Hi 166 3rd Report: Cold War: Ang Mundo ng Komunismo & Malayang Mundo"
I. Cold War Definition
Nagsimula ang Cold War noong 1947 at natapos nang ilang dekada ang nakaraan noong 1991. Nangyari ang digmaang ito sa pagitan ng Western o Capitalist Bloc kasama ang NATO (North Atlantic Treaty Organizaton) sa ilalim ng pamumuno ng United States at ng Eastern o Communist Bloc kasama ang Warsaw Pact (Warsaw Treaty Organization of Friendship, Cooperation and Mutual Assistance) sa pinamumunuan naman ng Soviet Union. Marahil kahinahinala na nagkaroon ng labanan sa pagitan ng dalawang ito sapagkat magkakampi sila noong digmaan laban sa Nazi Germany. Pagkatapos nilang talunin ang Nazi Germany, malamang nakilala ang dalawa bilang kasama sa mga pinakamalakas sa mundo noon. Sapagkat pareho tagumpay ang naranas ng dalawa, nagkaroon pa rin ng mainit na pagbanat sa pagitan nila sapagkat masaydong iba ang kanilang paraan ng paghawak ng ekonomiya at pulitika at pareho nila nakikitang babala ang isa base sa kanilang kapangyarihan na humahawak ng ibang mga bansa.
United States Soviet Union Free elections No elections (fixed) Democratic Dictatorship Capitalist Communist Richest world power Poor economic base Personal freedom Controlled by authority Freedom of media Censorship Survival of the Fittest Helping Everyone Source: http://www.historylearningsite.co.uk
Pinangalanan itong Cold War sapagkat ang magkatunggali ay parehong may hawak ng nuclear weapons na maaring magamit muli para sa panibagong digmaan --- na hindi nila ginawa. Hindi nagkaroon ng pisikal na labanan. Matinding tensyon ang naramdaman sapagkat may kanya-kanyang paramdam (katulad ng pang-eespiya) ng galit ang magkabilang panig kung kayat nailarawan na psychological warfare ang digmaang ito. Ang nagkaroon lamang ay ang pilit na palakasan ng impluwensya sa mundo na mismong nagdulot ng sunod-sunod na giyera:
Berlin Blockade o Berlin Wall (1948-1949) Tinawag itong the anti-fascist protection barrier sapagkat ginamit ito para hindi makapasok ang mga sibilyan ng East Germany sa West Germany. Pinipilit makapasok ng mga tao sa West Germany sapagkat nakitang mas maganda o mas maginhawa ang buhay doon hindi katulad sa East kung saan mataas ang unemployment rate at mababa ang sweldo. Napansin ito ng may autoridad sa East Germany. Naramdaman nila na baka sakaling sentro ng mga espiya ang West Berlin kung kayat nilagyan nila ng barbed wires ang lugar para walang makatawid. Hindi nagtagal, ginawa na nilang konkreto ang harang at tinawag na itong Berlin Wall. Binabaril ang mga taong sinusubukang tumawid dito.
Korean War (1950 - 1953) Dito nahati ang Korea sa dalawa kung saan sinakop ng Russia ang hilagang bahagi habang sinakop naman ng America ang timog na bahagi. Nagawang pabagsakin ng North Korea ang kapital ng South Korea kung kayat nagpadala ang United Nations Security Council ng mga hukbo ng sundalo kung saan si General MacArthur ang nanguna. Nagawa niyang mapaurong ang mga kalaban nang direkta niyang inatake ang lugar. Subalit, sa sariling dahilan, idiniretso niya ang pag-atake papunta sa Yalu River na pagmamay-ari ng Tsina. Dahil dito, umatake pabalik ang mga Tsino gamit ang malaking pwersa na nagdulot ng pag-urong naman ng hukbo ng United Nations. Sa pagkakataong ito, bumagsak muli ang Seoul, ang kapital ng South Korea.
