Download as txt, pdf, or txt
Download as txt, pdf, or txt
You are on page 1of 54

*Bachelor's Puzzle*

by Alesana Marie

This is a published book under a copyright.2010


Copyright.2010
All rights reserved

(sorry di ko na-edit ang spacing... pwede nyo na itong mabili sa


National Bookstore under Bookware Corporation, My Special Valentines
entitled Dear Enemy=D)

*SUMMER* ang paboritong season ni September. Matagal na rin niyang


hinihintay ang panahon ng tag init. Sa panahon kasing iyon siya
nakakapunta sa villa ng ninong niya sa Zambales na malapit sa beach.
Napakaganda at nakalulula sa laki ang villa, para sa kanya ang lugar na
iyon ang nagsilbing palasyo niya noong siya ay bata palamang at
naniniwala pa sa mga prinsipe at prinsesa. Kinasanayan na niya ang
pagpunta doon at kinaiinipan ang mga araw na kailangang palipasin upang
muling makita ang villa.
Ngunit kung dati ay masaya siya sa tuwing dadalaw sa villa ngayon ay
kabaligtaran na. Pumanaw ang ninong niya dahil sa matagal nang sakit
nito sa puso. The death of her godfather was a shock, masigla pa kasi
ito noong huling dalaw niya. Nalaman na lamang niya ang balita dahil sa
abogado nito at agad siyang pinapupunta para sa burial.
Seph, kumpleto na ba ang gamit mo? tanong ng ina ni September
pagkapasok sa kwarto ng dalaga. With her light make up, she looked ten
years younger than she should have. Nagtatrabaho kasi ito sa isang
womens magazine bilang editor kaya naman hindi na nakapagtataka na
alaga nito ang sarili. O, baka may nakalimutan ka, i-check mo muna
anito habang sinusuri ang closet niya kung may nakalimutan siyang isama
sa mga dadalhin.
Ma, na double check ko na po, sagot niya habang nakangiti dito. Wala
namang kulang. Seph short for September, iyon ang ipinangalan sa kanya
dahil sa ipinanganak siya sa buwan ng setyembre. Muli siyang umikot sa
harapan ng salamin upang tingnan ang sarili. Simpleng puting T-shirt na
tinernuhan ng skinny jeans at flat na sapatos ang suot niya. Kinuha na
niya ang kanyang brown na body bag at isinuot ito.
Nasa magkasalungat na direksyon silang mag-ina, sophisticated ito at
plain naman siya. Kahit na malaki ang pagkakahawig nilang dalawa ay

malaki ang pagkakaiba ng kanilang taste sa maraming bagay. Maputi siya


at lagpas sa balikat ang kanyang straight na hindi kaitimang buhok. May
height na five feet and four inches at may slim na pangagatawan. Simple
lamang siya kung titingnan, hindi masyadong attractive. Hindi stand out
ang beauty niya, pero hindi naman siya kulelat sa bagay na iyon.

Seph, sweetie, wika ng kanyang ina sabay lapit sa kanya at hinawakan


siya sa magkabilang balikat. Pagdating mo sana sa villa hwag mong
kalilimutang isuot ang mga ipinagbilin ko sayo para naman maayos kang
tingnan doon. Siguradong maraming kilalang tao ang pupunta doon,
makibagay ka at baka mapagkamalan kang maid. Tandaan mo kung anong
trabaho ni Mama, baka sabihin nila pinababayaan kita. Hmm? bilin nito
na animo ten years old ang kausap.

Napabuntong hininga siya sa hiling nito. Hindi lang ito ang unang
pagkakataon na sinabi iyon sa kanya ng kanyang ina. Gusto kasi nitong
magbihis siya at gumalaw bilang isang dalaga katulad ng mga modelo nito
sa magazine. Isa ito sa mga napakaraming bagay na pinag tatalunan nilang
mag ina. Silang dalawa nalang kasi ang mag kasama sa buhay. Namatay sa
car accident ang kanyang ama noong anim na taong gulang palamang siya.
Kaya naman mula sa pagiging simpleng housewife ay napilitan itong
magtrabaho upang may maipangtustos sa kanilang pang araw-araw na
gastusin lalo na sa pag aaral niya.

Dahil sa bata at maganda pa ang kanyang Mama ay marami ang nanliligaw


dito. Isa sa mga bagay na kinaiinisan niya. Madalas kasi nitong
ine-entertain ang mga suitor na ang pakilala nito sa kanya ay kaibigan
lamang - sa mismong bahay nila. Walang lalaki sa pamilya kaya naman siya
ang naging gwardya ng kanyang mama mula sa mga manliligaw nito. Palagi
siyang nakabantay sa tuwing may dadalaw na lalaki sa bahay. Akward man
para sa kanya ang gawin iyon, gusto parin niyang iparamdam na unwelcome
ang lahat ng manliligaw ng kanyang Mama. Mabuti nalang at wala namang
pumapasa sa taste ng kanyang ina, marahil ay mahal pa nito ang nasirang
asawa.

Yes Ma, hindi ko po nakakalimutan, napipilitang sagot niya. Kilala


niya ito, kung makikipagtalo pa siya dito ay tiyak na hindi siya
makakaalis kaagad. I promise, gagawin ko ang mga bilin nyo.
Sumilay naman ang matamis na ngiti sa mga labi nito dahil sa pangako niya.
Ate handa na daw po ang sasakyan, saad ng kanilang kawaksi. Nandoon
na rin po ang mga bagahe sa loob.

Ok, salamat sagot niya. Tumango ito at lumabas na ng kwarto. O pano,


Ma, tayo na sa baba yakag niya habang uma-abrisete dito, sabay silang
lumabas ng kwarto at bumaba sa mahabang hagdanan.

Sa tapat ng pintuan ng malaking bahay nag hihintay ang bago niyang


kotse. Ang Dream Car niyang silver na volvo C30 model. Ito ang gift

niya sa kanyang sarili nang makagraduate siya sa course na business


management. Halos maubos ang lahat ng savings niya sa bangko na matagal
din niyang inipon para sa kanyang sarili. Mabuti nalang at nagprisenta
ang kanyang ina para bayaran ang kalahati ng presyo ng kotse. Malaking
tulong para sa kanila ang pagkakaugnay ng kanyang Mama sa fashion
industry dahil sa mga discount at free stuff na nakukuha nila.

Tumawag ka kapag nakarating ka na sa villa ok? Ill miss you pagkawika


ay niyakap siya nito ng mahigpit. Sasama sana ito sa kanya sa Zambales
pero nagkataon naman na may aasikasuhin itong launching ng magazine.

Nagdagdag nga pala ako ng isang suitcase sa kotse mo, dumating kasi
yong mga bagong sample ng damit, tukoy nito sa mga libreng sample na
ipinapadala ng mga nasa clothing lines sa magazine. Matapos kasing
suriin ang sample ay maglalathala ang magazine ng kumento tungkol sa mga
bagong labas na design ng particular na clothing line na nagbigay ng
sample. Nakakatulong ang magazine para makilala sa indutriya ng fashion
ang mga bagong pangalan ng mga damit. Kasama na dito ang make up, bags
at kung anu-ano pa.

Kumalas na ito sa kanya at saka siya nagtungo sa kanyang kotse. Be


careful honey, habol nito ng makasakay siya. Kumaway siya bilang paalam
dito at sinimulan ng mag drive.

*SA VILLA,* abalang abala ang mga katulong dahil sa pagaasikaso sa mga
bisita na nakatanggap ng tawag mula sa abogado ng yumaong Seor. Mga
kamag-anak, kaibigan at kasama sa hanapbuhay ni Seor Al ang karaniwang
bumisita sa memorial chapel kung saan nakalagak ang mga labi nito.
Tumutuloy naman sa villa ang mga ito pagkatapos upang makapagpahinga.
Karamihan sa mga ito ang hindi parin makapaniwala sa nangyari sa Seor.
Lumikha naman ng bulong bulungan ang pagdating ng tagapagmana nito na
si Jacob de la Vega. Ito ang nag iisang anak at tagapagmana ni Seor Al.
Matagal din itong nawala sa bansang Pilipinas at walang nakakaalam kung
saan ito tumira maski ang sariling ama. Hindi naman kasi gawain ng
dalawa ang magkumustahan o magkwentuhan dahil sa parehong aloof ang pag
uugali ng mag-ama. Nakadagdag pa dito ang pagiging sakit sa ulo ni Jacob
sa ama. Nagsimula ang paglayo nila sa isat isa nang mamatay si Seora
Alyssa, nagdulot iyon ng malaking pagbabago sa buhay ng dalawa.

Maraming naipundar na negosyo ang pamilya dela Vega, kilala ang pamilya
nito sa pagkakaroon ng mga hotel at restaurant sa ibat ibang panig ng
Pilipinas. Kaya naman ganoon na lamang ang pag aalala ng mga empleyado
ng nasirang Seor dahil sa maaaring pamamahala ng anak nito. Hindi kaila
sa kanila ang pagiging rebelde nito.
Patunay na rito ang sasandaling oras na pagtigil nito sa chapel, wala
itong ibang kinausap bukod sa mga kasama nitong kaibigan. Pagkatapos
nitong umalis ay wala nang nakakita dito dahil hindi na ito muli pang
bumalik sa villa.

Dude ang boring naman sa villa mo, reklamo ni enzo na siyang


nagda-drive ng kotse. Akala ko pa naman may makikilala akong mga chix
dito?

Oo nga, wala ka bang magandang pinsan man lang? sabat ni Migs na nasa
backseat at makalat na kinakain ang biniling chichiria.

Nag-rereklamo ba kayo? sagot ni Jacob sa naiiritang tono. Sinabi ko


ba na sumama kayo? Umuwi nalang kayo kung gusto nyo.

Nasa Paris si Jacob kasama ang mga kaibigan nang abutan siya ng tawag ng
abogado ng kanyang ama. Ikinagulat niya nang labis ang pagpanaw nito.
Hindi man sila magkasundo ay hindi naman niya ninais na mawala ito kahit
na sumuko ito sa pagiging ama sa kanya. Sapilitan siya nitong ipinadala
sa America para mag aral. Hindi rin naman niya natapos ang pag-aaral
roon, kung hindi detention ay expulsion ang nangyayari sa kanya.
Kinasawaan niya ang pag pasok ng maaga sa eskwelahan, pati ang
patakaran dito, kahit pa man dati ay aksaya lang ng panahon para sa
kanya ang pag aaral. Hindi na niya kailangan ng diploma dahil balang
araw ay siya rin naman ang magmamana ng lahat ng kayamanan ng kanyang
ama. Siya lang naman kasi ang nag iisang tagapagmana nito. Wala siyang
balak na pamahalaan ang mga negosyo nito. Ano ba ang alam niya sa
pagnenegosyo? Balak nga niya na kausapin ang abogado ng ama upang
maibenta ang mga ito.

Pare hahayaan ka ba naman naming umalis ng hindi kami kasama? sabi ni


Jedd habang hindi inaalis ang mga mata sa hawak na PSP. And besides,
boring kapag wala ka. Ikaw kasi ang palaging nanlilibre sa grupo
dugtong pa nito pagkatapos ay malakas na napasigaw hudyat ng pagkapanalo
nito sa laro.

Ha! Sinasabi ko na nga ba. sagot niya habang makatingin sa labas ng


bintana. Pamilyar ang bawat tanawin sa labas hindi man niya aminin ay
may bumangon na pag-ka-miss sa kanyang puso.

Mga dude, may nakita na ba kayong gas station? tanong ni Enzo habang
patuloy sa pagddrive.
Hindi ba gasoline station yon? turo ni Migs sa di kalayuan. Sabay
sabay silang napalingon sa direksyon na itinuro nito.

Ugh. This place got poor taste man halos sabay sabay na reklamo ng tatlo.

MISS SUKLI nyo po sabay abot ng pera kay September ng babae na nasa
counter.
Thanks aniya at inabot ito. Naubusan siya ng gas kayat tumigil muna
siya sa maliit na gasolinahan at bumili na rin ng snacks. Malapit na rin
siya sa villa ng ninong niya. Inabot din siya ng ilang oras sa
pagddrive, mag aalas onse na ng tanghali pag tingin niya sa wristwatch
niya. Paglabas niya ng mini store ay malakas na tawanan ang sumalubong
sa kanya. Isang pulang convertible na sasakyan ang nakaparada sa likuran
ng kotse niya at bumuo ng animo T-position. Mula roon bumaba ang apat
na lalaki na tuloy parin sa pagtawa. Puro may mga hitsura ang mga binata
na sa tantya niya ay mas matanda lang sa kanya ng ilang taon. Twenty na
sya kaya mga nasa twenty two or three lang ang edad ng mga ito. Sa apat
na binata isa ang pumukaw ng kanyang atensyon, hindi lang dahil sa ito
ang pinakamatangakad sa grupo kundi sa hindi kapanipaniwalang anyo nito.

Kung ilalarawan niyang mabuti, napakaganda ng mukha nito. Maputi na


medyo namumula ang makinis na balat nito. Matangos ang ilong at may
magandang hugis ng mga labi, kahit na sinong babae ay mapapatulala sa
kagwapuhan nito. Nakapag paangat din sa kakisigan nito ang buhok na may
pag kamahaba na umabot hangang dulo ng leeg, natatakpan din ng buhok ang
noo nito. Matangkad ito, kasingtangkad ng drummer nila sa banda noon na
si Railey, six feet and two inches. Maganda ang pangangatawan nito,
yung tipong pangmodelo ang dating. Kasing lamig naman ng yelo ang aura
na bumabalot dito. Hindi na siya magtataka kung maraming babae ang
naa-attract dito, at isa na siya doon.

Excuse me? nagulat siya ng magsalita ito habang nakatingin sa kanya.

Tila ginapangan ng mga langgam ang mukha niya. Hindi niya namalayan ang
paglapit nito sa kanya. W-what? napakurap kurap na tanong niya.
Dude lakas tama yata sayo, sabad ng isang chinitong lalaki sa likod ng
kausap niya na sinundan ng tawanan ng dalawa pa.

Lalong uminit ang mukha niya. Ganoon ba siya ka-obvious tumitig?

