Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Kabanata I

Isang Handaan
Isang marangyang salu-salo ang ipinag-anyaya ni
Don Santiago de los Santos na higit na popular sa
taguring kapitan Tiago. Kabilang sa mga bisita ang
bagong dating sa Pilipinas na si Padre Damaso na
nailabas ang kanyang mapanlait na ugali.
Kabanata II
Si Crisostomo Ibarra
Ipinakilala ni Kapitan Tiyago si Ibarra sa pagsasabing
ito ay anak ng kanyang kaibigang namatay at
kararating lamang niya buhat sa pitong taong pag-
aaral sa Europa. Tulad ng kaugaliang Aleman na
natutuhan ni Ibarra buhat sa kanyang pag-aaral sa
Europa, ipinakilala niya ang kanyang sarili sa mga
nanduruong kamukha niyang panauhin.
Kabanata III
Ang Hapunan
Pinag-tatalunan ng dalawang pari kung sino ang
uupo sa isang dulo ng mesa. Sa tingin ni Padre
Sibyla, si Padre Damaso ang dapat umupo roon dahil
siya ang padre kumpesor ng pamilya ni Kapitan
Tiyago. Pero, si Padre Sibyla naman ang iginigiit ng
Paring Pransiskano. Si Sibyla ang kura sa lugar na
iyon, kung kaya't siya ang karapat-dapat na umupo.
Maraming nakausap si Ibarra at pagkatapos ay
nagpaalam ng uuwi bagamat pnigilan ni Kapitan
Tiago dahil dadating si Maria Clara ay hindi
nagpatinag ang binata.
Kabanata IV
Erehe at Pilibustero
Naglakad-lakad si Ibarra at nakilala niya si Tinyente
Guevarra na pinakiusapan niyang magkwento
tungkol sa buhay ng kanyang ama dahil wala siyang
nalalaman tungkol dito. Ayon dito, ang kanyang ama
ang pinakamayaman sa kanilang lalawigan bagamat
siya ay ginagalang ay kinaiinggitan. Pinagbintangan
siyang nakapatay kaya pinagbintangan siyang erehe
at pilibustero.
Kabanata V
Pangarap sa Gabing Madilim
Sakay ng kalesa, dumating si Ibarra sa Fonda de
Lala. Mula sa bintana, natanaw niya ang isang
maliwanag na bahay sa kabila ng ilog. May isang
magandang binibini na nababalot ng manipis na
habi,may suot na diyamante at ginto. Ang mga
umpukan naman ng mga Kastila, Pilipino, pari,
intsik, militar ay nakatuon lahat sa kagandahan ni
Maria Clara.
Kabanata VI
Si Kapitan Tiago
Ang katangian ni kapitan Tiago ay itinuturing hulog
ng langit. Siya ay pandak, di kaputian at may
bilugang mukha. Maitim ang buhok, at kung hindi
lamang nanabako at ngumanganga, maituturing na
sya ay magandang lalaki. Dahil sa siya ay mayaman,
siya ay isang impluwensyadong tao. Siya ay malakas
sa mga taong nasa gobeyerno at halos kaibigan nya
lahat ng mga prayle. Ang turing niya sa sarili ay
isang tunay na Kastila at hindi Pilipino.

Kabanata VII
Suyuan sa Asotea
Nanlamig at biglang nabitawan ni Maria Clara ang
tinatahi ng may biglang tumigil na sasakyan sa
kanilang tapat. Nang maulinigan niya ang boses ni
Ibarra, dali-daling pumasok sa silid si Maria Clara.
Tinulungan siya ni tiya Isabel na mag-ayos ng sarili
bago harapin si Ibarra. Nang magkita na sila ni
Ibarra at nagtama ang kanilang paningin,
nakaramdam silang dalawa ng tuwa.
Kabanata VIII
Mga Alaala
Habang binabagtas ni Ibarra ang isang pook sa
Maynila, marami siyang naalala. Kabilang dito ang
mga kalesa at karumatang hindi tumitigil sa
pagbibiyahe, mga taong may ibat-ibang uri ng
kasuotan na katulad ng mga Europeo, Intsik,
Pilipino, mga babaing naglalako ng mga bungang-
kahoy, mga lalakinh hubad na nagpapasan, mga
ponda at restauran at pati ang mga karitong hila ng
mga makupad na kalabaw.
Kabanata IX
Mga Suliranin Tungkol sa Bayan
May isang karwaheng nakatigil sa tapat ng bahay ni
Kapitan Tiyago. Ang nakasakay sa loob nito ay si
Tiya Isabel at hinihintay na lamang na sumakay si
Maria. Biglang dumating si Padre Damaso at
kinausap si Kapitan Tiago. Tutol si Padre Damaso sa
pakikipagmabutihan ni Maria Clara kay Ibarra.
Kabanata X
Ang San Diego
Ang San Diego ay isang karaniwang bayan sa
Pilipinas na nasa isang baybayin ng isang lawa at my
malalapad na bukirin at palayan. Mula sa
pinakamataas na bahagi ng simboryo ng simbahan,
halos natatanaw ang kabuuan ng bayan.
