Alamat

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Dawn Juliana V.

Aran



ALAMAT NG BAHAG- HARI

Maraming tao ang nagtataka at humahanga sa magagandang kulay ngbahag-
hari. Subalit hindi nila matiyak ang totoong pinagmulan nito.Sabi ng mga matatanda
na tuwing lalabas ang bahag-
hari, nagbibgayito ng pahiwatig sa tao. Makalipas ang ilang libong taon, maramingni
likha ang naghahari sa kalupaan. Ang pamumuhay nila ay nagingmasaya at ang bawa
t isa ay nagmamahalan.
Lumipas ang ilang taon, naiba ang takbo ng kanilang buhay. Nagingmakasalanan at
gumulo ang mga tao. Naghari ang kasamaan, iilanlamang sa kanila ang naging mabu
buting tao. Ang Dakilang lumikhaay hindi na natiis ang nangyayari sa mundo. Isang a
raw nagpadala itong sugo para iparating sa mga tao na magsisi na sila sa kanilang m
gakasalanan at magbago.
Hindi pinakinggan ng mga tao ang sugo na ipinadala, sa halip aypinagtawanan at sin
aktan pa ito. Ang Dakilang lumikha ay nagalit samga tao dahil sa kanilang kalapastan
ganan.
Pinarusahan ng Dakilang lumikha ang mga tao. Nagdilim angkalangitan at bumuhos
ang napakalakas na ulan. Kayat bumaha angbuong kapaligiran. Ang lahat ng masasa
mang taoy nangamatay atang mga mabubuti na nakinig sa sugo lamang ang nakalig
tas atnaiwan.
Nang tumigil na ang malakas na ulan at humupa na ang bahaay muling umaliwalas a
ng langit. Mula sa langit ay natanaw nila namay isang arko ang lumitaw at nagtatagla
y ito ng ibat ibang mgamagagandang kulay. Nagdasal ang mga mabubuting tao at t
unay nanananalig sa Dakilang lumikha.
At ang arkong may ibat ibang kulayay tinawag na Bahaghari. At hanggang ngayon
ay makikita natinlumalabas ang Bahag-
hari matapos umulan ng malakas. Marahilpaalala ito ng Diyos na kung tuluyang mag
iging makasalanan ang mgataoy muling malilipol ang mga masasama.

ALAMAT NG CHOCOLATE HILLS

Noong unang panahon, sa probinsiya ng Bohol, parting Kabisayaaan, may lupang
malawak subali't ito ay tuyot. Makikita mong biyak-biyak ang lupain kapag tag-init.
Talagang pagpapawisan ka kapag napadaan ka sa lugar. Subali't kapag tag-ulan ito
ay maputik at siguradong mababaon ang iyon paa kapag ikaw ay naka-yapak. Ngunit
kung araw ng taniman ay maaliwalas ang kapaligiran sa kulay ng berdeng tanawin ng
pook.

Ayon sa matatanda roon, may isang araw sa magkabilang dulo ng isla na may
dalawang higanteng dumating. Ang isa ay nagmula sa parting timog at ang isa
naman ay sa hilaga. Ang mga naninirahan doon ay nangangamba na baka magkita
ang dalawa. Kaya't nilisan pansamantala ng tagaroon ang lugar. Sa inaasahang
pangyayari nagkita nga ang dalawang higante.

"Anong ginagawa mo sa aking nasasakupan!" Ito'y aking pag-aari at umalis ka na,"
galit na sinabi ni Higanteng mula saTimog . " Maghanap ka ng lugar na iyong
aangkinin."

"Aba!, ako yata ang nauna rito at ito'y pag-aari ko na!" sagot ding galit ng higante
mula sa hilaga. "Ikaw dapat ang umalis!"

"Hindi maaari ito! Ito ay pag-aari ko!" sabay padyak ng Higante mula sa Timog at
nayanig ang lugar na parang lumilindol.

"Lalong hindi maaari!" mas malakas ang padyak ng Higante mula sa Hilaga.

Noong panahong iyon, ay katatapos pa lamang ang tag-ulan at maputik sa
kinatatayuan nila. Ginawa ng isang higante ay bumilog ng putik at binato sa isa.
Subali't gumanti rin ang isa at humulma rin ng isang bilog na putik at siya ring binato
sa kalaban. Walang tigil na batuhan ng binilog na putik. Hanggang ang dalawa ay
hingalin, naubusan ng lakas at nawalan ng hininga. Tumumba ang dalawang higante
na wala ng buhay.Marami ang nakasaksi sa pangyayari na tagaroon.

Ang sumabat sa paningin ng mga tao ang mala-higanteng bolang putik na siyang
ginamit ng mga naabing higante sa pagbabatuhan.

