Na Konseptong Pang- Edukasyon sa Konteksto ng Edukasyon sa Pilipinas. Mga Layunin Ng Talakayan: Maipaliwanag ang UBD sa konteksto ng edukasyon sa Pilipinas
Makapagpakita ng halimbawa ng isang buong Unit Plan na nilapatan ng UBD
Ang Understanding By Design at Ang Iba Pang Konseptong Pang-edukasyon Ang UBD ay naimpluwensyahan ng constructivism na lumitaw noong pang 1700s-1900s (ang pagkatuto ay mas mabisa kung galing sa karanasan/experiential learning; ang guro ay facilitator ng pagkatuto; ang edukasyon ay dapat kontekstwalisado) Impluwensyado rin ng pagtuturong student/learner-centered ang UBD Nauna pa sa UBD ang critical pedagogy ni Paulo Freire noong 1960s-1990s (alinsunod sa dulog o approach na ito, ang edukasyon ay tinuturing na paraan upang suriin ang lipunan at gamitin ang edukasyon/pagkatuto tungo sa pag-unlad/pagpapabuti/pagbabago ng lipunan; edukasyong may patutunguhan: hindi nakakulong sa apat na sulok ng silid-aralan, inihahanda ang mga estudyante sa totoong mundo; ang mga mag-aaral ay tinuturuang maging critical thinkers sa halip na passive observers) Ang UBD ay nakatutulong sa paglinang/development ng Higher Order Thinking Skills/HOTS
Ang Content-Based Instruction (CBI) ay isang paraan upang malinang o ma-develop ang mga big ideas sa UBD
Samakatwid, dati pang alam ng mga guro kung paano magturo nang mala-UBD. Ang ginawa lamang nina Wiggins at McTighe ay pinaghalu-halo ang mga lumang konsepto, nilagyan ng bagong pangalan at iginawa ng padron/pattern na mas mukhang organisado sa paningin/sa unang sipat. Ang konsepto ng UBD ay matagal nang ginagamit ng mga guro sa Pilipinas sa paraan ng pagtatanong at sa mga gawain/aktibidad sa klase
Ang UBD ay isa lamang dulog o approach sa pagtuturo na ang pangunahing konsepto ay dati na nating alam at ginagamit.
Hindi na tayo mahihirapang gamitin ang UBD sa pagtuturo, dahil ang konsepto nito ay dati na nating ginagamit. Banking Education (terminong mula kay Paulo Freire); sariling salin ni David Michael M. San Juan: EDUKASYONG SUKSOK-HUGOT/Edukasyong Alkansya (sistema ng edukasyon na taliwas/kabaligtaran ng UBD) Tradisyunal na sistema ng edukasyon sa mga bansang Third World
Pagtuturong Teacher-centered
Ang guro lamang ang pinanggagalingan ng kaalaman/impormasyon
Ang mga estudyante ay passive na tagatanggap/recepient lamang ng kaalaman/impormasyon mula sa guro
Ang mga kaalaman/impormasyon ay idinedeposito sa utak/isip ng mga mag-aaral na parang barya/coin sa alkansya; sa pagsusulit ay huhugutin ang mga kaalaman/impormasyon Walang bisa ang pagkatuto; halos memorisasyon lamang ang natututuhan ng estudyante Ang banking education na matagal nang pinuna at tinuligsa ni Paulo Freire ang sistema ng edukasyon na nais ding baguhin ng mga nagtataguyod/proponent ng UBD, aminin man nila o hindi. Samakatwid, bago pa ang UBD, marami nang ideya ang nagpapakita ng/sumasalamin sa UBD Mga Mahahalagang Terminolohiya sa UBD: 1. Established Goal/Pamantayan: Mga layunin na mula sa opisyal na kurikulum o listahan ng learning competencies na inilabas ng Kagawaran ng Edukasyon 2. Enduring Understanding/Big Ideas/Core Concepts/Mahahalagang Kaisipan/Mga 3. Pangunahing Kaisipan/Mga Kakailanganing Pag-unawa: Mga konsepto/ideya/kaisipan na laging makabuluhan (relevant at meaningful), kahit 10, 20, 30, 40, 50 taon mula ngayon... Nakabatay ang paghubog at pag-unlad ng wika sa mga taong gumagamit nito May angkop na salita para sa ibat ibang sitwasyon. Ang panitikan ay sumasalamin sa mga nangyayari sa lipunan kaya mahalagang basahin at suriin ito. Ang pananakop ng mga dayuhan (kolonyalismo) ay isa sa mga sanhi/dahilan ng paghihirap ng isang bansa. The Philippine Constitution expresses our nations highest goals and aspirations and provides principles that should guide the governments decision-making. A countrys geography partly determines its destiny and place in world history. Mga halimbawa:
