Pananalig at Pagtitiwala

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

PANANALIG AT PAGTITIWALA

Meron na lang silang sapat na pera na pambili ng hapunan at pamasahe


pauwi, ngunit sa pagdalo nila ng Household meeting, sa oras ng bigayan
ng tithes, naramdaman ng mag-asawang gusto ng Diyos na ibigay nila
ang lahat ng pera sa kanilang bulsa. Ang kagalakan ng pagbibigay ng
kanilang naramdaman ay hindi maipaliwanag. Pero naisip din ng mag-
asawa kung gaano kalayo ang lalakarin nila upang makauwi at papaano
nila pakakainin ang kanilang mga anak.
Pagkatapos ng Household meeting inabutan sila ng may ari ng bahay ng
isang malaking plastic bag at mangiyak-ngiyak sila ng Makita nila kung
ano ang laman, puno ito ng pagkain. . . Salamat Lord, ang tanging
nasabi nila. Ang isa naman nilang kasamahay inaya sila na makisakay
na sa kanila pag-uwi. Thank you talaga Lord, napakabuti Mo, sigaw ng
puso nila. Nakauwi sila ng napakabilis at walang kapagod-pagod
Kapag naramdaman mo ang Espiritu Santo na kumikilos at bumubulong
na magbigay o gumawa ka ng isang bagay, huwag itong ipagwalang-
bahala, itoy upang masaksihan mo kung paano gumalaw ang
Panginoon sa buhay mo. Higit sa pagsasakripisyo mo, nais ng
Panginoon ay ang walang tawad na pagtitiwala mo sa kanya.
Tandaan Kapag tayo ay nag-aalala, nagpapakita ito na mas
binibigyang pansin natin ang mga bagay na wala tayo sa halip na
kasaganaan na dala ng ating Ama.
Panalangin Ama, patawarin mo ako sa tuwing nag-aalala ako sa mga
bagay na wala ako sa halip na tingnan ang kung ano ang meron ka.

You might also like