Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

District of San Pedro

Table of Specification in MSEP V


Fourth Periodical test
2012-2013

Content / Skills No.
of
days
Number of Test Items
Easy Average Difficult Total %
Item
Placement
MUSIKA
1. Nakikilala ang ibat-ibang timbre ng boses. 2 1 1 0 2 13 1-2
2.Pagsasabi ng katangian ng bawat uri ng tinig. 1 1 0 0 1 7 3
3. Pagkilala sa instrumenting etniko ayon sa kayarian. 3 2 2 1 5 33 4-8
4. Natutukoy ang ibat-ibang tunog mula sa ibat-ibang
bagay sa paligid
2 0 0 2 2 13 9-10
5. Pagkilala sa kahulugan ng crescendo . 2 0 0 2 2 13 11-12
6. Pagtukoy sa mga bahagi ng himig/tugtugin na
ginagamitan ng crescendo/allegro, andante at moderato.
3 0 0 3 3 20 13-15
TOTAL 15 4 3 8 15 100
SINING
1. Pagbibigay pansin sa magagandangbagay na likas sa
kapaligiran
2 0 0 2 2 13 16-17
2. Pagtukoy sa elemento ng sining na taglay ng mga tao. 2 0 0 2 2 13 18-19
3. Pagtukoy sa mga prinsipyo ng sining na taglay ng mga
tao.
2 0 0 2 2 13 20-21
4. Pagpapahalaga sa mga kagandahan ng mga bagay sa
kapaligiran na gawa ng tao.
2 0 0 2 2 13 22-23
5. Pagtalakay sa mga elemento ng sining na matatagpuan
sa kapaligirang gawa ng tao.
2 0 0 2 2 13 24-25
6. Pagpapahalaga sa mga bagay na binubuo ng likas na
kapaligiran.
1 0 1 1 2 13 26-27
7. Pagkilala sa ilang selebrasyon o gawaing pambayan 2 0 1 1 2 13 28-29
8. Nakikilala ang mga kagamitan sa pagtatatanghal at
pagsasaayos ng mga likhang sining at tanghalan
2 0 0 1 1 7 30
15 0 2 13 15 100
EDUKASYON SA PAGPAPALAKAS NG
KATAWAN

1. Pagkilala sa mga kasanayan at batayang posisyon ng
kamay at paa sa pagsasayaw.
3 1 1 0 2 10 31-32
2. Pagkilala sa mga sumusunod na katutubong sayaw 3 0 1 2 3 15 33-35
3. Pagtukoy ng mga batayang hakbang sa pagsasayaw. 3 0 0 3 3 15 36-38
4. Pagpapahalaga sa kulturang inilalarawan ng sayaw. 2 0 0 2 2 10 39-40
5. Natutukoy ang wastong batayan kasanayang pang-
isport.
2 0 0 2 2 10 41-42
6. Nasasabi a ng mabuting kaugaliang pakikiisa at
pagkamaginoo.
2 0 0 2 2 10 43-44
7. Pagtukoy sa mga pamamaraan sa pagsasagawa ng mga
batayang kasanayan sa larong volleyball.
3 0 0 3 3 15 45-47
8. Pagkilala sa pamantayang pangkaligtasan at
pangkalusugang pamamaraan sa paglalaro
2 1 1 1 3 15 48-50
TOTAL 20 2 3 15 20 100
Grand Total 6 8 36 50














Division of Laguna
District of San Pedro
San Pedro
IKAAPAT MARKAHANG PAGSUSULIT SA MSEP IV
T.P. 2012 2013

Pangalan ______________________________ Petsa ____________________________
Baitang/Pangkat ________________________ Guro _____________________________

MUSIC
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunnod na katanungan. Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Si Pedro ay mahilig umawit, mayroon siyang mataas at medyo matinis na boses. Anong uri ng tinig mayroon
siya? A. Bass C. Soprano
B. Alto D. Tenor
2. Kilala si Regine Velazques na magaling na mang-aawit sa ating bansa, mayroon siyang mataas at medyo
matinis na boses, sa anong uri ng tinig siya nabibilang?
A. Bass C. Soprano
B. Alto D. Tenor
3. Isa si Anna sa myembro ng choir sa kanilang simbahan, kabilang siya sa alto. Ano ang masasabi mong
katangain ng tinig mayroon siya?
A. Dumadagundong C. Mababa na may kalakihan
B. Malaki D. Mataas na may kaliitan
4. Ang mga sumusunod ay mga instrumentong pangmusika, alin ang kabilang sa woodwind group?
A. Oboe C. Pompiyang
B. Snare drum D. Xylophone
5. Dalawang malapad at manipis na instrumentong tanso na pinatutugtog sa pamamagitan ng paghampas sa mga
ito sa isat-isa.
A. Snare drum C. Timpani
B. Trombone D. Pompiyang
6. Ito ay instrumentong nagtataglay ng dalawang kapirasong kahoy o double reed.
A. Basson C. Clarinet
B. Oboe D. Tuba
7. Anong uri ng instrumento ang nagtataglay ng mahabang tubo na iniikot?
A. French Horn C. Base drum
C. Timpani D. Oboe
8. Paano pinatutunog ang mga instrumentong perkusyon?
A. Hinihipan C. Kinakalabit
B. Tinatapik D. Tinutuldok
9. Kapag ikaw ay nasa kagubatan, masarap pakinggan ang huni ng mga ______________.
A. Dahon C. Leon
B. Ibon D. Tigre
10. Maari ka ring makalikha ng tunog sa pamamagitan ng pag-ihip ng ________ kapag ikaw ay nasa kagubatan.
A. Dahon C. Kawayan
B. Trumpeta D. Tubig
11. Senyas pangdaynamika na ang pang-awit ay unti-unting lumalakas ang boses.
A. Crescendo C. Decrescendo
B. Forte D. Piano
12. Ang sagisag ng daynamika sa musika na inaawit nang malakas papahina.
A. Crescendo C. Decrescendo
B. Forte D. Messo Forte
13. Elemento ng musika na may katamtamang bilis sa pag-awit.
A. Allegro C. Andante
B. Lento D. Moderato
14. Tempo na mabilis ang pag-awit sa isang awitin.
A. Allegro C. Moderato
B. Andante D. Lento
15. Inaawit ang isang awit ng may tempong mabagal.
A. Andante C. Lento
B. Moderato D. Vivace

