Para kay Padre Pedro de Chirino, isang paring Heswita, natagpuan niya sa tagalog and katangian ng apat na dakilanf wika: Ang talinghaga ng Ebreo, ang katangi-tanging katawagan ng Griyogo hindi lamang sa mga pangangalang lansak at mga pangalan ng mga bagay; ang kaganapan at kinis ng Latin, at ang pagkamagalang at pagiging romantiko sa Castellan. Ayon naman kay Dr. Richard S. Pittman ng Summer Institute of Linguistics of America: Ang ortograpiya ng Tagalog ay isa sa mga wikang halos perpekto sa buong mundo. Patunay pa rin ang akdang isinulat ni Dr. Jose Rizal noong 1893 sa dapitan at inialay kay Padre Francisco P. Sanchez, S.J:
Ang Tagalog ay kalipi ng mga wikang ang mga salita ay binubuo sa pamamagitan ng paglalapi at pagtatambal.
Idinadagdag pa niya:
Bagamat sa wikang Tagalog, sang-ayon sa pagbigkas at pagsulat nito sa kasulukuyan (na bahagya lamang ang kaibahan sa matandang Tagalog) ay maraming salitang hiram sa mga wikang Sanskrito, Kastila, at Instik, ang balangkas ng wika ay nananatili sa kanyang sariling kakanyahan at katangian. Ang mga salitang hiram na itoy naging palamuti ng Tagalog, katulad ng mga batong libinaon sa mga hiyas at dahil ditoy maaari silang mawala o palitan nang hindi maka pipinsala sa kabuuan.
Sinaunang Paraan ng Pagsulat
o Alibata Binubuo ng labimpitong (17) sagisag 3 Patinig 14 Katinig
o Maraming bagay ang sinulatan ng mga sinaunang Pilipino; mga dahon, palapa, at balat ng ibat ibang prutas, ngunit karaniwan ang kawayan. o Ang mga panulat naman ay matutulis na patalim o sundang, o ibang maliliit na piraso ng bakal. o Kapag inukit na ang mga titik sa kawayan, pinahiran nila ito ng abo upang lalong madaling makita. Nang dunmating ang mga Espanyol, nagsimulang gamitin ng mga Pilipino ang papel, pluma at tinta. o Doctirina Christiana (1593)
Panahon ng mga Kastila
o Naganap ang unang malawakang kodipikasyon bg wikang pambansa. o Nagkaroon ng ROMANISASYON ang ating alpabeto. Natuto ang mga Pilipino sa pagsulat sa ganitong paraan subalit sinunod ang pagbabaybay ng mga salita sa alpabetong Kastila: Halimbawa: icao (ikaw), Dios (Diyos), Catagalogan (Katalugan) o Walang letrang K at W ang alpabetong Espanyol. o Ang mga misyonerong Kastila ang nagdagdag ng E at U. o Magiging pases para sa magandang hanapbuhay at sa mataas na lipnan ang pagbasa at pagsulat sa alpabetong Romano.
Panahon ng mga Amerikano
o Naganap ang ikalawang yugto ng repormang pangwika. o Sa panahong ito tahasang itinadhana ng batas ang paggamit ng isang wikang pambansa.
NOBYEMBRE 13, 1936 Itinatag ang SURIAN NG WIKANG PAMBANSA (NATIONAL LANGUAGE INSTITUTE)
NOBYEMBRE 9, 1937 Ginawang saligan ng wikang pambansa ang katutubong wikang TAGALOG.
DISYEMBRE 13, 1939 Inilimbag ang kauna-unahang BALARILA
o ABAKADANG TAGALOG = 20 TITIK Ang mga ito ay ginagamit sa mga karaniwang salitang tinanggap o naasimila na sa bokabularyo o talasalitaan ng wikang pambansa.
AGOSTO, 1959 Ang wikang pambansang batay sa TAGALOG ay inumpisahang tawaging PILIPINO (Kautusang Pangkagawaran Blg. 7)
Panahon ni Marcos
o Ang isyu na ang PILIPINO ay purong Tagalog lamang (Demetrio Quirino Jr.) o Lumitaw ang panukalang Filipino upang maging wikang pambansa.
FILIPINO Isang amalgamasyon o pantay-pantay na representasyon ng lahat ng mga wika sa Pilipinas.
o Ang dating 20 titik na bumubuo sa alpabetoy naging 31 na. Idinagdag ang labing-isa (11) pa: c, ch, f, j, ll, , q, rr, v, x, z. o May mga nagmungkahing hindi na dapat na isama ang titik ch, ll, rr, at (Kastila) kaya nagpalabas muli ng panukala na ang alpabetoy bubuuin ng 27 titik. Ang orihinal na 20 titik ng alpabetoy nadagdagan ng pito (7): c, f, j, q, v, x, z.
1987
o Noong Marso 12, 1987, ang kalihim ng Edukasyon, Kultura at Isports ay nagpalabas ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 22 hinggil sa paggamit ng katagang Filipino sa pagtukoy sa wikang pambansa ng Pilipinas. o Bagong Alpabeting Filipino = 28 titik Ang tawag sa mga titik ng alpabeto ay ayon sa bigkas-Ingles ng mga Pilipino maliban sa (enye) na tawag-Kastila. Ang walong (8) titik na nadagdag: c, f, j, , q, v, x, z.
Ayon kay Virgilio Almario (mula sa sanaysay na Filipino ang Filipino <handouts>), may dalawang (2) mistikal na problemang malimit ipataw laban sa wikang Filipino:
o Ang Filipino ay hindi pambansa. o Ang Filipino ay nangangailangan ng Intelektualisasyon.