Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Si David Ricardo ay isang ekonomiko mula sa Nagkakaisang Kaharian.

Kadalasang binibigyan siya


ng kredito sa paggawa ng sistema sa ekonomika, at isa sa mga pinakamaimpluwensiyang klasikong
ekonomista, kasama sina Thomas Malthus at Adam Smith.
Si Ricardo ay isang negosyanteng Ingles na yumaman sa stock market. Ayon kay David Ricardo,
naniniwala siyang darating ang panahon na hihina ang pag-unlad ng mga kapitalista. Hihina ang
produksiyon ng paggawa dahil kakaunti ang lupa at likas na yaman. Lumalaki ang populasyon
kasabay ng paglaki rin ng mga pangunahing pangangailangan ng tao lalo na sa pagkain. Ang mga
lupang dating hindi nagagamit ay pakikinabangan na ng tao upang matugunan ang kaniyang mga
pangangailangan. Kung patuloy na gagamitin ang lupa, lalong bababa ang pakinabang na nakukuha
dito hanggang sa tuluyang humina ang produksyon nito.
1. Ipinanganak: Abril 18, 1772

2. Namatay: Setyembre 11, 1823


Naiambag


1. Recardian Equivalence

2. Labor Theory of Value

3. Comparative Advantage

4. Law of Diminishing Returns

5. Economic rent


Ayon kay Ricardo, ito ang "Batas ng Lumiliit na Dagdag na Pakinabang (Law of Diminishing
Return." Magkakaroon ng pagtaas ng upa sa lupa, pagbaba ng tubo ng kapital, at pagtigil ng
pamumuhunan na magdudulot ng suliraning pang-ekonomiya.

Si Ricardo rin ang nagpaliwanag ukol sa batayan sa pakikipagkalakalan ng mga bansa, ang
kaisipan tungkol sa comparative advantage kung saan ang isang bansa ay gagawa lamang
ng mga produkto na higit na mababa ang gastos at ang ibang produkto na mataas ang gastos
sa paggawa ay angkatin na lamang.( tumutukoy sa kakayahan ng isang tao o ng isang
bansa upang makabuo ng isang partikular na produkto oserbisyo sa imas
mababang halaga kaysa sa ibang bansa.)

You might also like