Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

ALAMAT NG ANTIPOLO

Sabi ng matatanda, ang mga magsasakang naninirahan sa kapatagan noong pahahon


ng Kastila ay nagsilipat sa kabundukan upang makaiwas sa kalupita ng mga dayuhan.
Sa kagubatan na sila namalagi para huwag masangkot sa kaguluhang nagaganap sa
bayan. Ang patuloy na paghihimagsikan ay lalong nagpagalit sa mga Kastila. Umisip
sila ng paraang maka-paghiganti. Maraming walang malay na Pilipino ang kanilang
pinag-bintangang kasapi ng Katipunan at ipiniit sa madilim na karsel.
Nabalitaan ng mga naninirahan sa bundok ang gagawing paglusob ng mga guardia sibil
sa kanilang lugar at sila ay natakot. Araw-gabi ang nangangambang mga kababaihan
ay walang tigil sa pagdarasal upang sila ay iadya sa panganib na darating.
Hanggang isang araw, umakyat na nga sa bundok ang mga Kastila. Nakarating sila sa
lugar na kung saan nagkakatipon-tipon ang mga nagdarasal. Sa pagtataka ng lahat ay
biglang nagningning ang punong TIPOLO. Kaginsa-ginsa ay lumitaw ang Birheng
Concepcion sa itaas ng puno. Palibhasa'y mga relihiyoso ang mga dayuhang ito, sila ay
nahintakutan at nagsisi.
Marami ang nakakita sa pagmimilagrong iyong ng Birhen. Sila ay nagpasalamat sa
saklolong ibinigay nito. Angmasamang balak ng mga Kastila ay hindi na natuloy,
bagkus sila ay nanganakong ang pook na yaon ay kanilang igagalang. Masaya nilang
ipinamalita sa kapwa nila Kastila ang nakitang pagmimilagro.
"Saang lugar iyon at kami man ay pupunta roon", tanong ng mananampalataya.
"Sa bundok. Itanong ninyo kung saan ang Tipolo at ituturo nila sa inyo." ang kanilang
sagot.
Dahil sa paulit-ulit na pagtatanong ng mga taong doon ay dumarayo ng "Saan ang
Tipolo?" tinawag nilang SANTIPOLO ang pook na ito na kalaunan ay naging
ANTIPOLO.
Buhat noon, nakagawian na ng lahat, mahirap man o mayaman, ang pamamanata sa
mataas na bundok na ito ng ANTIPOLO lalo na sa panahon ng Mahal na Araw.

You might also like