Nakaharang ka sa daan, saad ng binata na mukhang naiinip na. Hanggang


kailan mo ba balak tumayo dyan at titigan ako? dugtong pa nito at
muling nagtawanan ang mga nasa likod nito.

Im not-! sagot niya.

Whatever, putol sa kanya ng gwapong estranghero. Now step aside utos


nito sa ma-awtoridad na boses.

Sumunod naman kaagad siya at nagpatuloy na sa pagpasok ang apat na


binata sa maliit na tindahan. Sandali lang, habol niya at pinilit ang
sarili na makabawi sa pagkakapahiya. Pano naman yong kotse mo?
Nakaharang sa kotse ko, pwede ba na ayusin mo muna? Nag mamadali kasi ako.

Kunot noong nilingon siya nito at mataman na tinitigan siya sa mga mata.
Hinagod siya ng tingin ng binata mula ulo hanggang paa at muling
ibinalik sa mukha niya ang tingin nito. Sa pagkakataong iyon niya
napansin ang magagandang pares ng mga mata meron ito. Deep set at
expressive. Naisip niya na kahit siguro ang pinakamagaling na pintor sa
buong mundo ay hindi kayang kopyahin ang napakagandang expression ng mga
mata nito.

Hindi niya namalayan nang gumalaw ito at walang permiso na kinuha ang
isang kamay niya. Napakislot siya nang mahawakan siya nito, naramdaman
niya ang kakaibang sensasyon na biglang bumalot sa buong katawan niya.
May inilagay ito sa kanyang kamay at saka binitawan. Nalipat sa kamay
niya ang kanyang tingin. Tila naguluhan siya ng makita ang ibinigay sa
kanya nito.

Its three thousand, that should be enough, sabi nito at saka tinawag
ang chinitong lalaki. May kinuha itong susi mula sa kausap. Take this,
ikaw nalang magpark ng sasakyan sa kabila, parang wala lang na sabi
nito na tila sanay na sa ganoong set up.

Tinalikuran na siya nito.


Biglang napalitan ng inis ang paghanga niya dito. At ginawa mo pa kong
utusan. Anong tingin mo sakin ha? Tiningnan niya ang kanyang kamay na
may hawak na ilang pares ng limang daan at susi ng sasakyan.

Teka! sigaw niya sa binata. Ngali ngaling batukan niya ito.

Kung ako sayo hindi ko na siya hahabulin, hindi kasi yan mahilig sa
mga babae nakangising singit ng chinitong lalaki. Ikaw nang bahala
mag ayos sa kotse namin, nagmamadali ka hindi ba? humalukipkip pa ito
habang natatawang nakatingin sa kanya. O kung gusto mo makipag
kwentuhan ka nalang muna samin tinapunan siya nito ng makahulugang tingin.

Oo nga Miss Beautiful... sang ayon ng isang kasama nito na mala-Bob


Marley ang dating pinabata nga lang at higit na mas gwapo.

Ang sarap sakalin ng mga to! No thank you!

Nag iinit ang magkabilang tenga niya nang lagpasan niya ang mga ito.
Ipag-park pala ha? Pumasok siya sa loob ng kanyang volvo at binuhay ang
engine ng sasakyan. Pinaandar niya ang kotse at binunggo ang nasa likod
nito. Hah! Buti nga sa inyo! Tinamaan ang pintuan ng pulang M3 at
nagkaroon ng visible na gasgas sa pintura.

Biglang naglabasan ang apat ng marinig ang malakas na tunog ng alarm ng


kotse.

You, crazy bitch! hiyaw sa kanya ng chinito, nakasabunot ang mga kamay
nito sa buhok at tila maiiyak sa nakita. Ito marahil ang may ari ng M3.

Nag bunyi siya sa pagkapanalo laban sa mga ito. Oops, sorry, sarcastic
na sabi niya at saka lumabas sa kanyang kotse. Oh! Nagasgasan ko yata
ang kotse nyo, saad niya na parang concern sa kotse ng mga ito.
Lumapit siya sa chinitong lalaki na namumutla ang mukha. Here, sorry
about your car, at ibinigay niya dito ang pera at susi na hawak niya.
That should be enough, humalukipkip siya. Now move it!

MALUNGKOT na atmosphere ang dinatnan ni September pagpasok ng kotse niya


sa villa, idagdag pa ang maulap na kalangitan. Marami ring sasakyan ang
nakaparada sa labas nito. Sinalubong kaagad siya ni Nanay Rosie na
tagapamahala ng villa. Makikita sa mukha nito ang labis na lungkot dahil
sa nangyari pero nagawa parin nitong ngitian siya. Tinawag nito ang anak
na si Julio upang tulungan sila sa pagbubuhat sa mga dala niyang gamit.
Inakyat nila ang mahaba at carpeted na hagdanan. Isinuksok ng matanda
ang susi sa key hole ng mapatapat na sila sa pintuan ng kanyang kwarto.
Tumuloy siya kasama ang dalawa sa malaking kwarto na madalas niyang
ginagamit sa tuwing magbabakasyon siya sa villa. Nang maibaba ang
kanyang mga bag sa tabi ng malaking kama ay iniwan na sila ni Julio.

Mabuti at nakapunta ka hija, saad ni Nanay Rosie. Nasa synkwenta anyos


na ito at medyo malaking babae. Matagal na rin itong nag sisilbi sa
ninong Al niya. Ang mama mo hindi mo ba kasama? pag uusisa nito habang
tinutulungan siyang ilabas ang mga gamit mula sa bag.

Hindi po eh, may launching kasi ang magazine kaya...

Ahh.. ganon ba? Siguradong hindi rin inaasahan ng mama mo ang


nangyari. Kami nga din dito..hindi parin makapaniwala na wala na ang
ninong mo- naputol ang sinasabi nito at nag umpisa nang umiyak.

Nanay Rosie, nilapitan niya ito at hinagod ang likod.

Ang buti niya saming lahat, kahit kailan hindi naging iba ang turing
niya sa amin, sinundan ito ng hikbi. Naku pasensya ka na hija,
nagpahid ito ng mga luha at saka humarap sa kanya. Teka nakalimutan ko,
gusto mo bang kumain? Dadalhan nalang kita dito sa kwarto ng makakain,
siguradong nagugutom ka na, sandali lang ha.

Tumango siya at lumabas na ito ng kwarto. Umuulan pagtingin niya sa


kanyang bintana. Mukhang nakikidalamhati rin ang langit. Naging
napakabuting kaibigan at ama amahan sa kanya ng kanyang ninong.
Napabuntong hininga siya nang maalala ito. Tapos na siya sa pag iyak,
umiyak na siya ng labis nang nasa bahay siya. Hindi naman kasi niya
gusto ang may makakita sa kanyang umiiyak.

Nag patuloy siya sa pag aayos ng gamit pagkatapos ay naisipan niyang mag
babad sa tubig. Ilang minuto pa at lumabas na rin siya sa bathroom,
sakto namang dumating si Nanay Rosie dala ang pagkain.

Siya nga po pala Nay, nasaan na po yung anak ni ninong? Dumating na


po ba? pag uusisa niya habang kumakain.

Si seorito? Oo, nagulat nga kaming lahat dito. Hindi kasi siya tumawag
para mag pasundo sa airport. Kaninang umaga lang siya dumating. Pero
umalis din kaninang tanghali kasama yung mga kaibigan niya, hanggang
ngayon hindi pa bumabalik, umiiling na saad nito at halatang
disappointed. Kawawa naman ang Seor, siguradong hindi maaasikasong
mabuti ang naiwang negosyo, nagbuntong hininga ito.

Naisip ni September na itanong dito kung bakit ngunit mas minabuti na


lamang niyang hwag patagalin ang nakikita niyang disappointment sa mukha
nito.

Sa halip ay iba ang itinanong niya. Hindi ko pa nga po pala nakikita


ang anak ni Ninong. Magkamukha po ba silang mag ama?

Kamukha siya ng kanyang ina. Napakagwapong bata pero yung ugali


nagmana sa Ninong mo, matigas ang ulo, natatawang sabi nito. Pareho
silang mag ama, matigas ang ulo. Siguro kaya hindi sila mag kasundo.

Pero mabait naman po si ninong Al ah.. Bakit hindi sila magkasundo?

Hindi ko nga rin alam. Nag simula kasing maging rebelde yung batang
iyon nang mawala ang Seora. Si Seor naman... maxadong dinamdam ang
nangyari. Hindi na rin sila masyadong nag uusap na mag ama simula
noon... Hanggang sa lumayo ng lumayo ang loob ng mag ama sa isat isa.
Naiiling na saad nito.

Nang matapos siyang kumain ay lumabas na rin si Nanay Rosie sa silid.


Naiwan siyang mag isa sa malaking kwarto habang tuloy parin ang malakas
na pag ulan sa labas. Kumpleto sa gamit ang kwarto, para itong isang
suite sa isang mamahaling hotel. May malaking bintana ang kwarto niya na
aabot ang taas hanggang kisame. Kita dito ang dagat. Mayroon itong apat
na palapag at dalawamput limang kwarto. Ang buong villa naman kasama
ang buong bakuran ay kasing laki ng malacaang. Ang alam niya ay marami
pang ibang bahay at lupain ang kanyang ninong bukod sa villa na iyon.
Hindi naman kasi lingid sa kaalaman niya na mayaman ang mga ito. Matalik
na magkaibigan ang ama niya at ang kanyang ninong. Siguradong magkasama
na ang dalawa sa langit at nagkukumustahan.

Nang matapos mag toothbrush ay nagpasya siyang matulog nang maaga.


Humiga siya sa malaking kama at unti unting nakatulog.

DUDE, yung nakapula sabi ni Migs kay Jacob habang nakaturo sa babaeng
nakapula na napaliligiran ng iba nitong kaibigang babae. Pumasok sila sa
isang bar para makapagsaya. Kasalukuyan silang nag pupustahan para sa
kung sino man ang unang makakuha ng number ng babae sa pinakamaikling oras.

Four minutes, bet ni Enzo at nag baba ng five thousand sa lamesa sa


gitna nila.

Three minutes, tapat ni Migs at nagbaba rin ng parehong bilang ng pera.

Two minutes, sabi ni Jacob at ipinatong ang five thousand sa lamesa.

Nagpalakpakan ang kanyang mga kaibigan. Tumayo siya at naglakad patungo


sa target niya. Maraming babae ang nag sasayaw sa dance floor at halata
niyang na-attract kaagad ang mga ito sa kanya. Ang iba sa mga ito ay
pilit na kinukuha ang kanyang atensyon sa pamamagitan ng mapang-akit na
pagsasayaw. Nilagpasan niya ang mga ito. Wala siyang hilig sa mga babae.
Para kasi sa kanya hindi dapat binibigyan ng halaga ang mga ito. Theyre
all the same pagdating sa objective. First, makakuha ng lalaki na pwede
nilang gawing ATM machine. Second, magkaroon ng pangdisplay at
maipagyayabang sa ibang kaibigan. And third, gawin silang personal
slave. Ito ang mga dahilan kung bakit ayaw niya sa mga babae. Masyadong
maarte at demanding, higit sa lahat gustong gustong pinauulanan ng atensyon.

Narating din niya ang kanyang target na nakaupo sa high stool sa harap
ng wine bar. Umorder siya ng tequilla paglapit niya sa bar, no lime, no
salt. Sinadya niya ang kaunting distansya na nakapagitan sa kanila ng
babae. Katulad ng inaasahan ang grupo nito ang kusang lumapit sa kanya
upang makipagkilala. Walang kahirap hirap na bumalik siya sa mga
kabarkada na dala ang number nito, iiling iling pa ang mga ito sa kanya
hanggang sa makaupo siya sa couch.
We envy you, saad ni Jedd ng makaupo na siya at kinuha ang
napanalunan. Ang lakas mo talaga sa mga chicks pare, bakit ba hindi ako
ipinanganak na kasing swerte mo? Habulin na, mayaman pa!

At mas yayaman pa siya pag katapos basahin ang last will singit ni Migs.
Nagtawanan ang tatlo.

Nagtaas ng baso si Enzo. Okay, para sa pinakamayaman, pinakahabulin at


pinakamaswerte nating kaibigan na si Jake, cheers! at sabay sabay
silang nag taas ng kanya kanyang baso at ininom ang laman nito.

Chapter II
Makalipas ang dalawang araw ay inihatid na sa huling hantungan ang mga
labi ng yumaong Seor. Hindi nagpakita ang anak nito sa libing. Kung
kailan man ito muling magpapakita ay tanging ito lamang ang nakakaalam.
Samantala, nakadama naman ng awa si September para sa kanyang ninong
dahil hanggang sa huli ay binigo parin ito ng nag iisang anak. Ganoon ba
kalayo ang loob nito sa ama para magawang hindi ito puntahan? Hindi niya
lubos na maisip na may ganoong klase ng tao na nagkikimkim ng galit sa
taong itinuring na niyang ama, lalo na at anak pa nito iyon. He possesed
one of the purest hearts in the world, iyon ang pagkakakilala niya sa
ama amahan at alam niyang tama siya sa bagay na iyon.

Seph, hija tayo na sa sasakyan, yakag sa kanya ni Rosie habang hawak


ang itim na payong.
Sila nalang ang naiwang nakatayo sa naging puntod ng Seor nang biglang
umambon. Tumango siya at sumama dito patungo sa naghihintay na kotse.

Nang makasakay ay agad na itong pinaandar ng driver. Mula sa sinasakyan


ay may napansin siyang lalaki na nakaitim na lumapit sa puntod ng
kanyang ninong. Sigurado siyang hindi ito isa sa mga kamag anak ng
kanyang ninong na nasa villa. Hindi man niya nakita ang mukha nito ay
nakasisiguro siya. Wala kasi sa mga ito ang may ganoong tindig at
pangangatawan. Tiningnan niyang mabuti ang misteryosong lalaki hangang
sa lumayo na ang kanilang sinasakyan at mawala na ito sa kanyang paningin.