Cuban Missile Crisis (1962) Bago pa man nagkaroon ng koneksyon ang Cuba sa America o Russia, naghirap ang mga tao sa ilalim ng pamumuno ni Fulgencio Batista bilang diktador nila. Maraming investments o pera ang dumating sa Cuba noon subalit si Batista at ang mga alagad niya lamang ang nakinabang. Nabuo ang isang coup na pinamunuuan ni Fidel Castro. Matibay ang plano ng coup kung kayat nagawa nilang patumbahin ang gobyerno. Ipinapatay si Batista at ang mga corrupt kung kayat si Castro ang namuno sa Cuba. Noong una ay maganda ang relasyon ng Cuba sa Amerika hanggang sa tumanggi ang Amerika na makipag negosyo ng asukal (na malaking revenue noon para sa Cuba). Sa dahilang ito, sa Russia nakipagkalakalan ang Cuba. Nang magtagal, naging missile base ng Russia ang Cuba. Nang makita ito ng mga espiyang Amerikano, natakot sila sapagkat ang kabuuan ng pagbomba ay maaaring makapatay ng 80 milyong Amerikano kapag pinasabog. Nagkaroon ng kasunduan na hindi sasakupin ng Amerika ang Cuba para hindi sila bombahin ng Russia. Matagumpay naman ang kasunduan kung kayat wala na naman direktang labanan.
Maraming digmaan na rin ang nangyari nung Cold War kasama ang Vietnam War (1959-1975), Yom Kippur War (1973), Soviet war in Afghanistan (1979 - 1989), Soviet Downing of Korean Air Lines Flight 007 (1983), at ang Able Archer: NATO military exercises (1983).
Mga Sanhi ng Cold War: Natakot ang Amerika kung sakaling magkaroon ng communist attack habang hindi talaga gusto ng Russia ang kapitalismong paniniwala. Pareho silang nagkaroon ng takot mula sa magkabilang banta ng nuclear attack kung kayat gumawa sila ng kanya-kanyang planong na pang depensa at opensa. Naging dulot din ang pilit na pagpasok ng Russia sa Eastern Europe at ang mga hindi natupad na pangako para sa eleksyon. Malaking problema na rin ang kabaligtaran ng kanilang paraan ng pagtatakbo ng ekonomiya at pulitika sapagkat pareho nilang ginustong sakupin ang ibang bahagi ng mundo.
II. Mundo ng Komunismo Ang Komunismo ang paniniwala sa adhikain ng mga Proletariat na makalaya mula sa sistema ng opresiyon sa lipunan. Ito ay isang pulitikang paniniwala na lahat ng bagay ay pagmamayari ng publiko, na walang social class at lahat ng tao ay pantay-pantay ang antas sa lipunan. Tinatanggal nito ang opresiyon na dulot ng pagaaway ng ruling class at working class sa pamamagitan ng ideya na lahat ng bagay ay pagmamayari ng lipunan. Isa din itong ekonomikong paniniwala na nagsasabi na ang produksiyon ay isang social cooperative kung saan walang piling grupo o indibidwal ang kokontrol sa paggawa at kita. Tinatanggal ng Komunismo ang pangangailangan sa isang gobyerno, o sa isang grupo ng mamumuno sa karamihan. Kinakailangan ng isang rebolusyon para maisapatupad ang pagbabago na idinidikta ng paniniwalang ito. Ang makabagong paniniwala sa konsepto ng Komunismo ay isang reaksiyon tungkol sa mababang kondisyon ng mga manggagawa (proletariat) noong Industrial Revolution na nangyari noong 18th century. Ang isang tao ay naging sing-halaga na lamang ng kanyang kakayahan na magtrabaho, at ang tao mismo ay naging isang produkto na maaaring ilako sa isang kapitalistang lipunan. Ang mga ideya na isinulat nina Karl Marx at Freidrich Engles ay isang pagbatikos sa kalagayan na ito. Ang kanilang panunulat na Communist Manifesto ang nag-pakalat ng mga ideyang ito sa kabuuang Europa, na tuluyan ngang nag-impluwensiya kay Vladimir Lenin na simulan at pamunuan ang Russian Revolution of 1917 laban sa monarkiya. Adhikain ni Lenin ang Komunismo, na nagdidikta sa pagkakapantay-pantay ng antas ng bawat miyembro ng lipunan, ngunit dahil sa kaguluhan mula sa rebolusyon, at oposisyon mula sa karamihan, nagpasya si Lenin sa isang diktaturiyal na klase ng pamumuno. Nangyari ang mga malawakang pag-patay, slave labor, at pagputol ng daloy ng pagkain, na para daw sa pag-kontrol sa mga tao. Sumunod dito ang iba pang mga bansa nananggaling sa monarkiya o kolonisasyon, kabilang na ang Tsina, Cuba, North Korea, Laos, Vietnam, Cambodia, at iba pang bansa sa Silangang Europa. Bukod sa Soviet Union, o ang mga nagbuklod-buklod na bansa sa Silangang Europa, isa pang communist superpower ang Peoples Republic of China.