Everything in the world is interconnected: what harms nature harms us too. For every action, there is always an equal and opposite reaction. Life is a calculated gamble: every decision has its probabilities of success and failure. Statistics can conceal as well as reveal. Statistical analysis often reveals patterns that prove useful or meaningful. Scarcity and budget deficit compel people to make wise economic decisions. Essential Questions/Mahahalagang Tanong: Mga tanong na makatutulong sa mga mag- aaral na maintindihan/makuha/ma- gets ang big ideas Mga halimbawa: Bakit nagbabago ang kahulugan ng salita sa paglipas ng panahon? Anu-ano ang mga posibleng ugat ng malalang kahirapan ng Pilipinas sa kabila ng masaganang likas na yaman ng bansa? Paano sinasalamin ng panitikan ang kasaysayan? Why do we need the Philippine Constitution? How does geography influence a countrys destiny? Why is environmental balance necessary for healthy living? What are the consequences of action and inaction on decision-making? How does statistics helps us in our search for truth? How does scarcity and budget deficit help policy makers arrive at good decisions? Performance objectives: Mga bagay na kasanayan at konsepto na dapat maisagawa at matutuhan ng mga mag-aaral sa pagtatapos ng aralin. Performance Task/Gawaing Pampagkatuto/Gawain sa Pagganap: Gawain na kailangang maisagawa ng mga mag-aaral upang mapatunayang natutuhan nila ang aralin
Mga Pangunahing Doktrina ng UBD Ang tunay na pagkatuto ay hindi ang simpleng pagtapos o pag-cover sa mga aralin at sa teksbuk: quality of learning over quantity. Ang kurikulum at mga istratehiya at programa sa pagtuturo ay dapat laging nagsasaalang-alang sa kakayahan, interes at pagkatao ng mga estudyante (learner- centered curriculum and instruction) Ang tunay na pagkatuto ay hindi lamang basta malawak (covers a lot of area), kundi malalim (with depth). Ituro lamang ang pinakamahalaga at pinaka-kailangan sa buhay. Kumbaga sa pagkain, ang pinakamasustansya at pinakamalasa... Ano ang pinakamahalaga? Mga kasanayan at konsepto (skills and concepts) na makabuluhan (relevant/meaningful) pa rin sa mag-aaral, 10, 20, 30, 40, 50 taon mula ngayon... Disenyo ng Pagkatuto NOON versus sa Disenyo ng Pagkatuto sa UBD NGAYON NOON 1.Pinipilit ilapat ang kurikulum na ibinigay ng gobyerno. 2.Nag-iisip ng istratehiya para i-apply ang kurikulum. 3.Ilalapat/i-iimplement ang istratehiya sa klase. 4.Mag-iisip ng paraan ng pagtataya/assessment. 5.Isasailalim sa pagtataya/assessment ang mag- aaral. 6.Kokompyutin ang marka ng mag-aaral batay sa assessment. 7.Ulit sa blg. 1. NGAYON: 1.Ibabatay pa rin sa kurikulum na ibinigay ng gobyerno ang paraan ng pagtuturo. 2.Tutukuyin ang standard ng pagkatuto batay sa mga learning competencies. 3.Tutukuyin ang mga mahahalagang kaisipan/pag- unawa (essential understanding/concepts/big ideas) at mga mahahalagang tanong (essential questions) na makatutulong sa paglinang o pag-develop ng essential understanding/big ideas. 4.Itatransporma sa performance objective ang mga core skills at concepts. 5.Tutukuyin ang pamaraan ng pagtataya/assessment na gagamitin para malaman kung natutuhan nga ng mag-aaral ang core skills at concepts. 6.Paplanuhin ang mga gawain sa pagkatuto/learning activities. (ito ang nilalaman ng mga daily at weekly lesson plans) 7.Isasailalim sa pagtataya/assessment ang mga mag- aaral para malaman kung natutuhan nila ang core skills at concepts 8.Suriin at rebisahin ang disenyo ng pagkatuto batay sa kinalabasan ng pagtataya/assessment ng mga mag- aaral. 9.Balik sa blg. 1.