Kabanata XI
Ang mga Makapangyarihan
Ang San Diego ay maihahalintulad sa Roma at Italya
sa mahigpit na pag-aagawan sa kapangyarihan
pamunuan ng bayan. Ang alperes at si Padre Salvi
ang siyang makapangyarihan dito.
Kabanata XII
Araw ng mga Patay
Ang sementeryo ng San Diego ay nasa kalagitnaan
ng isang malawak na palayan at may bakod na
lumang pader at kawayan. Sa ibang bahagi ng
libingan, may dalawang tao ang humuhukay ng
paglilibingan na malapit sa pader na parang
babagsak na. Sinabi ng naninigarilyong lalaki sa
sepulturero na lumipat na sila ng ibang lugar
sapagkat sariwa at dumudugo pa ang bangkay na
kanyang hinuhukay. Hindi niya matagalan ang
gayong tanawin.




Kabanata XIII
Mga Unang Banta ng Unos
Dumating si Ibarra sa libangan at hinanap ang
puntod ng ama- si Don Rafael. Nakita nina Ibarra at
matanda ang sepulturero. Sinabi nila ang
palatandaan ng libingan ni Don Rafael. Tumango ang
tagapaglibing. Pero nasindak si Ibarra ng ipagtapat
ng sepulturero na kanyang sinunog ang krus at
itinapon naman ang bangkay sa lawa dahil sa utos ni
Padre Garrote.
Kabanata XIV
Si Pilosopo Tasyo
Si Pilosopo Tasyo ay dating Don Anastacio. Dahil sa
katalinuhan, pinatigil saiya sa pag-aaral ng kanyang
ina dahil ang gusto nito para sa anak ay maging
isang pari.
Kabanata XV
Ang mga Sakristan
Si Crispin at Basilio ay magkapatid na sakristan.
Nagtatrabaho sila sa simbahan na taga kampana na
sineswelduhan lang ng 2.00 kada buwan. Pinapalo
sila at pinagbintangan na mgananakaw sa simbahan.
Kapag nalaman ito ni Sisa ay siguradong magagalit
ito.
Kabanata XVI
Si Sisa
Si Sisa ay nakatira sa isang maliit na dampa na sa
labas ng bayan. May isang oras din bago marating
ang kanyang tirahan mula sa kabayanan.
Kapuspalad si Sisa sapagkat nakapag-asawa siya ng
lalaking iresponsable, walang pakialam sa buhay,
sugarol at palaboy sa lansangan. Si Sisa lamang ang
kumakalinga kay Basilio at Crispin. Dahil sa
kapabayaan ng kanyang asawa, naipagbili niya ang
mga alahas niya ng siya ay dalaga pa. Minsan lang
umuwi ang kanyang asawa at sinasaktan pa siya.
Kabanata XVII
Si Basilio
Napatigagal si Sisa nang dumating si Basiliong
sugatan ang ulo. Dumadaloy ang masaganang dugo.
Tinanong ni Sisa kung bakit naiwan si Crispin. Sinabi
ni Basilio na napagbintangan na nagnakaw ng
dalawang onsa si Crispin. Hindi niya sinabi ang
parusang natikman ng kapatid sa kamay ng
sakristan mayor.
Kabanata XVIII
Mga Kaluluwang Naghihirap
Dumeretso si Sisa sa ksina ng kumbento. Nakiusap
si Sisa sa tagapagluto kung maari niyang makausap
ang pari. Pero, sinabi sa kanyang hindi sapagkat
may sakit ito. Tinanong niya ang tagapagluto, Kung
nasaan si Crispin. Ang sagot sa kanyang tanong ay
parang bombang sumabog sa kanyang pandinig: Si
Crispin ay nagtanan din pagkatapos na
makapagnakaw ng dalawang onsa at pagkawala ng
pagkawala ng makapatid. Naipagbigay alam na ng
alila sa utos ng kura ang pangyayari sa kwartel. Ang
mga guwardiya sibil ay maaring nasa dampa na nina
Sisa upang hulihin ang magkapatid, pagdiin pa ng
alila.

Kabanata XIX
Mga Suliranin ng Isang Guro
Kahit na dumaan ang malakas na bagyo,ang lawa ay
hindi gaanong nabagabag. Palibhasa ito ay
napapaligiran ng mga bundok. Sa tabi ng lawa, nag-
uusap sina Ibarra at ang binatang guro. Itinuro ng
guro kay Ibarra kung saang panig ng lawa itinapon
ang labi ni Don Rafael.
Kabanata XX
Ang Pulong sa Tribunal
Ang tribunal ay isang malaking bulwagan na siyang
pinagtitipunan at lugar na pulungan mga may
kapangyarihang mga tao sa bayan. May labing isang
araw na lamang ang nalalabi at pista na. Tinuligsa ni
Don Felipo ang tinyente mayor at kapitan dahil
malabo pa ang mga paghahanda sa pyesta.
Kabanata XXI
Mga Pagdurusa ni Sisa
Lito ang isip na tumatakbong pauwi si Sisa.
Matinding bumabagabag sa kanyang isip ang
katotohanang sinabi sa kanya ng kawaksi ng kura.