YOU?! Youre that crazy bitch na bumunggo sa kotse ko! paratang sa


kanya ng pamilyar na lalaki pagdating niya sa villa. Matangkad ito,
maputi at chinito! May kasama itong isa pang lalaki na patuloy sa
paglalaro ng PSP na para namang walang pakialam sa nangyayari.
Just my luck... What are you doing here? tanong niya na pinilit itago
ang pagkagulat.
Hey, I should ask you that same question, sinamahan ng ngisi at saka
humalukipkip. So, isa ka pala sa mga kamag anak ni Tito, tumawa ito.
Im sure, magugulat si Jake kapag nakita niya kung sinong nandito
ngayon sa villa niya, pagkasabi ay tumatawang tumalikod na ang mga ito
sa kanya.

Naiwan siyang tulala. Oh shucks! This cant be... naibulong niya nang
maisip niya ang posibilidad na ang mga ito ang sinasabi ni nanay Rosie
sa kanya na barkada ng seorito. Kung ganoon ay isa sa apat na iyon ang
anak ng ninong niya. Kung mamalasin ka nga naman! Nakagat niya ang
ibabang labi sa naisip.

Dala ng panic ay agad siyang umakyat at pumasok sa kanyang kwarto.


Kailangan niyang makaalis kaagad sa villa. Kinuha niya ang kanyang bag
at nagsimulang mag-impake ng gamit. Siguradong hindi magiging maganda
para sa kanya kapag nagharap silang dalawa ng bagong may ari ng villa.
Hindi pa naman maganda ang unang pagkikita nila. Wala siyang mukhang
maihaharap kapag nagkataon. Nasa ganoon siyang ayos nang pumasok si
nanay Rosie. Nagtatakang nilapitan siya nito at may bakas ng pag aalala.

Anak saan ka pupunta? Aalis ka?

Kailangan ko po kasing umalis, may emergency po kasi, pag


sisisnungaling niya habang patuloy sa pag iimpake. Pumasok siya sa banyo
para kunin ang iba pang gamit. Sinundan siya nito.
Ipinapatawag ka ni Attorney Dominguez sa library, anito habang

nakasunod sa kanya.
Napatda siya at napapihit dito. Bakit daw po? nagtatakang tanong niya.

Ang alam ko kasi ngayon babasahin ang last will and testament ni
Seor, saad nito. Pumunta ka na doon.

Pumasok si Seph sa library na may nadaramang pagkailang sa mga tao sa


loob. Ang totoo niyan ay hindi naman talaga siya dapat na nandoon.
Pamilyar na mga mukha ang inabutan niya sa loob. Pagkaupo niya sa
bakanteng silya ay nag umpisa na sa pagbasa ang abogado sa dokumentong
hawak nito. Inikot niya ang kanyang paningin sa mga naroroon. Tahimik
ang mga ito habang pinakikinggan sa pagbabasa ang abogado. Kaunti lang
sila sa loob, isang matandang babae at limang matatandang lalaki.
Napansin niyang wala sa loob ng silid ang kahit na sino sa apat na
binata na nakabungguan niya. Nakaramdam siya ng relief pero naiwan parin
sa kanya ang kagustuhang makita kung sino sa apat ang anak ng Ninong niya.

Ang mga bahay bakasyunan, maliliit na negosyo at ibang lupa pati na rin
time deposit ang narining niyang ipinamana sa mga kamag anakan ng
kanyang Ninong. Nabigyan ang anim na naroroon na mukhang wala naman kaso
sa kanila kung mabigyan man o hindi. Marahil ay hindi na kailangan ng
mga ito ang mana?

Mayamaya ay narinig niyang bumukas ang pinto sa likod niya. Nilingon


niya ito at iniluwa ang isang napakagwapong lalaki. Her heart stopped
beating at the very sight of him and seemed to expand inside her chest.
May nakapa siyang tuwa sa pagkakakita sa binata. Para siyang teenager na
hindi mapakali sa upuan dahil sa pagkakakita sa crush nito. Disgusted
with herself wala sa sarili na naipilig niya ang kanyang ulo.
Nag-dire-diretso ang binata nang hindi siya tinitingnan at umupo sa
bakanteng silya na di kalayuan sa kanya sa isang pang animang lamesa.
Tumikhim ang abogado at ipinagpatuloy ang pagbabasa.

Para naman sa aking nag iisang anak na si Jacob mamanahin niya ang
lahat ng aking natitirang pag aari, kasama ang mga negosyo. But this
will is in effect only when the heir meets the requirement. May
kondisyon bago niya makuha ang lahat ng aking ari-arian.

Are you kidding me? kalmado lang ang boses ng binata pero may kaunting
tinig ng pagkainis.

Una, ang aking anak ay kailangang lumipat ng tirahan sa mas maliit na


lugar na ibibigay ng aking pinagkakatiwalaang abogado. Pangalawa,
regular siyang papasok bilang empleyado sa isang kainan na pagmamayari
ng aking napakiusapang kaibigan, ito ay sa loob ng anim na buwan.
Pangatlo, bawal siyang matanggal sa trabaho. Ito ay upang- naputol ang

pagbabasa ng abogado ng tumayo ang binata.

Nonsense, ako ang tagapagmana, nag iisang anak! Damn it! Anong
kalokohan yan?! hindi na nakapagtimping saad nito na tila galit na
tigre ang hitsura.

Nagulat ang ibang tao na naroroon. Nagsimula na ang mahinang bulungan sa


loob ng silid. Higit na nagulat ang dalaga. Halata sa binata na hindi
ito nasisiyahan sa mga naririnig. Ano kaya ang binabalak ng kanyang
namayapang ninong?

-upang matutunan ang ibat ibang bagay sa pagnenegosyo at malaman ang


hirap ng bawat gawain. pagpapatuloy ng abogado na parang walang narinig
mula sa binata. Wala rin sa mukha nito ang epekto ng galit ni Jacob.
Kung hindi man pumayag ang aking anak sa kondisyon na ito, ang aking
ari arian ay mapupunta sa aking inaanak na si September Olivarez
Nagtinginan kay September ang lahat ng tao sa loob ng silid. Hindi niya
gustong sumingit sa anumang gulo sa pagitan ng kanyang namayapang Ninong
at anak nito. Ang maging tagapagmana nito ang pinakahuling bagay na
maiisip niya o mas tamang sabihin na kahit kailan ay hindi niya naisip
ang bagay na iyon.
Tumingin sa kanya si Jacob nang may pang aakusang mata. I get it! This
is your idea, isnt it? paratang sa kanya ng binata.
Hindi siya nakasagot. Siya man ay nabigla rin sa mga narinig.
Kung ang aking anak ay maisipan na kusang isuko ang kayamanan,
makakatanggap siya ng point zero five percent mula sa mana. Ang matitira
naman ay mapupunta sa aking inaanak.

Great! thats just fucking great! saad ng binata padabog na tumayo.


Dinuro nito ang abogado

Youre fired! Damn it!

You have no right to fire me kalmadong sagot ng abogado habang


inilalagay sa loob ng itim na attache case ang mga dokumento. Kailangan
mong sundin ang will kung gusto mong makuha ang-

Damn you! galit na sigaw ng binata sa abogado.

Nagtayuan na ang ibang kamag anak sa loob ng kwarto at lumabas. Nag


bubulungan parin ang mga ito. Pagkasara ng pintuan ay hinarap siya ng

galit na binata. Nakamamatay ang tingin na ipinukol nito sa kanya.

Dont act na wala kang alam dito. Baka akala mo hindi ko alam na
matagal ka nang sumisipsip sa Papa ko, nakatitig ito sa kanya.
Nammumula sa galit ang mukha nito.

A-ano bang sinasabi mo dyan? Ni hindi mo nga ako kilala, she mumbled.
Iniiwas niya ang paningin dito.

Oh, I know exactly who you are. Isa kang nobody na bigla na lang
mangunguha ng bagay na hindi sa kanya! anito sa mataas na tono.
Jerk! balik niya.

Tumikhim ang abogado upang makuha ang atensyon nilang dalawa. Heres
the address na pupuntahan mo ini-abot ng abogado ang papel sa binata
ngunit ng matanto nito na walang balak na kunin ng kausap ang papel ay
ipinatong na nito ito sa lamesa. Call me when you need help.

You can go to hell! Magsama kayong dalawa! sagot ni Jacob, lumabas ito
ng silid at padabog na isinara ang pintuan.

Ms. Olivarez, ikaw na sanang bahala na mag-supervise sa kanya mayamaya


ay sabi ng abogado sa kanya nang maiwan silang dalawa sa kwarto.

Huh? B-bakit? kumunot ang noo niya dito.

Sa Diner ninyo siya magtatrabaho


HINDI parin makapaniwala si September sa mga nangyari. Ayaw niyang
papasukin sa kanyang isip na totoo ang mga narinig niya kanina. Paano
nagawa ng kanyang ninong ito sa kanya? Napakalaking gusot ng napasukan
niya dahil dito. Siguradong magugulo ang buhay niya dahil sa will na
iyon. Hindi niya hiniling dito na pamanahan siya ng kahit na ano.
Napakalaking responsibilidad ang ipinatong sa kanya, lalo na ang
pagbe-baby sit sa anak nito. Hindi niya alam kung kakayanin niya na
tuparin ang huling kahilingan ng kanyang ninong.

Ang nasabing Diner ay nasa laguna, negosyo ito ng kanyang yumaong lolo,
ipinangako niya dito na siya ang bahala doon. Isipin pa lang niya na
makakasama niya si Jacob roon ay kinikilabutan na siya. Paano naman kaya
niya ito pakikisamahan? Siguradong araw araw lang sila nitong mag aaway.

Huminto ang sasakyan niya nang magred light. Pauwi na siya sa bahay nila
sa Alabang. Kahit na alam niyang aabutan siya ng dilim sa daan ay umalis
pa rin siya. Hindi na siya makatagal sa villa, ayaw niyang makasama sa
iisang bubong ang nakakatakot na binata na iyon. Hindi niya inaasahan na
ang pagbubukas ng will ang magsisilbing Pandoras Box niya. Paano ba
nangyari na ang iilang piraso ng papel na iyon ay magdudulot sa kanya ng
napakalaking problema?
Nakauwi si September ng hindi niya namamalayan. Agad siyang sinalubong
ng maid nilang si Aling Nita at tinulungan sa pagbibitbit ng mga gamit.

Si mama po nasaan? agad niyang tanong dito nang makapasok sila ng bahay.

Umalis kaninang umaga, may meeting daw anito. Para ngang ang dami
niyang ginagawa ngayon.

Ganoon po ba? Sige po paki-akyat nalang po ng mga gamit sa taas,


aniya. Agad na sumunod ang matandang kawaksi.

Dala ng pagod ay pasalampak siyang naupo sa sofa. Gabi na, hindi parin
umuuwi ang kanyang Mama. Madalas ay talagang gabi na ito nauwi, sanay na
siya roon. Pero ngayon, kailangan niyang masabi ang nangyari sa villa.
Kailangan niyang masabi ang gulo na napasok niya at kailangan niyang
humingi ng payo mula dito.

Humiga si September sa mahabang sofa. Inunat niya ang katawan at


naramdaman ang ginhawang idinulot niyon. Gusto niyang hintayin ang
kanyang mama. Pero ilang minuto pa ang lumipas ay namigat na ang kanyang
mga mata at unti unti na siyang nakatulog.
HINDI mo pwedeng gamitin ang sasakyan, sabi ng abogado kay Jacob nang
ipahanda ng binata ang kotse sa driver.

Ano pa ba ang ginagawa mo dito? aniya. Agad na kumulo ang dugo niya ng
makita ito. Wala siyang panahon para makipaglokohan dito ngayon.
Pakiramdam niya ay pinagkakaisahan siya ng lahat. Hindi bat sinabi ko
nang tanggal ka na? Kunin mo na ang sweldo mo at umalis ka na!

Jacob, hindi lang ang sasakyan ang hindi mo pwedeng gamitin. Hindi ka
rin maaaring manatili sa villa, sa penthouse at sa mga bahay na pag aari
ng iyong ama. You cant use anything na binili o ginamitan ng pera niya.
Kasama na dito ang mga kotse at condo unit mo, may inilapag itong
puting sobre sa center table. Pumunta ka sa address na nasa loob. May

maliit na bahay doon ang Mama mo, pwede mo iyong gamitin. Malapit din
yan sa papasukan mo. May pera din sa loob niyan, allowance mo, dagdag
nito at saka umalis sa salas.

Dinampot niya ang papel na may kalakip na address ng lugar na pupuntahan


niya. Fine! Tingnan lang natin kung sinong mananalo satin, aniya sa
pabulong na boses at nagpupuyos na kalooban. Desidido siyang makuha ang
mana niya. Karapatan niyang makuha iyon bilang nag iisang anak nito.
Hanggang sa huli talaga ay gustong gusto siyang pinahihirapan ng ama.
Siguradong pinagtatawanan siya nito kung saan man ito naroroon. Ngitngit
na ngitngit ang kalooban niya.

Panuorin mo kung anong gagawin ko sa pera mo.

Agad niyang inayos ang gamit na dadalhin. Balak niyang pumunta muna sa
manila kasama ang kanyang mga kaibigan. Magpapalipas muna siya doon ng
ilang araw bago pumunta sa laguna. Hindi niya maaaring sabihin sa mga
ito ang nangyayari. Siguradong pagtatawanan lang siya ng mga ito. Mawala
man ang lahat sa kanya, hindi niya hahayaang pati pride niya ay mawala
na rin.

Chapter III

Isang maliit na bahay ang itinuro kay Jacob ng isang matandang babae na
naglalako ng kakanin nang tanungin niya. Kasalukuyan niyang hinahanap
ang bahay na nasa address na ibinigay sa kanya ng abogado. Sa isang
liblib na lugar sa bayan ng San Pablo sa Laguna siya napunta. Maraming
puno ng niyog dito, marami ring hayop katulad ng kambing, kalabaw at
kabayo ang nakita niyang nakatali sa puno. Nilapitan niya ang lugar na
itinuro ng matanda na napagtanungan.
Isa itong lumang bahay na yari sa kahoy na mukhang itinayo pa noong
panahon ng mga kastila. Napaliligiran ito ng hindi kataasang bakod na
yari rin sa kahoy. Medyo malayo ang agwat nito sa ibang bahay.

