Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Andrs Bonifacio y de Castro

(30 November 1863 10 May 1897)




Si Andres Bonifacio ay isa sa mga bayani ng Pilipinas noong panahon ng
himagsikan. Simulan natin ang talambuhay ni Andres Bonifacio sa kanyang
kapanganakan.

Si Andres Bonifacio ay ipinanganak noong Nobyembre 30, 1863. Ang
kanyang mga magulang ay sina G. Santiago Bonifacio at Gng. Catalia De
Castro. Siya ay nagsimulang mag-aral sa paaralan ni Don Guillermo Osmena
sa Melsic ngunit ito ay di nagtagal at sya ay nahinto sa pag-aaral. Hindi ito
naging hadlang upang siya ay matuto ng Kastila sapagkat si Andres
Bonifacio ay marunong nang bumasa at sumulat bago pa man siya huminto
sa pag-aaral.

Higit pa rito ay mahilig din siyang magbasa at magsulat ng mga
bagay na may kabuluhan lalo na kung tungkol sa digmaan at himagsikan.
Siya ay may diwa ng paghihimagsik kung kayat ninais niya na maging
malaya ang Pilipinas laban sa mga mananakop. Ito ang nagbigay daan at
naitatag niya ang Katipunan na kakatawan sa himagsikan. Dahil dito si
Andres Bonifacio ay kinilala bilang Ama ng Himagsikan. Kasama niya sa
kilusan si Emilio Jacinto na kinilala naman bilang Utak ng Katipunan. Ang
kanilang samahan ay may iisang layunin at ito ang naging dahilan ng
kanilang tagumpay.

Ngunit di nagtagal ang kanilang tagumpay dahil si Bonifacio at ang
kanyang kapatid na si Procopio ay dnakip, naharap sa paglilitis at nahatulan
ng kamatayan sa pamamagitan ng pagbaril. Sila ay binaril noong May 10,
1897 sa Bundok Buntis.

You might also like