Para siyang tatakasan ng sariling bait sa pag-iisip
kung paano maiililigtas sina Basilio at Crispin sa
kamay ng mga sibil. Tumindi ang sikdo ng kanyang
dibdib nang papalapit na siya sa kanyang bahay ay
natanaw na niya nag dalawang sibil na papaalis na.
Saglit na nawala ang kaba sa kanyang dibdib.
Kabanata XXII
Liwanag at Dilim
Magkasamang dumating si Maria at ang kanyang
Tiya Isabel sa San Diego para sa pistang darating.
Naging bukambibig ang pagdating ni Maria sapagkat
matagal na siyang hindi nakakauwi sa bayang
sinilangan. Ipinakiusap ni Maria sa kasintahan na
huwag ng isama ang kura sa lakad nila sapagkat
magmula ng dumating siya sa bayan nilulukob siya
ng pagkatakot sa tuwing makakaharap niya ang
kura.
Kabanata XXIII
Ang Piknik
Si Maria Clara ay kaagapay ang mga matatalik
nitong kaibigan na sina Iday, Victorina, Sinang at
Neneng. Habang naglalakad masaya silang
nagkukuwentuhan at nagbibiruan. Paminsan-minsa
ay binabawalan sila ng mga matatandang babae sa
pangunguna ni Tiya Isabel. Pero, sige pa rin ang
kanilang kuwentuhan.
Kabanata XXIV
Sa Kagubatan
Pagkatapos na makapagmisa ng maaga si Padre
Salvi, nagtuloy ito sa kumbento upang kumain ng
almusal. May inabot na sulat ang kanyang kawaksi.
Binasa niya ito. Kapagdaka'y nilamutak ang liham at
hindi na nag-almusal. Ipihanda niya ang kanyang
karwahe at nagpahatid sa piknikan.



Kabanata XXV
Sa Tahanan ng Pilosopo
Nagpatuloy na magkaroon ng tunggalian ng
paniniwala sina Mang Tasyo at Ibarra. Ayon pa rin
kay Mang Tasyo ang gobyerno ay kasangkapan
lamang ng simbahan. Na ito ay matatag sapagkat
nakasandig sa pader ng kumbento at ito ay kusang
babagsak sa sandaling iwan ng simbahan.
Kabanata XXVI
Ang Bisperas ng Pista
Sa bahay ng mga nakakariwasa,nakaayos ang
minatamis na bungang kahoy,may nakahandang
pagkain ,alka na binili pa sa Maynila na katulad ng
hamon at ng relyenong pabo,serbesa,tsanpan at iba
pang klase ng alak na inangkat pa mula sa Europa.
Ang mga pagkain ganito ay inuukol sa mga
banyaga,kaibigan o kaaway,at sa mga Pilipino,
mahirap man o mayamanupang masiyahan sila sa
pista.
Kabanata XXVII
Sa Pagtakip Salim
Sa lahat ng may handaan sa pista ng San Diego, isa
kay Kapitan Tiyago ang pinakamalaki. Sinadya
niyang higitan sa dami ng handa ang mga taga
lalawigan dahil kay Maria at Ibarra na kanyang
mamanugangin.Dahil si Ibarra ay pinuri pa ng isang
tanyag na diyaryo sa Maynila sa pagsasabing siya ay
bihasa at mayamang kapitalista, Kastilang-Pilipino at
iba pa.
Kabanata XXVIII
Sulatan
Inilathala sa isang malaganap na pahayagan sa
Maynila ang tungkol sa pista. Ginawa ito upang
malaman ng banyaga na interesadong mabatid ang
mga pamamaraan ng pagdaraos ng pista ng mga
Pilipino. Nakasaad sa dyaryo na walng makakatulad
sa karangyaan ng pista ng pinangangasiwaaan ng
mga paring pransiskano, pagdalo ni Padre Hermando
Sybila, mga kakilala at mamamayang Kastila at
ginoo ng gabinete, Batanggas at Maynila.
Kabanata XXIX
Ang Umaga
Ang mga tao ay nagbihis na ng mga magara at
ginamit ang mga hiyas na itinatago nila.Eksaktong
alas otso ng umaga, nang simula ang prusisyon. Ito
ay dinaan sa ilalim ng tolda at inilawan ng
matatandang dalaga na kausap sa kapatiran ni San
Francisco.
Naiiba ang prusisyon kaysa sa nagdaang araw
sapagkat ang mga nagsisilaw ay nakaabitong
ginggon. Sa suot na abito ay kaagad na makikilala
ang mayayaman at mahihirap.
Kabanata XXX
Sa Simbahan
Punong-puno ng tao ang simbahan. Bawat isa ay
gustong makasawsaw sa agua bendita. Halos hindi
na humihinga ang mga tao sa loob ng simbahan. Ang
sermon ay binayaran ng P250, ikatlong bahagi ng
ibinayad sa komedya na magatatanghal sa loob ng
tatlong gabi. Naniniwala ang mga tao na kahit na
mahal ang bayad sa komedya, ang manonood dito
ay mahuhulog sa impierno ang kaluluwa. Ang mga
nakikinig naman sa sermon ay tuloy-tuloy sa langit.