Binuksan niya ang gate at pumasok sa loob ng bahay. Mababa ang kisame
nito, masyadong maliit para sa kanya. Medyo masikip din sa loob, hindi
kasing ganda ng suite o condo unit niya. Maayos naman tingnan ang salas
kahit maliit. May gamit na sa loob pwera na lang sa tv at radyo. Isang
mahabang sofa na nakaharap sa may bintana ng kwarto ang laman nito
mayroon din itong piano na hindi kalakihan at yari rin sa kahoy. May
lamesa sa gitna nito at may bookshelf sa gilid ng pader.
May isa itong kwarto na naglalaman ng isang maliit na kama, katabi nito
ay isang lamesa na may lampshade at antigong closet sa sulok. May
bintana din sa gilid nito. Nilibot pa niya ang ibang parte ng bahay. May
kusina sa labas, kumpleto sa mga gamit mula sa mga plato, baso, kutsara,
kawali at iba pa. Ang lutuan nito ay kailangang gamitan ng panggatong o
uling. Hindi rin kalakihan ang banyo, ngunit gumagana pa naman ang

gripo. Nang magdilim ay agad niyang binuksan ang ilaw. Gumagana din ang
kuryente na siyang ipinagpasalamat niya ng husto. Halatang ipinahanda na
iyon ng abogado para sa kanyang pagdating.

Hindi niya akalain na sa mumunting bahay na iyon dating tumira ang


kanyang ina. Alam niyang galing sa mahirap na pamilya ito, ngunit ni
minsan ay hindi niya naisip na ganoon pala sila kahirap. Tahimik sa
lugar at walang maririnig kung hindi huni ng ibat ibang insekto.
Anim na buwan lang naman ang kailangan aniya sa sarili habang nakahiga
sa maliit na kama. Natawa siya. Alas sais y medya na nang tumingin siya
sa orasan na nakasabit sa pader.

Tao po! mayamaya ay tawag ng isang boses mula sa labas ng bahay.


Galing sa isang babae. Magandang gabi po!

Mula sa bintana ng kwarto ay tiningnan niya ang may ari ng boses. Hindi
niya ito masyadong maaninag kahit na bukas ang ilaw sa labas ng bahay.
Nagpasya siyang lumabas upang puntahan ito. Nang mabuksan niya ang gate
ay tumambad sa kanya ang nakangiting mukha ng may edad na babae, may
kasama itong batang babae. Mabilog ang matanda na sa tingin niya ay
kasing tanda lang ni Aling Rosie sa villa, ang kasama naman nito ay mga
nasa sampu na ang edad.
Hijo, mag isa ka lang ba dito? Nabalitaan ko na may tumira na dito.
Kilala ko kasi ang dating may ari ng bahay na iyan, kwento nito habang
inaaninag na mabuti ang mukha niya. Hindi nawawala sa mukha nito ang ngiti.

Hindi siya sumagot, tiningnan lang din niya ito.

Heto nga pala nagdala ako ng pagkain, pa-welcome namin sa iyo iyan
inabot nito sa kanya ang isang maliit na bilao. Kung may kailangan ka,
hwag kang mahihiya sa amin lumapit ha? Ay napakagwapong bata mo pala
natatawa nitong wika. Ang kasama naman nito ay ngumiti sa kanya. Ay,
sige, yun lang. Mauna na kami sa iyo, anito at nagsimulang maglakad
palayo. Madilim sa daan kaya may hawak ang mga itong flashlight. Hindi
sementado ang kalsada, madamo din ang gilid nito. Kung ilalarawang
mabuti ay napaliligiran sila ng mga puno ng niyog.
Mag iingat ho kayo... habol niya dito, nailang tuloy siya bigla sa
sarili. Naguluhan man sa nasabi niya ay binalewala din niya ito. Hindi
siya sanay sa mga ganoong pakikipag usap. Hindi naman talaga pag uusap
ang dumaan dahil ang matanda lang naman ang nagsasalita. Wala siyang
sinabi dito o sinagot sa tanong.

Ikaw din hijo... anito at nagsimula nang maglaho sa dilim ang dalawa.
Pumasok na siya sa loob ng bahay. Inalis niya ang takip sa bilao, pansit

ang laman nito. May kalamansi rin itong kasama na hiniwa sa gitna.
Natawa siya sa nakita. Mga anghel ba ang nakatira dito? Ito ang lugar
kung saan mga mabubuting tao ang nakatira. At isa sa mga mabubuting tao
na iyon ang kanyang yumaong ina. Muling gumuhit sa kanya ang pait ng
alaala sa kanyang pagkabata.

*NAGULAT* si September nang tawagin siya mula sa kusina ng waiter nilang


si Pancho. Nang tanungin niya kung sino ang naghahanap ay lalo pa siyang
nagulat sa isinagot nito. Nabitawan niya ang hawak na sandok na
ipinanghahalo niya sa kanyang nilulutong sinangag. Tanghaling tapat kaya
puno ngayon ang Diner nila, ito ang oras kung saan abala silang lahat.
Kahit na may kaliitan ang kainan na maaari lamang maglaman ng tatlumpong
katao ay dinudumog parin ito. Malapit kasi ito sa isang malaking
hospital. Karamihan sa mga customer ay nurse at doktor o mga nagbabantay
sa kamag anak na pasyente dito.

Papasukin mo sa office utos niya dito. Agad itong kumilos.

Tinanggal niya ang suot na apron. Ipinasa niya ang niluluto sa isa pang
kusinera na nagtatrabaho sa Diner nila. Pinakalma niya ang sarili bago
tuluyang lumabas ng kusina. Ito ang sandaling kinatatakutan niya.
Tumuloy siya sa kanyang maliit na office. Doon, naghihintay ang binata
na siyang nagpasikip sa maliit na opisina. Hindi dito bagay ang
inuupuan, masyado itong maliit para sa isang matangkad na tulad nito.
Dahil rin sa masyado itong makisig kung kayat hindi ito bumagay sa
lugar. Mas bagay itong maging customer sa isang class na italian
restaurant. Napatigil siya sa pag iisip nang lingunin siya nito. Tumayo
ito nang makita siya.
Hanggang kailan mo ba ako balak paghintayin dito? kunot ang noong
reklamo nito sa kanya. Ang init dito alam mo ba yun? naglandas ang
pawis sa noo nito.

Napabuntong hininga siya. Wala paring ipinagbago. Ganyan mo ba babatiin


ang boss mo? I see youre here to work, aniya habang lumalapit sa
kanyang lamesa at saka umupo. Sinenyasan niya itong maupo sa harap niya.
Nanatili itong nakatayo. Ready ka na ba? Kailan mo gustong mag umpisa?
tanong niya. Nag kunwari siyang may inaayos na mga papel sa kanyang
lamesa upang iwasan ang tingin nito.

The sooner the better maikling sagot nito.

Okay... May experience ka baer I mean nagtrabaho ka na ba ganitong


klase ng lugar? nagtaas siya ng tingin dito.

Mukha ba akong may experience sa ganyang kababang trabaho? And besides


may sarili akong chef, sagot nito. At kung kakain lang din ako, hindi
sa ganitong ka-cheap na lugar.

Well, nagtatanong lang naman ako. Wala kasi akong maisip na trabahong
ibibigay sayo.

Wala nga ba? O baka... may ibinulong itong hindi niya naintindihan.

Sige, since na wala kang alam sa mga ganitong trabaho, gagawin kitang
manager, okay? sarkastikong sabi niya.

Manager? kumunot ang noo nito.

Tumayo siya at ibinigay ang mop dito. Floor manager, congratulations.


Iyong iyo ang position na yan. Tamang tama ang dating mo, nang aasar na
sabi niya dito. Pwede ka nang magstart tomorrow, six o clock.

Nagpapatawa ka ba? O nang aasar lang talaga?... Ako gagawin mong


janitor? inis na sagot nito. I cant believe this! This is fucking
ridiculus!

Please watch your tounge young man. Ayoko ng ganyang attitude dito. And
besides sabi mo wala kang experience. Eh di ayan, pinakamadaling trabaho
dito. Tagalinis Pinagdiinan niya ang salitang pinakamadali.

Ikaw ang mag lalampaso ng sahig, mag liligpit ng mga pinag kainan,
magtatapon ng basura. At kapag wala ka ng ginagawa, pagbuksan mo ng
pintuan ang mga customer na darating okay? pag iisa isa niya. And
dont worry, Ill be watching you, of course, inis itong nakatingin sa
kanya. Tila walang balak kunin ang mop na hawak niya. Okay lang naman
kung ayaw mo, maghahanap nalang ako ng iba, baka naman sabihin mo
pinipilit kita. Kaso wala nang ibang vacant na position dito...

Fine! Bukas babalik ako... Nag buntong hininga ito at saka aktong
lalabas ng opisina nang pigilan niya.

May nakalimutan nga pala akong sabihin sayo habol niya.


What? inip na tanong nito.

May kinuha siyang plastic sa ilalim ng kanyang lamesa. Iniabot niya ito
sa binata. Isuot mo yan, uniform. Hindi kasi pwede yang suot mo.
Mabilis nitong kinuha ang plastic na hawak niya, inis siya nitong
tiningnan. Nang makalabas ito ng kwarto ay umupo siya at napasandal siya
sa kanyang swivel chair. Nag buntong hininga siya. Hindi siya
makapaniwala na nasabi niya iyon dito. Kung sabagay, madali lang para sa
kanya ang umarte na matapang. Palagi kasi niya itong ginagawa sa mga
suitor ng mama niya.

Naalala niya ang sinabi sa kanya ng kanyang mama nang ikwento niya dito
ang nangyari sa villa. Ibinalita niya dito na sa Diner nila magtatrabaho
ang anak ng kanyang ninong.

Anak, tiisin mo nalang, pakisamahan mo kapag dumating. Im sure hindi


yan ibibigay sayo ng ninong mo kung alam niyang hindi mo kaya ang
ipinagagawa niya anito. And besides anak siya ni Al, so sa tingin ko
mabuti naman siyang tao. Ang balita ko napaka-gwapo ng anak ng ninong
mo, ayaw mo nun? Iba naman ang mukha na makikita mo sa Diner natin,
siguradong dadami pa ang customer! excited na sabi nito.

Gwapo nga ang sama naman ng ugali reklamo niya dito.

Eh di aminado kang gwapo nga. Hayaan mo na, magbabago din yun tila
sigurado nitong sabi.

KINABUKASAN, maagang pumunta sa Diner si September upang tumulong sa


pagluluto. Isa sa mga masasabing skills niya ang pagluluto. Binalak
niyang kumuha sana ng kursong culinary, ngunit napagpasyahan niyang
management nalang para sa negosyo na balak niyang itayo sa hinaharap.
Alas singko palang ng madaling araw ng tumingin siya sa kanyang
wristwatch, pero batid niyang marami nang customer ng ganoong oras.

Ipinarada niya ang kanyang sasakyan sa gilid ng kainan. Pinatay niya ang
makina nito at bumaba sa kotse. Dali-dali siyang pumasok sa Diner,
tumunog ang nakasabit na maliit na bell nang buksan niya ang pintuan.
Sinalubong siya ng waiter nilang si Enrico habang si Pancho naman ay

nakita niyang naghahatid ng pagkain sa customer na nakaupo sa


pinakasulok ng kainan.
Katulad ng inaasahan ay marami nang tao roon.

Good morning po, bati sa kanya ni Enrico.

Good morning, sagot niya. Dumiretso siya sa kanyang opisina at inayos


ang hindi pa tuyong buhok. Hindi na niya ito nagawa pang patuyuin sa
bahay dahil sa pagmamadali. Itinaas niya ito at itinaling mabuti.
Pagkatapos nito ay pumunta na siya sa kusina upang tumulong sa
pagluluto. Si Anita na mas matanda sa kanya ng anim na taon ang kasama
niya sa pagluluto.

Hindi ito nakatapos ng pag aaral dahil sa kahirapan, highschool lang ang
naabot nito. Galing ito sa probinsya ng Quezon at napadpad sa lugar
nila. Naghahanap daw ito ng mapapasukan, mabait naman kaya tinanggap
niya ng walang pag aalinlangan. Bukod doon ay magaling din itong
magluto. Kasama rin nila ang tagahugas ng pinggan na si Paolo, mas bata
naman ito sa kanya ng limang taon. Katulad ni Anita ay hindi rin ito
nakatapos ng pag aaral.

Tinulungan niya itong magluto, karaniwang order sa umaga ang pancake,


beef mami, lugaw at kanin na may kasamang ibat ibang ulam tulad ng
hotdog, itlog, tapa, adobo at iba pa.
Makalipas ang ilang oras ay tinawag siya ni Pancho dahil may naghahanap
daw sa kanya. May ideya na siya kung bakit.

Youre right on time, bati niya sa kausap. Katulad ng dati ay hindi


nabawasan ang kakisigan ni Jacob kahit na suot na nito ang uniporme na
ibinigay niya. Mukhang mas nadagdagan pa nga ang dating nito dahil sa
mabango at malinis nitong ayos. Hindi niya mapigilan ang mapatanga dito
nang malaglag ang ilang hibla ng basang buhok nito sa noo, parang kay
sarap hawiin ng mga iyon. Ilang beses na naipilig niya ang ulo. Mabuti
nalang at hindi sa kaya na katingin ang binata.

Why? Ine-expect mo bang malelate ako? sarkastikong sabi nito habang


iniikot ang paningin sa buong kainan.

Natawa lang siya dito. Masyadong maganda ang mood niya para maasar dito.
Kaunti na lang ang nakain sa Diner nang oras na iyon. Tinawag niya sina
Pancho, Enrico, Anita at Paolo upang ipakilala ang bagong dating na binata.

May bago tayong makakasama sa Diner, This is Jacob

Jake, pagtatama ng binata sa kanya.

Ok. So,.. this is Jake dela Vega, isa siyang malapit na kaibigan ng
pamilya namin patuloy niya. Nakatitig ang mga ito sa binata, tila
manghang mangha sa nakikita. Animo nakakita nang nakakabilib na
performance sa circus ang mga ito. Puno ng admirasyon at paghanga na may
kahalong pagtataka ang ekspresyon ng mga mukha ng mga ito.

Mag sisimula siyang magtrabaho ngayong araw tumingin siya sa binata.


Jake, this is Anita, Paolo, Pancho and Enrico pakilala niya. Yun
lang so pwede na tayong bumalik sa mga pwesto natin, nang hindi gumalaw
ang apat ay tumikhim siya. Tila nagulat ang mga ito at isa isang bumalik
sa mga naiwang pwesto maliban kay Paolo.

