Alamat NG Sibuyas

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

ALAMAT NG SIBUYAS

ni Augie Rivera
Noong araw, may isang bayan kung saan ayaw nang tumilaok ng mga tandang. Tuwing umaga, nagigising ang buong
bayan sa malakas at nakayayamot na pag-atungal ng isang batang babae na kung tawagin ay Sibuyan. Laging umiiyak si
Sibuyan, kahit hindi naman siya nalulungkot o nasasaktan. Sa halip na magsabi ng kaniyang mga ayaw at gusto, mas hilig
talaga ni Sibuyan ang ngumuyngoy at mag-alburoto. Kapag ayaw niya ang inihandang pagkain, bigla na lang siyang
magmumukmok at ngangawa Kapag gusto naman niya ang bagong laruan, bigla na lang siyang magmamaktol at hihiyaw
Kapag ayaw niyang maligo sa ilog, !kahit dinudumog na siya ng sandamukal na bangaw", bigla na lang siyang maglulupasay at
hahagulgol Sa gabi, tumanggi nang humuni ang mga kuliglig. #alos magdamag kasi ay walang humpay pa rin ang pag-iyak ni
Sibuyan. Kaya naman ang mga taong-bayan ay laging puyat, hihikab-hikab at nangangalumata. Sa kabilang banda, tila wala
namang magawa ang mga magulang ni Sibuyan. Kahit natataranta, humahangos agad sila sa anak upang aluin ito tuwing siya$y
umiiyak Ngunit ang hindi nila alam, hindi pala totoo ang mga pag-iyak ni Sibuyan% Nagkukunwari lang itong umiiyak upang
matawag ang pansin ng kaniyang mga magulang. &'sang hikbi ko lang, takbo agad sila%( ang nakangising sabi ni Sibuyan sa
sarili. Kaya naman kahit mamaga ang mga mata, mamaos ang boses, at mababad ng luha ang paboritong malong na pula,
patuloy lang sa pagngawa ang batang iyakin. 'sang gabi, gustong maglaro ni Sibuyan sa kagubatan, ngunit kahit anong pilit
niya$y hindi siya pinayagan ng kaniyang ama. Kaya nagdadabog siyang bumaba ng bahay at umatungal Sa sobrang lakas ng
palahaw ni Sibuyan, umalingawngaw ito hanggang sa kaitaas-taasang lupalop ng kalangitan. Nagambala tuloy si )umilat, ang
)iwata ng Luha, na kasalukuyang abala sa paghikbi at paglikha na luha. &*ukhang hindi na talaga magbabago itong si
Sibuyan,( wika nito habang inaaninag ang batang iyakin mula sa malaking kawa ng luha na tinitimpla niya. Sa isang kisapmata,
lumitaw sa harap ni Sibuyan and kabigha-bighaning diwata na may tatlumpu$t tatlong mga mata.&Nawawalan ng kahulugan ang
mga luha tuwing imiiyak ka nang walang dahilan%( bulyaw ng diwata. &+miiyak po ako kapag gusto kong mapansin%( sabad ni
Sibuyan. &#indi ka na sanggol para idaan sa pag-iyak ang lahat ng bagay%( &,, kasi, mas mabilis ko pong nakukuha ang mga
gusto ko pag umiiyak ako,( ismid ni Sibuyan. Napailing na lang ang diwata. &Sinayang mo ang mga luhang nilikha ko% Kailangan
kang parusahan% *ula ngayon- hinding-hindi ka na makakaiyak%(.agkasabi nito$y sabay-sabay na kumislap ang tatlumpu$t
tatlong mga mata ni )umilat at bigla na lang siyang naglaho. Kinabukasan, hindi mabatid ni Sibuyan kung totoo o panaginip
lang ang pag-uusap nila ng diwata. &*abuti pa$y subukan ko kung kaya ko pang umiyak.( #uminga nang malalim si Sibuyan,