Kabanata XXXI
Ang Sermon
Pinatunayan ni Padre Damaso na kaya niyang
magsermon sa wikang kastila at Tagalog. Humanga
si Pari Sibyla sa pagkabigkas ni Padre Damaso at si
Padre Martin ay napalunok ng laway dahil sa alam
niyang higit na maagaling ang pambungad na iyon
sa kanyang sariling sermon.
Kabanata XXXII
Ang Panghugos
Ipinakita ng taong madilaw kay Nor Juan kung paano
niya mapapagalaw ang pampakilos ng kalong ang
kanyang itinayo.
Sabi nito ay mayroong walang metro ang taas ,
nakabaon sa lupa ang apat na haligi. Sa haligi
nakasabit ang malalaking lubid kayaq tila
napakatibay ng pagkayari at napakalaki. Ang
bandang itaas naman ay mayroong banderang iba-
iba ang kulay.
Kabanata XXXIII
Malayang Kaisipan
Panauhin ni Ibarra si Elias. Hiningi ni Elias sa binata
na ipaglihim nito ang pagbibigay niya ng babala sa
kanya. Isa pa, si Elias ay nagbabayad lamang ng
utang na loob sa kanya. Ipinaliwanag din niya na
dapat pa ring mag-ingat si Ibarra sapagkat sa lahat
ng dako ito ay mayroong kaaway.
Kabanata XXXIV
Ang Pananghalian
Patapos na ang tanghalian nang dumating si Padre
Damaso. Lahat bumati sa kanya, maliban kay Ibarra.
Nahalata ng alkalde na panay ang pasaring ni Pari
Damaso kay Ibarra. Sinikap na ibahin nito ang
usapan, pero patuloy ang pari sa pagsasaring.
Walang kibo na lamang si Ibarra. Pero, nang
ungkatin ni Pari Damaso ang tungklol sa pagkamatay
ng ama ni Ibarrang may kasamang pag-aglahi.
Sumulak ang dugo ni Ibarra. Biglang dinaluhong niya
si Pari Damaso at sasaksakin nito sa dibdib. Pero,
pinigilan siya ni Maria.
Kabanata XXXV
Mga Usap-usapan
Ang mga pangyayaring namagitan kina Ibarra at
Padre Damaso ay madaling kumalat sa buong San
Diego. Sa mga usapan, hindi matukoy kung sino ang
may katwiran sa dalawa. Handa ang binata na
dungisan ang kamay nito sa sinumang
lumapastanganan sa kanyang ama.
Kabanata XXXVI
Ang Unang Suliranin
Isang malaking gulo ang nangyayari sa bahay ni
Tiyago dahil sa hindi inaasahang pagdating ng
Kapitan-Heneral. Si Maria ay panay ang pagtangis at
hindi pinakikinggan ang payo ng kanyang ale at ni
Andeng. Paano nga, pinagbawalan si Maria ng
kanyang ama na makipag-usap kay Ibarra habang
hindi pa inaalis ang eskomonyon sa binata.

Kabanata XXXVII
Ang Kapitan-Heneral
Pagkadating ng Kapitan-Heneral, ipinahanap niya
kaagad si Ibarra. Samantala, kinausap muna niya
ang binatang Taga-Maynila na nagkamaling lumabas
habang nagsesermon sa misa si Padre Damaso. Ang
paglabas ng binata sa simbahan ay ikinagalit ni
Damaso. Namumutla at nginig ang buong katawan
ng binata ng pumasok siyang kausapin ng Heneral.
Ngunit, ng lumabas na ito, nakangiti na siya. Ito ay
tanda ng mabuting ugali ng Kapitan-Heneral.
Mayroon siyang panahon basta sa katarungan.
Kabanata XXXVIII
Ang Prusisyon
Ang nakakatulig na paputok at sunod-sunod na
pagdupikal ng mga batingaw ay nagbabadyang
inilabas na ang prusisyon. Ang mga binata na halos
lahat ay mayroong dalang sinding parol. Kasamang
naglalakad ni Kapitan Heneral ang mga kagawad, si
Kapitan Tiyago, ang alkalde, ang alperes at si Ibarra
at patungo sa bahay ng kapitan.
Kabanata XXXIX
Si Donya Consolacion
Kahit na napatapat ang prusisyon sa bahay ni Donya
Consolacion ay pinid na pinid. Nang umagang iyon,
ang asawa ng alperes at paraluman ng mga
guwardiya sibil ay hindi nakapagsimba. Paano hindi
siya pinayagang lumabas ng kanyang asawa.
Ikinahihiya ng alperes ang katawa-tawang
pagdadamit nito. Ang kanya namang amoy katulad
ng kalaguyo ng mga guwardiya sibil. Pero, para sa
sarili ni Donya Consolacion siya ay higit pa ngang
maganda kaysa kay Maria Clara.
Kabanata XL
Ang Karapatan at Lakas
Mag-iikasampu na ng gabi ng paisa-isang sindihan
ang mga kuwitis. Ang huling pailaw ay parang bulkan
habang ang daan ay naliliwanagan ng 'luces de
Bengala' na siyang nagsisilbing ilaw sa mga taong
naglalakad patungo sa liwasang bayan. Tapos na ang
unang bahagi ng dula nang pumasok si Ibarra.
