Kapangyarihan Ni Clodulado Del Mundo

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

KAPANGYARIHAN

(dula)
ni Clodulado del Mundo

Mga Tauhan:
Bernado - isang taong katangi-tangi ang lakas
Berting - (8 taon) - ang anak niyang sumasamba sa kaniya
Iba pang mga anak at mga ama.
(Pagbubukas ng tabing ay makikita ang isang pulutong ng nagsisipaglarong mga bata. Di-kawasa'y nag-away
ang dalawang batang lalaki.)
Batang Maliit - (Mangiyak-ngiyak.) Akala mo yata porke maliit ako ay kaya mong lokohinihahanap kita ng
kapareho mo, o
Batang Malaki - Marami ka pang sinasabi, miski na sino!
Batang Maliit - Kay Berting ka ,o
Batang Malaki - Ang laki-laki naman ng tatay ng ipinapareho mo sa akin e. Kung bugbugin pa ako ng tatay
niyahuwag na!
Batang Maliit - Sabihin mo'y talagang takot ka! (Nagpalitan ang ibang mga bata sa dalawang magkakagalit.)
Unang Bata - Siya nga naman. Bakit mo iintindihin ang kanyang tatay? Miski ba ang tatay mo ay di malakas
din. Manhik-manaog ang tatay mo'y kaydaming dinadalang tao, kahit maghapon ay di napapagod, di ba
malakas din iyon?
Batang Babae - Bakit, ano ba ang tatay niya?
Lahat - Ha, ha, ha, kaylakas-lakas nga!
Batang Malaki - Basta puwera si Berting. Masyadong higante ang kaniyang tatay. Baka pati tatay ko'y gulpihin
niya.
Berting - (Narinig ang usapan.) Ano ang sinasabi mo, tungkol sa aking tatay?
Batang Malaki - Aba, wala naman akong sinasabing masama laban sa tatay mo, a. Ang sabi ko pa nga'y
malakas ang tatay mo, e.
Berting - (Nasiyahan) Tama ang iyong sinabi. Isang Marikanong negro man ay hindi maaaring patumbahin ang
aking tatay.
Isang Bata - (Hangang-hanga) Siya nga ba?
Berting - (Lalong nagmamayabang.) Maniwala kayong lahat. Isang araw, ang tatay ko'y pinagtulungan ng
pitong taong holdaper - alam ninyo ang nangyari?
Lahat - (Buong pananabik.) Ano ang nangyari?
Berting - Kaliwa't kanan ang ibinigay niya. Tumbang lahat! Pagkatapos ay isinabit niya sa mga sanga ng
punong mangga ang malalaking katawan ng mga humarang sa kanya.
Unang Bata - Walang-hiyaang lakas, ano?
Batang Malaki - Pero, Berting, kahit na malakas ang tatay mo, may araw ding makakatagpo siya ng kasukat.
Berting - (Magpapating ang tainga.) Ano ang sinasabi mo? Dito sa buong Pilipinas, pustahan tayo, walang
lalakas sa tatay ko!
Batang Malaki - Masiyado ka namang hambog
Berting - (Itutulak ang bata.) E, ano lalaban ka ba? Sinabi ko sa iyong walang lalakas sa aking tataytapos ang
kuwento!
Batang Malaki - Huwag kang mainit, tsip. Kung malakas ang tatay moe, di malakas!
Berting - (Nasisiyahan.) Iyan ang tama, moy. (Lalabas sa tanghalan si Bernado, na pagkalaki-laki.)
Berting - (Buong pagmamalaki.) Tatay!
Ikatlong Bata - (Halos sa sarili'y naibulong.) Walang hiya, higante ito!
Berting - Tatay, ang sabi ko sa aking mga kaibigan ay pinakamalakas ka rito sa atin at kahit na saan.
Bernado - A-haTama ang sabi mo, Berting. Ang tatay mo'y lalakaswalang kasinlakas!
Berting - 'Tay, ipakita mo nga iyong lakas sa kanila, ang iyong katawang maskulado, ang iyong muscles.
Bernardo - A-hao, eto! (Magpapakita ng gilas naman na lalong ikahahanga ng mga bata.)
Berting - (Buong pagmamalaki.) Ano ang sabi ko sa inyo?
Ikatlong Bata - Talagang Bernardo nga ang bagay na ngalan ng tatay mo, para siyang si Bernardo Carpio.
