Download as ppt, pdf, or txt
Download as ppt, pdf, or txt
You are on page 1of 24

1

Pagsasalita
Kakayahan at kasanayan ng isang tao na maihayag ang
kanyang ideya, paniniwala at nadarama sa
pamamagitan ng paggamit ng wikang nauunawaan ng
kanyang kausap
Kakayahang ipabatid ang nasasaisip o nadarama sa
pamamagitan ng pagbigkas
2
Kahalagahan ng Pagsasalita
Naipapaabot sa kausap ang kaisipan at damdaming
niloloob ng nagsasalita
Nagiging kasangkapan sa pagkaunawaan ng mga tao
Nakapag-aanyaya o nakaiimpluwensiya ng saloobin ng
nakikinig
Naibubulalas sa publiko ang opinyon at katwirang may
kabuluhan sa kapakanang panlipunan
3
Pagtatalumpati
Maituturing na isang uri ng sining
Ito ay pinaghandaan bago bigkasin sa madla
Dito makikita ang katatasan at husay ng tagapagsalita
sa panghihikayat upang paniwalaan ang kanyang
pangangatwiran sa paksang tinalakay
4
Masining na Pagbigkas
Lakas ng Pagbigkas
Bilis ng Pagbigkas
Linaw ng Pagbigkas
Hinto
Kilos at Kumpas
5
Lakas ng Pagbigkas
Ito ay may kinalaman sa angkop na lakas o paghina ng
tinig.
Batay ito sa damdamin at kaisipang nais ipahayag ng
bumigkas
Bilis ng Pagbigkas
Ito ay may kinalaman sa bilis o bagal ng pagbigkas na
dapat iakma at ibatay rin sa damdamin at kaisipang nais
ipahayag ng bumibigkas

6
Linaw ng Pagbigkas
Ang salik na ito ay tumutukoy sa tamang
lakas ng tinig, bilis ng pagbigkas, tamang
bigkas ng mga salita, pagsasaalang-alang ng
tamang diin upang maunawaan ang ibig
ipakahulugan ng bawat salita. Kasama na
rin dito ang malinaw na pagbigkas ng bawat
pantig ng mga salita

7
Hinto
Ang paghinto ay maaaring matagal sa bawat tuldok o sa
katapusan ng bawat pangungusap, samantalang sa kuwit sa
loob ng pangungusap ay bahagya ang paghinto
Kilos at Kumpas
Upang ganap na maunawaan ang pagbigkas, ang angkop na
kumpas ng kamay at pagkilos ay kailangan.
Nakatutulong ito upang higit na kawili-wili, nakahihikayat at
makulay ang pagbigkas

8
Kasangkapan ng Isang Nagsasalita
Kaalaman sa paksa
Tiwala sa sarili
Tindig
Kasanayan
Lugar
Papel na ginagampanan
Paksa

9
Kaalaman sa paksa
Magiging mabisa ang nagsasalita kung hawak niya ang halos
lahat ng detalye tungkol sa paksang pinag-uusapan.
Nakapagpapahayag siya ng mga kinakailangang
impormasyon lalo na kung may malawak din siyang
talasalitaan kaugnay sa mga kaisipan at konseptong kanyang
ipinahahayag. Ang paghikayat o pagkumbinsi sa mga
nakikinig o kausap ay madalas depende sa mga ebidensiya at
katibayang pinanghahawakan

10
Tiwala sa sarili
Madalas na ang pagkakaroon ng tiwala sa sarili ay bunga ng
sapat na kaalaman sa paksang pinag-uusapan at maging sa
malawak na talasalitaan
Ito ay natatamo rin sa pamamagitan ng pagsasanay at
eksposyur
Ngunit para sa mga taong likas na mahiyain, kailangan ang
mga nararapat na pagkakataon upang masanay silang
magsalita o makipag-usap hindi lamang sa taong kaharap
kungdi lalo na sa madla

11
Tindig
Sa pagsasalita, kailangan ang maayos na tindig na
nagpapakita ng tiwala sa sarili, paggalang at pagiging
interesado sa kausap
Lalo itong kailangan ng nagsasalita sa tanghalan, ng
nagbibigay ng panayam o lektyur at nagtatalumpati
Madalas na kinikilatis ang nagsasalita sa tanghalan sa
kanyang paraan ng pagtindig
Ang pagkilos at pagkumpas ay nasasalig din dito
12
Kasanayan
Naipakikita ang kasanayan sa paraan ng pagbigkas ng mga
salita, pagpili ng mga talasalitaang gamitin at maging sa
kanyang mga kaalaman sa paksang pinag-uusapan
Naihahanay niya ng maayos at lohikal ang kanyang mga
ideya
Ang kasanayan ay naipakikita din sa maayos na pagtindig
kasabay ang nararapat na kilos at kumpas

