Hunyo 11 Filipino Aralin 1.1

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 16

Modyul 1

Linangin
Basahin mong mabuti ang teksto. Hanguin sa loob ng
teksto ang mga pahayag na nagpapakita ng
paghahambing. Isulat sa papel ang sagot.
Sariwa ang hangin na humihihip sa karagatan. Mas masarap ang
pakiramdam ko ngayon kaysa noong nakaraang buwan. Kapansin-pansin din
ang tubig na umaalon sa dagat na maituturing kong kasinlinaw ng kristal.
Di- gasino mang maingay dito ,wala man ang ingay na matagal ko nang
kinagisnan, alam kong masasanay rin ako. Naalala ko tuloy ang pook na
pinasyalan namin ni inay noong bata pa ako. Magkasingganda ang pook na iyon
at ang lugar na kinatatayuan ko ngayon. Simputi rin ng bulak ang buhangin
doon.
Akala ko iyon na ang una at huling araw na makadadalaw ako sa
ganoong klaseng lugar. Sa mura ko kasing edad noon , alam ko na ang hirap
na pinagdadaanan ng aming pamilya kaya napilitan akong magbanat ng buto
kahit wala pa sa panahon. Buti na lang kinaawaan ako ng Poong Maykapal.
Inialis ako sa nakasusulasok na lugar at dinala ako sa lugar na singganda ng
paraiso. Salamat at nakilala ko si Sir James Bossier. Pansamantala man ang
pananahan ko dito, batid ko na sa aking pagpupursige kasama ng aking
pamilya ay makababalik ako dito upang manirahan.
Linangin
MAY DALAWANG URI NG PAGHAHAMBING
Paghahambing na magkatulad
Ginagamit ito kung ang dalawang pinaghahambing ay may patas na
katangian. Ginagamitan ito ng mga panlaping
kasing, sing,magsing at magkasing o kaya ay
ng mga salitang gaya,tulad, paris, kapwa, at pareho.
Paghahambing na di-magkatulad
Ginagamit ito kung ang pinaghahambing ay may magkaibang katangian.
May dalawang uri ito:
1.Pasahol- Kung ang pinaghahambing ay mas maliit, gumagamit itong
mga salitang tulad ng lalo, di-gaano, di-totoo, di-lubha, o di-
gasino
2. Palamang- Kung ang hinahambing ay mas malaki o nakahihigit sa
pinaghahambingan, gumagamit ito ng mga salitang higit, labis, at
di-hamak.
Linangin
Linangin
Ang pagkakatulad ng salawikain,
sawikain at kasabihan
_____________________________
_____________________________
_______________________
Ang pagkakaiba ng salawikain,
sawikain at kasabihan
__________________________
__________________________
__________________________
__________________________
1.Itala mo ang pagkakatulad at pagkakaiba ng salawikain,
sawikain, at kasabihan sa tulong ng mga salita/ pahayag na
ginagamit sa paghahambing.
Pag-unawa
Pag - Sa Sa Ka ( Pagpapalalim ng Pag-unawa sa
Salawikain, Sawikain, at Kasabihan )
Salawikain
Bigyan mo ng pansin ang bahagi ng tula na ginamitan ng salawikain ng may-
akda upang bigyang diin ang mensaheng nais niyang iparating.
Nakikita ang butas ng karayom,
Hindi ang butas ng palakol
Mayroon pang taong
Sobrang palapuna at palapintasin,
Sa mukha ng kapway
Nakikikita agad ang dumi o dusing;
Munting kapintasan
Ng kapwa niya taong laging pinapansin
Ang kamalian niyat
Mga kasamaan ay ayaw aminin.
Dungis sa mukha moy pahirin mo muna
Bago ka mamintas ng mukha ng iba.
Halaw sa tulang Mga Ginto sa Putikan ni Gregorio G. Cruz
Pag-unawa
Pag - Sa Sa Ka ( Pagpapalalim ng Pag-unawa sa
Salawikain, Sawikain, at Kasabihan )
Panuto: Bumuo ka ng maikling talata na magpapalawak ng iyong sagot
sa tanong blg. 1.
