Professional Documents
Culture Documents
CST - Session 3 Pi
CST - Session 3 Pi
1) “human dignity”
2) “common good” at “universal destination of all created goods”
3) “subsidiarity” at “participation”
4) “solidarity”
May angking talino at katayuan ang sangkatauhan. Di ito maaaring tignan bilang
simpleng kasangkapan na pwedeng ikumpara sa ibang bagay. Ang pagunlad ng mga tao
sa kanilang kalagayan, katayuan, at sa kanilang kapaligiran ay pamamaraan ng
pagkalinga niya sa kanyang sarili. Lahat ng mga ganitong pagunlad ay nararapat lamang
para sa lahat ng tao.
Makikita rin na ang angking talino ay nakaugnay sa kanyang kalayaan. Ang kanyang
kalayaan ay pagpapakita na ang mga kaganapan ay resulta ng kanya ring katalinuhan.
Ang katalinuhan at kalayaan ng tao ay di maaring mapailalim bilang ordinaryo
kasangkapan sa kadahilanan na ang mga ito ay likas sa kanya. Ang likas na nararapat sa
tao ay kailangang igalang at kalingain.
Ang ating pagiging tao ay dapat magresulta sa ating pagtugon sa ating mga
pangangailangan – kasama na dito ang ating mga karapatan at responsibilidad.
1
Ang ating dignidad, ang lahat ng ating mga karapatan, at lahat ng ating mga tungkulin, ay
magkakaugnay. Ang ating dignidad bilang tao ay nakakaapekto sa lahat at sa buong
lipunan nating ginagalawan. At ang ating mga karapatan at responsibilidad ay
nakakaapekto rin sa ating bansa o estado. Kapag ang ating mga karapatan ay hindi
ginalang at hindi natugunan o naging ganap ang ating mga tungkulin, nakakaapekto ito sa
ating pambansang kalagayan. Ang ganap na kapayapaan ay nakabatay sa paggalang sa
ating mga karapatan at paggawa ng ating mga tungkulin sa lipunan at sa sarili. Ang
karapatan na maitakda ang ating kinabukasan na maging matiwasay ay isa sa mga
mahahalagang karapatan natin, pati na ang ating karapatan mamuhay ng malaya.
* According to its primary and broadly accepted sense, the common good indicates “the sum
total of social conditions which allow people, either as groups or as individuals, to reach their
fulfillment more fully and more easily.” (GS, 26)
• Ang Estado ang may pangunahing tungkulin para makamit ang kabutihang
pangmadla, kasama ng tungkulin ng bawat isang mamamayan ng bansa. Ang
“common good” ay ang dahilan kung bakit mayroong pulitikal na kapangyarihan.
• Nakabatay sa pangmadlang kabutihan ang prinsipyo ng “universal destination of
all created goods”.
• Kailangan lumahok ang bawat isa para ang lahat ng nalikha at nalilikha ay
mapunta sa lahat. Lahat ng tao ay may pangangailangan na dapat matugunan ng
mga nalikha. Ang mga nalikhang bagay ay nakakatulong para makamtan ang
ganap at makataong pagunlad.
• Ang karapatan na gamitin ang kalikasan at lahat ng mga bagay sa mundo ay
nakabatay sa pandaigdigan patunguhan ng lahat ng mga nalikha. Ito ay isang likas
na dapat, at ito rin ay “inherent” na naaayon sa ting pagiging tao.
• Lahat ng ating karapatan, kasama na ang karapatan magkaroon ng indibidwal na
pag-aari at karapatan na mkipagkalakal ay nakapailalim dito. Isang tungkulin din
natin na gamitin ang lahat ng nalikha ng wasto at naaayon sa pangkalahatang
kalagayan ng ating lipunan.
• Iginagalang ng panlipunang turo ng simbahan na magkaroon ng “private
property” at lahat ng pang-indibidwal na pag-aari. Ngunit nasa tradisyon ng ating
pananamplataya na ang pag-aari ay di lamang para sa sarili kundi para sa
kapakanan ng kabuuan ng ating lipunan.
• May “social function” ang lahat ng uri ng “private ownership” na sumasalamin ng
kabutihang pangmadla. Ang lahat ng nalikha at malilikha ay kailangang gamitin
ng mga tunay na nagmamay-ari para sa kapakanan ng lahat. Sa paggamit ng mga
bagay, kailangang isaalang-alang ang mga maaaring maging epekto nito sa
nakakarami. May tungkulin ang lahat ng tao na tiyaking nagagamit ang lahat ng
bagay sa mabuti at tamang layunin.
2
3. Prinsipyo ng “Subsidiarity” at “Participation”
4. Prinsipyo ng “Solidarity”
A. Kahulugan at Halaga
3
C. “Solidarity” at Pagunlad/Paglago ng Sangkatauhan
Pahabol na Punto:
Bukod sa mga prinsipyong nabanggit, ang panlipunang turo ng simbahan ay may batayang
pagpapahalaga. Ito ay KATOTOHAN, KALAYAAN, KATARUNGAN, at PAGMAMAHAL
(ang pinakamataas at pinaka-pandaigdigang pamantayan ng “social ethics”).