Umugong ang bulungan, pero hindi ito pinansin ni
Ibarra. Malugod na binati niya ang kasintahan at ang
mga kasama nito.
Kabanata XLI
Dalawang Dalawa
Dahil sa nangyari hindi dalawin ng antok si Ibarra,
kaya naisipan nitong gumawa sa kanyang
laboratoryo. Pamaya-maya pumasok ang kanyang
utusan at sinabing mayroon siyang panauhing taga-
bukid. Pinapatuloy niya ito ng hindi man lamang
lumilingon. Ang kanyang panauhin ay si Elias. Tatlo
ang pakay ni Elias sa pagpunta niya kay Ibarra. Una,
ay upang ipaalam na nilalagnat o may sakit si Maria
Clara. Ikalawa, magpapaalam na siya kay Ibarra
sapagkat nakatakda siyang magtungo sa Batangas
at ikatlo, itatanong niya sa binata kung wala itong
ipagbibilin sa kanya. Hinangad ni Ibarra ang
maluwalhating paglalakbay ni Elias.

Kabanata XLII
Ang Mag-asawang De Espadaa
Dumating sa bahay ni Kapitan Tiago sina Dr. Tiburcio
de Espadana, na inaanak ng kamag-anak ni Pari
Damaso at tanging kalihim ng lahat ng ministro sa
Espanya at ang kanyang asawa na si Donya Victorina
na sa biglang tingin ay napapagkamalang isang
Orofea.
Kabanata XLIII
Mga Balak o Panukala
Ipinakilala ni Donya Victorina si Linares. Sinabi ni
Linares na siya ay anaanak ng bayaw ni Damaso na
si Carlicos. Ibinigay ni Linares ang sulat sa pari na
binasa naman niya. Lumitaw na si Linares ay
nangangailangan ng trabho at mapapangasawa.
Ayon kay Damaso madali niyang maihanap ng
trabaho ang binata sapagkat ito ay tinanggap na
abogado sa Universidad Central. Tungkol naman sa
pag-aasawa, sinabi ni Damaso na kakauapin nila si
Tiyago.
Kabanata XLIV
Pagsusuri sa Budhi
Nabinat si Maria pagkatapos na makapagkumpisal.
Sa kanyang pagkahibang walang sinasabing
pangalan kundi ang pangalan ng kanyang inang hindi
man lamang nakikilala.Siya ay binabantayang
mabuti ng kanyang mga kaibigang dalaga. Si Tiyago
naman ay nagpamisa at nangako na magbibigay ng
tungkod na ginto sa Birhen ng Antipolo. Unti-unti
namang bumaba ang lagnat ni Maria.
Takang-taka naman si Don Tiburcio sa naging epekto
ng gamot na inireseta niya sa dalaga. Sa kasiyahan
ni Donya Victorina hindi niya nilabnot ang pustiso ng
asawa.
Kabanata XLV
Ang mga Pinag-uusig
Ipinahayag ni Elias Kay Matandang Pablo na siya ay
nagkapalad na makilala at makatulong sa isang
binatang mayaman, matapat, may pinag-aralan at
nag-iisang anak ng isang taong marangal na
hinamak din ng isang pari, maraming kaibigan sa
Madrid kabilang na ang Kapitan-Heneral. Bilang
pagbibigay diin, tiniyak ni Elias sa matanda na
makakatulong daw ang binatang ito sa kanilang
pagnasang maipaabot sa heneral ang mga hinaing
ng bayan.
Kabanata XLVI
Ang Sabungan
Katulad din ng iba pang bayan ng Pilipinas, may
sabungan din sa San Diego. Nasa loob ng sabungan
sina Kapitan Pablo, Kapitan Basilio at Lucas. Habang
hindi magkamayaw sa pagpusta ang ilang sabungero
sa gagawing pagsusultada, ang dalawang binatang
magkapatid na sina Tarsilo at Bruno ay naiinggit sa
mga pumupusta.



Kabanata XLVII
Ang Dalawang Senyora
Habang nakikipaglaban ang lasak ni Kapitan Tiyago,
magkaakbay naman na namamasyal sina Donya
Victorina at Don Tiburcio upang malasin ang bahay
ng mga Indio. Nang mapadaan ang Donya sa tapat
ng bahay ng alperes nagkatama ang kanilang mga
paningin. Parehong matalim. Tiningnan ng alperes
ang Donya mula ulo hanngang paa, ngumuso at
dumura sa kabila. Sinugod ng Donya ang alperes at
nagkaroon ng mainitang pagtatalo Binanggit ng
Donya ang pagiging labandera ng alperesa
samantalang pinagdidikdikan naman ng huli ang
pagiging pilay at mapagpanggap na asawa ng
Donya. Puyos sa galit, Habang hawak na mahigpit
ang latigo ng alperes na nanaog si Donya
Consolacion, upang daluhugin si Donia Victorina.
