Powerpoint Presentation PANG-URI

You might also like

Download as ppt, pdf, or txt
Download as ppt, pdf, or txt
You are on page 1of 67

Kahulugan ng Pang-Uri

Uri ng Pang-uri
Talaan ng Nilalaman
salitang naglalarawan o
nagbibigay ng katangian sa mga
tao, bagay, hayop, lugar, o
pangyayari.




Ang Pang-Uri ay maaring
maglarawan ng kulay, hugis,
amoy, lasa, katangian at
hitsura ng pangngalan at
panghalip.
Tatsulok, Bilog, Parihaba
mabango, masangsang, malansa
matamis, maasim, mapait
mabait, matulungin, masipag
maganda, payat, mataba
1. Pang-uring panlarawan
Nagpapakilala ng uri o kabagayan
ng isang pangngalan o panghalip.
Halimbawa ng Pang-Uring panlarawan

2. Pang-uring pamilang

Nagpapakita ng bilang ng
pangngalan o panghalip.

Ito ay nagpapakilala ng bilang,
halaga o dami ng binibigyang-turing
na pangngalan o panghalip.

Maaring tiyak o di-tiyak.



di-tiyak:
marami
kaunti
tiyak:
dalawa
isa
sampu,

Halimbawa ng Pang-Uring pamilang

a.Patakaran o Kardinal

Ito ay ginagamit sa pagbilang o
sa pagsasaad ng dami

Halimbawa:
sandaan
sanlibo

Kardinal na pamahagi

ginagamit kung may kabuuang
binabahagi o pinaghahati-hati.
Uri ng pang-uring kardinal
Halimbawa:
kalahati
bahagdan (1/100)
kaapat ()
Kardinal na palansak o
papangkat-pangkat

nagsasaad ng bukod sa
pagsasama-sama ng anumang
bilang, tulad ng tao, bagay, pook
atbp.
Halimbawa:
dala-dalawang bata
pito-pitong dahon
Kardinal na pahalaga

nagsasaad ng halaga ng mga
bagay.
b. Panunuran

Ito ay nagpapahayag ng
pagkakasunod-sunod ng bilang.

Halimbawa:
una
ikalima/ika-5
pangalawa
ikasiyam/ika-9
Pangalan:______________ Petsa:___________
Antas: _______________ Grado:___________

Gawain 1

Panuto: Kulayan ng ang mga
pang-uring panlarawan sa sumusunod
na pangungusap.
dilaw
1. Ang buhay sa nayon ay masaya at tahimik,
ngunit ang buhay ng lungsod ay magulo.

2. Masipag at masuyo ang butihang anak ni
Tandang Pedro.

3. Mabango ang amoy ng ginintuang palay sa
malawak na kabukiran.

4. Ang gabi ay sakdal dilim; malakas ang hangin, at
nakabibingi ang mga kulog.

5. Malambing ang aking alaga.


6. Lubhang mainit ang araw; kayat ang pawisang
mga batay nagpahinga sa mayabong
na puno ng mangga.

7. Maalikabok ang mga kagamitan sa lumang bahay.

8. Mahusay tumula ang aking ama.

9. Maaliwalas ang bakuran nina Berto.

10. Makintab at malinis ang sahig.

11. Suplada at masungit ang aking ate.

12. Mahaba ang pasensya ng aking ina.

13. Ang kanyang asawa ay maalaga at maasikaso sa
kanilang mga anak.

14. Nakakatuwa ang aking inaanak sapagkat siyay
isang bibong bata.

15. Maganda ang boses ni Regine Velasquez.
Guhitan ang o ang mga pang-uri
at ilagay sa patlang na nasa
unahan kung ito ay panlarawan o
pamilang.

___________1. Ang Amerika at Rusya
ay magsinlakas kung sandata ang
pagbabatayan.

___________ 2. Di hamak na mas
matipid si Nene kaysa kay Nena.
Gawain 2
Panuto:
___________ 3. Di totoong matalino si
Ramon kaysa kay Luis.

___________ 4. May dalang labinlimang
bayabas si Rita para kay Jen.

___________ 5. Magsinlago ang mga tanim
namin.
___________ 6. Mayuming tulad ng sampaguita
ang dalaga.

___________ 7. Apat ang nakuhang bangka ni
Mang Tomas.

___________ 8. Mabagal si Aning kaysa kay Luisa.

___________ 9. Maligaya ang buhay ninyo kaysa
sa amin.

___________ 10. Mahusay kumanta ang aking
kaibigan.

Sumulat ng pangungusap gamit
ang mga pang-uring nagsasaad ng kulay,
bilang,laki, hugis, dami, katangian ng
tao,bagay at hayop ayon sa larawang
nakasaad.
Panuto:
Gawain 3
mainit ____________________
_________________________
mayabong ___________________
__________________________
makintab__________________
_________________________
matalino___________________
_________________________
Madami___________________
_________________________
Kalahati __________________
________________________
masayahin___________________
__________________________
makinang____________________
___________________________
Ikawalo ___________________
________________________
una ______________________
_________________________

Pangngalan
Lantay

Pahambing
Pasukdol

bulaklak

mabango

mas
mabango

pinakamabango

bag

bago

higit na
bago

napakabago
1. Lantay

Naglalarawan ang pang-uring
lantay ng isang pangngalan o
panghalip
na walang pinaghahambingan.

