Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ano ang talata?

Ang talata ay binubuo ng isang pangungusap o lipon ng mga pangungusap na naglalahad ng isang
bahagi ng isang buong pagkukuro, palagay, o paksang-diwa.

Mga Uri ng Talata
1. Panimulang Talata ito ang una at kung minsan ay hanggang sa ikalawang talata ng
komposisyon. Ang layunin nito ay ang ipahayag ang paksa ng komposisyon.
2. Talatang Ganap makikita ito sa kalakhang gitnang bahagi ng komposisyon. Tungkulin nito ang
paunlarin ang pangunahing paksa.
3. Talata ng Paglilipat-diwa mahalaga ito upang magkaroon ng ugnayan at kaisahan ng mga
pahayag sa mga talataan ng komposisyon. Ginagamit ito upang pag-ugnayin ang diwa ng dalawang
magkasunod na talata.
4. Talatang Pabuod madalas na ito ang pangwakas na talata o mga talata ng komposisyon.

Katangian ng mabuting Talata
1. May isang paksang diwa
2. May buong diwa
3. May kaisahan
4. Maayos
5. May tamang pang-ugnay sa paglilipat-diwa ng sunod na talata
6. Wasto ang kayarian
Kaayusan ng Talata
1. Ayusin nang kronolohikal o ayon sa pagkakaganap ng mga pangyayari. Karaniwan ang ayos na ito
sa mga komposisyong pagsalaysay o palahad.
2. Ayusin ayon sa pananaw sa bagay o pangyayari, gaya halimbawa ng malapit-palayo o kabalikan
nito, mula sa loob-palabas o kabalikan nito, o mula sa kanan-pakaliwa o kabalikan nito.
3. Iayos na mula sa masaklaw patungo sa ispesipiko. Ito ang karaniwang ayos na ang paksang
pangungusap ang unang pangungusap ng talata.

You might also like