Pero, Bago mag-pang-abot ang dalawa, dumating
ang alperes. Umawat si Don Tiburcio. Ang
pangyayari ay sinaksihan ng maraming tao na
nakatawag pansin ng kanilang pagtatalakan.
Kabanata XLVIII
Ang Talinhaga
Sinabi ni Ibarra sa kasintahan ang dahilan ng
kanyang hindi pinasabing pagdalaw. Nakatingin
lamang sa kanya si Maria na parang inuunawa ang
bawat katagang namutawi sa kanyang labi.
Malungkot si Maria, kaya nakuro ni Ibarra na bukas
nalamang siya dadalaw.Tumango ang dalaga. Umalis
si Ibarra na ang puso ay ginugutay ng matinding
pag-aalinlangan, gulo ang kanyang isip.
Kabanata XLIX
Ang Tinig ng mga Pinag-uusig
Nang lumulan si Ibarra sa bangka ni Elias, waring ito
ay hindi nasisiyahan. Kaya, kaagad na humingi ng
paumanhin si Elias sa pagkagambala niya sa binata.
Hindi na nag-aksaya ng panahon si Elias sinabi niya
kaagad kay Ibarra na siya ang sugo ng mga
sawimpalad. Ipinaliwanag niya ang napagkasunduan
ng puno ng mga tulisan (Si Kapitan Pablo) na hindi
na binanggit pa ang mga pag-aalinlangan at
pagbabala.
Kabanata L
Ang mga Kaanak ni Elias
Isinalaysay ni Elias ang kanyang kasaysayan kay
Ibarra upang malaman nito na siya ay kabilang din
sa mga sawimpalad. May 60 taon na ang
nakakalipas, ang kanyang nuno ay isang tenedor de
libros sa isang bahay- kalakal ng kastila.Kasama ng
kanyang asawa at isang anak na lalaki, ito ay
nanirahan sa Maynila.Isang gabi nasunog ang isang
tanggapang pinaglilingkuran niya. Isinakdal ang
kanyang nuno sa salang panununog. Palibhasay
maralita at walang kayang ibayad sa abogado, siya
ay nahatulan. Ito ay ipinaseo sa lansangan na
nakagapos sa kabayo at pinapalo sa bawat
panulukan ng daan. Buntis noon ang asawa,
nagtangka pa ring humanap ng pagkakakitaan kahit
na sa masamang paraan para sa anak at asawang
may sakit. Nang gumaling ang sugat ng kanyang
nuno, silang mag-anak ay namundok na lamang.
Nanganak ang babae, ngunit hindi nagtagal namatay
ito. Hindi nakayanan ng kanyang nuno ang sapin-
saping pagdurusang kanilang natanggap. Nagbigti
ito. Hindi ito naipalibing ng babae. Nangamoy ang
bangkay at nalaman ng mga awtoridad ang
pagkamatay ng asawa.Nahatulan din siyang
paluin.Pero, ito ay hindi itinuloy at ipinagpaliban
sapagkat dalawang buwan siyang buntis nuon.
Gayunman, pagkasilang niya, ginawa ang hatol.
Kabanata LI
Mga Pagbabago
Hindi nakaimik si Linares sapagkat nakatanggap siya
ng liham mula kay Donya Victorina. Alam ni Linares
na hindi nagbibiro ang Donya. Kailangang hamunin
niya ang alperes subalit sino naman kaya ang
papayag na maging padrino niya, ang kura kaya o si
Kapitan Tiyago. Pinagsisisihan niya ang kanyang
paghahambog at pagsisinungaling sa paghahangad
lamang na makapagsamantala. Labis siyang
nagpatianod sa kapritso ng Donya.
Kabanata LII
Ang Baraha ng Patay at ang mga Anino
Madilim ang gabi at malamig ang ihip ng hangin
pumapaspas sa mga dahong tuyo at alikabok ng
makipot ng daang patungo sa libingan. May tatlong
anino na paanas na naguusap sa ilalim ng pinto ng
libingan. Itinanong ng isa kung nakausap na niya ng
kaharap si Elias. Hindi raw pero siguradong kasama
ito sapagkat nailigtas na minsan ni Ibarra ang buhay
nito. Tumugon ang unang anino na ito nga ay
pumayag na sumama sapagkat ipapadala ni Ibarra
sa Maynila ang kanyang asawa upang ipagamot. Siya
ang sasalakay sa kumbento upang makaganti siya sa
kura.
Kabanata LIII
Ang Mabuting Araw ay Nakikilala sa Umaga
Kinabukasan ng umaga, kumalat ang balita tungkol
sa mga ilaw na nakita sa libingan ng nakaraang gabi.
Sa paniniwala ng mga puno ng mga kapatiran ni San
Francisco, may 20 ang nakita niyang kandila na
sinindihan. Panaghoy at paghikbi naman ang narinig
ni Ermana sipa kahit na malayo ang kanyang bahay
sa libingan. Sa pulpito, binigyang diin naman ng kura
sa kanyang sermon ang tungkol sa kaluluwa sa
purgartoryo.