Halimbawa:
Malinis ang pook na ito.

2. Pahambing

Nagtutulad ang pahambing sa dalawa
o higit pang pangngalan
o panghalip.

Halimbawa:
Mas malinis ang Barangay San Benito
kaysa San Celestino.

a. Pahambing na magkatulad

Ipinakikilala ito ng mga panlaping ka-,
ga-, sing-/kasing-/magkasing-/magsing-.

Ipinakikilala ang magkapantay na katangian
ng dalawang bagay na pinaghahambingan.

Halimbawa:

Magkakasingganda ang mga
bulaklak sa hardin.

b. Pahambing na di-
magkatulad


Ito ay kung hindi magkapantay ang
katangian ng pinaghahambingan.

Pahambing na palamang

May katangiang nakahihigit sa
pinaghahambingan.

Ginagamitan ito ng mga
salitang higit at lalo at tinutu
lungan ng kaysa o kaysa kay.
Halimbawa:

Lalong kahali-halina ang mga
bulaklak dito kaysa sa
nakita ko sa Parke.


Pahambing na pasahol

May katangiang kulang o kapos
sa pinaghahambingan.

Tinutulungan ito ng mga
salitang gaano, tulad ni, o tulad
ng.

Halimbawa:
Di-gaanong magaganda ang mga
moske sa Taguig kaysa sa mga
makikita sa Zamboanga.

3. Pasukdol

Ang pasukdol ay katangiang
namumukod o nagngingibabaw
sa lahat ng pinaghahambingan.
Tinutulungan ito ng mga salitang
ubod ng, napaka, pinaka,
walang kaparis,atbp.
Halimbawa:

Pinakamaganda ang Palawan sa
lahat ng lugar na napuntahan ko.


Walang kaparis sa ganda
si Glenda.
Panuto:
Salungguhitan ang
pang-uri. Isulat sa patlang
ang L kung Lantay, PH kung
pahambing at PS kung
pasukdol.
Gawain 1
1. _______ Higit na mabagal lumakad ang
suso kaysa sa pagong.

2. _______ Maganda ang tanawin sa Manila
Bay.

3. _______ Ang Petronas Tower ang
pinakamataas na gusali sa mundo.

4. _______ Si Bochoy ang pinakamatabang
bata sa aming barrio.
5. _______ Mas matingkad ang kulay dilaw
kumpara sa pula.

6. _______ Si Mang Pandoy ang may
pinakakonting huli ng isda.

7. _______ Mas mahusay magluto si Ate
Myrna kaysa kay Ate Joy.

8. _______ Bukas sasakay ako sa higanteng
bola.
9. _______ Si Fernando Amorsolo ay sikat
na pintor.

10. _______ Higit na marikit ang rosas
kaysa sa calachuchi.

11. _______ Bibo ang mga mag-aaral ng 3-
C.

12. _______ Pinakamalakas ang boses ni
Samantha sa lahat.
Panuto :Sumulat ng pangungusap gamit
ang mga kaantasan ng pang-uri.
Halimbawa:
(mabilis)

Lantay - Mabilis tumakbo si Lance.

Pahambing - Mas mabilis tumakbo si
Lance kumpara kay Sam.

Pasukdol - Pinakamabilis tumakbo si Gabe
sa mga bata.

Gawain 2
1. (matalas)
lantay__________________________________________________
pahambing______________________________________________
pasukdol________________________________________________


2. (masarap)
lantay_________________________________________________
pahambing______________________________________________
Pasukdol________________________________________________


3. (mabango)
lantay__________________________________________________
pahambing______________________________________________
pasukdol - ____________________________________________
Panuto : Sumulat ng pangungusap ayon sa
larawan at kaantasan ng pang-uri na nakasaad.







1.pahambing
_____________________________________
_________________________________

Gawain 3
2. pasukdol
____________________________________
____________________________________
____________________
3.
lantay
_____________________________________
________________________________


4.pahambing
________________________________________
________________________________________
__________________
5.Pasukdol
_____________________________________
_____________________________________
________________
Panuto: Bilugan ang tamang pang-uri para sa
kaantasang ipinahihiwatig sa pangungusap.

1. Si Lance ay (mapagbigay, mas mapagbigay,
pinakamapagbigay)sa kanyang mga kaibigan.
2. (Mabaho, Masmabaho, Pinakamabaho) ang utot ni
Sam sa lahat.
3. (Malaki, Masmalaki, Pinakamalaki) ang tyan ng
nanay ko.
4. Tayo ba ay pupunta sa (malayo, masmalayo,
pinakamalayong) lugar?
5. (Matulis, Masmatulis, Pinakamatulis) ang lapis ko
kaysa sa inyo.
Gawain 4
Panuto: Isulat ang L kung lantay, PH kung
pahambing at PS kung pasukdol ang
kaantasan ng pang-uring may salungguhit.

_________ 1. Ang bata ay mabait.
_________ 2. Pinakamaganda si Carrie sa mga
bata.
_________ 3. Mabango ang mga bulaklak sa
hardin.
_________ 4. Si Gabe ay mas mabilis kaysa
kay Ethan.
_________ 5. Higit na malakas si Joaquin
kaysa kay Miguel.
Gawain 5

You might also like