Batch 81

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Aegina Festin

2012-51175
Reaksyon sa Pelikulang Batch 81
Sa panulat at direksyon ni Mike de Leon, ang Batch 81 ay isang pelikulang Pilipinong
nararapat hangaan sa maraming dahilan. Ang pelikulang ito ay umikot sa mga pagsubok na
dinanas ng mga estudyante ng Batch 81 tungo sa pagkasawi ng ilan at tagumpay na maging
miyembro ng taguring fraternity na Alpha Kappa Omega o AKO. Sinasabing ang pelikulang ito
ay isang komentaryo sa pamahalaang Marcos na nagsisiwalat ng namumuong tension sa pagitan
ng mga may kapangyarihan at wala. Inaasam ni Sid Lucero (ginampanan ni Mark Gil) na maging
bahagi ng fraternity upang magkaroon ng seguridad at proteksyon, at hindi maglaon ay
magkaroon ng kapangyarihan.
Ang mga susunod na detalye ay naglalayon na suriin ang ibat ibang elemento ng
nasabing pelikula: pag-arte, sinematograpiya, at direksyon. (Paminsan-minsan ay magkakaroon
din ng code-switchingkung saan gagamit ng dalawa o higit pang linggwahe sa magkaparehong
diskurso marahil para magkaroon ng mas eksaktong pagpapahayag.)
Hindi nagkamali ang pumili kay Mark Gil na gumanap bilang Sid Lucero ng nasabing
pelikula. Ipinakita niya sa pamamagitan ng kanyang mukha at katawan kung paano ang isang
lalaki na magkaroon ng matibay na paninindigan at pagtitiwala, na taliwas sa mga ipinapakita ng
midya ngayonna mababago ng pag-ibig ang paninindigan at pamantayan ng isang lalaki. Ang
mga mata niya ay bihasa sa pakikipag-usap hindi lamang sa mga taong napaligid sa kanya kundi
na rin pati sa kanyang mga tagapanood. Idagdag pa ang kanyang maninipis na labi at
maskuladong bigote, mas lalo siyang naging angkop sa karakter na kanyang ginagampanan.
Maihahambing ang kanyang pag-arte sa pag-arte ni Jacklyn Jose na taguri sa pag-arte ng walang
masyadong salita.
Kung si Mark Gil ay umaarte nang walang masyadong salita, kabaliktaran naman niya
ang isa sa mga kabatch niya na gumagamit ng overacting mula sa ekspresyon ng mukha
hanggang sa boses at accent ng pananalita. Iba din ang paraan ng pananalita ng mga artistang
babae sa mga artistang lalake. Nagkakaroon ng sound alteration ang mga babae para mas
maging mahinhin at bata ang kanilang boses na minsan ay nagiging awkward na.
Mahihinuha mula sa obserbasyon ng pelikula na hindi pa lubos na maayos at mabisa ang
paraan ng pagkuha ng video. Walang masyadong paggalaw ang kamera sa bawat scene at kung
mayroon man, ay simpleng zoom in-zoom out at side-turn/slip lamang. Mapapansin ding madilim
ang mga kulay at sinadyang binaba ang intensity ng liwanag upang epektibong maiparating sa
mga tagapanood ang madilim na dinaranas ng mga karakter sa pelikula, at ng mga Pilipino
mismo sa panahon ng Marshall Law.
Makikita din na hindi ginamit ang isang style na laganap ngayon sa mga modernong
pelikula at short moviesang pagkuha ng video na hindi kasama ang kabuuuan ng subject
bagkus ay isa o konting porsyon lamang nito na magsisilbing foreground sa iba pang bagay na
pertinente sa scene na iyon. Ang kamera ay nakapokus sa kabuuuan kaya naman lahat ng mga
nangyayari ay nakikita ng mga tagapanood kaya naman ay hindi na sila nagkakaroon ng tsansa
upang mag-isip at mag-analisa ng mga pangyayari sa pelikula. Halimbawa na lamang kapag may
eksena na dalawang taong nag-uusap na parehong nakaupo sa sofa, pareho silang dala sa kamera
at humigit-kumulang 60
o
ang anggulo.
Epektibong naipakita ng direktor ang sikolohikal at pisikal na epekto ng hazing sa mga
bata. Isa sa mga malikhaing eksena ay ang interbyu sa mga estudyanteng nais mapabilang sa
AKO kung saan nagpapalit ng karakter sa bawat isa o dalawang tanong na nagdudulot ng parang
time-lapse effect. Kahanga-hanga sapagkat napaikli ang isang eksena sa malikhaing paraan at
nakapagdulot ng tensyon, o kaba, sa mga manunood samahan pa ng madilim na lighting at
natural sound effect. Ang eksenang ito ay nagpapakita ng pagsusukat ng pagkalalaki.
Samantalang, sa gitnang bahagi ng pelikula ay nagkaroon ng switchingmula sa
napakamaskuladong mga eksena ay siningit ang peminismong tema. Ang mga kandidato sa
AKO ay nagsuot ng mga wig, strapless na damit, stockings, makakapal na make-up, at ibat iba
pang damit-pambabae, at nagsayaw sa saliw ng isang 1940s na awitin mula sa Alemanya.
Mapapansing ang musika ay pinatong lamang sa pelikula, na taliwas sa nasabing natural sound
effect.

Kung iisipin, marami itong ipinapakitang contrast hindi lamang sa tema kundi sa ibat
ibang aspeto ng pelikula katulad ng sound effects at acting. Marahil ito ay sinadya upang
maiwasan ang tinatawag nating monotony na magiging dahilan ng pagkabagot ng mga
manunood. Hindi katangian ng isang magandang pelikula ang pagkakaroon ng monotony (in a
significant amount of time).
Naiiba din ang Batch 81 kung ikukumpara sa ibang mga pelikula ng 1980s dahil hindi
ito sumusunod sa mainstream na plot at pagkakasunud-sunod ng pangayayari. Wala itong
ipinakitang selebrasyon ng kung ano man. Wala ding kidnapping na nangyari. At higit sa lahat
walang eksena na nagpapakita ng pagkamelodramatic ng mga Pilipino. Kaya naman ay
tinanggap ito ng ibat ibang bansa dahil walang lahi ang direktang pinapatamaan nito. Ginawa ito
para sa lahat bagamat ang impluwensya ng politika at sosyal na aspeto sa Pilipinas ay makikita
sa pelikula.
Lubos na napagsama-sama ni Direktor Mike de Leon ang mga elemento ng pelikula sa
malikhain at matalinong paraan kaya naman hindi nakakapagtakang umani ito ng maraming
parangal, lokal man o internasyonal. Sa katanuyan, ang pelikulang Batch 81 ay nakilala nang
husto dahil sa epektibong direksyon ng mga bagay na makapaglilikha ng tunay na obra.

You might also like