue

Ano ba ang tunay na measurement ng happiness? Kapag ba nabili mo na yung sapatos na gustong gusto
mo? Kapag ba nagka-iphone ka? Kapag ba pinayagan ka ng magulang mong mag-outing kasama ang mga
kaibigan mo? Kapag ba gumaling ka na sa sakit? Kapag bumango na ang paa mo? Kapag ba pumasa ka
sa subject ng professor mong terror? Kapag ba sinagot ka na ng nililigawan mo? Kapag ba nanalo ka sa
pustahan ng basketball?
Kailangan pa ban g ibang tao para lang sumaya ka? Kailangan pa ba ng mga materyal na bagay para lang
masabing YES! ANG SAYA SAYA KO!
Ang buhay, masaya kasi masayang mabuhay.
Iaayon din dapat sa edad ang pamumuhay sa mundo. Wag feeling bata wag din feeling matanda. Pero
sana hindi na lang tayo lumaki sana steady na lang sa teenage years di ba? Habang lumalaki kasi tayo
tumitindi yung mga problema.
Naglalakad ako ng nakapayong papuntang bahay namin nagjeep lang kasi ako at sa gate lang ng
subdivision ako ibinaba. Napakainit ngayon, obvious ba? April kaya. Sinaksak ko sa tenga ko yung
earphones ko sabay play ng paborito kong kanta at sinabayan ko pa ito.
I said, theres someone I'm waiting for if it's a day, a month, a year"
Gotta stand my ground even if it rains or snows.

BEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEP! Hey ugly are you going to kill yourself? This is a road not a park!

OMG. Muntik na ko masagasaan hindi ko narinig na may kotse pala sa gilid ko. Salamat sa busina niya
pero teka tinawag niya kong panget hindi ako makakapayag niyan.

What the f! Ikaw na nga itong muntik makasagasa at makapatay tapos ikaw pa ang galit! Excuse me
kung panget ako ano ka pa? singhal ko sa kanya. Aba hindi ako naging CHAVEZ kung ginaganito lang
ako!

Lumabas siya ng kotse niya at namangha ako kilala ko siya! Kilala ko siya! Anak siya ng bestfriend ni
mommy. Friend ko siya sa FB! Finofollow ko siya sa Twitter at IG.

Shiz. Ugly you are drooling. Hindi ka pa rin nagbabago ang panget mo pa rin tss. Sa susunod wag kang
haharang harang tutuluyan kita. Sabay talikod at pasok sa kotse niya.

Nasabi ko bang yung kotse niya eh yung dream car ko? Yellow Lamborghini. Antipatiko napaka yabang.
Napailing na lang ako. Hindi pa rin siya nagbabago, tss.


Pagdating ko sa bahay uminom kaagad ako ng tubig. Uminit ang ulo ko sa mayabang nay un. Bahala nga
siya sa buhay niya. Hindi ko naman na siya makikita ulit.

PATRICIA CHAVEZ! Linisin mo yung kwarto mo. Inuuod na sa dumi!
Nako si mommy. Muntik ko na maibagsak yung baso. Oo na. Teka lang kakadating ko lang eh.

Bilisan mo. Aalis tayo after. Ano ba yan ngayon pa lang ako mapapahinga tapos aalis kagad tss.

Mi, nabanggit ba sayo ni Tita Sheng nauuwi yung anak niya? Gulat na gulat ako kanina nakita ko siya
diyan nung naglalakad ako. Muntik pa ko masagasaan.

Ayy oo si Ben. Nabanggit naman niya. Hindi ko ba nasabi sayo? Sila nga yung bumili nung bahay two
blocks away satin.

ANO MA? DITO SILA TITIRA? Masamid samid kong tanong?

Oo raw. Eh ano kaso dun di ba close naman kayo dati ni Ben. Bakit parang ayaw mo?

Di naman sa ganon Mi. Ayy ewan bahala na, tss! Umakyat na kagad ako sa kwarto. Nilinis ko na lahat
lahat para din a magreklamo si mommy.

Binuksan ko yung isang box na may tag na Highschool Stuffs. Ayy nandito pa pala tong mga to.
Nakakatuwa naman. Isasara ko na sana, pero may nahagip yung mata ko picture na naka toga pa kami
kakababa lang ng stage. Ngiting ngiti ako pero siya nakatingin lang sakin. Ben Santos. Naiirita ako pag
nakikita kita. Tss.

Nag punta lang kami ni mommy sa mall. Alam niyo na bonding ganon. Tapos dumaan na rin ako sa
dentist para magpa-adjust ng braces. Pero in fairness hindi sa pagbubuhat ng bangko laki ng ginanda ko
simula ng kinabit to! Haha sinunog ko nga mga pictures ko nung bata ako e. Itsura ko nun.

Ngayong college na ako syempre kailangan ko rin naman ayusin ang sarili ko. Aba hindi na ko pabata!
Patanda na ko.

Gumising ako ng maaga para ayusin na yung papel ko for enrollment. Hindi ko pa sure kung ano yung
kukuhanin kong course. Ayyy ang hirap kaya mamili. Simple lang ang outfit ko ngayon. Skinny jeans na
itim at denim na longsleeves tapos vans na blue.

Lumabas na ko ng kwarto. Wala na si mommy pagbaba ko siguro pumasok na sa office. Hindi niyo
natatanong yung daddy ko nasa paris dun siya nagtatrabaho e. May kuya rin ako kaso nasa Europe siya
ngayon. Nag-aaral din. Dun na lang siguro ko kakain.

Lumabas ako ng subdivision. Dahil walang dumadaan na jeep napilitan akong magtaxi. Kuya CEU lang.

So ayun nakarating na ko after 20 minutes. Pumunta muna ako sa Admission Office. Pagpasok kasi ng
gate tinanong nung guard kung mageenroll daw ba ko. Binigyan nya ko ng procedure. Pag pasok ko run
medyo marami ng tao. Sa bagay past 9 na. Ipinakita ko na sa nag-aassist yung card ko nung highschool.

At dahil hindi ko pa alam kung ano ang kukunin ko. Pero sabi ni Mommy mag Dentistry daw ako. Gusto
ko rin yun. Pero ang gustong gusto ko talaga ay maging Astronaut. Astig di ba? Nanghingi muna ko ng
brochure nung dentistry course nila binasa ko yun at nag-isip talaga ko ng mabuti.

Nung nakapagpasya na ko nagfill up na ko kaagad. Pumila na rin ako sa finance office. Hiningi sakin sa
registrar yung mga papel kong dala. Ayy grabe ang haggard.

So ayun nga pumila na ko. Napakatagal maglalunch na bago akp

You might also like