Ahmm... Ate pwede po ba kayong makausap sandali? tanong nito.

Oo naman, ano ba yon?

Pwede po ba akong umuwi muna ngayon? Birthday po kasi ni Nanay eh


paliwanag nito.

Ah.. Ganun ba? Sige yun lang pala kinuha niya ang wallet sa bulsa at
dumukot ng pera doon.

Heto, ibili mo nang regalo ang nanay mo ha, bumili ka na rin ng cake.
Pakisabi Happy Birthday nakangiting sabi niya dito. Tuwang tuwa na
tinanggap nito ang perang iniabot niya at saka masayang nag paalam.

You really shouldnt do that, saad ng binatang nasa tabi niya.


Nanatili ito roon at pinanood ang eksena.

Ang alin? nagtatakang tanong niya dito.

Masasanay ang mga tauhan mo kapag masyado kang mabait sa kanila. Sino
na ngayon ang papalit sa pwesto ng batang yon? nakangising tanong nito
sa kanya.
Nginitian niya ito at makahulugan na tinitigan. Eh di ikaw

Hindi ganyan aniya habang pinagmamasdan si Jacob sa pag huhugas ng


pinggan. Kasama niya ito sa loob ng kusina. Linisin mong mabuti, utos
niya. Halatang hindi ito sanay sa ganoong gawain. Nakasuot din ito ng
pink na apron. Cute na cute siya dito kaya kahit na masungit ito ay
nagagawa parin niyang ngitian. Natatawa siya habang pinapanuod ito sa
ginagawa.

Banlawan mong mabuti, amuyin mo kung amoy sabon pa, kung oo, banlawan
mo ulit patuloy niya.

Ang dami mong inuutos. Bakit hindi nalang ikaw ang gumawa nito?
singhal nito sa kanya.

Kung ako ang gagawa nyan, sinong mag luluto? Ikaw? Kaya mo ba? aniya.
Magkasalubong ang kilay nito nang tumingin sa kanya. Pwede ba hwag mo
nga akong pinagmumukhang walang alam. Ano bang tingin mo sakin?
tiningnan nito ang platong sinasabunan. Ang dami dami nitong
ipinapagawa mo sakin... reklamo pa nito.

Natatawa siyang sumagot dito. Youll survive, aniya. Alam mo ba kung


anong sabi sakin ni attorney? Kailangan daw, hwag kong palalampasin ang
anim na buwan nang wala kang ginagawang effort man lang. Dapat ka daw
matuto.

Pinag kakaisahan nyo kong dalawa. Hintayin nyo lang kapag natapos ako
dito... bulong nito.

Oo na, bilisan mo na dyan. Malapit nang dumating yung ibang customer.


Tanghali na hindi ka pa tapos dyan, pang iinis niya.

Pano ko naman matatapos to, pinapaulit mo palagi sakin. Umaabuso ka


na masyado. Pwede ka namang bumili ng dishwasher sakin mo pa pinapagawa
to. This is fu---ng emberassing
Hinampas niya ito sa balikat. Anong sabi ko tungkol sa mga ganyang
words ha? Kung ayaw mong magtrabaho eh di sabihin mo sa abogado na suko
ka na para wala ka nang problema

Napalingon ito sa kanya. Oh, I get it now. This is your way to get rid
of me, isnt it? hinaluan ng pang didiri ang tingin nito sa kanya.
Para masolo mo ang mana.

Tinuktukan niya ito nang sandok sa ulo. Pano kung ganon nga? Anong

gagawin mo? Ayusin mo nalang yang ginagawa mo. Bilisan mo dyan, tama na
ang reklamo. Sa ayaw at sa gusto mo ako ang masusunod dito. matapang na
saad niya. Reklamo ka ng reklamo dyan, maganda nga yan para may
matutunan kang ibang bagay. Maranasan mo kung paano ang mautusan at
magbanat ng buto!

May ibinulong itong hindi niya naintindihan. Nagpatuloy siya sa


pagluluto kasama si Anita, nakangiting nagkatinginan sila nito.

Anak mayaman? pabulong na tanong sa kanya ni Anita habang nakatingin


kay Jacob.

Oo, hindi ko nga alam kung ano bang gagawin ko dyan. Tingnan mo
walang kaalam alam sa kusina, bulong niya dito.

Ahh... habang umiiling na sabi nito. Pero gwapo, tila kinikilig na


sabi nito at saka sinulyapan ang binata.

Napapangiti lang siya sa sinabi nito at saka nagpatuloy sa ginagawa.


Sino nga bang hindi makakapansin sa kagwapuhan nito? Ito na yata ang
pinakaperpektong nilalang na ginawa ng Diyos, huwag na nga lang isama
ang ugali.

Dumagsa ang order makalipas ang ilang minuto. Mga lutong ulam naman ang
ginagawa nila, adobo, sinigang, menudo at iba pa. Nang matapos ay
tumulong siya sa pag seserve sa mga customer ng pag kain. Tumulong din
siya sa pag lilinis at pag dadala ng mga pinag kainan sa kusina.
Tinulungan niya ang binata sa pag huhugas ng mga gamit na plato, kutsara
at baso. Kung ikukumpara kanina ay mabilis na itong maghugas ng mga
pinagkainan. Ipinagpasalamat niya na mabilis matuto ang binata.

Nag paalam sa kanya si Anita upang bumili ng isang kinulang na


pansahog sa di kalayuang tindahan. Mahabang katahimikan ang dumaan sa
pagitan ng naiwan na si Jacob at September.

Jake, pumunta ka nga pala dito nang Alas kwatro ng umaga may pupuntahan
tayo.
Nakakunot ang noo na tiningnan siya nito. Nagpapatawa ka ba? Sino bang
gumigising ng ganoon kaaga? maangas na tanong nito sa kanya. Ayoko,
iba nalang ang isama mo.
Kahit talaga kailan hindi siya pinangingilagan ng binata.

Alam mo naman sigurong pwede kang masesante sa trabaho kung hindi ka


susunod sakin hindi ba? Bahala ka ikaw rin. Kapag hindi mo natapos
yung six months na

Sinasabi ko na nga ba, putol nito sa kanya. Balak mo talaga simula


palang noong una na pahirapan ako para mapasayo ang mana. nag ngingit
ngit na sabi nito.

Hindi niya pinansin ang galit na mukha nito. Pinameywangan niya ang
kausap at matapang niya itong pinagsabihan.

Ok, sabihin na lang nating ganoon nga. nang aasar na nginitian niya
ito. Ano ngayon ang balak mo? Magrereklamo ka sa abogado? Magsusumbong
ka na inaapi kita natigilan siya nang makita ang pagtiim ng mga bagang
ng binata at ang nakamamatay na tingin na ipinupukol nito sa kanya.
Bahagya siyang nakaramdam ng takot dito.

Well see about that Miss Olivarez kalmado ang boses nito ngunit
nakapagtataka na puno ito ng galit at pagkamuhi. Hinding hindi ko
aatrasan ang hamon mo at sisiguraduhin ko na ikaw at hindi ako ang
matatalo sa bandang huli. Iyon lang at mabilis na siya nitong iniwan sa
kusina.

Nanlalambot na napaupo siya sa isang plastic chair sa tabi ng maliit na


lamesa. Napakabilis ng pagtibok ng kanyang puso. Ganoon katindi ang
idinulot sa kanya ng matalim na tingin ng binata. Kasama na roon ang mga
sinabi nito. Tila mayroon itong isa pang itinatagong katauhan sa loob
nito. Ganoon ba katindi ang galit ni Jacob dela Vega sa kanya. Nakapag
tataka naman. Mukha ba talaga siyang isang oportunista para sa binata?

Napabuntong hininga siya. Siguro sa susunod ay pipigilan na niya ang


pang aasar dito. Paano kaya niya paaamuhin ang isang katulad nito na
mukhang mas nakakatakot pa kaysa sa tigre. Kaya pala iniwan ng kanyang
ninong ang will na may ganoong kondisyon ay para mapagbago ang ugali ang
anak nito.

Stupid... she whispered it leaning back and closing her eyes for just
a moment Oh, Im such a coward.

Chapter IV

Hello Seph! Sweetheart! ang massiglang bati sa kanya ng kanyang Mama


sa telepono. Kahit kailan ay talagang napaka masiyahin nito sa lahat ng
oras.

Hi Ma, musta aniya habang inilalagay sa loob ng oven ang isang tray
ng ginawa niyang chocolate chip cookies. Mag aalas nuebe na nang gabi
nang tawagan siya nito. Madalas nila itong gawin para mapag kwentuhan
ang nangyari sa buong maghapon nila.

Hows your day, honey?


Ugh. Not bad... I think.

Oh, tell me all about it may pag aalala sa boses nito.

Bumuntong hininga siya. I dont think so Ma, I dont want to talk


about it. I mean... Paano nga ba niya sasabihin sa ina ang naging pag
aaway nila ng binata sa unang araw palang nang pagpasok nito. Na
pinaratangan siya nitong isang oportunista. At matindi ang galit nito sa
kanya. Sa tuwing maiisip ang mga bagay na iyon ay sumasakit ang ulo niya
at pumapangit ang mood niya. Napagpasyahan niyang magbake ng cookies
para gumanda ang pakiramdam niya at para makalimutan na rin ang mga
nangyari kanina.

Its okay pumpkin. Its going to be fine, trust me.

Natawa siya dito. Iniba na niya ang usapan at itinanong dito ang tungkol
sa launching ng magazine. Hindi naman dahil sa intersado siya sa event,
ayaw lang niya na sa kanya umikot ang usapan. Tumagal nang ilang minuto
ang kwentuhan nila sa telepono. Naunang nagpaalam sa telepono si
September. Idinahilan niya ang tungkol sa maaga niyang pag pasok sa Diner.
Nang maibaba ang telepono ay inilagay niya ang hindi na nagawa pang
kainin na mga cookies sa isang jar. Nang matapos ay umakyat na siya sa
kwarto sa itaas ng bahay upang matulog.

INIP na naghihintay si September kay Jacob sa tapat ng kanilang Diner.


Alas kwatro na ng madaling araw ay wala parin ang binata. Wala ba itong
balak na sumunod sa inutos niya kahapon? Siya ang nakatoka na mamili ng
mga ingredients sa pagluluto at naisipan niyang isama ito upang
magbitbit ng mga pinamili. Ang totoo nyan halinhinan sila ni Anita sa
pamimili, isinasama nito si Pancho bilang taga bitbit. Si Paolo naman
ang madalas niyang isinasama. Ngunit dahil wala si Paolo kahapon ay
naisipan niyang si Jacob na muna ang ipalit dito.
Lumipas ang sampung minuto ay wala parin ito. Nagtatalo ang isipan niya
kung dapat na ba siyang umalis o hintayin ito. Baka natraffic lang o
kaya walang masakyan. O baka naman naaksidente, pero pwede ring tulog
parin hanggang ngayon ang ugok na iyon. Baka naman wala ka talagang
balak na siputin ka? Kung anu-ano pa ang naisip niyang dahilan kung
bakit wala parin ito.

Napapitlag siya ng biglang may tumapik sa balikat niya.

Jeez! Ginulat mo ko. Hindi kita narinig na dumating, kinakabahan na


sabi niya. When she saw his beautiful face she very nearly sigh like a
teenager faced with a hollywood actor.

You didnt hear because you were daydreaming.

Namula siya sa sinabi nito. Ganoon ba? napangiti siya rito.

Ginaya nito ng pilit ang ngiti niya. San mo ba ako balak dalhin ngayon
at ang aga aga mo kong pinagising?

Youll see... sabi niya at saka pumara ng tricycle.

Hindi mo ba gagamitin ang kotse mo?

Hindi, baka kasi mangamoy sa loob ng kotse ang mga bibilihin natin

Tumaas ang isang kilay nito at saka humarap sa kanya. Bibilihin?

Tumango siya at saka sumakay sa tricycle na tumigil sa tapat nila.


Sumakay na rin ito at pinaandar na ng driver ang tricycle. Mag katabi

silang nakaupo sa loob noon. Amoy niya ang mabangong perfume nito. Sa
labas nakatingin ang binata kaya naman sinamantala niya ang pag titig sa
mukha nito sa itaas na salamin ng tricycle. Matagal niya itong
pinagmasdan, kaya naman nagulat siya nang bigla itong sumilip sa salamin
na tinititigan niya. Huli ka! Bigla siyang nag iba ng direksyon na
tiningnan. Pulang pula ang mukha niya at hindi na muli pang sumilip sa
salamin.
Pagkalipas ng sampung minuto ay bumaba na sila sa tapat ng pamilihan ng
bayan ng San Pablo. Binayaran niya ang pamasahe nilang dalawa at pumasok
sa loob ng palengke. Nalukot ang ilong ni Jacob nang makapsok sila sa
palengke. Marahil ay naamoy nito ang lansa ng ibat ibang itinitinda
roon. Sa isdaan sila unang tumigil. Pinigilan niya ang pag angat ng
kamay nito na sana ay ipangtatakip sa ilong.

Hindi ka pa nakakapasok sa loob ng palengke no?

Kung alam ko lang na dito mo ko dadalhin eh di sana hindi nalang ako


pumunta reklamo nito na tila hirap huminga.

Umayos ka nga. Ikaw ang magbibitbit ng mga pinamili natin mamaya.

Sinasabi ko na nga ba, masama ang kutob ko dito.

Welcome to the real world! aniya. Tumawa siya ng mahina nang makita
ang lukot na ilong ni Jacob. Hinarap niya ang tindera ng isda at umorder
dito ng ilang kilo na karaniwan niyang binibili. Nang mapansin na may
kataasan ang presyo ay nakipag tawaran siya dito. Nang matapos ay
ipinabitbit niya ang nabili sa binata. Sumunod nilang pinuntahan ang mga
nagtitinda ng karne ng baboy. Katulad sa nauna niyang binilihan ay
mahabang tawaran din ang ginawa niya. Tuwang tuwa siya kapag
pinagbibigyan siya ng mga ito. Halos bagsak presyo ang mga tawad niya sa
mga ito. Huli nilang pinuntahan ang mga nagtitinda ng gulay. Dito siya
hindi nakipagtawaran, mabababa lang kasi ang mga presyo na ibinigay sa
kanya. Kilala na kasi siya ng mga ito.