13
Lugar
Nasaan ang nag-uusap?(sa palengke, sa parke, sa
eskwelahan)
Papel na ginagampanan
Ano ang relasyon ng nag-uusap? (kaibigan vs kaibigan, amo
vs utusan, namimili vs nagbibili, mag-asawa, magkasintahan,
magkapatid)
Paksa
Nosyon o kaisipang pag-uusapan (libangan, hanapbuhay,
laro, artista, pagkain, pag-aaral)
14
Mga Katangian ng Mahusay na
Tagapagsalita
Kahandaan
Kahusayan sa Pagsasalita

15
Kahandaan
Malalaman agad ng mga tagapakinig kung pinaghandaang
mabuti ang talumpati sa panimula o introduksyong
binibigkas ng tagapagsalita
Kung maganda ang panimula, makukuha agad ang atensyon
ng mga tagapakinig
Dalawang mahalagang salik para sa panimula ng pananalita:
a. kilalanin ang tagapakinig b. isaalang-alang ang okasyon
kung pormal o di-pormal
Layunin ng dalawang ito na makapukaw ng atensyon ng
tagapakinig

16
Kahusayan sa pagsasalita
Madaling maganyak na makinig ang publiko kung mataas at
mahusay magsalita ang mananalumpati/tagapagsalita
Ibinabagay ng tagapagsalita ang kanyang tinig sa nilalaman
ng kanyang talumpati
Dito rin makikita ang kasanayan sa wika ng tagapagsalita
gaya ng paggamit ng angkop na salita, wastong gramatika at
wastong pagbigkas ng mga salita

17
Ibat ibang uri ng talumpati
Impromptu
Extempore
Isinaulong talumpati
Pagbasa ng papel sa panayam o
kumperensya
18
Impromptu
Ito ay biglaang talumpati na binibigkas nang walang ganap
na paghahanda
Ibinibigay rito ang paksa sa oras na mismo ng pagsasalita
Extempore
Ayon kay James M. Copeland, ang unang kahirapan sa
pagsasagawa ng pagbigkas ng exte,pore sa isang kompetisyon
ay ang kawalan ng tiyak na kahandaan sa pagbigkas
Ang paghahanda sa ganitong tipo o uri ng pagtatalumpati ay
limitado sa oras sa pagitan ng pagkuha ng paksa at sa
mismong paligsahan
19
Ang ikalawang konsiderasyon ay ang pagtatakda ng oras sa
pagtatalumpati
Sa ibang paligsahan, ang mananalumpati ay tinatanggal
kung lumalampas o kayay kulangin sa oras
Samakatwid, ang pagpili ng materyal at ang pag-aayos ng
panimula, katawan at kongklusyon ay apektado sa itinakdang
oras
Ang ikatlong konsiderasyon ay pag-uulit ng paksa
Ibig ng lupon ng inampalan na makarinig sa mga
tagapagsalita ng ibat ibang pagtalakay tungkol sa
magkaparehong paksa
20
Iminungkahi ni Copeland na mas maganda kung orihinal at
maayos ang organisasyon ng pagtalakay sa paksa
Isinaulong talumpati
Sa bahaging ito ang tagapagsalita ay gumagawa muna ng
kanyang talumpati
Samakatwid, may paghahanda na sa ganitong tipo ng
pagtatalumpati at kailangang memoryado o saulado ang
pyesa bago bigkasin ang talumpati
21
Pagbasa ng papel sa panayam o
kumperensya
Makikita sa bahaging ito ang kasanayan sa pagsulat ng papel
na babasahin sa kumperensya
Ang pag-oorganisa ng mga ideya at ang pagsulat ng
panimula, katawan at wakas/kongklusyon ay dapat na
magkakaugnay at may kaisahan
22
Tsart ni Gordon Wells kaugnay sa tungkulin ng
komunikasyon at gawi ng pagsasalita
Tungkulin ng
Komunikasyon
Gawi ng Pagsasalita
A. Pagkontrol sa Kilos o
Gawi ng Iba
Pakikiusap, pag-utos,
pagtanggi,
pagmumungkahi,
pagbibigay babala
B. Pagbabahagi ng
Damdamin
akikiramay, pagpuri,
paglibak, paninisi,
pagsalungat
23
C. Pagbibigay o
Pagkuha ng
Impormasyon
pag-uulat,
pagpapaliwanag,
pagtukoy, pagtatanong,
pagsagot
D. Pagpapanatili sa
Pakikipagkapwa at
Pagkakaroon ng
Interaksyon
Pagbati, pagpapakilaa,
pagbibiro,
pagpapasalamat,
paghingi ng paumanhin
E. Pangangarap at
Paglikha
Pagkukuwento,
pagsasatao, paghula,
pagsasadula
24

You might also like