Speech

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Marami pong salamat (kung sino nagpakilala sayo, sabihin mo ang name).

Minamahal na mga magulang, guro, school administrators, Class of 2014 ladies and gentlemen a
pleasant morning.

Parang kahapon lang, pero labing anim na taon ndn pala ang lumipas mula ng ako ay magtapos ng
elementarya. Ako po ay lubos na nagagalak na naimbitahan ako bilang inyong tagapagsalita sa umagang
ito. Hindi po ako ngdalawang isip na tanggapin ang alok na magsalita sa inyong harapan sa umagang ito
sa dalawang kadahilanan. Una: Nais ko kunin ang pagkakataon na ito upang ipakita ang aking lubos na
pasasalamat sa paaralang ito, na napakadaming naituro sa akin. Tulad nyo, dito ako unang natuto
mgbasa, sumulat, bumilang, kumanta at sumayaw. Pangalawa: Nais kong mgbigay ng mensahe sa inyong
mga magtatapos sa taon na ito at udyukin kayong mangarap, at wag bumitiw sa inyong mga pangarap.
Palakpakan n'yo ang inyong mga sarili sapagkat matapos ang anim na taong pag-aaral sa paaralang
elementarya ay naririto kayo ngayon at tumatanggap ng diploma at medalya ng karangalan.

Marahil marami sa inyo ngayon, pati na ang inyong mga magulang ay nagtatanong kung anung bukas
ang nag aantay matapos ang araw na ito. Ok lang ang mag isip, ngunit gusto kong bigyan diin sa inyo na
ang ating mga kinabukasan ay nakasalalay sa ating sariling kamay.
Ikaw, ako, tayong lahat ang may hawak ng ating kapalaran. Wag nyong isipin na ang mga nasa Top 10 ay
ang tanging matatalino.. Tandaan n'yo na lahat tayo ay anak ng Diyos at alam ng Panginoon kung paano
magbahagi ng galing at talino sa bawat isa sa atin.

Sabi nga ng isang sikat na manunulat, education is not only preparation for life but it is life itself. Hindi
lamang ito paghahanda para sa magandang kinabukasan bagkus ito mismo ang inyong bukas. Ang ating
edukasyon ang tumutulong sa atin mgdesisyon sa araw araw nating buhay; at Ang edukasyon dn ang
susi upang makausad sa mundo, makahanap ng maayos na trabaho at maabot nating ganap ang ating
mga pangarap. Tunay na napakahalaga ng edukasyon sa isang indibidwal kaya walang dapat pagkaitan
sa pagtatamo nito. Mga magsisipagtapos, kayo ba ay sumasang-ayon?




Mga magsisipagtapos, patuloy nating pagyamanin ang ating mga sarili. Kayo padin ang kinabukasan ng
ating bayan. Lagi ninyong tandaan na kung kaya ng iba.. kaya nyo din.

Sa mga magulang, alam kong walang paglagyan ang inyong sayang nararamdaman ngayon.. Ang makita
ang inyong anak na suot ang toga at naglalakad para tumanggap ng diploma ay isa sa pinakamasayang
pakiramdam ng isang magulang at isa sa pinakamagandang regalo ng isang anak. Ipagpatuloy po natin
ang ating nasimulan, patuloy natin gabayan ang ating mga anak sa abot ng ating makakaya. After all,
ang tagumpay ng inyong anak ay tagumpay n'yo rin.

Teachers and School Administrators, ipagpatuloy lang natin ang paghuhulma sa ating mga kabataan.
Batid naming lahat na ang pagtuturo ay hindi birong bagay. Kayo ay itinuturing na pangalawang ina at
ama ng mga mag-aaral Dahil sa inyo, naabotng isang bata ang kanilang mga pangarap. Mga
magsisipagtapos, maaring bang sabihin ninyo sa inyong mga guro ang katagang, SALAMAT po Titser.

Graduates, as you go through this defining moment of your lives you must never forget these things: (1)
Never stop learning. It is a lifetime process. Ipagpatuloy n'yo ang inyong pag-aaral. Gamitin ang
karunungang natamo sa kasalukuyan para sa pagtatamo ng magandang kinabukasan. (2) Do not lose
hope for your nation; Tandaan n'yo na ang ating mga bayani ay naniwala na ang bansang Pilipinas ay
magiging malaya at maunlad gaya ng mga ibang bansa. Ipinaglaban nila ang kalayaan na ating
tinatamasa sa kasalukuyan. Gamitin ang karunungan para sa pag-unlad ng ating bansa. Because I
strongly believe that the Philippines will rise again, (3) Don't stop caring for our people. Alagaan n'yo ang
inyong kapwa gaya ng pag-aalaga n'yo sa inyong sarili at pamilya. Tandaan na ang konsepto ng
pakikipagkapwa ay likas sa ating mga Pilipino. Huwag, ipagdamot ang mga bagay na mayroon ka.
Matutong magbahagi at tumulong sa kapwa (4) Be proud you are a Filipino. TAAS NOO KAHIT KANINO at
(5) Be a good servant of God. Mga magsisispagtapos, huwag nating kalimutang magpasalamat sa lahat
ng oras ating Poong Lumikha. Tandaan n'yo na lahat ng tinatamasa nating kasaganaan ngayon at sa
hinaharap ay biyayang mula sa kanya.

Finally, enjoy the trip. Go on your journey armed with faith, passion and curiosity. I wish you well on
your journey.

Muli, maligayang bati batch 2014. Naway patuloy tayong pagpalain ng Poong May Kapal.

You might also like