Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Banghay Aralin sa MTB

Hulyo 9, 2014 (Miyerkules)



I. Layunin
1. Nababatid ang paksang diwa ng tulang
napakinggan.
2. Nakikilala at nagagamit ang mga
panlaping ginagamit sa pagbuo ng mga
di-konkretong pangngalan..

II. Paksa
1. Paksang diwa ng tula
2. Panlaping ginagamit sa mga di-
konkretong pangngalan

Saloobin: pagtulong sa mga
nangangailangan
Kagamitan: teachers guide in MTB k-12
Learners manual in MTB k-12
Tsart ng tula, poket tsart

III. Mga gawain
A. Balik-aral
Balikan ang kwentong Papasukin Po
Ninyo Ako
Piliin sa graphic organizer ang angkop
na pangngalan upang mabuo ang bawat
pangungusap
Pagbasa ng tula:
Ang Kuting na si Pussy
ni: Florita R. Matic

Ako ay isang kuting
Pussy kung akoy tawagin
Nakatutuwa at napakalambing
Sa iyo ay higit sa akin.
Ang pagmamahal na dulot ko
Nagdadala ng kagalakan sa inyo
Ang kalituhan at kalungkutan
Ay hindi ko nararamdaman.
Pagkasabik at kagalakan
Sa puso ko ay nananahan
Sa tuwing akoy nakakikilala
Ng bagong mga kasama.
B. Pakikinig ng tula Ang Kuting na si
Pussy
1. Tungkol saan ang tula?
2. Paano mo ilalarawan ang kuting
ayon sa tula?
3. Masayahin ba ang kuting? Basahin
ang saknong sa tula na
nagpapahayag nito?
4. Aling saknong ang nagsasaad na
palakaibigan ang kuting? Basahin
ito?
5. Ano sa palagay mo ang naidudulot
ng kuting sa nag-aalaga sa kanya?
Ipaliwanag.
C. Pagbasa ng kwento
1. Bago bumasa
1.1 paghawan ng sagabal
a. Ang batang babae ay pumitas
ng bulaklak sa halaman.
b. Ang lahat ay nagimbal ng may
narinig na malakas na
pagputok.
c. Ang tubig sa batisan ay
dumadaloy patungo sa dagat.
d. Lumulutang ang dahon sa
tubig.
1.2 pagganyak ipakita ang isang
larawan na nagpapalimos o
nagbibigay ng limos sa pulubi.
Nasubukan nyo na bang
tumulong sa inyong kapwa?
Sa paanong paraan? Isalaysay.
1.3 pagganyak na tanong
anong kabutihan ang ginawa ni
kalapati?
2. Pagbasa ng kwento
Si Langgam at si Kalapati
Si kalapati ay nagpapahinga sa sanga ng
isang kahoy na nasa batisan. Nang siya ay
mapatingin sa ibaba ay nakita niya ang isang
langgam na inaanod ng tubig. Dali-dali niyang
kinuha si langgam at inilagay sa isang dahon.
Pagkatapos ay inahon niya ito sa tubig. Naligtas
si langgam sa pagkakalunod.
Samantala, isang mangangaso ang
iniumang ang baril kay kalapati. Nakita ni
langgam na nasa panganib. Kinagat ni langgam
ang paa ng mangangaso. Dahil sa sakit
nabitawan nito ang hawak nab aril. Dali-daling
lumipad ang nagimbal na kalapati.
salamat kaibigan ang sabi ni kalapati
kay langgam.
Maraming salamat sa pagsagip mo sda
aking buhay.
Isa kang tunay na kaibigan.
3. Pagkatapos Bumasa (talakayin)
a. Naligtas na sa pagkakalunod si
Langgam? Paano?
b. Sa paanong paraan tumanaw ng
utang na loob si Langgam kay
Kalapati?
c. Anong panganib ang hinarap ni
kalapati?
d. Paano naligtas sa kapahamakan
si kalapati?
e. Anong aral ang natutunan sa
kwento?
D. Gawaing pangwika
1. Kaya mo bang sabihin ang salitang-
ugat ng bawat pangngalan.
Kasama _____ batisan _____
Nasabi _____ kagalakan ____
Madaya _____ tauhan _____
Makulay _____ isipan _____
Malungkot _____ kahirapan ____
2. Ano-anong panlapi ang idinagdag sa
bawat salitang-ugat? Nagbago ba
ang salitang nilagyan ng panlapi?
Ano ang panlapi?
3. Paglalahat
Ang panlapi ay mga kataga o pantig
na ikinakabit sa unahan, sa gitna, o
sa hulihan ng salitang-ugat upang
makabuo ng bagong salita.
4. Paglalapat
Punan ang panlapi ang bawat
patlang upang mabuo ang salita.
Isulat sa sagutang papel.
a. __ganda__ - loob
b. __api__
c. __mali__
d. __malay__
e. __siya__
5. Pagsubok
Isulat ang wastong panlapi upang
mabuo ang mga salita. Piliin ang
sagot sa loob ng kahon.
Ka - -an -han -ran
a. __seryoso__
b. __tapang__
c. __malay__
d. Usap__
e. __tupa__

You might also like