Nang mabili ang lahat ng kailangan ay agad silang humanap ng masasakyan.

Napakakuripot mo pala sabi ng binata. Nakakahiya ka kasama,


pinagtitinginan tayo doon sa loob, hindi mo ba pansin?

Hindi naman. Lahat ng tao ginagawa iyon kapag namimili sa palengke.


Hindi ka pa kasi nakakapunta don aniya at saka pumasok sa loob ng
pinarang tricycle. Sumunod na pumasok ang binata na bitbit ang lahat ng

pinamili.

Tsaka, hindi ako ang pinagtitinginan don. Ikaw. turo niya.

Bakit ako?

Tingnan mo nga yang suot mo.

Anong masama sa suot ko?

Mukha ka kasing...

Ano?

Hindi normal

Natawa ito nang mahina.

Really! Mukha kang artista sa suot mo. Mamahalin pa ang tatak.

Palagi naman ganito ang suot ko kahit saan ako pumunta.

Hindi sa palengke. Kaya tuloy ang mahal ng singil satin kanina.


Mahal na ba yon? Sobrang mura kaya.
Siningkitan niya ito ng mata. Mahal kaya. Kaya nga ako nakipagtawaran,
tingnan mo ang tagal natin sa loob.

Hindi iyon mahal, pakikipagtalo nito. Kuripot ka lang talaga.

Ano bang alam mo sa mga presyo? Puro mura lang naman para sayo ang

lahat ng mga binibili mo, mayaman ka kasi.

Napatingin ito sa kanya. Wala itong sinabi. Lumingon ito sa labas.


Mukhang wala na itong balak pang muli na umimik. Napabuntong hininga
siya ng malalim.

Pagpasok nila sa Diner ay alas cinco kinse na kaya naman dali-dali


niyang inayos ang mga ingredients. Nasa loob na sina Pancho, Enrico at
Anita ngunit wala parin si Paolo. Mayroon narin ilang customer na
nag-u-umagahan sa loob. Mabuti nalang at puro pancakes ang in-order ng
mga ito. Nagsimula na sa pagtakbo ang oras at sila din ay naging busy sa
kani kanilang ginagawa. Si Jacob ang muling pumalit sa pwesto na naiwan
ni Paolo tahimik lamang ito sa pag huhugas ng mga pinggan. Makalipas
ang ilang oras ng katahimikan sa loob ng kusina ay nabasag iyon ng may
narinig silang nabasag na pinggan sa labas

Dalilidali niyang iniwan ang niluluto at patakbo siyang lumabas ng


kusina. Isang nabasag na pinggan ang nakita niya sa sahig sa tabi ng
upuan ng isang lalaking customer. Tumayo ang tila galit na customer at
sinita si Pancho. Lumapit siya at gumitna sa dalawa.

Anong nangyari dito? kinakabahang tanong niya. Nag aalalang tiningnan


niya ang namumutlang mukha ni Pancho.

Etong lokong to, tinapunan ng sauce ang damit ko! galit na reklamo ng
customer. Nagtinginan ang ibang customer sa kanilang tatlo.

Eh hindi ko naman po sinasadya. Nag-sorry na nga po ako eh paliwanag


ni Pancho.

So ganon lang yon? Sorry? Tingnan mo nga tong damit ko! Tatanga tanga
kasi! sabi ng may kalakihang lalaki na nasa edad na mahigit treinta.

Kaya nga po nag sosori eh, hindi ko naman po sinasadya, napataas na


rin ang tono ng nagtitimping si Pancho.

Lumapit ang galit na mama sa kaninang namumutlang si Pancho, napalitan


na ng galit ang mukha nito. Siguradong away ang kahahantungan ng dalawa
kung hindi niya ito pipigilin. Dinig niya ang bulungan ng iba pang
customer na nahinto sa pagkain. Ramdam niya ang pagtingin ng mga ito sa
kanila.

Naging mabilis ang mga pangyayari, hindi niya alam kung sino sa dalawa
ang nakadanggil sa kanya. Muntik na siyang mapahiga sa sahig, mabuti
nalang at may sumalo sa kanya. Nakita niya ang nag aalalang mukha ni
Jacob sa kanya na halos kadikit na rin ng mukha niya. Tinulungan siya
nitong makatayo at tiningnan ang dalawang lalaki sa harapan nila. Ramdam
ang tensyon sa loob ng kainan.

Hinawakan ni Jacob sa balikat ang galit na customer. Naiwan siya sa


likod ng binata di kalayuan sa mga ito. Mayamaya ay lumapit si Anita sa
kanya.

Pare hwag naman dito, sabi ni jacob sa lalaki gamit ang ma awtoridad
na boses.

Hwag mo nga akong mapare pare, yun lang at tinulak nito ang binata sa
dibdib. Dinuro pa nito ang umaawat na si Jacob. Hwag ka ngang makialam
dito, bakit hindi ka nalang bumalik sa trabaho mo?! sigaw nito. Muli
nitong itinulak ang binata palayo. Mga walang pinag aralan!

Doon nagulat si September sa sumunod na nangyari. Nakita nalang niya na


nag susuntukan na ang dalawa. Ang unang suntok ay nag mula kay Jacob.
Tinamaan ang galit na customer sa mukha. Hilo itong tumayo nang
matamaan. Sumugod ito ng suntok upang gumanti. Naiwasan naman ito ni
Jacob. Para siyang nanunuod ng pelikula ng mga sandaling iyon.
Naramdaman nalang niya na nag alisan na ang ibang customer sa loob ng
kainan. Agad na lumapit si Enrico upang umawat, tumulong din si Pancho.
Siya naman ay parang napako sa kanyang kinatatayuan, katulad niya ay
ganun din si Anita.

JACOB dela Vega! Pwede ka ng lumabas, malakas na tawag ng pulis sa


nakakulong na binata. Nagreklamo ang customer na sinuntok nito sa mga
pulis. Agad niyang piniyansahan ito, binayaran din niya ang mga
nagastos sa hospital ng lalaking nabugbog nito. Dahil sa nangyari ay
isinara muna niya ang Diner at pinauwi ang mga tauhan niya.
Hinintay niya ang binata sa labas ng police station. Nang makita niya
ito, wala siyang mabasa na emosyon sa mukha nito. Lumabas ito at tumigil
sa tabi niya.
Are you okay? tanong niya dito.
Totoo ba yang pag aalala mo? sarkastikong sagot nito. Hindi parin
nagbabago sa pakikitungo sa kanya.
Mukhang okay ka naman, pinag alala mo ko...
Yeah right nakakunot ang noo nito nang humarap sa kanya.
Ayaw mong maniwala?

Nababaliw ka na, nagtuloy ito sa paglakad at iniwan siya.


Saan ka pupunta? habol niya dito.
Uuwi na, hindi siya nilingon nito.
Hinabol niya ito at pilit na sumabay sa paglakad nito. Ihahatid na
kita, saan ka nakatira?
None of your business, masungit na sagot nito.
Why are you always like that? pangungulit niya.
Like what?
Snob and stubborn...
Im not a snob, I just dont like you, mariing sabi nito.
Sinabi nang ihahatid na nga kita! pagpupumilit parin niya habang
sinusundan ang binata.
Hinarap siya nito. Mas lalo siyang nanliit sa pagtingala niya sa mukha
ng binata, napaka tangkad nito.
Alin ba sa mga sinabi ko ang hindi mo naintindihan? tila iritadong
tanong nito. Ang ayoko sa lahat yung pinipilit ako sa hindi ko gusto,
kaya ayoko sayo. Hindi naman kita kaibigan, pati ba naman dito sa
labas uutusan mo parin ako? Nakakasawa na yang pagiging bossy mo. Sana
matapos na ang anim na bwan para makuha ko na ang mana ko at makalayo na
sa miserableng lugar na ito.
Natahimik siya. Nasaktan siya sa sinabi nito sa di maipaliwanag na
dahilan. Parang pinisil ang puso niya sa narinig. Ang akala niya ay
maayos na ang lahat, na okay na silang dalawa. Naging maganda naman ang
pakikitungo nito sa kanya kaninang umaga. Pero bakit biglang nagbago?
Ang akala niya ay magkaibigan na silang dalawa. Gusto lang naman niyang
maging maayos ang lahat sa pagitan nilang dalawa.
Hindi ang katulad niya ang mahilig maglapit ng sarili sa ibang tao, lalo
na sa isang lalaki. Ito ang unang beses na ginawa niya iyon at ito pa
ang napala niya. Anak ito ng taong itinuring na niyang ama, kaya hindi
naman masama kung subukan niyang kaibiganin ito.
Siya naman kasi itong isang gaga at kalahati para umasang magiging close
din sila balang araw. Halata naman niyang ayaw nito sa kanya simula
palang. Kahit na karibal ang tingin ni Jacob sa kanya, gusto parin
niyang mapalapit dito. Ang totoo niyan hindi rin niya alam kung bakit.
Nang sabihan siya nito na hindi siya nito gusto, napahiya siya, hindi
lang sa harap ng binata kundi maging sa sarili niya. Ganoon ba talaga
kasama ang tingin sa kanya ng binata? Isang oportunista parin ba ang
tingin nito sa kanya? Ganoon kababa?
Kaya hwag mo nalang akong pakialaman okay? dugtong pa nito.
You stupid... Jerk! pikon na sabi niya dito. Sinuntok niya ito sa
dibdib ngunit imbes na masaktan ay nagulat lang ito sa ginawa niya.
Napaupo siya at itinago ang mukha na malapit nang maiyak sa kanyang mga
tuhod. Niyakap niya ang mga binti niya. Hindi niya napigilan ang
paghagulgol ng iyak. Childish man tingnan ay wala siyang pakialam.
Bakit ka naman umiiyak dyan? Ako na nga ang sinuntok mo
Ang sama mo... aniya sa pagitan ng mga hikbi. Ayaw talaga niyang
umiyak, pinakikita kasi nito na mahina siyang babae. Noon pa man ay
iyakin na talaga siya at mahirap siyang patahanin kapag naumpisahan na
niya.
Naramdaman niyang ipinatong nito ang isang kamay sa likod niya. Isang
tuhod nito ang nakaluhod.
Tahan na, pinagtitinginan na tayo dito. Baka akalain pa nila kung anong
ginawa ko sayo bulong nito sa kanya, halatang hindi alam ang gagawin.
Please naman tumahan ka na, sige na.
Kasalanan mo to, akusa niya habang hindi parin tumitigil sa pag iyak.
Bakit ako? narinig niya itong bumuntong hininga. Sige na sorry na.
Please stop crying, tila hirap itong sabihin ang mga iyon. Dumukot ito
ng panyo sa bulsa at ibinigay nito iyon sa kanya.
Kinuha naman niya ito. Ipinahid sa basang pisngi niya at mata. Mabango
ang panyo nang amuyin niya. Pabango ng lalaki, hindi masakit sa ilong

di katulad ng ibang naamoy niya. Kailangan lang pala niyang umiyak para
palambutin ang puso nito. Mabuti naman at may itinatagong kahinaan ang
lalaking ito.
Napakaiyakin mo pala, tukso nito sa kanya at hinimas ang ulo niyang
parang bata.
Tiningnan niya ito at natawa siya. Hindi niya alam kung bakit, basta
natatawa lang siya. Mukha na tuloy siyang baliw.
Nakita niyang pinilit nitong itinago ang ngiti sa pamamagitan ng
pagsasalubong ng mga kilay. Siguro may sayad ka nga. Kanina lang
umiiyak ka ngayon tumatawa ka na. Hindi kita maintindihan.
Alam niyang natatawa ito ngunit itinatago lang. Tumawa siya at saka
tumayo. Hawak parin niya ang mabangong panyo nito.
Alam mo para kang sira, anito na tumayo rin. Dapat sayo dinadala sa
mental inilagay nito ang magkabilang kamay sa bulsa ng pantalon nito.
Kung ako sira, ikaw naman uto-uto, nakangiting sagot niya. Hindi naman
ito makapaniwala sa sinabi niya. Bago pa man ito makapag salita ay
inunahan na niya. Tayo na, yakag niya dito. Nauna na siyang naglakad
dito patungo sa kanyang kotse.
At bakit naman ako sasama sayo?
Pumasok ka sa loob ng kotse kung ayaw mong mapahiya ulit, pananakot
niya dito.
Natigilan ito sa sinabi niya, ngunit mayamaya ay sumunod din sa kanya.
Nang makaupo siya sa harap ng manibela ay pumasok na rin ito at naupo sa
gilid niya.
All kinds of people are pissing me off today pabulong na litaniya nito.
Umiiling na natawa siya sa sinabi nito. Ito naman ay tiningnan lang siya
na may ekspresyon sa mukhang nag sasabing I cant believe this.
Could you put your seatbelt on, please? aniya dito habang binubuhay
ang engine ng sasakyan.
Right... mahinang sabi nito habang inilalagay ang seatbelt.
Chapter V
Bakit tayo bumalik dito? tanong kay September ni Jacob habang
nakatanaw sa Diner. As usual ay kunot parin ang noo nito nang pumihit sa
kanya. Nasanay na rin siya sa ganoong expression ng mukha nito lalo na
kung hindi nito gusto ang ideya niya.
Gutom na ko, sagot niya sa binata habang pina-park ang kotse sa
unahan ng Diner. Mayamaya ay pinatay na ni September ang engine. Kumain
muna tayo.
Bumaba ang dalawa mula sa kotse. Isinuksok niya ang susi ng diner sa key
hole at binuksan ang pintuan ng kainan. Tumunog ang maliit na bell sa
taas nito. Nakalagay parin ang close sign sa pintuan. Naunang pumasok si
September at kasunod naman niya si Jacob.
In-on niya ang ilaw at dumiretso sa kusina. Ang alam niya marami pang
lutong pagkain ang naiwan doon dahil half day lang sila ngayong araw.
Binuksan niya ang may kalakihang refrigerator, nandoon ang mga natirang
ulam. Kinuha niya ang mga iyon at isinalin sa kaserola upang initin.
Nakita niyang nakasandal sa pinto ng kusina ang binata at pinapanuod
siya sa kanyang ginagawa. Nahiya siya sa tingin nito. Sila lang kasing
dalawa tao doon. May nabuhay naman na excitement sa puso niya. Masaya
niyang binuksan ang stove at ipinatong ang kaserola dito.
Ive never seen a girl cooking before he said with a melancholy voice.
Kumunot ang noo niya sa sinabi nito. Huh? Ano yon? tanong niya nang
lingunin niya ito.
Tumawa ito, hindi tawa na masaya kundi tawa na parang may malungkot na
naalala.
Nothing, bilisan mo dyan. Nagugutom na din ako utos nito at iniwan na
siya sa kanyang ginagawa.
Nagpatuloy siya sa ginagawa. Sinunod niyang ilagay sa stove ang dalawa

