Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

The Killing Fields

The Killing Fields film poster

Directed by Roland Joffé

Produced by David Puttnam

Written by Bruce Robinson

Sam Waterston,
John Malkovich,
Starring
Haing S. Ngor,
Julian Sands

Music by Mike Oldfield

Cinematography Chris Menges

Editing by Jim Clark

Distributed by Warner Bros.

Release date(s) November 2, 1984 (USA)

Running time 141 min

Country United Kingdom

Language English, French, Khmer

I. Kaligirang Pangkasaysayan
Sa isang pelikulang hango sa tunay na istorya ng
buhay, higit na maiuugnay ng manonood ang kanyang sarili sa
kung ano ang napapanood niya kung mayroon siyang kahit na
kaunting kaalaman tungkol sa kasaysayang nangyari bago pa
maganap ang mga pangyayari sa pelikula.

Natamo ang tunay na kalayaan ng Cambodia noong 1953 sa


pamamahala ni Haring Norodom Sihanouk.
Pagkalipas ng dalawang taong isinuko ni Sihanouk ang
kanyang kapangyarihan sa kanyang ama. Ganun pa man, nanatili
siyang prinsipe at pinuno ng isang makapangyarihang kilusang
pampulitika(ang Sangkum). At noong 1960, nahalal siya bilang
pinuno ng estado. Nanatiling malaya ang Cambodia.
Ngunit sa kabila ng kalayaang ito, patuloy pa ring
nagsusulong ang makakaliwang grupo ng mga pulitikal at
panlipunang reporma. Hindi talaga mawawala ang mga taong uhaw
sa kapangyarihan kahit noon pa mang unang panahon.
At sa pareho ngang taon ay palihim na umusbong at
nabuo ang isang komunistang kilusan sa pamumuno ni Soloth Sar o
tanyag din sa bansag na PoL PoT. Sa kalaunan, ang kilusang ito ay
nabinyagan sa pangalang,`Komunistang Partido ng Kampuchea’,
(Communist Party of Kampuchea) o tinatawag na mga Khmer
Rouge. At gaya nga inaasahan sa isang komunistang lupon, sila ay
naglunsad ng isang marahas na digmaan upang pabagsakin ang
kasalukuyang pamahalaan

II. BUOD

Ang ‘Killing Fields’ ay isang tipikal na istoryang


tungkol kay Dith Pran(Haing S. Ngor)-isang mamamahayag
na Cambodian at ang kanyang paglalakbay upang takasan
ang madugong kampo ng mga Khmer Rouge at baguhin
ang marahas na pamamalakad nila.

III. PAGSUSURI

A. PAKSA
Ang pelikula ay nagbigay diin sa makasaysayang
istorya ng buhay ng mga Cambodian at ang paghihirap
na sinapit nila sa kamay ng mga Khmer Rouge.
Nagbibigay halaga rin ito sa milyong-milyong
kaluluwang nagsapit ng mala-impyernong buhay sa gitna na
digmaan. Inilalarawan din nito ang buhay ng mga
mamamahayag na naghirap na makakuha ng mga
impormasyon tungkol sa tunay na kalagayn ng bansa at sa
kalaunan din ay nagasam na makatulong upang kahit na
kaunti ay maibsan ang kalupitang dinaranas ng mga
Cambodian. Higit sa lahat, ito ay nagpahayag ng matinding
damdamin upang maramdaman at maipahayag sa lahat ng
tao sa daigdig ang paghihirap ng mga Cambodian sa kamay
ng mga Khmer Rouge, nang sa ganun ay magising sa
kanilang mga puso ang kaisipan na ang pagrerebelde o pag-
aalsa laban sa pamahalaan sa pamamagitan ng isang
madugong pamamaraan ay walang maidudulot na
kaginhawaan. At sa halip ito’y magdudulot lamang ng
matinding pasakit sa mamamayan.

