Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Hulyo 3, 2014

Huwebes


Araling Panlipunan (Grado 8) Araling Asyano

Pangkat: Sarangani (Gagamitin sa Camiguin sa Martes.)

I. Pamantayan:

Pamantayang Pangnilalaman
(Content Standard)
Pamantayan sa Pagganap
(Performance Standard)
Pamantayan sa Pagkatuto
(Learning Competencies)
Naipamamalas ng mag-aaral ang
pag-unawa sa ugnayan ng
kapaligiran at tao sa pagbuo at
paghubog ng kabihasnang
Asyano.

Ang mag-aaral ay malalim na
nakapag-uugnay-ugnay sa
bahaging ginampanan ng tao at
kapaligiran sa pagbuo at
paghubog ng kabihasnang
Asyano.
Nailalarawan ang mga yamang
likas ng Asya.

II. Nilalaman:
A. Unang Markahan: HEOGRAPIYA NG ASYA
Aralin 2: Mga Likas na Yaman ng Asya
B. Sanggunian:
CG p 10 LM p 36-39 TG p 63-68
C. Mga Kagamitan:
Laptop, colored papers, mga larawan at portfolio

III. Pamamaraan:
A. Alamin (Explore)
1. Panimulang Gawain
a. Pang-araw araw na gawain (pagdarasal, pagpupulot ng kalat, pagtatala ng lumiban sa klase)
2. Panlinang ng Aralin
a. Pagganyak
Gawain # 1: Balik Aral sa Katangiang Pisikal Lalagyan ng marka o guhit ang mapa ng Asya upang
maipakita ang paghahating pangrehiyon nito. Isulat ang pangalan ng rehiyon sa tapat ng isinagawang
pagmamarka.
3. Gawain mula sa Learning Module
a. Gawain # 2: Kaban ng Yaman ko, Iguhit Mo! (Isahang Gawain) Ang gawain ay magpapakita ng mga
produkto ng ating likas na yaman. Tutukuyin ng mga bata kung ito ay yamang tubig, yamang lupa o
yamang mineral. Iguguhit din nila sa karugtong na puwang ang yamang likas na pinanggalingan ng mga
produktong ipinapakita.
b. Gawain # 4: Talahanayan ng Paglalahat (Isahang Gawain) Ang gawain ay magsisilbing pagtataya ng
kaalaman at panukat ng pag-unlad ng ganap na pag-unawa ng mga bata sa aralin. Mula sa simula,
habang dumadaloy ang talakayan, at bago matapos ang mga gawain sa Learning Module.

IV. Takdang Aralin:
Magreview para sa mahabang pagsusulit.

You might also like