pang kaserola na may lamang iba pang klase ng ulam. Nang matapos ay nag
salin siya sa pinggan nito at inilagay sa tray upang dalhin sa dining area.
Yummy! saad niya nang mailapag sa lamesa ang tray na dala. Nakaupo sa
tapat niya ang binata. Hawak nito ang cellphone nito at dito nakatingin.
Bumalik siya sa loob ng kusina upang kunin ang isa pang tray ng pagkain
na may kasamang baso ng tubig. Muli niya itong inilapag sa lamesa. Halos
mapuno iyon ng mga plato, naglabas din kasi siya ng desert na
refrigerated cake.
Lets eat! masayang sambit niya ng makaupo.
Tila nagulat pa ang binata nang makita ang mga pagkain sa lamesa. Ang
lakas mo palang kumain anito.
Gutom na ko eh, kumain ka nalang dyan. nagsimula na siyang kumain at
ganoon din ito.
Hindi ka ba nag da-diet?
Napatingin siya dito.
Hindi naman sa mataba ka. Ang alam ko kasi mahilig ang mga babae sa pag
da-diet at sa mga kung anu-anong pampaganda
Mas takot akong magutom kaysa tumaba, aniya at muling sumubo ng pagkain.
Hindi na ito nagsalita pa pagkatapos. Tahimik silang kumain. Paminsan
minsan ay sinusulyapan niya ang katapat na binata. Hinahangaan niya ang
kakisigan nito. Gusto niyang sauluhin ang bawat anggulo ng katawan nito,
lalo na ang napakaganda at perpektong mukha ng binata.
Siguro nga ay may nararamdaman siyang paghanga para dito. Crush? Nalate
yata para sa kanya ang pag dating ng bagay na yon. Hindi na siya
teenager para kiligin sa mga gwapong lalaki. Marami rin namang gwapo sa
dating school niya nang nasa college palang siya. Pero yung average
lang na gwapo, hindi katulad ng kaharap niya. Saksakan ng gwapo at
nuknukan din ng kasungitan. Pero para sa kanya, nadagdagan pa ang appeal
nito dahil sa ugali. Ayaw kasi niya sa mga lalaki na masyadong pa-sweet
at mushy.
Masyado siyang pihikan pagdating sa mga lalaki. Thats the reason kung
bakit never pa siyang nagka-boyfriend. May mga nanligaw sa kanya nung
high school, pero naisip niya na masyado pa siyang bata para
magboyfriend kaya wala siyang sinagot. Noong college naman meron din
kaso masyado siyang busy sa pag aaral. Ayaw niyang madaliin ang sarili
pag dating sa pag-ibig. Hindi kasi niya gustong magsisi sa huli. Siguro
nga siya yung tipo ng tao na safe player, hindi gumagawa ng mga bagay na
alam niyang ikapapahamak ng sarili. Syempre hindi niya iniisip na
mapapahamak siya kung mag mamahal siya, ayaw lang talaga niyang mag
kamali. Ayaw niyang masaktan sa huli. Mas mabuti nang hwag nalang mag
invest ng ganoong feeling para sa ibang tao.
Naisip niya na kung hindi niya pipigilin ang nararamdaman para sa binata
ay maaaring mas lumalim pa ito. Kung mauwi man ang pag hanga na
nararamdaman niya sa pagmamahal, siguradong mahihirapan siya sa bandang
huli. Pagkatapos ng anim na buwan na training ng binata ay siguradong
aalis rin ito at hindi na sila magkikita pang muli. Ito pa naman yung
tipo nang tao na medyo masikreto.
Nang matapos silang kumain ay niligpit na niya ang mga pinagkainan.
Dinala niya ito sa kusina upang hugasan. Naiwan naman ang binata sa
kinauupuan habang siya ay abala sa ginagawa. Nang matapos na siya ay
bumalik na siya sa dining area. Wala na ang binata dito. Sigurado siyang
umalis ito habang nasa kusina siya. Ni hindi man lang nagpaalam,
naisaisp niya. Siguro ayaw lang talaga magpahatid
Nag drive si September patungo sa bahay na tinutuluyan niya sa isang
subdivision sa San Pablo. Mag kakalayo ang mga bahay sa subdivision.
Puno ito ng mga matataas na puno ng akasya, ang mga bakanteng lote naman
ay napupuno ng mga di kataasang berdeng damo.
Nang makapasok ang kotse sa subdivision ay nagtuloy siya sa pagda-drive
patungo sa pinakasentrong bahay sa lugar. May kalakihan din ang bahay na
tinutuluyan niya. May dalawang palapag ito at anim na kwarto, dalawa sa

ibaba at apat sa itaas. Pininturahan ito ng malamlam na kulay ng orange


at ang bubong naman ay kulay pula tulad ng isang old rose. Ito ang
dating bahay ng lolo at lola niya sa father side.
Nag park siya sa tapat ng puting gate ng bahay. Nang makababa ng
sasakyan ay ipinasok niya ang susi sa nakalock na gate nito. Binuksan
niya ito at nilagpasan ang maliit na garden patungong main door. Muli
niyang ipinasok sa keyhole ang susing hawak upang buksan ang pinto.
Pumasok siya at tumuloy sa living room. Umupo siya roon at isinandal ang
pagod na katawan. Ilang sandali lang ang nakalipas nang biglang tumunog
ang kanyang cellphone. Dinukot niya ito sa backpocket ng pantalon niya.
Mula sa screen nito ay nakita niya ang pangalan ng tumatawag.
Hello, Ma... sagot niya dito nang mailapit sa tenga ang cellphone.
Hi sweetie, nasan ka? masayang tanong nito.
Nasa bahay, kakauwi ko lang. Bakit?
Oh, nothing. Gusto lang kitang kumustahin pag dadahilan nito.
Kilala niya ang kanyang mama at hindi ito ang klase ng tao na tumatawag
sa ganong oras habang nasa office upang kumustahin lang siya. Nag
buntong hininga siya at hinawakan ang noo. Alam niyang may kailangan ito
sa kanya.
What is it you want this time Ma? inip na tanong niya.
Tumawa ang nasa kabilang linya.
Ok honey, straight to the point na tayo. Well gusto ko lang sanang
itanong kung napag desisyunan mo nang sumama sakin sa launching ng
magazine. Next saturday na kasi yon eh. paliwanag nito.
Ma, alam mo naman na ayokong pumunta sa mga ganyan. And besides wala
naman akong gagawin dyan. Magmumukmok lang ako.
Wala siyang hilig
amattend sa mga ganoong party. Puro celebrities kasi at kailangan niyang
magdress kung pupunta man siya. Matagal na siya nitong kinukulit na
pumunta doon.
Please honey, I need you. Kailangan kita doon, suportahan mo naman si
Mama pag susumamo nito. Naipromise ko kasi sa ibang staff na dadalhin
kita. Gusto ka rin kasi nilang makita for the first time. Sige na,
pagbigyan mo na si Mama. Sige ka magtatampo ako nyan sayo, pananakot
nito.
Ok Ma, I forfeit she said it with a sigh. Siguradong hindi siya nito
lulubayan kung hindi niya ito pag bibigyan. Ang anumang ipinangako ng
mama niya sa ibang tao ay siguradong tutuparin nito. Isa ito sa
tinatawag nitong moral code.
Yes! Thank you sweetie! masayang sabi nito. Tamang tama, ibinili kita
ng dress siguradong mas lalo ka pang gaganda. Alam ko naman kasing hindi
mo matitiis si Mama eh. Siya nga pala magdala ka ng ka-date ha! anito.
D-date? Why? nagulat na tanong niya.
Basta, Ah! alam ko na ako nalang ang mag hahanap ng date mo. OK?
excited na saad nito.
Pero Ma-
Ok, bye honey! Love you! pag kasabi nito ay naputol na ang liniya.
Kinabukasan ay wala sa sarili si September habang nagluluto ng
pananghaliang ulam sa Diner. Kusang gumagalaw ang katawan niya sa
nakasanayan na nitong gawin. Inaalala niya ang party na pupuntahan niya
sa sabado.
Maging si Anita ay nag tataka sa ikinikilos niya. Hindi man ito nag
tatanong kung bakit ay nakikita naman niya sa mukha nito ang pagtataka.
Si Paolo na kasama rin niya sa kusina ay tahimik lang sa ginagawa.
Si Jacob naman ay kasalukuyang nag lalampaso ng sahig gamit ang mop na
ibinigay niya dito.
Nang maalala ang binata ay lumabas siya ng kusina upang tingnan ang
ginagawa nito. Nakita niya itong napaliligiran ng mga babae na sa tingin

niya ay mga kolehiyala na nag aaral di kalayuan sa Diner nila. Tila may
itinatanong ang mga ito kay Jacob. Nakikita niyang puno ng admirasyon
ang mga mata ng mga ito. Ang hindi niya makita ay ang mukha ng binata
dahil nakatalikod ito sa kanya. Wala mang dahilan ay nakaramdam siya ng
inis sa nakita.
NAIINIS na pinagmasdan ni Jacob ang sahig na nilalampaso. Paano ba siya
humantong sa ganoong uri ng trabaho? Ni hindi nga siya nakaranas ng
kahit anong klase ng pag hihirap simula pagkabata. Kahit nang pumunta
siya sa ibang bansa ay hindi siya nakaranas ng hirap dahil marami siyang
pera. Pero ngayon heto siya at nag lalampaso ng sahig. Kahapon naman ay
naranasan niya ang mag hugas ng pinggan. Shit! Hindi simpleng pag
huhugas ng mga plato ang ginawa niya, paulit ulit itong ipinagawa sa
kanya ng pala-utos na inaanak ng ama niya. Dammit! At hindi lang yon,
napakaraming plato ang hinugasan niya kahapon. Nakadagdag pa ang sobrang
init na panahon sa ikinaiinis niya. Stupid global warming!
Hindi lang ang mga gawaing ito ang nakasira ng mood niya kung hindi ang
mga babaeng kanina pa nangungulit sa kanya. Pilit na inaalam ng mga ito
ang cellphone number niya. Tuwing tumatanggi siyang ibigay sa mga ito
ang number niya ay parang mas lalo lang ang mga itong kinikilig sa
kanya. Syempre hindi siya manhid para hindi mahalata iyon. Ang pagiging
cold niya ang mas nagugustuhan ng mga babae sa kanya. Siguro ay dahil sa
nacha-challenge ang mga ito sa kanya. Hindi na siya magugulat pa kung
pagpustahan siya ng mga ito. Hindi na bago para sa kanya ang bagay na iyon.
Hindi naman niya pwedeng baguhin ang cold niyang ugali para lang lubayan
siya ng mga ito. Hindi rin naman niya kayang maging friendly sa mga
babae. Mas pipiliin niyang isuko ang lahat ng meron siya bago gawin ang
bagay na yon. Kasama na doon ang kayamanan.
Nang maalala ang tungkol sa bagay na iyon ay sumagi sa kanya ang mukha
ni September. Ang inaanak ng ama niya. Ang totoo niyan hindi niya ito
maintindihan. Kakaiba ang kilos nito sa ibang babae na kilala niya.
Kahit sa pananamit ay iba ito mag ayos. Palaging pantalon at T-shirt na
may mga kakaibang nakasulat. Walang make up at hindi pinag kakaabalahang
ayusin ang buhok. Ito ang tipo ng tao na kung mag-ayos ay hindi pag
kakainteresan ng iba na tingnan. Simpleng kagandahan, palaging simple
pero gusto niya ang bagay na iyon.
Mabuti nalang at hindi ito katulad ng mga babaeng nangungulit sa kanya
ngayon. Hindi ito pasweet o flirt. Nagustuhan rin niya ang pagiging
matapang nito, kahit anong gawin niyang pagsusungit ay nadadala nito.
Marunong itong makipagsabayan sa pakikipagtalo sa kanya. Makulit lang
ito kapag nag uutos sa kanya. Kung nagkataon siguro na katulad ito ng
ibang babae ay kaagad siyang matuturn off dito. Sa tingin niya,
interesting na babae si September Olivarez.
Ano na Jake? May girlfriend ka na ba? tawag pansin sa kanya ng mga
babaeng nakapalibot sa kanya. Nalaman nito ang kanyang pangalan dahil sa
maliit na name tag na suot niya sa gilid ng kanyang suot na uniform.
Oo nga may girlfriend ka na ba? ulit ng isa pa. Baka pwede ka muna
naming makakwentuhan kinikilig na request nito.
Hindi pwede maiksing sagot niya. Hindi niya maituloy ang pag lalampaso
ng sahig dahil sa mga ito. Talagang sinusubukan ang pasensya niya.
Alam mo hindi bagay sayo yang trabaho mo saad ng isa sa mga ito.
Sumama ka nalang sa amin. Siguradong mag e-enjoy ka, nang aakit ang
tingin na pinukol na isa sa mga ito sa kanya.
Malapit na siyang maubusan ng pasensya sa mga ito. Pasalamat ang mga ito
at hindi siya napatol sa mga babae. Siguro kung mga bading ang mga ito
ay kanina pa niyang napagsusuntok, katulad ng minsang nangyari sa bar na
pinuntahan niya noon. Naalala tuloy niya ang nangyari noon, nakulong
siya dahil sa pambu-bugbog sa bading na kumursunada sa kanya at
nagprisentang maging sugar mommy niya.
Jacob! tawag sa kanya ng isang pamilyar na boses ng babae mula sa