1.Bilang kabataan, paano mo isasabuhay ang mga salawikain na ginamit
sa tula? Isulat ang mga sagot sa papel.
_____________________________________
_____________________________________
_____________________________________
_____________________________________
_____________________________________
_____
Pag-unawa
Pag - Sa Sa Ka ( Pagpapalalim ng Pag-unawa sa
Salawikain, Sawikain, at Kasabihan )
Sa pagdamay ay no.1
Matalas makiramdam
Ang sakit sa kalingkingan
Ay sakit ng buong katawan
Kung di kaya ng nag-iisa
Pagtulungan nating dalawa
Ang bayanihan spirit
ay taglay ng bawat isa
Marunong lumingon
Sa pinanggalingan
Ang utang na loob
Hindi nalimutan
Walang puwang sa isip mo
Ang crab mentalidad
Hindi naiinggit
Kapwa Pinoy man Ay umunlad
Bahagi ng awit na Positibong Kasabihan ni Ser
Jess Torres
Kasabihan
Ang kasabihan ay isa sa mga karunungang-bayan na iyo nang nakilala.
Bigyan mo ng pansin ang nilalaman ng bahagi ng isang awit na nagpakilala ng
mga kasabihang Pilipino na hindi dapat kalimutan.
Pag-unawa
Pag - Sa Sa Ka ( Pagpapalalim ng Pag-unawa sa
Salawikain, Sawikain, at Kasabihan )
2. Magsaliksik ka ng mga pangyayari sa iyong kapaligiran (halimbawa:
batay sa obserbasyon o pansariling karanasan) na nagpapakita ng
diwang isinasaad ng napiling kasabihan sa hinalaw na awit . Gawin sa
papel. Gayahin ang pormat.
Kasabihan mula sa awit
_______________________________
_______________________________
Nasaliksik na pangyayari:
_______________________________
_______________________________
Kasabihan mula sa awit
_________________________
_________________________
________________
_________________________
_________________________
________________
Nasaliksik na pangyayari:
_________________________
_________________________
________________
Pag-unawa
Pag - Sa Sa Ka ( Pagpapalalim ng Pag-unawa sa
Salawikain, Sawikain, at Kasabihan )
Sawikain/Kawikaan
Ang pakikipag-usap sa kapwa ay tulay sa
pagkakaunawaan. Ngunit minsan, naghahatid ito ng hidwaan sa
mga tao dahil sa paggamit ng mga salita o pahayag na
nakasasakit ng damdamin. Sa iyong palagay, paano nakatutulong
ang sawikain upang maiwasan ang ganitong sitwasyon? Bigyan
mo ng pansin ang mga sawikain na ginamit sa usapan.
Pagkatapos, sagutin ang kasunod na gawain sa p. 41.
Pag-unawa
Pag - Sa Sa Ka ( Pagpapalalim ng Pag-unawa sa
Salawikain, Sawikain, at Kasabihan )
Lef : Hoy! Joan, kumusta ka na? Ibang-iba ka na ngayon . Halos di kita
makilala para kang hinipang lobo.
Joan: Mabuti naman. Naku , Oo nga eh, napabayaan na kasi ako sa
kusina. Aba! Iba na rin naman ang hitsura mo. Ang tingin ko sa iyo
ngayon tila ka ipinanganak na may gintong kutsara sa bibig.
Ang lakas ng dating mo.
Lef : Naku ha, pamporma lang ang mga ito. Anong balita sayo?
Ipinagpatuloy mo ba ang kursong Medisina? Ikaw ang may utak sa
klase natin noong High School tayo di ba? Malamang kayang-kaya
mo ang kursong pinangarap mo.
Joan: Heto ngat patuloy akong nagsusunog ng kilay para matapos ko ang
kursong noon pay hinangad ko na.
Lef: Masaya akong malaman yan. Talaga naman, sa buhay ng tao bago mo
makamtan ang iyong pangarap kailangan mo talagang dumaan sa
butas ng karayom sa dami ng pagsubok na iyong mararanasan.