Kabanata LIV
Lahat ng Lihim ay Nabubunyag at Walang Di
Nagkakamit ng Parusa
Tinulungan ni Elias si Ibarra sa pagpili ng mga
kasulatan. Sa mga kasulatan, nabasa niya ang
tungkol kay Don Pedro Eibarramendia at tinanong
niya kay Ibarra kung ano ang relasyon nito sa kanya.
Halos nayanig ang buong pagkatao ni Elias nang
sabihin ni Ibarra na iyon ang kanyang nuno na
ipinaikli lamang ang apilyido. Isa pa, ito ay isang
Baskongado. Natagpuan na ng piloto ang lahing
lumikha ng matinding kasawian sa kanilang buhay.


Kabanata LV
Ang Pagkakagulo
Oras ng hapunan pero nagdahilan si Maria na wala
siyang ganang kumain. Nakatakdang dumating sa
ikawalo ng gabi si Ibarra. Ika-walo rin ng gabi ang
nakatakdang paglusob sa kumbento at sa kwartel.
Nang sumapit ang ikawalo, napaupo sa isang sulok
ang pari samantalang ang magkaibigan ay hindi
malaman ang gagawin. Nang tumugtog ang
kampana, silang lahat ay tumindig upang magdasal.
Kabanata LVI
Ang mga Sabi at Kuro-kuro
Hanggang sa kinabukasan sakmal pa rin ng takot
ang buong bayan ng San Diego. Ni isa mang tao ay
walang makitang naglalakad sa gitna ng daan.
Tahimik na tahimik ang buong paligid. Pamaya-
maya, isang bata ang naglakas loob na magbukas ng
bintana at inilibot ang paningin. Dahil sa ginawa ng
bata, nagsisunod ang mga iba na magbukas ng
bintana. Ang mga magkakapit-bahay ay nagbalitaan.
Lubhang kalagim-lagim daw ang nagdaang gabi
tulad noong mandambong si Balat. Sa kanilang pag-
uusap, lumilitaw na si Kapitan Pablo raw ang
sumalakay.
Kabanata LVII
Vae Victus! Sa Aba ng Mga Manlulupig
Tarsilo Alasigan ang tunay na pangalan ni Tarsilo.
Pilit siyang tinatanong kung kaalam si Ibarra sa
nasabing paglusob. Ngunit, iginigiit din niyang
walang kamalay-malay si Ibarra sapagkat ang
ginawa ay upang ipaghiganti ang kanilang amang
pinatay sa palo ng mga sibil. Dahil dito, iniutos ng
alperes na dalhin si Tarsilo sa limang bangkay, ito ay
umiling. Nakita niya ang kanyang kapatid na si
Bruno sa tadtad ng saksak, si Pedro na asawa ni Sisa
at ang kay Lucas na may tali pang Lubid sa leeg.
Dahil sa patuloy itong walang immik kahit sa sunod-
sunod ang pagtatanong sa kanya. Nagpuyos sa galit
ang alperes. Iniutos na paluin ng yantok si Tarsilo
hanggang sa magdugo ang buong katawan nito.
Kabanata LVIII
Ang Sinumpa
Tuliro at balisa ang mga pamilya ng mga bilanggo.
Nakakapaso ang sikat ng araw, ngunit ang mga
babae ay ayaw umalis. Mag-iikalawa ng hapon ng
dumating ang isang kariton na hila ang isang baka.
Tinangka ng mga kaanak ng mga bilanggo na sirain
at kalagan ang mga hayop na humihila sa kariton.
Pero pinagbawalan sila ni Kapitana Maria at sinabing
kapag ginawan nila iyon, mahihirapan sa paglakad
ng kanilang ka-anak ng bilanggo. Pagkakita kay
Ibarra ng mga tao, biglang umugong ang salitaan na
kung sino pa ang may sala ay siya pa itong walang
tali. Dahil dito ay inutusan ni Ibarra na gapusin siya
ng mga kawal ng abot-siko.
Kabanata LIX
Pag-ibig sa Bayan
Ang ginawang pagluson ng mga naapi o sawimpalad
ay nakarating at napalathala sa mga diyaryo sa
Maynila. Iba rin ang balitang nagmula sa kumbento.
Iba-iba ang estilo ng mga balitang lumaganap. Sa
ibang kumbento naman ay iba ang pinag-uusapan.
Ang mga nag-aaral daw sa mga heswita sa Ateneo
ay lumalabas na nagiging pilibustero. Sa kabilang
dako sa isang pagtitipon sa Intramuros na dinaluhan
ng mga dalaga, mga asawa at mga anak ng kawani
ang tema ng kanilang pag-uusap ay ang tungkol din
sa naganap na pag-aalsa. Ayon sa isang lalaking
komang galit na galit daw ang heneral kay Ibarra
sapagkat naging napakabuti pa nito sa binata. Sinabi
naman ng isang ginang na talagang walang utang na
loob ang mga indio kaya't di dapat silang ituring na
mga tunay na tao.
Kabanata LX
Ikakasal na si Maria Clara
Dumating sa bahay ni Tiyago si Linares at ang mag-
asawang de Espadaa na kapwa itinuring na pangkat
ng makapamahalaan. Sinarili ni Donya Virtorina ang
usapan. Sinabi na kung babarilin si Ibarra, iyon ang
nararapat sapagkat siya ay isang pilibustero.