SINING
16. Ang katas ng mga _______ ay maari ring magsilbing pangkulay sa ating iginuguhit.
A. Kalamansi C. Bulaklak
B. Dahon D. Samppaguita
17. Maari mo ring gamitin sa sining ang mga patapong bagay tulad ng ___________.
A. Lumang damit C. Mga bote at tansan
B. Basag na pinggan D. Mga bulok na gulay
18. Ang pagbuo ng disenyo sa pamamagitan ng pagdidikit ng mga piraso ng mga bote, bato, balat ng itlog o
anumang pirasong kulay ay ang ___________________.
A. Crayon etching C. Collage
B. Mosaic D. Paghahabi
19. Isang pamamaraan ng paglalagay ng disenyo sa tela o damit na ginagawa sa pamamagitan ng pagtatakip ng
pagkit o wax sa mga bahaging hindi dapat malagyan ng kulay ay ang _________________.
A. Batik C. Collage
C. Crayon etching D. Mosaic
20. Alin sa mga sumusunod na larawan ang wasto sa proporsyon?



A. B. C. D.
21. Tingnan ang mga larawan sa ibaba, alin ang pormal na balance?



A. B. C. D.
22. Ako ay masayahin at puno ng buhay. Anong kulay ang aking pipiliin na nagpapahayag ng kasayahan?
A. Dalandan C. Lila
B. Itim D. Luntian

23. Anong elemento ng sining ang tumutukoy sa katangiang panlabas na tumutugon sa pagsalat o paghipo?
A. Kulay C. Hiyas
C. Tekstura D. Ritmo
24. Tunay na napakaganda ng likas na kapaligiran. Alinsa mga sumusunod ang gawa ng tao at angkop ditto?
A. Shopping Centers at Malls C. Plasa at mga luntiang halaman
B. kapatagan at kabundukan D. Tulay at Lambak
25. Masdan ang malawak na bukirin na natatamnan ng mga palay. Ito ay halimbawa ng likas na kapaligiran. Anong
elemento ng sining ang ipinakikita nito?
A. Linya C. Kulay
B. Hugis D. Tekstura
26. Ang mga mag-aaral sa Baitang Lima Pangkat Rizal ay inatasan ng kanilang guro na gumawa ng poster sa mga
pangyayari at nagpapahalaga sa ating kapaligiran. Alin sa mga ito ang dapat nilang gawing paksa?
A. Pagkalat ng basura kung sa mga ilog C. Pag-aaksaya ng mga kagamitan sa proyekto
B. Pagtanim ng bagong puno sa kabundukan D. Walang gagawin at ipagwalang bahala
27. Paano ka nakatutulong upang mapanatiling maganda ang likas na kapaligiran?
A. Pangalagaan ang mga puno at halaman.
B. Tabunan ang mga ilog
C. Hulihin ang mga isda sa dagat
D. Bunutin nang marahan ang mga halaman
28. Ang _________ ay isang araw na pananabikan lalo na ng mga bata. Lahat ay naghahanda upang ipagdiwang
ang kapanganakan ni Hesus.
A. Bagong taon C. Araw nng mga puso
B. Pasko D. Pista ng bayan
29. Bakit mahalaga ang mga pagdiriwang na tulad ng Bagong Taon, Pasko, at Araw ng mga Puso?
A. Nakatatanggap ng regalo C. Nakakakain nang marami
B. Naipapakita ang pagmamahal sa mga D. Nakabibili ng damit
kamag-anak at kaibigan
30. Ang likhang sining ay lalong madaling nauunawaan at magiging kawiliwili sa mga manonood kung gagamitan
ng mga ____________.
A. Magagandang palamuti C. Mga magagandang taga-ganap
B. Kagamitan at kasuotan D. Pag-aayos ng tanghalan.

