Makroekonomiks (Oct 15 16)

You might also like

Download as ppt, pdf, or txt
Download as ppt, pdf, or txt
You are on page 1of 52

MAKROEKONOMIKS

PAMAHALAAN

EKONOMIYA

MANGGAGAWA NEGOSYANTE
Ano ang kaugnayan ng
pamahalaan, manggagawa
at negosyante sa ating
ekonomiya?
Ang tatlo bang nabanggit
ay may pagkakaugnay sa
isa’t isa? Paano?
 PRODUKSYON – pagsasama-
sama ng mga salik upang
gamitin sa paglikha ng
produkto at serbisyo na
makatutugon sa
pangangailangan ng tao.
 LUPA – hindi mapapalitang yaman ng
bansa
 MANGGAGAWA o LAKAS-PAGGAWA –
nagtataglay ng lakas at talino
 KAPITAL – materyal na gawang-tao
 ENTREPRENYUR – Kapitan ng
Industriya (nagtataglay ng lakas ng
loob, talino, kakayahan at pamumuhunan
para sa isang negosyo)
ESPESYAL NA PUHUNAN – ginagamit
sa isang tanging layunin at gawain
PIRMIHAN o MATAGALANG
PUHUNAN – magagamit sa
mahabang panahon at paulit-ulit
INIIKOT na PUHUNAN – maaaring
gamitin ng isang ulit lamang
MALAYANG PUHUNAN – ginagamit
sa pagbuo pa ng ibang produkto.
PAIKOT na DALOY ng PRODUKTO at
SERBISYO – payak na paglalarawan
ng ekonomiya ng bansa (2 sectors –
sambahayan, kompanya)
 Pagkuwenta o pagsukat ng GNP –
mababatid ang kabuuang
produksyon ng ekonomiya
PARAAN ng PAGSUKAT ng GNP:
1. Factor Income Approach – may
tinatanggap na kabayaran na
nagsisilbing kita ang bawat salik
ng produksyon. Ito ay ang mga
sumusunod:
a. upa o renta sa lupa
b. sahod ng manggagawa
c. interes sa kapitalista
d. tubo sa entrprenyur
* kapag pinagsama
nakukuha ang pambansang
kita o national income
* Ang pag-alam ng
national income ay
mahalagang sangkap sa
pagtukoy ng GNP.