Pagkatapos ng pangyayari, nagsibalikan ang naninirahan doon. Namuhay ng
mapayapa at masagana.Dahil sa bulubunduking ginawa ng mga higante na kulay
tsokolate na sila ring napakikinabangang taniman, ito ang pinagmulan ng Chocolate
Hills.

ALAMAT NG BUWAN AT MGA BITUIN

Noong unang panahon ay mababang-mababa ang langit at walang buwan ni bituin.
Bakit kaya tumaas ang langit? Narito sa alamat na ito ang mga sagot.
Si Maria at ang kanyang nanay ay nakatira sa isang bahay-kubo. Si Maria ay
may suklay na ginto at kuwintas na may butil-butilna ginto. Halos araw-
araw ay isinusukat niya ang suklay at kuwintasat tinitingnan niya sa kanyang anino sa
tubig kung siya ay maganda.
Isang araw nang isinusukat ni Maria ang suklay at angkuwintas ay tinawag siya ng ka
nyang nanay.
"Maria, magbayo ka ng palay," ang wika ng ina.
"Opo," ang sagot ni Maria, nguni't hindi siya kumilos.
"Maria, magmadali ka," ang tawag na muli ng matanda."Wala tayong bigas na isasain
g."
"Opo, sandali po lamang," ang tugon ni Maria, nguni't hindiniya inaalis ang kanyang
tingin sa kanyang anino sa tubig.
"Maria, sinasabi ko na sa iyong magbayo ka ng palay. Madalika," ang galit na galit na
utos ng matanda.
Tumindig si Maria at tuloy-tuloy siya sa lusong ng palay.
Hindina niya naalis ang suklay at kuwintas. Nalalaman niyang kapag galitna galit na a
ng kanyang nanay ay dapat siyang sumunod nang madali.Nagbayo na siya nang nag
bayo ng palay. Pagkatapos ng ilang sandali,siya ay pinawisan.
"Napupuno ng pawis ang aking kuwintas," ang wika ni Mariasa kanyang sarili.
"Hinubad niya ang kuwintas. Inalis ang kanyang suklay. Isinabitang mga ito sa langit
na noon ay mababang-
mababa at naabot ngkamay. Samantalang siya ay nagbabayo ay tinitingnan ang sukl
ay atkuwintas.
"Kay ganda ng aking suklay at kuwintas," ang wika ni Maria sakanyang sarili.
"Pagkatapos na pagkatapos ko nang pagbabayo ngpalay ay isusuot ko uli ang aking
suklay at kuwintas."
Sa gayong pagsabi ay dinalas niya ang pagbabayo ng palayupang ito ay matapos at
maisuot niya uli ang suklay at kuwintas.Tumaas ng tumaas ang pagbuhat niya ng hal
o
at dumalas nangdumalas ang pagbagsak nito sa lusong. Umaabot na pala ang dulo n
ghalo sa langit, nguni't hindi niya napapansin. Sa palay na ngayon angkanyang tingin
. Tinitingnan niya kung malapit na siyang makataposupang maisuot niya ang suklay a
t kuwintas. Itinaas pa niyang lalo angpagbuhat ng halo upang lumakas ang pagbagsa
k nito sa lusong atnang madaling mabayo ang palay.
Sa bawa't pagtaas pala niya ng halo
ay bumubunggo ang halosa langit at sa bawa't pagbunggo naman ay tumataas ang l
angit. Nangmapuna ni Maria ang nangyayari ay mataas na ang langit. Tangay-
tangay ang kanyang gintong suklay at kuwintas. Hindi na niya maabotang mga ito.
Tumaas nang tumaas ang langit. Tumaas din nang tumaas ang suklay at
kuwintas. Noong gabing yaon ay umupo si Maria sa maybintana at tinintingnan niya
ang langit na ngayon ay mataas namataas na. Hinanap niya ang kanyang suklay at ku
wintas. Naroroonang kanyang gintong suklay at siyang naging buwan. Ang mga gint
ongbutil ng kanyang kuwintas at nagkahiwa-
hiwalay at siya namangnaging mga bituin.
"Lalong maganda ngayon ang aking gintong suklay," ang wikani Maria sa kanyang sa
rali, "At anong kinang ng mga butil ng akingkuwintas!


ALAMAT NG PAKWAN

Humigit-kumulang sa tatlong daan taong namalagi sa Pilipinas ang mga Kastila.
Layunin ng Espanyang sakupin ang mga katutubo. Naging kasangkapan ng mga
Espanyol ang Katolisismo upang lalong mapadali nila ang pamamalakad dito.
Bagamat sa Limasawa, Leyte nagdaos ng unang misa, may isang paring Kastilang
nagngangalang Padre Novelles ang nakarating sa lalawigan ng Nueva Ecija.

Sinikap niyang kumbinsihin ang mga katutubo upang maging Katoliko. Upang
magawa ito, pinag-aralan niyang makapagsalita ng kanilang wika. Madali naman
siyang natuto. Sapagkat matagal na ring sumasamba sa mga anito ang mga
katutubo, hirap na hirap si Padre Novelles na manghikayat.

