P Animula

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Panimula

Ang ikapitong signos ay sumibad nang paitaas. Pinalaya nang muli ng mga naunang
pluma sa nayon ang nakulong na kahulugan ng literatura. Inangkin nang sapat ang
legasiyang iniwan ng mga dakilang mangangatha. Sa pagdilig sa unti-unti nang
nalalantang pamana ng panitikan, sumibol ang bagong punla ng mga katha. Sa hangin,
itoy mamumukod sa kaitaasan. Sa tubig, itoy bubukal sa kailaliman. Sa lupa, itoy
tatawag sa ilang milyong milyang kaluluwa. Sa apoy, itoy tutunaw sa huwad na
mitolohiya. At ang ADVO ang magsisilbing balansa ng mga elementong banggit sa
kasulatan.
Mula sa pagbangon ng matimyas na adbokasiya, ang EKWILIBRIYO ang tatak ng
pagkamakata. Ito ang tradisyunal na antolohiya ng mga akdang pampanitikan sa
makabagong panahon.
Noon pa lamang simula ay taglay na ng EKWILIBRIYO ang mayamang temang
umiikot sa bawat edisyon nito. Nang pag-ayon, ang mga pagkilala sa makalumang
pagsulat kasabay ng pag-usbong ng makabagong pagsasatitik ay binigyang-diin na sa
mga naunang akda. Tangi sa roon, likas sa lisensya ng ADVO ang paggamit ng mga
pilosopikal na anyo sa kanyang publikasyon. Ito ay binubuo ng mga talinhagang
nagpapakilala sa kapayakan at kaguluhan ng buhay, sa misteryo ng tuwa at hapis, sa
pagkamusmos hanggang sa pagsilakbo, sa pitong kapital na kasalanan hanggang sa
apat na kardinal na birtud. At lahat ng ito ay naglalayong sumariwa sa dalawang likas
na katangian ng tao ang paggawa ng MABUTI at MASAMA. Sa pagbabalik ng
kinilalang literary folio ay ang pangakong mas pinalawak na pagbabasa at mas
pinaunlad na imahinasyon. Sa pagbabalik nito ay ang handog na temang papatok sa
panlasa ng nakararaming Batangueo. Dito magsisimula ang matagal nang panata.
Ang konsepto ng Vitruvian Man ni Leonardo da Vinci ang naging pangunahing
inspirasyon ng obra. Sinasabing ang tanyag na pintang ito ang representasyon ng tao
bilang sukatan ng lahat ng bagay sa mundo. Ngunit hindi rin maisasantabi ang
pinaniniwalaang interpretasyon ng nakararaming iskolar na ito ang ideal na proporsyon
o katimbangan ng katawan ng tao. At dito nag-ugat ang balanseng ideya ng sensasyon
na sa bawat bahagi ng katawan ay may katumbas at kasalungat na pwersa ang
EKWILIBRIYO. Patunay na ang kayang gawing mabuti ng isang parte nito ay kaya rin
nitong gawin sa kabilang paraan, o ang kabaligtaran.
Bilang pagbibigay-halaga sa sining ng lipunan, minabuti ng mga manunulat na piliin
ang mga maka-masang konsepto para sa elaborasyon ng kung ano ang bumubuo sa
ating pagkatao na kinakailangan pang tuklasin, unawain at kung mamarapatin,
pagtibayin. Kalakip sa bagong timplang isinama sa mga prosat tula ay ang konseptong
rekonstruksyon ng mga kilalang istorya, pelikula, dula, nobela, tula, kasaysayan,
personal na akawnt at marami pang iba. Sa mga bagong literaturang isinulat ay mas
binigyang sigla ang mga karakter na hinangaan at minahal ng sambayanang Pilipino sa
loob ng maraming taon. Nilagyan din ng bagong anggulo ang bawat katapusan o
panimula ng mga piling prosang pinasikat sa ibang bansa.
Ang mga tula ay inihulma sa mga anyong tradisyunal at moderno, sa mga
kagayakang magpapatunay ng mausbong na kagandahan ng Filipino at Ingles na
literatura. Sila ang magsisilbing tulay sa bawat prosang susuungin, ang tagapagbigay
ng patlang sa bawat tuldok, ang maglalantad ng mga lihim na inilagda na noon pa man.
Ang kalayaan sa pagsulat ay lalong pinagtibay. Bukod sa mga tugmaan at malayang
taludturan, isinilang muli ang ibat ibang klase ng tula na bibigkas sa hinaharap.
At kalakip ng mga titik na magdidikta ng sentrong tema nitong akda ay ang lupon ng
mga biswal na sining na hinabing mabuti upang marating ang tunay na kahulugan ng
isang obra mga dibuhong magpapakita ng di mawatasang pagbibigay hininga at
katauhan sa bawat kanbas. Buhat dito, ang mga ilustrasyon ay ginamitan at dinampian
ng ibat ibang medyum at konseptong hinango mula sa mga piling inspirasyon o maging
sa mismong imahinasyon.
Sa puntong ito, hayaang lampasan ang Unang Balangkas tungo sa Paghahatol; at
alamin ang tunay mong pagkatao: anghel o demonyo?

You might also like