III. Malayang Mundo Ang Malayang Mundo, o Free World, ay ang reaksyunariong pantawag sa lahat ng bansa na anti- komunismo. Nagsimula ang terminong malaya noong Pangalawang Digmaang Pandaigdig, upang pantukoy sa Allied Powers, ngunit ang pangmalawakang gamit nito ay noong Cold War, upang tukuyin ang lahat ng bansa na hindi sumasang-ayon sa Komunistang paniniwala. Nangunguna dito ang mga bansang Amerika , United Kingdom, France, at ang mga kabilang sa European Union at NATO. Pinaka- malaking oposisyon sa mga pulitika na ideyolohiya ang komunismo at kapitalismo, at itong dalawang konsepto na ito ang naghahati sa Free World at Communist nations. Ang konsepto ng Kapitalismo at Liberalismo ang mga pangunahing prinsipiyo na gumagabay sa Free World. Ang Kapitalismo ay isang ekonomikong konsepto kung saan ang produksiyon at kalakalan ay pribadong-pagmamayari. Ang Liberalismo naman ay ang paniniwala sa kalayaan o autonomiya ng katauhan sa lahat ng antas ng pamumuhay, maging ito man ay sa pulitika, batas, or relihoyon.
IV. Mga Implikasyon/Epekto
Pilipinas Communist I nsurgency Isa sa pinakamalaking problema ng Pilipinas noong panahon ng Cold War ay ang pagbabangon ng Komunismo sa bansa sa pamumuno ng Huks. Ang Huks, o Hukbalahap, ang grupong sumindak sa Luzon upang makamit ang politikal na kapangyarihan at reporma sa lupa. Sa simula sila ay kinilala lamang bilang isang gerilya laban sa mga Hapon ngunit dahil sa Cold War at ang malakas na impluwensiya ng Komunismo, mas lumakas pa ang kanilang himagsikan. Bagaman ang mga Huks ay naghangad na kalabanin ang mga Hapon, kinalaban na rin nila ang gobyerno ng Pilipinas dahil sa matinding relasyon nito sa Amerika noong panahon na iyon. Isa sa mga nagbunga sa labanan sa pagitan ng dalawa ay ang pagpatay ni Aurora Quezon, na hanggang ngayon ay hindi pa tuluyang nalutas kung sino ba talaga ang may sala. Sinasabi na ang mga Huks talaga ang may sala ngunit tinatanggi nito ng mga pinuno ng mga Huks at sinabi na mga taksil na miyembro ang naghangand na kunin ang buhay ng asawa ni dating presidente Manuel Quezon. Maliban pa rito, may pananagutan rin sila sa karamihan na naganap na mga paglulusob ng mga baranggay, pagnanakaw, paggagahasa, pagpapatay, at pagdudukot ng mga tao sa Luzon, lalo na sa Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac, Bulacan, Pangasinan, Laguna, Bataan at Quezon. Sa kasalukuyan, nararanasan pa rin ng bansa ang patuloy na paghihimagsik ng mga grupo para sa Komunismo, isa na rito ang CPP, Communist Party of the Philippines. Gayunman, kahit na mayroon pa ring impluwensiya ang komunismo sa bansa, nababawasan na ang mga umaalay rito. Unti-unting humihina ang himagsik para sa komunismo at kitang-kita ito sa mga grupo na nahihirapang kalabanin ang gobyerno. Maari nating sabihin na ang mahina na ang kalagayan ng komunismo at maaring lumipol ito sa bansa sa malapit na kinabukasan.
