Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

PAGPILI NG MGA TEKSTONG GAGAMITIN SA PAGTUTURO NG

PAGBASA


Nararapat lamang na dapat pag-ukulan ng tamang panahon at pansin ng mga guro ang
mga babasahing gagamitin ng mga mag-aaral, dahil ang pangunawa ng isang mag-
aaral sa kanyang binabasa ay may kinalaman sa kaangkupan ng nilalaman ng aklat sa
level ng mag-aaral.
Subalit marami sa mga guro ang kulang sa kakayahan na mapili o matukoy ang
angkop na aklat para sa kanilang kognitibong kaalaman upang maunawaan ang
kanilang binabasa kasama ng kanilang mga dating kaalaman. Kasabay nito ay
kailangang ibagay ang gagamiting istratehiya at ang kakayahan ng mga mag-aaral
upang sa kanilang murang gulang, karanasan at iabt-iba pang mga salik na mahalaga.
Bagamat marami sa mga guro ang kulang pa sa kaalaman upang mataya ang
kahirapan o kadalian ng isang teksto ay may mga guro rin na sanay na sa pagpili ng
mga gagamiting aklat para sa kanilang mga tinuturuan. Marami pa din ang nagtatanong
kung anong mahusay na panukat para sa kaangkupan ng mga aklat sa mga
mambabasa. Ang acronym na BOOKMATCH ay isang angkop na gabay sa pagpili ng
tekstong gagamitin:
B ook Length haba ng babasahin
O rdinary Language wikang ginamit
O rganization Pagkakaayos
K knowledge prior to the book Dati ng kaalaman

M anageable Text Kayang Basahin
A ppeal to the Genre Naaayon sa uri ng Panitikan
T opic Appropriateness Kaangkupan ng Paksa
C onnection Pagkakaugnay
H igh Interest Pagkakagusto sa Binabasa
Kung pag-uukulan ng pansin ng guro, ang mga mahahalagang salik na may
kaugnayan sa pangunawa sa pagbasa ay makapagbubunga ng mga mambabasang
nakapag-iisa.

You might also like