Ang Kabuluhan/Significance ng UBD sa Pagtuturo Mas mabibigyang-diin ang pagpapaliwanag at pagtalakay sa mga mahahalagang konsepto at paglalapat ng mga mahahalagang kasanayan (skills) Mas magiging utilitarian ang pagtuturo (pokus sa kung ano lamang ang may silbi sa totoong buhay); kung gayon, magiging mas interesante ang mga aralin Mas mapapalalim ang talakayan Mas malilinang ang critical thinking skills ng mga estudyante Mas magiging objective ang pagmamarka dahil sa paggamit ng rubrics Paglaon, mas magiging madali na para sa mga guro ang lesson planning dahil sa lohikal na pagkakasunud-sunod ng mga proseso sa paggawa ng UBD unit plans
Mga Pangkalahatang Paalala HABANG gumagawa ng UBD Unit Plans
1.Paulit-ulit na basahin at rebisahin ang learning objectives, essential questions at big ideas: naroon ang buhay ng UBD...Ang palpak na learning objectives, essential questions at big ideas ay magdudulot ng palpak na pagkatuto. 2.Tiyaking magkakatono ang buong unit plan (ang learning objectives ay dapat malinang sa pamamagitan ng mga akmang tanong at aktibidad) 3. Maging reyalistiko sa pagtatakda ng oras at iskedyul. Huwag piliting matapos ang textbook. Kung susundin talaga ang UBD, ayon na rin mismo kina Wiggins at McTighe, ang bisa at lalim ng pagkatuto ang mahalaga, at hindi ang basta na lamang matapos o ma-cover ang required na babasahin. Sabi nga, quality over quantity. 4. Maging reyalistiko rin sa kakayahan ng mga mag-aaral. Huwag maglagay ng mga aktibidad na imposibleng magawa ng mga mag-aaral o yaong masyadong matrabaho. Ikunsidera/isaalang-alang na hindi lamang Filipino ang asignaturang pagpapaguran nila. Kung maglalagay man ng mahirap-hirap na aktibidad, gawin itong proyekto na may malaking puntos na katumbas (kumbaga, 1 engrandeng aktibidad lamang bawat quarter). Pagbuo ng UBD Unit Plan
UNANG YUGTO:
Ano ang dapat matutuhan ng mga mag-aaral?
Piliin ang mga araling sasaklawin ng yunit Siguraduhing may tematikong pagkakaugnay ang mga pinagsama-samang akda sa isang yunit Itakda kung ilang pagkikita ang ilalaan sa yunit Tukuyin ang mga layunin o pamantayang pampagkatuto (ibatay sa mga competency na itinakda ng Kagawaran ng Edukasyon)
Tukuyin ang mga kakailanganing pag-unawa/big ideas: malalim, makabuluhan sa karanasan at lipunang ginagalawan ng mag-aaral, may kaugnayan at kailangan sa tunay na buhay, Maghanda ng mga mahahalagang tanong/essential questions: nagbubunsod ng pag-unawa sa big ideas; nagdudulot ng malalim na pag-iisip, aktibong talakayan, mga bagong pagkaunawa at mga bagong tanong; naiuugnay sa personal na karanasan at dating kaalaman o prior learning Itransporma ang mga big idea sa format na pariralang nagbubuod (ito ang mga performance objectives) Itakda ang mga tiyak o ispesipikong kasanayan na lilinangin o idedevelop sa yunit IKALAWANG YUGTO:
Anong kailangang gawin ng mga mag-aaral para mapatunayan na natutuhan nila ang aralin?