Joan: Ganyan talaga ang buhay. Matamis ang bunga kapag pinaghihirapan.
Pag-unawa
Pag - Sa Sa Ka ( Pagpapalalim ng Pag-unawa sa
Salawikain, Sawikain, at Kasabihan )
Karunungang-bayan Kahalagahan
Salawikain
Sawikain
Kasabihan
3. Sa iyong palagay, paano nakatulong ang bawat sawikain upang maging
magaan ang mga pahayag ng mga tauhan? Isulat mo ang iyong sagot sa
paraang patalata.Gawin sa papel. Bumuo ng iyong pamagat para sa talata.
4. Batay sa iyong naging sagot sa naunang mga gawain, ihanay mo ang
kahalagahan ng salawikain, sawikain at kasabihan.
Paglalapat
Inaaasahang Produkto (Pangkatang Gawain)
Ang layunin mo sa bahaging ito ay mailapat ang mga kaalamang natutuhan sa
awtentikong pagkatuto. Basahin at unawain mo ang sitwasyon pagkatapos, gawin mo
ang Inaasahang Produkto para sa araling ito .
Dadalaw ngayong buwan sa inyong barangay ang mga piling
senior citizen na nagmula sa ibat ibang lalawigan. Ang layunin nila sa
pagdalaw ay upang matiyak na ang kabataan ay may naiaambag sa
pagpapanatili ng yaman ng kultura at tradisyon ng ating lahi. Ikaw,
bilang SK chairman ay naatasan ng inyong Punong barangay na
magpakita ng mga katibayan na ang kabataan ay may malaking bahagi
sa pagpapanatili ng sariling kultura at tradisyon. Naisip mo na ipakita
ito sa pamamagitan ng pagbuo ng isang brochure na naglalaman ng
mga karunungang- bayan kung saan iuugnay mo ang mga gawaing
pangkabataan sa inyong barangay. Ayon sa inyong punong barangay
ang brochure na dapat mong maipakita ay matataya sa sumusunod na
pamantayan:
Paglalapat
Inaaasahang Produkto
PAMANTAYAN LUBOS NA
KATANGGGAP-
TANGGAP
(5)
KATANGGAP-TANGGAP
(3)
MAHINA
(1)
Organisasyon Lohikal ang pagkakaayos
ng mga teksto at larawan
May ilang teksto at
larawan na wala sa lugar
Nakalilito ang
pagkakaayos ng teksto at
mga larawan
Kalidad ng mga Larawan Klaro at tama ang
perspektibo
May ilang larawan na di
klaro o tama ang
perspektibo
Karamihan sa mga
larawan ay di klaro o
Malabo ang perspektibo
Dibuho Kaakit-akit ang brochure
dahil tama ang
kombinasyon ng kulay,
estilo, laki ng font at
pagkakaayos ng teksto at
larawan
Medyo kaakit-akit ang
brochure kahit ay ilang
maling kombinasyon na
makikita sa brochure
Di- gaanong kaakit-akit
ang brochure dahil
kitang-kita ang maling
kombinasyon ng larawan,
estilo, font at teksto
Gamit ng Karunungang-
bayan
Mabisa ang
pagkakagamit ng
karunungang -bayan
sapagkat
Nakatulong ito upang
maipakita ang kultura at
tradisyong Pilipino
Di masyadong mabisa
ang pagkakagamit ng
mga karunungang- bayan
dahil di gaanong
naipakita ang kultura at
tradisyong Pilipino
Di mabisa ang
pagkakagamit ng mga
karunungang -bayan
sapagkat halatang pilit
ang pagpapakita ng
kultura at tradisyong
Pilipino
RUBRIK
Paglalapat
Inaaasahang Produkto (Pangkatang Gawain)
Format sa Brochure:
Kahalagahan
ng Kultura at
Tradisyon
Pangalan ng
Barangay
SK Chairman:
Iba pang
kabataan:
Cover page
Cover side
Inside
Unang pahina
sa mga
impormasyon
Ikalawang
pahina sa mga
impormasyon
Ikatlong
pahina sa mga
impormasyon
Filipino 8

You might also like