Military Maliban sa pagbangon ng Komunismo sa bansa, isa pang mahalagang epekto ng Cold War ay ang pagkaloob ng militar ng Amerika. Noong panahon ng Cold War, nagkaroon ng dalawang kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at Amerika - ang Military Bases Agreement (1947) at ang Mutual Defense Treaty (1951). Ang Military Bases Agreement ay nagsasaad na maaring magtayo ng mga base militar ang Amerika sa bansa. Dagdag pa rito, maaring sumali ang mga sundalong Amerikano sa mga base militar ng Pilipinas at gayon din naman para sa mga sundalong Pilipino sa base militar ng Amerika. Nakatakda noong una na tatagal ang kasunduan ng 99 na taon ngunit itoy binawasan sa 25 na taon at nagtapos noong 1991. Ang Mutual Defense Treaty naman ay ang kasunduan na nagsasabi na magtutulungan ang Amerika at Pilipinas kung sakaling may lumusob sa dalawa. Sa kasalukuyan, kahit na lumipas na ng dalawang dekada nang matapos ang Cold War, nagkakaroon pa rin ng problema dahil sa mga base militar ng Amerika dito sa Pilipinas, lalo na ang base Militar sa Subic. Dahil sa kasunduan, dapat naman talaga na mayroong ganap na pamamahala ang ating gobyerno sa mga lugar na ito ngunit mayroon pa ring mga maliliit na pagtatalo sa pagitan ng dalawang bansa. http://kahimyang.info/kauswagan/history_current_events/1007- today_in_philippine_history__march_14__1947__the_military_bases_agreement_was_signed
Buong Mundo
Kahit na ang Cold War ang pagitan lamang sa dalawang super power states, nagkaroon ito ng malaking epekto sa buong mundo. Isang tema na makikita natin na naging bunga ng Cold War ay ang paghahati-hati ng mundo. Bago nagsimula ang matinding pagbabanat ng Russia at Amerika silay kilala bilang magkakampi sa labanan nila kontra sa Germany. Nagkaroon lamang ng matinding pagtatalo ang dalawa dahil sa magkabilaang ideolohiya, ang komunismo at kapitalismo. Dahil sa kanilang pagtatalo, hindi lamang ang dawala na nakaranas ng paghahati. Kasama na rito ang Korea na nahati sa dalawa na ngayon ay kinikilala bilang North at South Korea. Ang Europa rin ay nagkaroon ng malaking paghahati na kinikilala bilang Iron Curtain. Ang Iron Curtain ay ang paghahati ng Europa sa dalawang panig - ang panig ng Soviet Union kasama ang mga bansa sa Council for Mutual Economic Assistance at Warsaw Pact, at ang panig ng Amerika kasama ang mga bansa kabilang sa European Community at North Atlantic Treaty Organization. Isang implekasyon ng Cold War ay ang kapangyarihan ng nuclear warafe. Bagaman hindi nagkaroon ng pisikal na labanan sa pagitan ng dalawang panig, makikita natin ngayon na patuloy pa rin ang paggawa ng mga nuclear weapons. Karamihan sa mga armas na ito ay sinasabing para lamang sa depensa ng kani-kanilang mga bansa ngunit sa patuloy na paggawa lamang nito ay dapat maging isang banta kung ano ang maaaring mangyari kung sakaling magkaroon ng digmaan, lalo na kung ito ay tumungo sa nuclear warfare.
1. Ano ang ibig sabihin ng NATO? (North Atlantic Treaty Organizaton) 2. Sino ang diktador ng Cuba? (Fulgencio Batista) 3. Aling parte ng Korea ang pagmamay-ari ng America? (Timog) 4. Kailan nangyari ang Russian Revolution? (1917) 5-7 Magbigay ng tatlong Komunistang bansa. (Russia, Tsina, North Korea, Vietnam, Cuba, etc) 8-10 Magbigay ng tatlong bansa na kabilang sa Free World. (Amerika, UK, France, Philippines, West Germany, Japan, etc, etc.)
Advento, Marian Asi, Jasmin Descallar, Kristel Garcia, Miggy