Planuhin kung anong pagtataya o assessment ang gagamitin. Magsimula sa paghahanda ng mga gawain sa pagganap (performance task): mga awtentiko at makabuluhang aktibidad Maghanda rin ng iba pang uri ng pagtataya (pagsusulit, pagsagot ng rubrics, pagsagot ng pagsasanay, paggawa ng graphic organizer atbp.)
IKATLONG YUGTO:
Anu-anong mga hakbang ang aktwal na isasagawa sa loob ng silid-aralan?
Planuhin ang aktwal na daloy ng aralin (ang lesson plan mismo) Enduring Understandings/Big Ideas/Kakailanganing Pag-unawa/Mahahalagang Kaisipan: Students will understand that.../Mauunawaan ng mga mag-aaral na... Essential Questions/Mahahalagang Tanong: Students will know.../Mababatid ng mga estudyante ang... (Performance Objectives-Core Concepts): Students will be able to.../Magagawa ng mga estudyante na... (Performance Objectives-Core Skills): STAGE 2/IKALAWANG YUGTO: ASSESSMENT EVIDENCE/PAGTATAYA Performance Task/Gawaing Pampagkatuto/Gawain ng Pagganap: Other Evidence/Iba pang pagtataya: STAGE 3/IKATLONG YUGTO: LEARNING PLAN/DISENYO NG PAGKATUTO Mga Gawaing Pampagkatuto:
UbD Lesson Plan Template STAGE 1/ UNANG YUGTO: DESIRED RESULT/ INAASAHANG BUNGA Antas 1 Inaasahang Bunga/Resulta Pamantayang Pangnilalaman at Pagganap Ang mga estudyante ay nasasabi ang mensaheng ipinahahayag ng binasang sanaysay nagagamit ang pangatnig sa pagbuo ng pangungusap nasusuri ang mga tuntunin sa paggamit ng pangatnig sa pagbuo ng pangungusap naiiugnay sa mga pangyayari sa kasalukuyan ang nilalaman ng teksto Mga Kakailanganing Pag-unawa Mauunawaan ng mga estudyante na Sa pagboto nang wasto, bayan ay aasenso. Ang pinunong maka-Diyos at makabayan ay dapat magwagi sa halalan. Ang mga pangatnig ay nag-uugnay at nagbibigay-linaw sa mga pangungusap. Bawat isang mamamayan ay bahagi ng pag-unlad ng bayan. Mahahalagang Tanong Paano nakatutulong ang pangatnig upang maunawaan ang teksto? Ano ang magagawa natin para makatulong sa pag-unlad ng bayan? Paano tayo naaapektuhan ng resulta ng botohan? Ano ang mangyayari kapag masamang kandidato ang nanalo? Ano ang mangyayari kapag mabuting kandidato ang nanalo? Anu-ano ang katangian ng kandidato na dapat manalo sa halalan? Gaano kahalaga ang halalan sa ating bansa? Mababatid ng mga estudyante ang kahalagahan ng wastong pagboto sa pagkamit ng asenso mga katangian ng isang mabuting kandidato at pinuno gampanin ng bawat mamamayan sa pag-unlad ng bayan kabuluhan ng mga pangatnig sa pag-uugnay at pagbibigay-linaw sa mga pangungusap. Magagawa ng mga estudyante na magamit ang teksbuk at magasin sa pag-unawa ng mga makabuluhang konsepto magamit ang modernong teknolohiya sa pananaliksik at pagpapalawak ng kaalaman magamit ang mga pangatnig sa sariling pangungusap Understanding by Design Unit Plan para sa ANG WIKANG FILIPINO 4 Pamagat ng Yunit: Ang Pilipinas sa Mundo ng Pagsulong at Pag-unlad (Yunit 4) Mga Sakop na Aralin: Madali Ba ang Bumoto? (Aralin 4 ng Yunit 4) Bilang ng mga Linggo: 1 linggo (ang karaniwang yunit ay binubuo ng 6-9 na aralin at kung gayoy sumasaklaw sa 6-9 na linggo, ngunit dahil sa limitado ang oras ng ating seminar-workshop, assumed unit na ang inihanda natin ngayon) Pagbubuod: (Sa bahaging ito ay dapat ibuod ang nilalaman ng yunit.)
