Download as ppt, pdf, or txt
Download as ppt, pdf, or txt
You are on page 1of 22

Ang Batas Rizal

Batas ng Republika Blg. 1425 o Republic


Act 1425 na mas kilalang Batas Rizal na
inakda nina Senador Jose P. Laurel at
Claro M. Recto
Pinagtibay noong Hunyo 12, 1956 at
ipinatupad noong Agosto 16, 1956 sa
lahat ng paaralan sa Pilipinas
Tinatadhana ng Batas Rizal:

- isama sa kurikulum o talaaralan ng lahat
ng paaralang pambayan at pansarili ang
kursong nauukol sa buhay, mga ginawa at
mga sinulat ni Dr. Jose Rizal
- kasama ang kanyang kathangbuhay na
Noli Me Tangere at El Filibusterismo
Layunin ng Batas:
- maitalaga muli ng mga Filipino ang
kanyang sarili sa mga simulain ng
kalayaan at pagkamakabayan na siyang
naging dahilan ng kanyang kamatayan
- upang parangalan si Rizal na
nagpapagunita sa atin ng kanyang
pagmimithi at pagpapakasakit upang
bumuo ng pambansang katauhan
Kalagayan ng Espanya noong
ika 19 na Daangtaon
di tumanggap ng mga sayantipikong at
teknolohikal na pagbabago ang Espanya di tulad
ng Pransiya (France) at Inglatera (England) na
naging industriyalisado
dumating sa Espanya ang hulab ng mga
adhikaing may kinalaman sa kalayaan na siyang
impluwensiya ng Rebolusyon ng mga Pranses
(French Revolution) na may motto na Liberty,
Equality and Fraternity o Kalayaan,
Pagkakapantay-pantay at Kapatiran

nagkaroon ng politikal na kaguluhan sa
Espanya dala ng pansamantalang
pananakop ng Pransiya at di maayos na
pamamahala ng monarkiya (Ferdinand VII
at Isabela II)
pagnanais ng makapagtayo ng bagong
Republika na may Konstitusyon
dahil sa mga kaguluhan naapektuhan ang
dati niyang mga malawak na kolonya,
nawala sa kanya ang mga hawak niyang
teritoryo maliban na lang sa Cuba, Puerto
Rico, Guam at Pilipinas
sa huling bahagi ng ika-19 na siglo
nagkaroon ng mga himagsikan sa Cuba at
Pilipinas
dahil sa pagkadiskontento ng mga
Espanyol sa ekonomiya at pampolitikang
kalagayan sa Espanya nawasak ang
monarkiya o absolutism at naging
republika ang Espanya
ang politikal na sistema ay hayrarkikal
ayon sa pamamahalang pangkolonyal
mula sa Ministerio de Ultramar; ang
pamahalaan sa Pilipinas ay
pinamumunuan ng gobernador-heneral
walang regular na kinatawan upang
bumuo ng batas maliban sa mga batas na
ipinatutupad mula sa Espanya at ibang
mga kolonya nito tulad ng Leyes de Indias
o Law of the Indies
Kalagayan ng Pilipinas noong
ika-19 na Daangtaon
ang istrakturang panlipunan ay
pangkalahatang pyudalistiko (feudalistic)
kung saan nanatili ang eksploytasyon ng
mga elite sa mga masa sa pamamagitan
ng mapangaping mga buwis, tributo at
mga sapilitang paggawa
ang pananitili ng kapangyarihan sa mga
Espanyol at pagbibigay ng prebilehiyo sa
mga mestizos at creolles na siyang
kaapihan naman ng mga indios
naging abusado ang mga Espanyol na
naitalaga sa Pilipinas dahil sa kakulangan
ng bilang at kwalipikasyon ng mga ito
dahil na rin sa kalayuan mula Espanya ang
mga ito ay hindi tumatalima sa kautusan
ng Hari ng Espanya
naging makapangyarihan ang mga prayle
dahil sa kapangyarihan na rin ng
Simbahang Katolika
limitado ang edukasyon para sa mga
Espanyol at mga meztisos
Dr. Jose Protacio Mercado
Rizal Y Alonzo Realonda
pinanganak noong Hunyo 19, 1861,
Miyerkoles sa mag-asawang Francisco
Mercado at Teodora Alonzo sa Calamba,
Laguna
ang apelyidong Rizal ay galing sa salitang
ricial na ang ibig sabihin ay luntiang
bukid ayon sa Kautusan ni Gobernador
Heneral Narciso Claveria noong 1849 na
ang lahat ay gumamit ng pangalan ayon sa
wikang Espanyol
Mga Larawan ni
Rizal
Ang Mag-Anak ni Rizal
Francisco Mercado pumasok sa Colegio
de San Jose sa kurso ng Latin at
Pilosopiya; ama ni Rizal
Teodora Alonzo nagtapos sa Colegio de
Santa Rosa ; ina ni Rizal
Nagpakasal sila noong Hunyo 28, 1848 at
piniling mamumuhay sa Calamba, Laguna
ang pamilya Rizal ay kabilang sa
principalia sa Calamba dahil ang kanyang
mga magulang may pinag-aralan at may
maayos na pamumuhay
Labing-isang magkakapatid sina Rizal,
dalawang lalaki at siyam na babae na sina
Saturnina, Paciano, Narcisa, Olimpia,
Lucia, Maria, JOSE, Concepcion, Josefa,
Trinidad at Soledad
Mga Impluwensiya sa Buhay Ni
Rizal
Namana ayon sa agham na genetiko ang
mga kahinaan at katangian o talino ng
isang tao ay sadyang minana sa kanyang
mga ninuno at magulang. Si Rizal ay
naging nilalang dahil sa pinaghalong lahi
ng Filipino, Tsino, Hapon at Espanyol.
Kapaligiran ayon sa sikolohiya, ang
kapaligiran ay malaki ang impluwensiya sa
katauhan ng isang tao gaya ng mga lunan,
kakilala at pangyayari.
ang kanyang magulang, ang
nakakatandang kapatid na si Paciano,
mga naging guro, ang asawa niyang si
Josephine, mga naging kasintahan, mga
Guwardiya Sibil at mga naging kaibigan
ay mga nilalang na naka-impluwensiya
nang lubos sa buhay ni Rizal.
ang tatlo niyang tiyo na kapatid ng
kanyang ina ay malaki rin ang naging
impluwensiya kay Rizal.

