Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Leyte

Ang Leyte (o Hilagang Leyte) ay isang lalawigan sa Pilipinas na matatagpuan sa rehiyon ng Silangang
Visayas. Lungsod ng Tacloban ang kapital nito at sinasakop ang 75 bahagdan ng hilagang bahagi ng pulo ng Leyte.
Matatagpuan ang Leyte sa kanluran ng Samar, sa hilaga ng Katimogang Leyte at sa timog ng Biliran. Sa kanluran ng
Leyte sa ibayo ng Dagat Camotes, naroon ang lalawigan ng Cebu.
Kasaysayan
Ang Labanan sa Golpo ng Leyte ay naganap sa mga karagatang nakapalibot sa pulo simula noong 23 Oktubre
hanggang 26 Oktubre 1944. Iyon ang pinakamalaking labanang pandagat sa modernong kasaysayan, kung saan
tinatayang 212 mga barko ng Amerika ang nakipaglaban sa mga 60 barko ng Imperyo ng Hapon, kasama na ang mga
barking pandigma nitong Yamato' at ang Musashi.
Naganap ang unang labanan sa Leyte noong 20 Oktubre 1944. Isang matagumpay na pagsakop ng mga Alyadong
bansa sa pulo ang naganap at naging isang mahalagang bahagi ng tuluyang pagkapanalo ng hukbong Pilipino at
Amerikano sa Pilipinas.
Tao at kultura
Nahahati sa wika ang Leyte sa dalawang pangunahing pangkat. Sa kanluran at timog ang mga nagsasalita
ng Cebuano, habang sa hilaga at silangan ang mga nagsasalita ngWaray-waray.
May mga pag-uugnay ang mga Cebuano sa Cebu, ang pinakamataong lalawigan sa Visayas; mas may mga pag-
uugnay ang mga Waray sa Leyte at Samar.

Sensu ng populasyon ng lalawigan ng Leyte
Census Populasyon

Bahagdan
1990 1,230,925


1995 1,343,941

1.8%
2000 1,413,697

1.09%
2007 1,506,096

0.88%
2010 1,567,984

0.56%
Hindi kabilang ang Lungsod ng Tacloban
Source: National Statistics Office
[1]

Ekonomiya
Umaasa ang ekonomiya ng Leyte sa agrikultura. Itinatanim ang palay sa mga mababang patag na lugar, partikular sa
may Tacloban, habang pagtatanim ng buko, para sa langis nito, ang pangunahing pinagkukunan ng kabuhayan sa mga
bulubunduking lugar. Isang pangunahing pinagkukunan ng kabuhayan ng mga residente ang pangingisda.