Lalong pinagsikapan ng paring Kastila ang pagtuturo ng buhay at mga aral ni
HesuKristo. Binigyang diin niya ang pagpapasakit ng Anak ng Diyos. Isinalaysay niya
ang pagkapasan sa krus upang iligtas lamang ni Hesus ang mga makasalanang tao
sa daigdig.

Sapagkat misyunero, marami ang naliwanagan sa katotohanan. Pero kahit marami
ang sumunod sa itinuturo ng paring Espanyol ay may isang barangay na bulag pa
ring sumasamba sa mga anito. Ito ang barangay na pinamumunuan ni Datu
Diliwariw. Ayaw ng Datung paniwalaan ang mga aral na itinuturo sa Katolisismo. Sa
labis na pagkagalit ipinadakip mismo ng datu sa mga nasasakupan ang misyunerong
nangangaral.

Sapagkat batay sa turo ng Katolisismo ay nagpasan ng krus at ipinako sa
kabundukan si HesuKristo. Ito rin ang parusang ipinataw ng di binyagang datu sa
paring Katoliko.

Awang-awa ang maraming katutubo sa pagpapasan sa krus si Padre Novelles. Ang
maalikabok at baku-bakong lansangan ng Nueva Ecija ay kangyang dinaanan. Sa
bundok ng mga anito na ngayon ay kilala bilang bundok ng Caraballo itinindig ang
krus. Habang nagbabaga ang araw ay isinakripisyo ng misyunero ang abang buhay.
Katulad ni Kristo, isang matulis na sibat ang tumapos sa hininga ng paring Katoliko.
Ang sariwang dugo sa dibdib nito ay mayamang umagos sa lupang pinagtindigan ng
krus.

Matapos ipapatay ay hindi mapalagay si Datu Diliwariw. Naalala niya ang itinuturo ng
misyunero na si Hesus daw ay muling nabuhay pagkalipas ng tatlong araw.

Upang makatiyak, isinama ng datu ang pinakamatapat na kawal nang dumating ang
ikatlong gabi. Ginimbal sila ng katotohanan, ang bangkay na kanilang iniwan ay
nawala sa kanyang kinapapakuan. Napaluhod ang datu kasama ng kawal. Inalala nila
ang mga aral na itinuro ng misyunero tungkol kay Kristo. Taos puso silang humingi
ng tawad. Sa kanilang pagyuko at pagluha ay may napansin silang munting halaman
sa lupang dinilig ng dugo ng kabanalan. Ang nasabing halaman ay nagbunga ng
animo makinis na ulo ng paring misyunero na kapag biniyak mo ay may lamang tila
mapulang dugo ng kabanalan, matamis at nakaaalis ng uhaw. Magmula noon, ang
nagging Katolikong datu ay lagi nagng dumadalaw sa pinagpakuang kabundukan.
Ang panata niyang iyon ay kalakip ng pagtanggap ng kaparusahan sa malaking
kasalanang nagawa niya sa paring ipinapatay.

Sapagkat tumubo ang kakaibang halaman ay tinawag ang bunga nito na
pinagpakuan na nauwi sa pakuan na ngayon ay naging pakwan. Iyan ang
pinanggalingan ng alamat ng pakwan.


ALAMAT NG ROSAS

Noong araw ay may isang magandang dalagang nagngangalang "Rosa," na balita sa
kanyang angking kagandahan, kayumian, at kabaitan. Maraming nangangayupapa sa
kanyang kagandahan. Ngunit ni isa sa mga ito ay hindi niya mapusuan.

Dahil ang gusto ni Rosa ay ang maglingkod sa Panginoon at sa pagtulong sa mga
nangangailangan ng kanyang tulong. Ngunit si Cristobal, isang mahigpit niyang
mangingibig, ay di makapapayag na di mapasakanya ang dalaga, at ito'y
nagtangkang agawin si Rosa at dinala ito sa hardin.

Ngunit nananalangin si Rosa sa Panginoon at noon di'y siya'y naging bangkay. Sa
takot ni Cristobal ay ibinaon niya ang dalaga sa bakuran nito at saka siya lumayo sa
pook na iyon upang di na magbalik kailanman.

Mula noon ay hindi na nakita ng mga taga roon si Rosa. Sa halip, sa bakuran nito ay
may isang halamang tumubo na may bulaklak ngunit paghawak sa tangkay nito ay
mapapasigaw ka dahil sa talas ng tinik ng halamang hinahawakan. Dahil niloob ito
ng Panginoon na gawing bulaklak si Rosa na ang tangkay ay may mga tinik na
tagapangalaga rito upang di-pagnasaang pupulin lamang ng sinuman.

You might also like