ka .. Ilang beses kang nanalangin at tinupad sa iyo. .. Ilang beses kang nadapa at ibinangon ka…Ilang beses ka nagipit at tinulungan ka … Ilang beses kang tumawag at sinagot ka. May makapag-bigay ba sa nangangailangan kapag nanalangin…. Makapag-ligtas sa nalunod kapag tumawag at makapagparaos sa kahirapan sa taong nagsasabi o! Allah? Tunay na si Allah lamang •Ligtas ka sa pagkabingi , pagkapipi , pagkabulag at pagkaketong … at nakaiwas ka sa iyong ketong , At ang pagkasira ng ulo at leprosy … at nakalaya ka sa pagkalumpo at kanser… •Nakapagpasalamat ka ba sa higit na Mahabagin? • Kapag Hindi ka sumuway SA Panginoon at Hindi umapi ng isaman ay makakatulog ka ng mahimbing, kaya kapuri-puri ka, katotohanan tataas ang iyong karangalan at aayos ang iyong buhay, wala kang kalaban. • Huwag mong sabihin Oh! Aking Panginoon Mayroon akong Malaking suliranin, Bagkus! Sabihin mo, Oh! Aking suliranin Mayroon akong • Dakilang Panginoon •Kayo ay magtamasa sa pamamagitan ng pagtanaw ng pag sisikat ng liwayway...katutuhanan ito ay mayroong kagandahan, mahistiko at liwanag na nagbubukas sa iyo ng paghahangad at pagkamaasahin. • Ang pagpapala ay Sa taong nagpapasalamat kapag may biyaya Sa kanya…At kapag may paghihirap ay nagtitiyaga…At kapag may ikagagalit ay nagtitiis…At kapag naghukom ay nagpakatuwid.. • Ang pag-gugunita kay Allah ay kinalulugdan ng maawaing panginoon ...At makagagalak ng Tao...At makakasagisag ng mga dimunyo...At makakatanggal ng mga kalungkotan...At makakapuno ng timbangan SA araw ng paghukom.