B. BANGHAY
Nagsimula ang kuwento noong 1973 sa
pagdating ng mamamahayag na si Sydney Schanberg sa
Phnom Penh, Cambodia. Pagkalipas ng ilang minuto nagkita
sila ni Dith Pran (Haing S. Ngor)-isang mamamhayag na
Cambodian at nagsilbing tagasalin ni Sydney. Naging
mahirap para sa dalawa na nakipagugnayan sa mga
mamamayan dahil rin sa digmaang nangyayari.
Ang kuwento ay umabot ng dalawang taon, hanggang
1975.Sa panahong ito nagkaroon nng pagkakataon ang ilan
na makatakas at makalipat ng tirahan. Nakagawa si Sydney
ng paraan upang makasama si Pran sa paglikas, ngunit ang
pamilya lamang ni Pran ang nakasama, siya ay nagpaiwan
upng tulungan si Sydney.
Lumipas ang maraming araw, hanggang
magdesisyon ang mga Khmer Rouge na dapat ang lahat ng
mga Cambodian ay mapasakamay nila. Sa parteng ito
makikita natin ang pamamahala ng isang komunistang
grupo. Ginawa nilang alipin ang mga tao. Dahil sa takot na
mapasakamay si Pran ng mga Khmer Rouge, gumawa sila ng
isang pekeng `passport’ na nagsasabing si Pran ay isang
British. Ngunit tila hindi nakisama ang langit, nasira ang
litrato sa `passport’ at tuluyan na ngang naging alipin si Pran
ng mga Khmer Rouge.
Makailang bese ding sinubukan ni Pran na
makatakas at sa huli niyang pagsubok, nagawa na niyang
kumawala mula sa kamay ng mga Khmer Rouge.
Samantala si Sydney naman ay nakatanggap ng
parangal dahil sa naisulat niyang tungkol sa digmaan sa
Cambodia. Sa kanyang talumpati inamin niyang ang lahat ng
karangalan niya hindi niya makukuha kung wala ang tulong
ng kaibigan niyang si Pran.
Pagkatapos ng seremonya, pumasok si Sydney
sa isang kuwarto, at sa kanyang pagpasok ay bigla na lang
siyang sinumbatan ni Rockoff, sinabi niyang sa kabila ng
ginawa ni Pran upang tulungan siyang makuha ng parangal
na iyon, hindi man lang siya nagpakita ng anumang hirap
upang hanapin muli si Pran. Ang paratang na ito ay tumagos
sa puso ni Sydney at tuluyang nakapagpaamin sa kanya.
Inamin niyang hindi kusang nagpaiwan si Pran sa Cambodia,
sa halip siya ay pinilit niya upang makakuha pa ng
magandang impormasyon. Sinabi ni Sydney," Pran
stayed because I wanted him to stay."
Sa ibang dako naman, patuloy ang pagtakas ni
Pran kasama ang isang bata at apat pang alipin gamit ang
isang mapa. Sa daan, nag-iba ng direksyon ang tatlo sa
kanila ngunit patuloy na sinunod ni Pran ang mapa kasama
ang bata. Sa hindi inaasahang pagkakataon, nakatapak ng
bomba ang isa niyang kasamahan na karga-karga pa ang
bata at sa isang kisap-mata, agad-agad na namatay ang
dalawa.
Nagwakas ang pelikula sa tuluyang
pagkakatakas ni Pran, at sa huli ay muling nagkita nang
dalawang magkaibigan-si Sydney at si Pran.

C. SCRIPT

Sa pamamagitan ng script, naging organisado ang


daloy ng banghay, ngunit, mas maganda sana kung
nalagyan ng subtitle nag pelikula. Isa pa, naging malinaw
ang bawat mensaheng nais iparating ng pelikula sa mga
manonood. Batid natin na mawawalang bahala ang banghay
o ang mga pangyayari kung wala ang script na magbibigay
buhay sa bawat detalye ng pelikula.

Masasabing makatotohanan din ang mga pag-uusap ng


mga tauhan sapagkat ito ay naging makabuluhan at payak
na siyang naging daan para mabilis na maintindihan ang
mga pangyayaring nagaganap sa usapan ng mga karakter.

Sa pamamagitan ng mga salitang binitawan ng


mga tauhan sa pelikula, mabisang naipakita ang paksa ng
pelikula sa script. Litaw na litaw ang matinding mga linyang
binitawan ni Sydney lalo na sa parte kung saan hindi niya
napigilan ang sarili niya upang aminin ang mga salitang,"
Pran stayed because I wanted him to stay."
Sa pamamagitan ng mabisang script ay madaling
tumatak sa isipan ko ang istoryang nabuo sa pelikulang ito.

D.PAG-ARTE

Sa kabuuan wala akong masasabing negatibo tungkol


sa kung paano gampanan ng mga artista ang bahaging
dapat nilang gampanan.

Makikita naman natin ito sa mga parangal na nakuha


ng pelikula lalo na ang `Academy Awards for Best Supporting
Actor (para kay Haing Ngor---Dith Pran sa pelikula)’.

Ang katauhan ni Pran ang nagpakita ng tunay na


kalagayan ng isang taong alipin ng kamatayan. Naipakita
niya ang kabuuan ng kanyang kakayahan sa parteng iyon.

