Download as txt, pdf, or txt
Download as txt, pdf, or txt
You are on page 1of 7

A Love Story

Written by toneewritestragedies
NOTE: All the names, scenes and events in this short story is purely fictional.
Any resemblance to true person or events are coincidental. Please, don't publish t
his work in any website as your own. It's plagiarism. If you want to publish this,
be sure to inform the writer and put the credits. THANKS

***


A Love Story
Clich, but not-so-typical love story of best friends.

Kath, mahal ko talaga sya. Halos maluha ako sa sinabi ni Rence. Kung gaano sya ka-
inlove nung sinabi nya yan saken, yung puso ko naman, parang dudugo na. Ang saki
t malaman at marinig na sinabi sayo mismo ng taong mahal mo na may iba syang mah
al. Yung gusto mong umiyak at sumigaw dahil sa sakit na nasa puso mo pero di mo
magawa? Na tatakpan mo ng mga ngiti ang lungkot sa puso mo? Na sasabihan mo sya
ng mga encouraging words para ipursue nya yung pagmamahal nya dun sa babaeng gus
to nya pero sa loob mo sana ikaw na lang ang minahal nya?


Ang hirap.

Wala nang mas sasakit pa.


E-eh di ligawan mo sya. Parang may gusto rin naman sya sayo e. sabi ko sa kanya sa
bay ngiti. Pilit kong tinatago sa puso ko yung sakit. Na kung pwede ko lang ihab
ol sa kanya na, `Ako rin, gusto kita Rence.' Pero di ko kaya. Di ko magawa. Ayokong
masaktan ako ng sobra. To the point na kahit isipin ko palang na sabihin ko yun
sa kanya, rejected na kaagad ako.


Yun na nga e, nararamdaman kong may gusto rin sya saken. Kaso aalis sya. Pupunta
sya sa probinsya nila. Baka mahirapan akong sabihin yun. Nakita ko sa mga mata ni
Rence na nag-aalangan syang umamin kay Raphaella. Inakbayan ko sya at pinalakas
ang loob nya.


Ano pa nga ba ang magagawa ko bilang ulirang BEST FRIEND?


Ano ka ba Rence! Cheer up! Wag kang mawalan ng pag-asa. Alam mo, ang mga girls, n
aghihintay lang sila ng time para kausapin sila ng lalakeng gusto nila. Alangan
namang si Raphaella pa ang umamin sayo diba? Hey, be a gentleman.


Rence, naghihintay ako. Naghihintay ako na sabihing gusto mo ako. Umaasa ako..


Pakiramdam ko gumagaralgal na yung boses ko and in any time, maiiyak na ko. Para
ng..Di ko na ata kaya magstay pa rito ng matagal. Na dapat mailabas ko na lahat
ng sakit na nasa puso ko ngayon.


Tama ka nga siguro Kath. Oo, aamin na ko sa kanya mamaya. Pupunta ako sa kanila.
Sasabihin ko na yung totoong feelings ko. Ayoko na magkunwari. Puno ng pag-asa yu
ng tono ng pananalita ni Rence. Pero ako?Heto, umaasa.Pa rin. Sana man lang may
masamang hangin umihip sa puso nya at maramdamang ako pala ang mahal nya at hind
i ang iba. Pero wala. Hanggang panaginip ko lang masasabi at mararanasan yun.


Very good! P-proud talaga..ako..sayo. **sniff** yan ang tunay na **sniff** lalake
.. Di naduduwag.. **sniff** magsabi ng feelings nya **sniff** Sorry Rence, di ko n
a mapigilan ang luha ko. Pasensya na.


Nagulat sya ng Makita akong umiiyak. Kahit di nya alam ang dahilan kung bakit, i
nakbayan nya ako at pinunasan ang mga luha ko. Mga luhang di nya alam na sya pal
a ang dahilan.


O Kath! Bakit k-ka naman umiiyak?Ano `yun? Bigla ka na lang umiiyak dyan e.


Hinawi ko yung kamay nya at pinunasan ko ang mga luha ko. W-wala to Rence.Tears o
f joy.Hehe. Kasi aaminin mo na kay Raphaella na gusto mo sya. Masaya lang ako p-
para sayo.