Antas 2 Pagtataya Sa Antas ng Pagganap 1. Paggawa ng Bukas na Liham (Open Letter) Goal Bubuo ka ng bukas na liham o open letter. Role Isa kang estudyante na gustong hikayatin o i-encourage ang mga botante na bumoto nang tama. Audience Mga botante sa Pilipinas. Situation Bubuo ka ng open letter na mababasa ng mga botante sa Pilipinas. Hihikayatin mo sila na bumoto nang tama. Babanggitin mo sa liham ang mga katangian ng mabuting pinuno. Product/Performance Bukas na Liham Standards for success/criteria Ang open letter ay dapat na: para sa o naka-address sa mga botante ng Pilipinas bumabanggit sa mga katangian ng isang mabuting pinuno humihikayat sa mga botante na bumoto nang wasto sumusunod sa mga tuntuning pambalarila Iba Pang Patunay Pagsasanay sa aklat Pagsasanay sa magasin Pagsusulit Aktibidad sa Antas 3 Mga Plano ng Pagkatuto Unang Linggo Pagpapakita ng video ng mga eksena sa araw ng eleksyon (maaaring magdownload sa Youtube) o kayay pagpapakita ng larawan ng balota at hintuturo na may kulay-ubeng tinta. Hingin ang reaksyon ng mga mag-aaral ukol dito. Iugnay ang ipinakitang video o larawan sa babasahing sanaysay. Ipabukas ang teksbuk. Ipabasa ang pamagat ng sanaysay at ipasagot ang mga tanong sa Pag-usapan Natin (Ano ang halalan?; Gaano kahalaga ang halalan sa ating bansa?) Ipasagot ang talasalitaan sa Tuklasin Natin. Ipabasa nang malakas ang sanaysay sa teksbuk na Madali Ba Ang Bumoto? Ipasagot ang mga tanong sa Sagutin Natin (Kanino nakasalalay ang pagpili sa mga pinuno sa ating bayan? Ayon sa CBCP, anu-ano ang mga dapat na maging katangian ng mga taong nagnanais maglingkod sa pamahalaan) at ang mga karagdagang tanong. Ipasagot ang pagsasanay sa Gawin Natin. Ipabasa ang mga pangungusap sa Alamin Natin at ipasagot ang mga tanong tungkol dito. Talakayin ang wastong gamit ng pangatnig sa pagsulat ng pangungusap. Atasan ang mga mag-aaral na magbigay ng sariling pangungusap na gumagamit ng pangatnig. Talakayin ang kabuluhan ng pangatnig sa pag-unawa ng teksto. Ipasagot ang mga pagsasanay sa teksbuk: Subukin Natin (p.249-250) Ipabasa sa klase ang tulang Aking Mithi: Isang Bagong Pilipinas sa 2010 na nasa Kaluskos 4, Tomo 14, Blg.2, S.Y. 2010-2011 (maaaring makuha ito sa www.diwalearningtown.com ). Talakayin ang mga salitang di maunawaan ng klase (gamitin ang searchable English-Tagalog Dictionary). Talakayin ang mensahe ng . Bigyang-diin ang gampanin ng bawat mamamayan sa pag-unlad ng bayan, lalo na kapag panahon ng halalan. Magpakita ng music video hinggil sa kahalagahan ng papel ng mamamayan sa pag-unlad ng bayan (halimbawa, ang video ng GMA 7 na pinamagatang Serbisyong Totoo: Katotohanan ang Magpapalaya sa Bayan) Pagganap ng Gawain : Bumuo ng bukas na liham batay sa mga kaisipang tinalakay sa klase (Tingnan ang Antas 2 : Antas ng Pagganap).