(Lalabas sa tanghalan si Joseng Arbularyo, ang ama ng malaking bata.)
Berting - Mang Jose
J. Arbularyo - Ano iyon, Berting?
Berting - Ipakita nga ninyo ang inyong lakas sa aking tatay. Tingnan ko, kung mayroong lakas na makukuha sa
mga ugat ng halaman.
Bernardo - Bakit, anak, mayroon bang sinabi sa iyo si Mang Jose Arbularyo tungkol sa aking lakas? (Lalapitan
si Joseng Arbularyo na ang kaliita'y nanginginig sa harap ng napakalaking si Bernardo.)
J. Arbularyo - (Nanginginig sa takot.) Aba, Mang Bernardo, wala naman akong sinasabi tungkol sa inyo.
Berting - Wala nga kayong sinasabi pero itong anak ninyo, (Ituturo ang malaking bata.) ay parang may ibig
itawad sa lakas ng aking tatay.
Bernardo - Akailangang patunayan ko sa harap ng inyong anak ang kapangyarihan ng aking lakas, gayon ba,
maginoong Arbularyo? (Pinitsirahan at itinaas ang arbularyo ng isang kamay niya.) Ano, naniniwala ka na ba?
Malaking Bata - Opo, opomalakas nga kayo, Mang Bernardo! (Dahan-dahang ibinaba ni Bernardo si Joseng
Arbularyo.)
Bernardo - Ngayon, ginoong Arbularyo, marahil ay kilala na ninyo ang kapangyarihan. Iyang gamut-gamot
ninyo-a, iya'y walang kabuluhang lahat sa kapangyarihan sa kapangyarihan ng aking lakas.
J. Arbularyo - Siya nga, Mang Bernardo. (Lalapitan at pipirutin ang tainga ng kaniyang anak.) Halika nga, sa
bahay tayo mag-usap nang masinsinan. (Aalis sa tanghalan si J. Arbularyo at ang anak ay umiiyak ng aruy!)
Bernardo - Arbularyo o medikong tunay man, lahat sila'y pareho sa akin. Ang dunong ay hindi lakas. Ang
lakas ay kapangyarihan. (Lalabas sa tanghalan si Juwang Pastor.)
J. Pastor - (Na ang tinutukoy ay ang kanyang anak, ang Unang Bata.) Monching umuwi ka na sa bahay
Unang Bata - Pero, 'Tay, nanonood pa po ako kay Mang Bernardo, e.
J. Pastor - Sinabi kong ikaw'y umuwi na. (Susunod ang Unang Bata. Susundan na sana ni J. Pastor ang
kaniyang anak, nguni't siya'y hinarang ni Bernardo.)
Bernardo - Tila wala kayong gusto sa akin, ho, maginoong Pastor?
J. Pastor - (Mahinahon) Walang dahilan upang ako'y mamuhi o humanga sa inyo.
Bernardo - Pero, kayo'y mayroong bagay na kinikilala, hindi ba?
J. Pastor - Kumikilala ako sa iisang bagay.
Bernardo - Sa anong bagay, maginoong Pastor?
J. Pastor - Sa lakas ng kapangyarihang hindi natin nakikita ngunit nakapangyayari sa lahat.
Bernardo - AKalokohan, kalokohang lahat ang sinasabi ninyo! Ang kapangyarihan ay nasa lakassa lakas
na maaaring gamitin at maramdaman.
J. Pastor - Ang lahat ng lakas ay nagmumula sa iisang kapangyarihan.
Bernardo - (Yamot) Maginoong Pastor, ngayon din ay ipakikilala ka sa inyo kung ano ang lakas na ibig kong
Sabihin. (Sasakalin si Pastor.)
(Mapapatingin sa anak, luluwagan ang sakal.) Para sa iyo, Berting, ay sa ibang araw ko na patutunayan ang ibig
kong sabihin sa maginoong Pastor.
(Aalis si J. Pastor, samantalang hinihimas ang kanyang liig. Sa yugtong ito'y maghihiwa-hiwalay na rin ang
mga bata.)
Ikatlong Bata - Sayang! Kuwarta na sana ni Mang Pastor! (Susunod sa pag-alis ng iba. (Susunod sa pag-alis ng
iba.)
Bernardo - (Sa kaniyang anak.) Iyan ang tatandaan mo Berting. Para mabuhay sa ibabaw ng mundo ay
kailangan ang lakas. Ang lahat ng iyong gusto, ang lahat ng bagay, ay makukuha mo sa pamamagitan ng lakas.
Berting - (Paghanga.) Talagang wala nang lalakas pa sa iyo, ano 'Tay?