Ngumiti sya at bigla akong niyakap. Kung pwede ko lang ipadama sa mga yakap nya
na mahal ko sya,kung pwede ko lang ipadama na sana patahanin nya ako sa pagluha,
kung pwede lang sana ipadama sa kanya na sana mahalin nya rin ako.


Haha. Di mo naman kelangang madala sa emosyon ko Kath. Basta't andito ka para supor
tahan ako, lalaban ako. Nakataya ang love life ko rito e. pag napasagot ko si Ra
phaella, lalabas tayo twing sabado. Pero syempre sa 6 days na in a week, siya an
g kasama ko. Kinindatan nya ako. Bakit ba kelangan may mga ganitong pakiramdam s
a mundo? Yung nanandyang manakit? Kaya wag ka nang iiyak ha. Papanget ka nyan, h
ala ka.Wala magkakagusto sayo hehe.


Sana magustuhan mo rin ako Rence. Kapag ba itinigil ko na yung pag-iyak ko, mama
halin mo rin na ba ako?


***



9pm. Ilang oras na rin ang lumipas mula nang magkausap kami ni Rence tungkol sa
pagconfess nya ng feelings nya kay Raphaella. Siguro ngayon, maayos na sila at n
akapag-aminan na ng pagmamahal nila sa isa't isa. Kapag naiisip ko na magkahawak a
ng mga kamay nila, na masaya silang nag-uusap, mas lalo akong nasasaktan at mas
naiiyak. \


Masayang mabuhay. Pero kapag nararanasan mo ang ganitong sakit, parang katapusan
na ng mundopara sa mga bigo katulad ko.


Calling..
Rence


Ha? Anong meron at tinatawagan nya ako? Akala ko miss call lang pero hindi e, ti
natawagan nya talaga ako.


Hello? sagot ko sa kanya.


Kath.. kung kanina determinado sya, parang ngayon, ang lungkot nya.


Bakit Rence? May problema? Anong nangyari?Asan si Raphaella?


Nahuli na ako Kath.


Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa narinig ko sa kanya. Pakiramdam ko, sa i
sang iglap parang unti-unting nawawala ang sakit.


Kath, di ko na nasabing mahal ko sya. Pagpunta ko sa bahay nila, nakaalis na sya.
Nahuli na ako. Ang tanga ko!!


Hindi ko alam kung tatawa ba ako, magugulat o matutuwa e. may chance na ako kay
Rence.


Di na ako makapagsalita, gusto kong sumigaw at magtatalon sa tuwa. May pag-asa p
a ako.. Meron pa.. Di ako titigil hanggang mahalin ako ni Rence.


Kath? Hello? Andyan ka pa ba? Sabi ko


Oo Rence, nandito pa ako. P-paano ba `yan? Eh di hihintayin mo na lang sya b-bumali
k dito?


Uhhm, siguro. Di naman mawawala yung feelings ko para sa kanya. Kapag bumalik sya
, nandito pa rin yun. Mahal ko pa rin si Raphaella.


Aww.


***


Sa halos isang linggong magkasama kami palagi ni Rence, wala akong ginawa kundi
ipadama sa kanya yung totoong nararamdaman ko, yung pagmamahal ko. kahit di ko m
an sabihin sa kanya ng direkta na mahal ko sya, pinaparamdam ko naman yun thru a
ctions. Alam ko, nafi-feel kong alam na nya na may gusto ako sa kanya..



Tumagal ang mga araw, naging linggo, at ngayon halos isang buwan nang di umuuwi
galing probinsya si Raphaella. Masaya akong sabihin na mas nagkakalapit na kami
ni Rence, na parang higit pa sa magkaibigan ang turingan namin. Akala nga ng iba
naming kaibigan eh kami na. kung pwede nga lang sabihing `OO' e. pero syempre gusto
kong si Rence ang mag-initiate tungkol sa magiging relasyon namin na nagiging h
igit pa sa natural naming pagsasama bilang magkaibigan. Nilulubos-lubos ko lang
ang mga panahon na kasama ko sya at kaming dalawa lang. nandito sa puso ko, at a
lam kong ako na rin ang mahal ni Rence.