E. DISENYO NG PRODUKSYON

Masasabing naipakita sa pelikula ang tunay na


kaligirang atmospera sa pamamagitan ng pagbibigay halaga
sa kabuuang disenyo, kasama ang tagpuan, kasuotan at
kulay na nagbibigay daan upang maging makatotohanan ang
pelikula.

Makikita natin na ang kulay ang nagpakita ng tema ng


pelikula. Ito ay madilim-dilim na nagpakita talaga ng
kalungkutan at paghihirap.
Sa pamamagitan ng kabuuang disenyo, mas madaling
naiparating sa mga manonood ang mensaheng nakapaloob
sa pelikula. Masasabing ang pagkaka-pili ng direktor ng lugar
paggaganapan ng pelikula ay nakatulong upang mas makita
ang totoong kaganapan sa bansang iyon. Isang halimbawa
na lamang ay ang kahirapan, mga pasakit ng mga tao sa
lugar na iyon, at lalo na ang mga usok na nagsilbing
instrumento upang mas mapadama ang kalungkutan ng mga
taong nakatira sa lugar na iyon. Kung kasuotan ang pag-
uusapan, nagbigay diin ang mga kasuotan ng mga sundalo
na nagpapahiwating ng digmaan, ganun din ang sira-sirang
kasuotang ng mga tao ay nagpakita ng lubos na
pagkalugmok ng dahil sa digmaan. Napatunayan ng mga
kasuotan ang kaangkupan nito sa pagkatao ng mga artista.

F. TUNOG

Naging epektibo naman ang pagdaragdag


ng tunog at musika sa pagbuo ng pelikula. Sa pamamagitan
ng mga ito, mas nadarama ang emosyong taglay ng mga
artistang gumanap sa pelikulang ito. Nakatulong malalakas
na tunog upang mapadama sa mga tao ang pakiramdam sa
gitna ng mga magpuputukang mga kanyon.. Sa
pagdaragdag ng mga angkop na tunog, mas maaantig ang
damdamin ng mga manonood o kaya nama’y mas makikita
nila ang katotohanang bawat emosyong nakikita sa mga
tauhan ay nangyayari sa totoong buhay.
G. POTOGRAPIYA

Mapapansing ang kamera ay pinagalaw nang maayos


mula sa umpisa hanggang katapusan ng pelikula. Upang
mabigyang diin ang mga pangyayari, damdamin, at tagpo sa
pelikula, ang kamera ay ipinosisyon sa iba’t ibang anggulo.
Tunay na may malaking epekto sa pagbuo ng damdamin ang
posisyon o paggalaw ng kamera sa larawang ating nakikita
sa pinapanood. Kapansin-pansin ang malimit na pagpopokus
sa mukha ng bawat tauhan sa tuwing may matinding linyang
binibitawan. Sa pamamagitan nito, nabibigyang pansin ang
emosyong namayani sa mga tauhan sa pelikula.

H. DIREKSYON

Simula pa lamang ng pelikula ay kinakitaan na


ito ng maayos na daloy ng mga pangyayari. Dahil dito,
masasabing naging matagumpay ang direksyon ng
pelikulang ito. Litaw na litaw ang kontrol ng direktor sa
tagpuan, pagganap ng mga artista, posisyon o galaw ng
kamera, pagsasaayos ng banghay, at ang pagbabawas o
pagdargdag ng script dito. Sa kabila nito, may mga bahaging
nagpakita ng kalakasan at kahinaan ng direktor.

I. KONKLUSYON
Naging maganda at maayos ang daloy ng pelikula
mula sa una hanggang sa wakas. Makikita nating ang
kagandahan nito sa mga parangal na natanggap na pelikula:
Nominado para sa pitong Academy Awards, kasama
ang best picture, director, actor, supporting actor, adapted
screenplay, film editing at cinematography.
Nanalo sa Academy Awards para sa Best Supporting
Actor (para kay Haing Ngor), Best Editing, at Best
Cinematography (para kay Chris Menges). Ang Bruce Robinson's
screenplay ay nominado rin sa Oscar and Golden Globe. Ang
pelikula ay nanalo rin ng BAFTA Award for Best Film.
Ang pelikula ay ika-100th sa BFI Top 100 British
films.
Ang pelikula ay ika-30th sa 100 Pinakamagaling na
Tearjerkers

Ang pelikula ay nagpakita rin ng iba’t-ibang


kahalagahan at aral.

You might also like