P.E.
31. Aling kilos ng mga bisig ang nasa lateral na posisyon?



A. B. C. D.
32. Alin ang step pattern ng heel and polka?
A. Heel place, toe point, step, pause C. Step out, step cut
B. Heel place, toe point, steep close, step D. Heel place, close
33. Ang sayaw na ito ay binubuo g ibat-ibang pasayaw at musikang matatagpuan sa Ilokos?
A. Csheboginar C. Norwegian Mt. March
B. Paseo de Bicol D. Sustinido Norte
34. Saan nagmula ang sayaw ng paseo de bicol?
A. Aurora C. Albay
B. Agusan D. Angono
35. Alin sa mga ito ang katutubong sayaw?
A. Ballet C. Sayaw ng Laso
B. Tinikling D. Balinsasayaw
36. Anong batayang hakbang ang nakapaloob sa sayaw na Carinosa?
A. Isa C. Apat
B. Anim D. Walo
37. Piliin ang titik ng hakbang pansayaw para sa Patty Cake Polka.
A. Side step, heel and toe, change step C. Change step
B. Pagpaypay ng babae na nakataas ang iisang paa D. Sagamantika

38. Ang karaniwang panimulang ayos sa pagsayaw, ang magkapareha ay ____________.
A. Magkahawak ng kamay C. Magkatalikuran
B. Magkaharap D. Parehong Nakatagilid
39. Ang Cariosa ay isanasayaw ng may damdaming ______________.
A. Magiliw C. Malambing
B. Masuyuin D. Maindayog
40. Dapat na laging nakasabay sa ______ ang nagsasayaw upang maging kanais nais ang sayaw.
A. Awit C. Tunog
B. Tempo D. Ritmo
41. Ang pagsunod sa mga ito habang naglalaro ay nakakatulong sa pagwagi ng pangkat at pagkakaroon ng
kasiyahan ng lahat ng mga kasali sa laro.
A. Pagtakbo at pagiging magaslaw C. Pagsigaw at pag-aamok habang nasa laro
B. Patakaran ng laro at kagandahang-asal D. Sumunod ngunit may hinanakit sa dibdib
42. Bago magsimula ang mga gawaing pang-isport, ano ang kasanayan na dapat mong unang isagawa?
A. Mag-ehersisyo bilang pasimula C. Manguna sa grupo
B. Maglaro na lamang D. Ipagsawalang bahala ang mga kasanayan
43. Sa naganap na palarong pampaaralan, isa ang grupo mo sa hindi pinalad na manalo, paano mo maipapakita
ang iyong pagiging isport?
A. Galingan sa mga susunod na pagkakataon C. Tanggapin ang pagkatalo ng bukal sa loob
B. Paghandaan ang kalaban D. Sisihin ang mga kakampi dahil sa pagkatalo
44. Masayang masaya si Pedro at ang kanyang mga myembro dahil sa kanilang pagkapanalo sa laro. Anong
kaugalian ang taglay ng bawat isa sa kanilang kopunan?
A. Pagsunod sa patakaran ng laro C. May kooperasyon ngunit di sumusunod
B. Pagiging makasarili D. Walang tiwala sa mga kasama
45. Sina Joseph at ang kanyang kopunan ay gustong manalo sa larong balibol. Anong iskor ang dapat nilang
makuha?
A. 15 C. 25
B. 20 D. 30
46. Alin sa mga sumusunod ang kasanayang mahalaga sa paglalaro ng balibol.
A. Pagsipa ng bola C. Paghagis ng bola
B. Pagpilantik ng bola D. Pagsalo ng bola
47. Sa larong balibol ang bola ay dapat pamalagiing nasa____________.
A. Ibaba at nasa lupa C. Ere at di sumasayad sa lupa
B. Labas ng guhit D. Net at di gumagalaw
48. Ano ang dapat tandaan sa pagsasagawa ng isang kasanayan upang maiwasan ang aksidente?
A. Ikalat ang mga kagamitan C. Iligpit ang mga kagamitan pagkatapos gamitin
B. Iwanan ang mga kagamitan sa pinaglaruan D. Huwag gamitin ang mga kagamitan
49. Pagkatapos ng mg gawaing pang-isport, ano ang nararapat na pangwakas na gawain upang mabawasan ang
pagkapagod ng manlalaro?
A. Stretching C. Warm-up
B. Loading D. Cool down
50. Habang kayo ay naglalaro ng volleyball, nakita mo na natanggal ang tali ng sapatos ng iyong kalaban, ano ang
iyong gagawin?
A. Pababayaan ko na lamang para mahirapan siya sa kanyang paglalaro
B. Sasabihin ko sa referee dahil baka ito ay maging sanhi ng aksidente
C. Masaya ako dahil makatulong ito sa pagkapanalo ng aming kupunan
D. Sasabihin ko sa kakampi ko na doon ibigay ng ibigay ang bola para magkapuntos kami.

You might also like