***


Birthday ko. masasabi kong isa to sa pinaka-espesyal kong kaaarawan dahil bukod
sa 18th birthday ko e nandito rin si Rence. Siya ang escort ko. sa buong duratio
n ng party, palagi akong nakangiti at masaya. Isa na rin siguro na maramdaman na
nawala na yung sakit nung ma'reject' ako emotionally ni Rence. Ngayon parang may ma
s pag-asa na ako.


Sobrang saya ko talaga nang si Rence ang maging last dance ko sa debut. Umaapaw
yung saya sa puso ko at mas minahal ko pa sya kesa dati. Ngayon ko lang naranasa
n ang maging ganito kasaya at maging in love. Si Rence na talaga ang para sa aki
n. Kung wala sya sa buhay ko, di ko na alam..



Kath. Ahm, may gusto sana akong ibigay sayo. Sabi ni Rence saken nung nakaupo kami
. Tapos na kasi ang program proper, bale sayawan na lang ngayon.


Bigla naman akong kinilig na ewan. Sige, ano `yun?


Tumayo sya at inoffer saken yung kamay nya.Doon tayo sa tahimik na lugar. Mas mag
anda kung nandun tayo.


Nginitian ko sya at hinawakan ang kamay nya.. Sure


Sa may likod ng pavilion kami pumunta. Ang romantic ng setting.May mini-garden a
t tree lights. Mas natuwa ako nang makakita ng mga fireflies na lumilipad sa pal
igid namin. Ang masasabi ko lang? effortlessly perfect.


Tumikhim sya at saka niluwagan ng kaunti yung necktie nya. Ito na Kath. Ito na..



Kath.Happy birthday ulit. Alam mo sobrang saya ko na ikaw ang naging bestfriend k
o. palagi kang nandito sa tabi ko pag may kelangan ako o kung naaalanganin ba ak
o o masaya. Sa lahat ng ups and downs ko, nandito ka. di mo lang alam kung gaano
ako ka-proud na ikaw ang best friend ko. nang umalis si Raphaella, akala ko kat
apusan ko na rin yun. Kala ko di ako magiging masaya pero mali ako. Muntik ko na
ng malimutan na may Kath pala sa tabi ko na hindi nagsasawang samahan ako sa lah
at ng nangyayari sa buhay ko.


Sobrang naliligayahan ang puso ko sa mga naririnig ko kay Rence. Naiiyak na rin
ako sa tuwa. Salamat at nalaman nya yung importance ko sa buhay nya.


Naging mas masaya ako na kasama ka Kath. Doon, mas v-in-alue ko yung friendship n
atin. Mas v-in-alue kita. Mas naging importante ka sa buhay ko


Sorry kung napakaiyakin ko pero di ko na napigilan ang sarili kong maiyak sa tuw
a sa naririnig ko. akala ko dati katapusan na para sa akin at wala na akong pag-
asa. Meron pa rin pala. Pinakinggan ng Diyos ang hiling ko.



Hey, wag ka namang maiyak dyan Kath. Ang ganda na nga ng eksena ko e, umiyak ka p
a. biro nya saken. Hinampas ko naman sya ng mahina sa braso.


Eh sa naiiyak ako e. tears of joy to ano. Sabi ko sa kanya. Teka, asan na ba ang ib
ibigay mo saken ha? Words of gratitude lang ba ang regalo mo? Wala nang dagdag h
aha.


Pinisil nya ang magkabilang pisngi ko. Meron ano. Pinag-ipunan ko to nang matagal
para lang sayo.. may kinuha sya sa bulsa na isang maliit na box. Ewan ko ba, ang
lakas ng tibok ng puso ko..



For you Kath.Happy birthday. Binuksan nya sa harap ko yung maliit na box..na nagla
laman ng singsing.. Isang napakaganda at eleganteng singsing. Di ko alam pero ma
s naluha ako, mas naramdaman kong mahalaga ako kay Rence..


Di ako makapagsalita sa sobrang saya, kilig at excitement lalo na nung sinuot ny
a sa index finger ko yung singsing.



Ang ganda. Sabi ko na e, bagay sayo at kasya pa. naku, ingatan mo `yan. Ang mahal p
a naman ng bili ko dyan. asar nya saken.


OO. Iingatan ko to. Salamat Rence. Di ko alam ang irereact ko dito. Ang ganda gan
da nito. Thank you.


You're welcome. Saka niyakap nya ako.