Kabayarang o kita ng mga
empleyado at Manggagawa
(KEM)
* benepisyo
* komisyon
*allowances (COLA, PERA,
Clothing & Transportation
Allowances)
*non-monetary benefits
*sahod o bayad na naaayon sa kontrata ng
manggagawa at suweldo ng mga empleyado na
tinatanggap sa takdang araw ay kabilang sa
kompensasyon ng empleyado at manggagawa
 Kita ng Entreprenyur at ng mga Ari-arian (KEA) –
kabayaran na tinatanggap ng mga tao na hindi
matatawag na sahod o suweldo. Ito ang kita ng
isang entreprenyur bilang salik ng produksyon.
Dito rin nabibilang ang mga
dibidendo na kabayaran sa ari-
arian.
 Kita ng Kompanya o Korporasyon
(KK) – Anumang kita na
tinatanggap ng isang kompanya at
pondo na inilalaan upang
palawakin ang negosyo.
 Kita ng Pamahalaan (KP) – Lahat
ng kita na tinatanggap ng
pamahalaan tulad ng buwis, mga
kinita ng mga kosporasyon na
pag-aari ng gobyerno, at mga
interes sa pagpapautang ng
pamahalaan
NI = KEM + KEA + KK + KP
 Upang masukat ang GNP, dapat na
isama ang ilang gastos sa paglikha
ng produkto at serbisyo tulad ng:
1. CCA – Capital Consumption
Allowances o iyong tinatawag na
depresasyong pondo na inilalaan
para sa pagbili ng bagong makina
at gusali kung ang mga ito ay unti-
unting nasisira at naluluma.
2. IBT – Indirect Business Taxes.
Di-tuwirang buwis na ipinapataw
sa mga produkto at serbisyo na
nilikha matapos ibawas ang
anumang subsidi na ibinibigay ng
pamahalaan.
Sa kabuuan, ang GNP ay masusukat
sa pamamagitan ng NI + IBT + CCA
= GNP kung ang NI ay 197 milyong
piso, IBT = 5 M piso at CCA = 12 M
piso, ang GNP ay nagkakahalaga ng
214 milyong piso.
2. FINAL EXPENDITURE APPROACH
Ang mga sektor ng ekonomiya tulad
ng sambahayan, pamahalaan,
kompanya at panlabas (dayuhan)
may kani-kanilang
pinagkakagastusan na mahalaga sa
pagtantya ng GNP ng bansa.
1. Gastusin ng Pamahalaan (G) –
Ang paggastos ng gobyerno para sa
pagbabayad ng mga empleyado ng
pamahalaan tulad ng manggagamot,
nars, guro, clerk, senador,
konggresista
mga hukom at hanggang sa may
pinakamataas na katungkulan sa gobyerno;
paggastos sa mga imprastraktura tulad ng
tulay, kalsada, gusali at iba pa; ang gastos
sa bawat paglalakbay ng pangulo ng bansa
at marami pang iba ay kabilang sa gastusin
ng gobyerno.
2. Gastusin ng Personal na Sektor (P)
Ito ang mga pinagkakagastusan ng
sambahayan mula sa pagkain,
damit, tirahan, hanggang sa mga
luho ng katawan tulad ng alahas,
appliances at marami pang iba.
3. Gastusin ng Kompanya (K) –
Ang pagkonsumo ng mgg
negosyante sa mga fixed capital
tulad ng makinarya, gusali at
mga kagamitang pang-opisina,
mga istak o change in stocks,
mga imbentaryo at mga
binibiling lupa at bahay bilang
earning assets ay kabilang dito.
4. Gastusin sa Panlabas na Sektor
o Export (X) – Dito nakapaloob ang
pagluluwas o export ng mga
produkto sa ibang bansa at ang
pag-aangkat o Import
ng mga produkto mula sa ibang
bansa. Upang malaman ang
gastusin sa panlabas na sektor,
ibinabawas ang gastos sa export
at gastos sa import, positibo
kapag mas malaki ang export
kaysa sa import at negatibo kapag
mas malaki ang import kaysa sa
export.
5. Net Factor Income from Abroad
(NFIFA) – Ito ang nagpapakita ng
diperensya ng kita ng Pilipino sa
ibang bansa bilang salik ng
produksyon at ng kita ng mga
dayuhang salik ng produksyon
dito sa loob ng bansa. Positibo
pag mas malaki ang kinita ng
mga Pilipino sa ibang bansa
ngunit negatibo pag mas malaki
ang kita ng mga dayuhan.
6. Statistical Discrepancy (SD) – Ito
ay ang pagkakaroon ng labis o
kulang sa pagsukat ng GNP. Ang
nasabing kakulangan o kalabisan ay
hindi malaman kung saan dapat
isama kaya ito ay nagsisilbing
discrepancy sa pagkuwenta.
Kapag ang lahat ng nasabing gastos
ng bawat sektor ay pinagsama-sama
makukuha ang GNP.
GNP = G + P + K + (X - M) +
NFIFA + SD
halimbawa:
P = 120 m piso
G = 30 M
K = 59 M
M = 20 M
X = 27 M
NFIFA = -5 M
SD = 3 M
gnp = 214 M
3. INDUSTRIAL ORIGIN APPROACH
Tinatawag din itong Value Added
Approach kung saan kinukuwenta ang
lahat ng naiaambag ng bawat industriya
sa ating bansa. Ang anumang
kontribusyon sa pagbuo at paglikha ng
mga produkto at serbisyo ng bawat
sektor ay siyang kumakatawan sa halaga
ng produkto at kapag pinagsama-samang
lahat ang halaga ng mga
produkto, makukuha ang kabuuang
produksyon sa loob ng bansa o GDP.
Sa pagsukat ng GNP sa paraang ito,
kailangan munang alamin ang GDP at
saka idagdag ang net factor income
from abroad. Kapag tinantya ang
dagdag na halaga ng salik na ginamit
ng mga sektor ay nakukuha ang
tinatawag na Gross Domestic Product
at kapag isinama ang NFIFA ay
makukuha ang Gross National
Product.
 ito ay nagpapakita ng relasyon ng
pagkonsumo sa kita
* Sa isang payak na ekonomiya ang
pagkonsumo ng sambahayan ay depende
sa tinatanggap na kita.
* Kapag malaki ang kita, malaki rin ang
gastos sa pagkonsumo… kapag maliit ang
kita, maliit din ang ginagastos sa konsumo
 pagbabago ng populasyon
 laki ng pamilya
 edad
 panlasa
 hanapbuhay
PERSONAL INCOME – kabuuang kita
na tinatanggap ng tao at disposable
personal income o kita na handang
gastusin o ikonsumo ng mga
produkto at serbisyo.
 pagbabago ng pagkonsumo sa
bawat pagbabago ng kita
* habang maliit ang kita ng tao ay
maliit din ang magiging pagbabago
sa kanyang pagkonsumo.
* kapag ang disposable personal
income ay tumaas, ang kabuuang
pagkonsumo ay tataas din ngunit
mas mababa kaysa pagtaas ng kita
 tumutukoy sa relasyon ng
pagkonsumo ng tao sa bawat
porsyento ng kabuuang kita.
 ito ang nagpapaliwanag kung gaano
ang ilalaan sa pagkonsumo ng
sambahayan sa bawat kita na
tatanggapin nito.
 relasyon ng pag-iimpok sa kita na
tinatanggap ng sambahayan. Batay
sa paikot na daloy ng produkto at
serbisyo, ang sambahayan ay nag-
iimpok ng ilang bahagi ng kanilang
kita. Kapag ginamit ang pormula na
Kita (Y) – Pagkonsumo (C) ay
makukuha ang pag-iimpok (S)
 Net domestic savings –
pagsasama-sama ng talong sektor,
sambahayan, kompanya, at ang
pamahalaan.
* Pag-iimpok – anumang kita na
hindi ginastos. Lahat ng sektor ay
nagkakaroon ng pag-iimpok ng kita,
sambahayan, kompanya at ang
pamahalaan ay nagtatabi rin ng
ilang bahagi ng kanilang kita.
http://lbreport.com/news/oct03/strike3.htm
pagtaas ng mga presyo
sa pamilihan na nagiging
dahilan upang harapin ng
pamahalaan ang mga
suliranin na nagbunsod sa
pagkakaroon ng mataas
na presyo
1. Demand Pull – nagaganap
kapag ang pagnanais ng mga
sektor na makabili ng produkto
at serbisyo ay mas marami kaysa
sa kayang isuplay o iprodyus ng
pamilihan. Ito ang kalagayan na
mas labis ang aggregate demand
kaysa sa aggregate supply.
Kabuuang dami ng Dami ng produkto na
gastusin ng konsyumer, gagawin at ipamama-
kompanya, at hagi ng mga manganga-
pamahalaan lakal