Bernardo - A-hatotoo iyang sinabi mo.
Berting - Miski na pulis, takot sa iyo, ano 'Tay?
Bernardo - A-hakahit pulis, tao rin siya, hindi ba? Pulis man ay ayaw masasaktan, Berting.
Berting - Pag laki ko 'Tay, ay magiging malakas akong katulad mo.
Bernardo - A-haiyan ang mabuti, anak. Maging malakas ka at ikaw'y magkakaroon ng isang kapangyarihan
upang ikaw'y hindi maging api-apihan.
Berting - Pero, 'Tay, basta ba't malakas ay tama na?
Bernardo - Iyan ang tama, Berting. Sa buhay na ito ay ang lakas ang matuwid.
Berting - Tayna, 'Tay, sa bahay na ako mag-eensayo para lumakas.
Bernardo - A-haTayo na
(Si Berting ay Susunod nang papasok sa loob, sa gawing kaliwa ng tanghalan mawawala.)
(Paglingan niya'y matatanaw ang pagkasagupa ng isang awtomobil sa kaniyang anak.) Berting!
Unang Bata - (Maririnig ang biglang langitngit ng preno at ang sigaw ni Monching.) Nasagasaan si Berting!
(Si Bernardo ay parang mapapako. Hindi siya makakilos hanggang sa lumabas si Joseng Arbularyo na taglay sa
kaniyang mga bisig ang walang-malay na si Berting.)
J. Arbularyo - (Pagkababa kay Berting sa isang karita.) Nag-aagaw buhay siya
Bernardo - (Parang naalimpungatan.) Mang Jose, iligtas ninyo siyaagawin ninyo sa kamatayan ang aking si
Berting.
J. Arbularyo - (Iiling) Wala akong kapangyarihan sa buhay at kamatayan, Mang Bernardo(Susuriin si
Berting) Mang Bernardo, huwag kayong mabibigla, lasug-lasog ang mga buto sa kaniyang katawan.
(Ang mga bata ay Lalabas, malungkot na titingin kay Berting.)
Berting - (Paanas) 'Tay, kargahin mo akoiuwi mo ako
(Kikilos si Bernardo. Dahan-dahang niyang inaangat ang katawan ni Berting ngunit parang nangangapos ang
kaniyang lakas.)
Berting - 'Tayako langhindi ninyo mabuhat. Hindi bamalakas kayo.
(Sisikapin ni Bernardong mabuhat si Berting. Ang tanging nagawa niya'y mapayuko sa panghihina.)
Berting - Malakas ka naman'Tay, ipakita mo ngasa aking mga kaibiganang iyong lakas. Buhatin
moako'Tay.
(Hindi nakatagal sa pagmamasid si J. Arbularyo. Tinawag niya ang mga bata. Aalis lahat sa tanghalan.)
Berting - (Pahikbi at mahinang mahina.) 'TayIuwi mo na ako!
(Mangiyak-ngiyak at pinapawasan, sinikap ni Bernardong buhatin ang kanyang anak. Hindi niya mahawakan
ang luray na katawang tuwi niyang hihipuin ay parang kinikilig siya.)
(Maririnig - Tinig ng Pastor) - Bernardo, ang lakas ng kapangyarihang hindi natin nakikita ang nakapangyayari
sa lahat. Ang lahat ng lakas ay nagmumula sa Kaniya.
Bernardo - (Nakatingin sa kaitasaan) Ngunit ang pagtitiwala ni Berting sa aking lakas, ang pagtitiwala niya'y
huwag Mo pong bawiinHuwag Mo pong itulot na masiphayo ang kanyang pag-asa sa kahuli-hulihang tibok
ng kanyang puso
(Maririnig na Tinig) Nasa Kaniyang kapangyarihan ang lahat, Bernardo. Nasa lakas ng Kaniyang
kapangyarihan.
(Uulitin ni Bernardo ang pagbuhat sa durog na katawan ni Berting. Halos hindi niya maiaangat ang katawang
iyon, parang napakabigat ng kaniyang dala. Gumalaw siya upan humakbang ngunit sa bawat hakbang ay parang
mababagsak ang kanyang dala.)
Bernardo - (Sa tinig na punung-puno ng pagpapakumbaba.) Diyos ko, bigyan Mo po ako ng lakas!
(Samantalang dahan-dahang lumalakad si Bernardo na luhaan ang mga mata, at sa kaniyang mga bisig ay taglay
ang pinakamabigat na dalahin - ay laladlad ANG TABING.)

You might also like