Pagbitaw ko sya kanya sa pagkakayakap nya, tinanong ko sya. Bakit mo naman ako bi
nigyan nito.Masyado atang mahal?


Ngumiti sya. Alam ko, pero wala akong di bibilhin sa bestfriend ko. aside sa birt
hday gift, token of gratitude ko na rin yan sayo Kath..



Token of gratitude?


Kath. Thank you. Dahil sayo mas lumakas ang loob kong umamin kay Raphaella. Sinab
i ko na sa kanya na mahal ko sya. Kath, kami na! girlfriend ko na si Rapahaella!
It's official, sinagot nya ako last week. Sorry kung ngayon ko lang nabanggit say
o ha. Gusto ko kasing isurprise ka para mas masaya tayong nagse-celebrate ng deb
ut mo. Diba ang saya? Salamat Kath! Dahil sayo nagpursigi ako. Tinext ko sya at
tinawagan pati nagcha-chat sa webcam. Doon nya ako sinagot Kath! Ang saya saya k
o! ang hirap pigilin yung saya pero ngayonarrgh! Ang sarap isipin na girlfiend ko
na si Raphaella. Ang saya talaga! Salamat Kath!! You're the best best friend in t
he world!


Pakiramdam ko, napako ako sa kinatatayuan ko.
Pakiramdam ko, tumigil ang mundo ko.


Kung kanina lumluha ako dahil sa saya, ngayon naman mas umaagos pa ito dahil sa
sakit. Kaya pala sobrang saya nya last week, kaya pala nya ako binigyan ng ganit
o kaespesyal na regalodahil sila na pala ni Raphaella.



Sobra sobrang sakit!


Sana may sniper man lang na maligaw at tumama sa akin para mawala na lang ako bi
gla. Ang sakit Rence! Umasa ako sayo! Akala ko mahal mo na rin ako katulad ng ka
y Raphaella. Hindi rin pala. Ginawa ko ang lahat para mawala sya sa puso mo pero
wala ding nangyari! Sya pa rin ang gusto mo. Sobra akong nag-effortsa wala din n
aman pala mapupunta. Rence! Mahal kita alam mo ba `yun? Mahal na mahal na mahal ki
ta! Mas nauna pa kitang mahalin kesa kay Raphaella! Ako yung laging nasa tabi mo
, ako yung karamay mo sa lahat ng saya at lungkot, Ako yung palagi mong katabi p
ero bakit ayaw mo sa akin Rence?! Bakit di mo ako mahal? Ang sakit sakit! Lahat
ng pag-ibig na kaya kong binigay, binigay ko sayo to the point na wala ako halos
itira sa sarili ko tapos ganito lang?



Nagmahal ako ng taong hindi pala ako kaya mahalin?



Kath?Ano?Naspeechless ka ata.Ang saya diba? Kami na ni Raphaella



Naiinis ako sa sarili ko. Sobra. Ang tanga tanga ko para umasa sa kanya..



Congrats Rence..a-ang galing mo..biruin mo..napasagot mo siya.. ang galing talaga
..Idol tinapik ko yung brasao nya habang umiiyak.


Magaling ako? Eh bat ka umiiyak dyan ha? Tears of joy?



Tears of sorrow and hurt to Rence. Sorry. O-oo. Masaya ako para sa inyo.. gusto ko
nang maglupasay! Rence mahal kita! Sobra.



Tumalikod sa kanya at naglakad. Di ko na to kaya. Gusto ko pang umiyak nang umiy
ak.



Kath?Saan ka pupunta? Okay ka lang?



Magsi-cr lang ako Rence. Kanina pa kasi ako n-naiihi e. pagsisinungaling ko sa kan
ya. Ang gusto ko lang naman gawin e magkulong sa kwarto ko at umiyak ng umiyak.
.



Sige.Hintayin kita ulit rito.



Ayoko na Rence. Nawalan na ako ng pag-asang ipaglaban yung pagmamahal ko sayo..d
i ko na kayang sabihing mahal kita..



S-sure.Sige ba hehe.


Okay ka lang ba talaga ha?


Nag-ok sign ako sa kanya nang di lumilingon. Naglakad ako ng direcho hanggang sa
tumakbo palayo sa kanya.



Palayo sa pag-ibig kong ako lang pala ang umaasa..

You might also like