Pista ng Pintados



Pintados Festival
Ang Pista ng Pintados, o tinatawag ding Pista ng Pintados-Kasadyaan, ay isang masayang pagdiriwang na tumatagal ng
isang buwan, kung kailan din ginaganap ang "Leyte Kasadyaan Festival of Festivals", ang "Pintados Festival Ritual Dance
Presentation" at ang "Pagrayhak Grand Parade". Ang mga pagdiriwang ito ay sinasabing nagmula sa Pista ni Seor Santo
Nio tuwing ika-29 ng Hunyo. Ang mga taga-Leyte ay ipinagdiriwang ang nasabing pista sa isang bukod-tangi at makulay na
pamamaraan. Bihasa ang mga Bisaya sa pagtatato, ang mga lalaki't babae ay mahilig magtato sa kanilang sarili.Ipinapakita
ng Pista ng Pintados ang mayamang kultura ng Leyte at Samar, sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga katutubong
sayaw at musika. Ang "Leyte Kasadyaan Festival of Festivals" naman ay nagpapakita ng bukod-tanging kultura at makulay na
kasaysayan ng probinsiya ng Leyte. Sinimulan ni dating Gobernador Remedios Loreto-Petilla, ang pagdiriwang ay unang
ginanap noong ika-12 ng Mayo, 1996. Ang mga pista ay hindi laging ginaganap tuwing ika-29 ng Hunyo dahil sa unang
tatlong taon ay nangyari ito sa magkaka-ibang petsa. Noong 1999 lamang ito opisyal na itinakda sa araw ng Hunyo 29,
ang Pista ni Seor Santo NIo de Leyte.
Ang kahulugan ng "Kasadyaan" sa dayalektong Bisaya ay katuwaan at kasiyahan. Maraming pista ng munisipalidad
ng Leyte ang nagsasama-sama sa kabisera, sa Lungsod ng Tacloban, upang makiisa sa selebrasyon. Masisiglang parada ng
mga drama at sayaw ang nagaganap. Isang mahalagang papel ang ginagampanan ng mga pistang ito, iyon ay upang mas
mahikayat ang bawat Leyteo na ipagmalaki at pahalagahan ang kanilang kultura. Bawat munisipalidad ay gumagawa ng
kanilang istorya ibabahagi sa pista tungkol sa kanilang lokal na mga kuwento at alamat.
Ang Pista
Sa pista, muling inaalala ang kasaysayan ng Leyte bago pa man dumating ang mga Kastila, mula sa mga labanan, epiko at
mga katutubong relihiyon. Ang pinaka-inaabangan sa pista ay ang mga mananayaw na pintado mula ulo hanggang paa ng
mga disenyong mukhang armor upang gayahin ang mga sinaunang mandirigmang puno ng tato ang katawan. Ang mga
mananayaw ay pumaparada sa mga kalsada ng lungsod ngTacloban. Sa unang tingin, maaaring nakagugulat para sa iba na
ang mga lalaking mananayaw ay nilalagyan ng mga palamuting may matitingkad at luminosong kulay na asul at berde. Pero
habang tumatagal sa panonood ng kanilang presentasyon, makikita na ang mga sayaw ay naglalarawan ng isang sulyap sa
kasaysayan ng mga taong nanirahan sa mga isla ng Leyte noong unang panahon.
Ang mga katutubong sayaw na itinatanghal sa pista ay nagpapakita ng maraming tradisyon bago pa man dumating ang mga
Espanyol. Ang ilan sa mga ito ay ang pagsamba sa iba't ibang diyos, katutubong musika at mga kuwentong epiko. Bukod sa
sayaw, kabi-kabilang parada ang nagaganap sa lungsod ng Tacloban. Sinisimulan ang parada sa Balayuan Towers patungo
sa iba't ibang lugar sa lungsod. Ang ilang manonood ay sumusunod pa sa mga mananayaw simula umpisa hanggang
matapos. Nagtatapos ang pista sa masayang pagsasalo-salo, tulad ng ibang tradisyonal na kaugalian.
History
Noong 1668, dumating ang mga Espanyol sa Visayas at natagpuan nila ang mga babae't lalaki na puno ng tato ang mga
katawan, na tinawag nilang "pintados". Gamit ng mga pintados ang matalas na bakal na pinaiinitan muna sa apoy bago gawin
ang pagtatato. Ang mga taong ito ay may sariling kultura, mayaman sa mga pagdiriwang at pagsamba sa mga diyos tuwing
masagana ang ani.
Dinala ng mga misyonaryong Espanyol noong 1888 ang imahe ng batang Jesus, na kilala bilang "El Capitan", sa Pilipinas.
Maganda ang pinagmulan nito kaya nakuha agad ang debosyon at pagsamba ng mga katutubo ng Leyte sa Santo Nio.
Noong 1986, itinayo ang Pintados Foundation, Inc. ng mga negosyante at mangangalakal sa Tacloban. Sinimulan nilang
mag-organisa ng mga aktibidad para sa pista ng lungsod na parangal kay SeorSanto Nio. Dito nagsimula ang Pista ng
Pintados, na unang ipinagdiwang noong Hunyo 29, 1987. Ngayon ay tinatawag itong Pista ng Pinatados-Kasadyaan, na
binansagang "Festival of Festivals".
Pintados
Ang pangalang "pintados" ay mula sa mga katutubong mandirigma, na ang mga katawan ay puno ng tato. Nang mga
panahong iyon, at maging sa ibang lugar din, ang tato ay simbolo ng tapang, ganda at estado sa buhay. Ang mga mas
matatapang na mandirigma ay mas madaming tato, na halos puno na ang buong katawan. Kakaiba sa paningin ng mga
banyaga, itinuring silang nakatatakot at barbaro ng mga Kastila. Pero sa panahong naintindihan nila ang kahulugan ng mga
tato, nakita nila ito bilang tanda ng ganda at halaga sa buhay ng mga pintados. Dahil hindi pa masyadong maingat ang
pagtatato noon, ang proseso ay masakit at maaaring magdulot ng impeksyon. Kaya naman ang sino mang humarap sa
panganib ng pagtatato at nabuhay ay itinuturing na malakas at matapang. Pero bago pa man matatuan, kailangan muna
niyang maging matagumpay sa ilang mga labanan.


Hinihanda ni Christian G. Pacaanas ng
BSED-4103/Filipino Major.

You might also like