Aggregate demand Aggregate supply

= Demand pull inflation


 Ang pagkakaroon ng labis na
dami ng salapi na nasa
sirkulasyon o money supply ang
isang dahilan kung bakit
nagagawa ng bawat sektor na
pataasin ang kanilang demand.
Ang pagkakaroon ng mataas na
kita o labis na salapi ang
nagbibigay-daan na kumunsumo
ng maraming produkto at serbisyo
ang tao.
 Bunga nito ang demand ang siyang
humihila sa pagtaas ng presyo ng mga
bilihin. Habang patuloy tayong bumibili
ng maraming produkto dahil sobra ang
ating salapi, ang presyo ng mga ito ay
patuloy na tumataas.
 Kapag tumaas ang presyo ng mga
bilihin, yon dahil sa pagtaas ng demand
ng mga tao ng pagkonsumo.
2. Cost Push – ang pagtaas ng
mga gastusing pamproduksyon
ang siyang sanhi ng pagtaas ng
presyo ng mga bilihin. Ang mga
sahod ng mga manggagawa,
pagbili ng mga hilaw na
materyales at makinarya at
paghahangad ng malaking tubo
ang mga pangunahing dahilan
ng pagtaas ng presyo ng mga
bilihin kapag ang bawat salik ng
produksyon ay nagtaas ng
kanilang kabayaran.
“ Ang mga UNYON ang nagdudulot
ng IMPLASYON”.

“ Ang IMPLASYON ang dahilan ng


paglitaw ng mga unyon”.
3. Structural Inflation – ang
pinagmumulan ng implasyon ay
ang kawalan ng kakayahan ng
ilang sektor na maiayon ang
anumang pagbabago sa lebel at
dami ng ng kabuuang demand ng
ekonomiya, pagtutunggalian ng
mga pangkat sa lipunan upang
makakuha ng malaking bahagi sa
kabuuang kita ng bansa at
tunggalian ng mga wage-earners
at profit earners.
IMPLASYON

mga gastos import export


sa militar dependent orientation

Monopolyo/ malaking
kartel utang panlabas
Mataas na
presyo

Mataas na Maraming
pasahod negosyo

Maraming
manggagawa
Mga mangungutang
Mga speculators
Mga taong hindi tiyak ang kita
Mga taong may tiyak na kita
Nagpapautang
Nag-iimpok

You might also like