Tiyo Jose Alberto ang pumanday sa
kanyang talino sa sining
Tiyo Manuel ay sa palakasan
Tiyo Gregorio ay pagkahilig niya sa
pagbabasa ng mga aklat
Tadhana ng Diyos ang Maykapal ang
siya na ring naglaan upang siya ay maging
pangunahing instrumento para sa paglaya
ng ating Inang Bayan
kinakitaan na si Rizal ng likas na
katalinuhan at pagkamakabayan
ang unang guro ni Rizal ay ang kanyang
ina; sa gulang na tatlo siya ay tinuruan na
ng alpabeto, pagbasa at pagsulat at mga
dasal
kumuha ang kanyang magulang ng
pribadong mga guro para kay Jose ang
una ay si Maestro Celestino, sumunod si
Maestro Lucas Padua at ang huli ay si
Maestro Leon Monroy
sa gulang na walo sinulat ni Rizal ang
tulang sa Aking Mga Kabata na tungkol
sa pagmamahal sa bayan at sariling wika
sa edad na siyam siya ay pinapagaral sa
isang pribadong paaralan sa Bian na pag-
aari ni Maestro Justiniano Aquino Cruz;
matapos ang isat kalahating taon
pinayuhan siyang lumipat ng Maynila
naging mapait kay Rizal ang pagkakulong
kanyang ina dahil sa pagbintang na ito
umano ang lumason sa isang kamag-anak

Ang Maagang Kabataan Ni
Rizal
ginugol sa Calamba at Bian; ang
kanyang kapaligiran ay ang bundok ng
Makiling at lawa ng Laguna; madalas
siyang paglibang sa paglalaro sa kanyang
asong si Usman
maagang natutong gumihit sa edad lima at
tuwing sasapit ang takipsilim sila ay
tinitipon ng kanyang ina upang mag
orasyon
taong 1872 naman ay ang kabayinahan
nina Padre Gomez, Burgos at Zamora
mga pangyayaring tumatak sa utak ni
Rizal upang maging makabayan
Hunyo 1872, kumuha si Rizal ng
pagsusulit sa Colegio de San Juan de
Letran ngunit nagbago ng pasiya ang
kanyang ama at siya ay pinapagaral sa
Ateneo de Municipal dito niya unang
ginamit ang apelyidong Rizal sa halip na
Mercado
Sa Aking Mga Kabata
Kapagka ang bayay sadyang umiibig
Sa kanyang salitang kaloob ng langit,
Sanlang kalayaan nasa ring masapit
Katulad ng ibong nasa himpapawid.

Pagkat ang salitay isang kahatulan
Sa bayan, sa nayot mga kaharian
At sa isang taoy katulad, kabagay
Ng alinmang likha noong kalayaan.




Ang hindi magmahal sa kanyang salita
Mahigit sa hayop at sa malansang isda,
Kaya ang marapat pagyamaning kusa
Na tulad sa inang tunay na nagpala.

Ang wikang Tagalog tulad din sa Latin,
Sa Ingles, Kastila at salitang anghel
Sapagkat ang Poong maalam tumingin
Ang siyang naggawad, nagbigay sa atin.

Ang salita natiy tulad din sa iba
Na may alpabeto at sariling letra
Na kaya nawalay dinatnan ng sigwa
Ang lunday sa lawa noong dakong una.

You might also like