Bagama't namumutla at mahina si Maria, kanyang
hinarap ang mga bisita. Humantong ang usapan
tungkol sa pagpapakasal nina Maria at Linares.
Nagkayarian din na magpapapista si Tiyago.
Sinabihan niya si Tiya Isabel na kung ano ang nasa
loob ni Maria tungkol sa napipinto nitong pakikipag-
isang dibdib. Sa wari, desidido na si Tiyago na
ipakasal si Maria sapagkat nakini-kinita niyang siya'y
maglalabas-masok sa palasyo sa sandaling maging
manugang niya si Linares. Si Linares ang tagapayo
ng Kapitan Heneral, kaya't inaakala ni Tiyago na siya
ay kaiinggitan ng mga tao.
Kabanata LXI
Ang Barilan sa Lawa
Habang mabilis na sumasagwan si Elias, sinabi niya
kay Ibarra na itatago siya sa bahay ng isang
kaibigan sa Mandaluyong. Ang salapi ni Ibarra na
itinago niya sa may puno ng balite sa libingan ng
ninuno nito ay kanyang ibabalik upang may magamit
si Ibarra sa pagpunta nito sa ibang bansa. Nasa
ibang lupain daw ang katiwasayan ni Ibarra at hindi
nababagay na manirahan sa Pilipinas, dahil ang
buhay niya ay hindi inilaan sa kahirapan. Inalok ni
Ibarra na magsama na lang sila ni Elias, tutal pareho
na sila ng kapalaran at magturingan na parang
magkapatid. Pero, tumanggi si Elias.
Kabanata LXII
Ang Pagtatapat ni Padre Damaso
Hindi napansin ni Maria ang maraming regalo na
nakabunton sa itaas ng hapag. Ang mga mata niya
ay nakapako sa diyaryong nagbabalita tungkol sa
pagkamatay o pagkalunod ni Ibarra. Pero, hindi
naman binabasa ni Maria ang dyaryo. Pamaya-maya
dumating si Pari Damaso na hinilingan kaagad ni
Maria na sirain ang kasunduan ng kanyang kasal kay
Linares at pangalagaan ang kapakanan ng ama.
Sinabi ni Maria na ngayong patay na si Ibarra walang
sinumang lalaking kanyang pakakasalan. Dalawang
bagay na lamang ang mahalaga sa kanya, ang
kamatayan o ang kumbento.
Napagmuni ni Pari Damaso na pinaninindigan ni
Maria ang kanyang sinabi, kaya humingi ito ng tawad
sa kanya. Napahagulgol pa ito ng malakas habang
binibigyan diin niya ang walang kapantay na
pagtingin kay Maria. Wala siyang nagawa kundi
pahintulutan na pumasok sa kumbento si Maria
kaysa piliin nito ang kamatayan.
Kabanata LXIII
Ang Noche Buena
Noche buena na, ngunit ang mga taga-San Diego ay
nangangatog sa ginaw bunga ng hanging amihan na
nagmumula sa hilaga. Hindi katulad ng nakaraan na
masayang-masaya ang mga tao. Ngunit ngayon
lungkot na lungkot ang buong bayan. Wala man
lamang nakasabit na mga parol sa bintana ng bahay.
Kahit na sa tahanan ni Kapitan Basilio ay wala ring
kasigla-sigla. Kausap ng kapitan si Don Filipo na
napawalang sala sa mga bintang na laban dito nang
mamataan nila si Sisa na isa ng palaboy pero hindi
naman nananakit ng kapwa.
Nakarating na si Basilio sa kanilang tahanan. Pero,
wala ang kanyang ina. Paika-ika niyang tinalunton
ang landas patungo sa tapat ng bahay ng alperes.
Nanduon ang ina, umaawit ng walang katuturan.
Inutusan ng babaing nasa durungawan ang sibil na
papanhikin si Sisa. Subalit nang makita ni Sisa ang
tanod, kumaripas ito ng takbo. Takot. Hinabol ni
Basilio ang ina, pero binato siya ng alilang babaing
nasa daan.
Kabanata LXIV
Katapusan
Magmula ng pumasok sa kumbento si Maria,
nanirahan na si Padre Damaso sa Maynila. Namatay
si Padre Damaso sa sama ng loob. Sa kabilang dako,
si Padre Salvi habang hinihintay niya ang pagiging
obispo ay nanungkulan pansamantala sa kumbento
ng Sta. Clara na pinasukan ni Maria Clara. Kasunod
nito ay umalis na rin sa San Diego at nanirahan na
sa Maynila. Ilang linggo naman bago naging ganap
na mongha si Maria, si Kapitan Tiyago ay dumanas
ng sapin-saping paghihirap ng damdamin,
nangayayat ng husto, naging mapag-isip at nawalan
ng tiwala sa mga kainuman. Pagkagaling niya sa
kumbento, sinabihan niya si Tiya Isabel na umuwi na
ito sa Malabon o sa San Diego sapagkat gusto na
lamang mabuhay mag-isa.

You might also like