ibinuka ang bibig, at sinubukang umiyak .aulit-ulit itong ginawa ni Sibuyan, ngunit walang atungal na lumabas sa kaniyang
bibig% At wala ring luhang tumulo mula sa kaniyang mga mata% Nagkukumahog na umuwi si Sibuyan. #indi niya tuloy napansin
ang nakausling bato sa daan kaya$t siya ay nadapa. Namilipit sa sakit si Sibuyan habang hinihipan ang sugatang tuhod.
Ngunit ang nakapagtataka, hindi siya umiyak kahit nasaktan siya, at kahit totoong-totoo ang sakit na nararamdaman niya%
Sa paglipas ng mga araw, naging malinaw kay Sibuyan na nagkatotoo nga ang sumpa ng diwata. Nang mawala sa gubat ang
paborito niyang manyika, nang lumipat ng bayan ang kaibigan niyang si *ayumi, at nang mamatay sa katandaan ang alaga
niyang asong si /usog walang tumulo kahit isang patak ng luha mula sa kaniyang mga mata. Kahit gaano pa ang lungkot na
kaniyang naramdaman, hindi na niya kayang umiyak. At dahil hindi na nga makaiyak si Sibuyan, nagsimulang tumahimik sa
buong bayan. Tuwing gabi, hindi na namalayan ng mga tao na nakakatulog na sila nang mahimbing habang ipinaghehele ng huni
ng mga kuliglig. Tuwing umaga naman, maaliwalas na rin ang kanilang paggising sa masayang pagtilaok ng mga tandang.
Samantala, walang sino mang nakapansin na may kagila-gilalas na nangyayari kay Sibuyan. Tuwing hindi siya makaiyak, unti-
unti siyang bumibilog at tumataba. &.- parang naiipon ang mga luha sa katawan ko%( sabi niya sa sarili habang hinihimas ang
mapintog niyang tiyan. .agsapit ng kabilugan ng buwan, biglang may tumubong mga ugat sa mga paa ni Sibuyan. &)iwatang
)umilat, patawarin n$yo na po ako%( ang paulit-ulit niyang hiyaw sa kalangitan. Ngunit tila huli na ang lahat- mabilis pang
lumago ang mga ugat, kasunod ang pag-usbong ng pahabang dahon sa kaniyang ulo, hanggang unti-unting nagbago ang
kaniyang anyo% Kinabukasan, kasabay ng walang-patid na tilaok ng mga tandang, narinig ang tarantang sigaw ng mga magulang
ni Sibuyan0 &Nawawala si Sibuyan% Nawawala si Sibuyan%(
Agad na nagtipon ang lahat at tulong-tulong nilang ginalugad ang buong bayan. Kung saan-saang sulok nila hinagilap si
Sibuyan ngunit sadyang hindi na nila ito natagpuan. Nanlulumong umuwi ang mga magulang ni Sibuyan. .agsapit sa bahay,
saka lamang nila napansin ang isang kakaibang halaman na umusbong sa paanan ng kanilang hagdan. &Ano kayang halaman ito1
/akit kaya diyan tumubo1 Tila nagpapapansin% Agad nila itong hinukay upang ilipat ng lugar. Nagulat ang mag-asawa nang
*akita nila ang bilugang bungang-ugat ng halaman tila may tapis na pula, katulad ng paboritong malong na pula ni Sibuyan%
Ayon sa alamat, ang kakaibang halaman na ito ay si Sibuyan, at ito ang naging kauna-unahang &sibuyas.( Ngayon, tuwing
hihiwain natin ang sibuyas, napansin ba ninyong naluluha tayo nang wala namang dahilan1 'to raw and mga luha ni Sibuyan na
kumakawala sa hangin at lumilipat sa ating mga mata. Kaya tuwing umiiyak tayo habang naghihiwa ng sibuyas, pinalalaya
natin sa wakas ang mga isinumpang luha ni Sibuyan.
2

You might also like