likuran. Nilingon niya ito. Nakita niya ang pormal na mukha ni


September. Sumunod ka sakin sabi nito at tumuloy sa kusina.
Girlfriend mo? tanong sa kanya ng babae sa tabi niya.
Yamot na iniwan niya ang mga ito at sumunod sa kusina. Nang pumasok siya
sa loob ay nakita niya si September habang kinakausap si Paolo na
kasalukuyang tinatanggal ang suot na apron.
What is it? he asked.
Magpalit kayo ni Paolo ng pwesto, utos nito at tinalikuran na siya.
Nagpatuloy ito sa pag luluto.
Ibinigay sa kanya ng binatilyong si Paolo ang apron at yellow na plastic
gloves. Nagtataka na tinanggap niya iyon.
Lagot ka, ikaw kasi... bulong sa kanya nito bago siya tuluyang nilagpasan.
Bakit mo kami pinagpalit? May problema ba? tanong niya sa dalaga.
Makahulugan ang tingin na pinukol nito sa kanya. Bakit mas gusto mo ba
sa labas? mahinahon na sagot nito sa kanya ngunit may bakas ng pag
kainis. May ibinulong din itong hindi niya naintindihan.
Hindi siya sumagot at ipinagpatuloy ang trabaho na naiwan ni Paolo. Ang
totoo, kahit hindi niya gusto ang ginagawa niya ngayon mas pipiliin niya
na mag kulong sa loob ng kusina kaysa lumabas at kulitin ng mga babae.
Pero bakit nga kaya siya pinalipat ng pwesto nito? Baka napansin nitong
hindi siya makakilos ng ayos sa labas dahil sa mga babaeng customer.
Hindi niya kasalanan na maraming babae ang nagpapapansin sa kanya. Iyon
kaya ang dahilan kung bakit? Pero bakit naman yata parang ang taray nito
ngayon? At anong ibig sabihin ng ibinulong sa kanya ni Paolo?
Ang mga babae talaga. Ipinag patuloy niya ang trabaho ng hindi na muling
nag sasalita pa. Kapag kinakausap siya ay tsaka lang siya iimik.
Naging tahimik sa loob ng kusina, wala kasi sa kanilang dalawa ni
September ang nagsasalita.
Lumipas ang buong maghapon na katahimikan ang namamayani. Hanggang nang
mag uwian na silang lahat. Kinabukasan ay ganoon parin ang dinatnan niya
sa Diner, at pati na rin ng mga sumunod na araw. Matamlay si Miss
September ngayon naalala niyang sabi ni Pancho sa kanya ng makalabas ng
Diner. Pansin mo? tanong pa sa kanya nito.
Sa kanilang lahat ay sigurado siyang sa kanya ito pinaka-umiiwas. Ang
hindi niya maintindihan ay kung bakit. Dahil kaya ito sa mana? O dahil
sa mga nasabi niya noong isang araw. Nahulog siya sa malalim na pag iisip.
Chapter VI
OH MY GOSH! exagerated na sambit kay September ng kanyang Mama ng
makita siya sa party na suot ang biniling cocktail dress nito.
Sweetie, youre so beautiful! anito at niyakap siya. Humiwalay ito at
muli siyang pinagmasdan mula ulo hanggang paa habang hawak nito ang
magkabila niyang braso. Combination ng black at pink ang dress niya.
Black ang top nito at makintab na pink naman ang bottom. Stilleto naman
ang sapin niya sa paa na may taas na three inches.
Pinamake-up-an din siya ng kanyang Mama sa magaling na make up artist
nito na si Gretchen. Napakalaki ng ipinagbago ng kanyang sarili pag
harap niya sa salamin. Ang kanyang straight na buhok ay pinakulot nito
at inayos upang bumagay sa mukha niya. Hindi siya makapaniwala sa nakita
niya. Ngayon ay alam na niya ang pakiramdam ni Cinderella nang maayusan
siya ng kanyang fairy godmother.
Hintayin mo lang yung kadate mo ok? Padating na siya. sabi nito
habang pinapaupo siya sa isang table for two sa bandang unahan malapit
sa stage. Mayamaya ay iniwan siya nito at pumunta sa backstage.
Naiwan siya sa kinauupuan. Nilibot ng kanyang paningin ang malawak na
kwarto. Napaka elegante ng mga decorations. Ang mga bisita ay kumikislap
sa sobrang kagandahan. Napakaraming tao ang dumalo sa launching. Kahit
naman pala hindi siya dumating ay okay lang. Maraming sikat na

celebrities ang nandoon. Yung iba naman ay pulitiko. At yung iba


katulad lang niya na mapalad na na-invite na pumunta.
Nakakainip para sa kanya ang party. Bukod sa Mama niya na paminsan
minsan siyang sinasamahan sa table na iyon ay wala na siyang ibang
kilala. Wala ng ibang lumalapit pa sa kanya. Nainip siya sa loob kayat
naisipan niyang lumabas upang makalanghap ng sariwang hangin. Pagtayo
niya ay may nahagip ang kanyang mga mata. Isang prinsipe ang papalapit
sa kinaroroonan niya.
He was wearing a black tuxedo. Pigil niya ang paghinga habang naglalakad
ito palapit sa kanya. Ito ang prinsipe na nabubuhay lamang sa mga fairy
tales para mapangasawa ng mga prinsesa. Napakagwapo at napaka kisig
nitong tingnan sa suot nito. Tumingin siya sa likod niya upang i-check
kung sa kanya nga ito nakatingin. Wala namang ibang lamesa sa likod
niya. Nanatili siya sa pagkakatayo at tinitigang mabuti ang perpektong
mukha nito.
Doon niya nakilala kung sino ang binata. Si Jacob dela Vega! Anong
ginagawa nito dito? Biglang dumagundong ang dibdib niya sa pagkakakita
dito. Ang kulang nalang ay puting kabayo para magmukha itong isang
totoong prinsipe at naimagine niya ang sarili bilang prinsesa nito.
Napalunok siya nang makalapit na ito.
You... ang tanging nasabi niya ng maabot siya nito.
Nanatili siyang nakatitig sa mga mata nito. He was smiling!
Me... anito at kinuha ang kamay niya upang halikan. May kuryente na
dumaloy sa balat niya nang hawakan siya nito. Bigla siyang nakaramdam ng
panlalabot sa mga tuhod niya nang madampian ng mga labi nito ang
nangingig niyang kamay. You look beautiful, anito habang nakatingin sa
namumula niyang mukha. Youre perfect, nagni-ning-ning ang mga mata
nito na animo siya ang pinakamagandang babae sa lahat.
Noon niya nalaman ang ibig sabihin ng kilig to the bones na palagi
niyang naririnig sa mga babae. Hindi parin nito binibitawan ang isang
kamay niya, at sana ay hwag na. Handa niyang ibigay ang lahat, ipagpalit
ang lahat tumagal lang ang paghawak nito sa kamay niya.
W-what are y- naputol ang tanong niya nang lumapit ang kanyang Mama.
Napakalapad ng pagkakangiti nito. Tila kanina pa silang pinapanuod na
dalawa.
Jake! Hijo! pagbati nito. Wow! Thanks for coming! Salamat sa pagpayag
mo na maging date ni Seph. You look great! masayang saad ng kanyang
Mama sa binata.
D-date? nanlalaki ang mga matang tanong niya sa ina. Bigla tuloy
siyang inulan ng hiya, pinakiusapan lang pala ito ng Mama niya na maging
date niya? Kaya naman pala sa kanya ito lumapit. Nakaramdam siya ng
dissapointment. Kaya naman pala.
Yes. Hindi ba sinabi ko sayo na ikukuha kita ng ka-date. Para naman
may makasama ka dito. Nagulat ka ba? anito at muling bumaling sa
binata. O pano? Ikaw nalang ang bahala sa baby ko okay?
Yes Tita. sagot ng binata at tumingin sa kanya nang makahulugan.
Ok, have fun! pag kasabi ay nag-mamadali sila nitong iniwan at
sinalubong ang bagong dating na bisita.
Napa buntong hininga siya at sinapo ang noo. Paano ba ito nagawa ng
kanyang Mama? Sa dami naman ng kadate na pipiliin nito bakit si Jacob
pa? Para saan pa ang ilang araw na pag iwas niya dito kung sila rin pala
ang mag kasama sa party? Pinipigilan na nga niya ang sarili upang hwag
lumalim ang nararamdaman para dito. Narealize niya na gusto na niya ang
binata. Sa tingin niya ay selos ang naramdaman niya nang makita niya
itong napaliligiran ng mga babae. Hindi niya gustong maulit ang
naramdamang iyon kaya umiwas siya. Tanggap naman kasi niya na
imposibleng magustuhan din siya nito.
Hindi niya alam kung kailan nagsimula ang pag kagusto niya dito.
Napakabilis kasi ng mga pangyayari. Wala pang ilang araw ay nahulog
kaagad siya dito. Hindi, siguro ay sa unang pagkakita palang niya sa

binata, unang pagkikita palang ay napahanga na siya nito. Simula kasi ng


araw na iyon ay tumatak na sa isip niya ang mukha ng binata at hiniling
niya na sana ay muli silang magkita.
Mayamaya ay biglang namatay ang mga ilaw. Natirang nakasindi ang
spotlight at nakatutok sa pinakasentrong bahagi ng stage. Dalawang babae
ang nakatayo roon at katabi ang malaking parihabang bagay na may takip
na puting tela. Nagsimulang magsalita ito. Una nitong pinasalamatan ang
mga bisitang dumating sa launching. Marami pa itong sinabi ngunit hindi
na niya pinag aksayahang intindihin pa. Mayamaya ay napuno ng maraming
usok ang stage at nagkaroon ng ibat ibang kulay ng malalamlam na ilaw.
Inalis na ang balot na puting tela sa parihabang bagay na nasa stage.
Ang front cover nang magazine ang laman noon. Isang sophisticated na
babae ang nasa cover habang may hawak na glass ng redwine.
Ilang sandali pa ay tumayo siya at nagpaalam kay Jacob na pupunta
sandali sa ladies room. Nag alok naman ang binata na sasamahan siya nito
papunta doon dahil madilim. Tumanggi siya. Iniwan na niya ito at tinungo
ang ladies room sa dulo ng pasilyo. Nang makapasok ay hinarap niya ang
sarili sa mahabang salamin sa loob nito. Huminga siya ng malalim.
Hinugasan niya ang kanyang mga kamay, pinunasan niya ito at saka lumabas.
Dahil hindi pa tapos ang show sa stage na ngayon ay napupuno ng mga
babaeng model, hindi parin binubuksan ang ibang ilaw. Hindi na niya
makita ang table na pinanggalingan, masyadong madilim doon. Ipinasya na
lang niyang pumunta muna sa labas. Sa terrace dinala si September ng
daan na tinahak niya. Maliwanag ang buwan pagkatingala niya. Malamig
naman ang hangin na dumadampi sa lantad na balat niya. Nawala ang mga
alalahanin niya ng sadaling iyon. Parang kay tagal na niyang hindi
naramdaman ang ganoong pakiramdam. Palagi kasi siyang nag iisip ng
malalim ng mga nagdaang araw.
Nag lakad lakad pa siya hanggang sa maabot niya ang ang parking lot.
Maraming sasakyan ang nakapark roon. Nakita niya ang kanyang volvo na
napag gigitnaan ng dalawa pang sasakyan. Nilapitan niya iyon, gusto muna
sana niyang umupo sa loob ng kanyang kotse at makinig sa music.
Hindi pa man siya masyadong nakalalapit ay may nakita siyang dalawang
lalaki na animo nagtatago sa tagiliran ng kanyang kotse. Napansin siya
ng mga ito na parang nabulabog na mga daga. Nagkatinginan ang dalawa.
Napansin niyang may hawak na mahabang bagay ang isa sa mga ito. Mukha
itong isang alambre.
Magnanakaw. Sigurado siyang magnanakaw ang mga ito, napanuod niya sa tv
kung paano inaalis ang lock ng kotse gamit ang mahabang alambre.
Kinabahan siya. Terror seized her so strongly that she was literally
trapped by it. She couldnt make her feet move. They were standing a few
feet away from her.
Nakita niyang gumalaw ang mga ito papihit sa kanya. Lagot siya kung
hindi siya tatakbo. Nilingon niya ang paligid walang ibang tao roon.
Walang ibang tutulong sa kanya kung sakasakali.
Naisip niyang hindi siya bubuhayin ng dalawang magnanakaw dahil nakita
niya ang mukha ng mga ito. Humakbang ang dalawa, sa una ay mabagal
ngunit nang pumihit siya upang tumakbo ay hinabol siya ng mga ito.
Mahigpit siyang hinawakan ng mga ito sa kanyang magkabila braso. Hindi
siya makalaban, narealize niya kung gaano siya kahina bilang isang babae.
Sa ganoong paraan ba siya mamamatay? Hindi niya kailanman pinangarap na
mamatay sa masakit na paraan. Duguan at nakahandusay ang walang buhay
niyang katawan sa isang madilim at liblib na lugar. Paano na ang Mama
niya? At ang mga pangarap niya?
Sa isip ay nakita niya ang umiiyak na mukha ng kanyang Mama habang siya
naman ay nakakulong sa isang mahabang kahon na may salamin at nakasuot
ng puting damit. Hindi niya nanaisin na mangyari iyon. Kung makakalapit
lang sana siya sa kanyang kotse at makukuha ang baseball bat na nakatago
roon. Pero paano naman kaya siya makakatakas sa dalawang lalaki na
humahawak sa kanya?

Gusto niyang sumigaw, malakas na sigaw. Pero gustuhin man niya walang
boses ang namuo sa kanya. Sa sobrang takot ay nawala ang boses niya.
Naramdaman niya na hinihila siya ng dalawa patungo sa isang itim na van.
Bitiwan nyo ko, pag pupumiglas niya. Ngunit mas lalo lamang humigpit
ang hawak ng mga ito sa kanya. Mula sa itim na van na hindi kalayuan sa
kanila ay nakita niya ang isa pang lalaki na lumabas mula rito upang
buksan ang pintuan. Isasama siya ng mga ito. Natakot siya, no way na
sasama siya sa mga ito. She was now ready and about to scream for help
when she heard a loud familiar voice. It was him, dressed in black. The
relief was there, pero napalitan din ito ng pag aalala para sa binata.
Nag iisa lang ito, kung may balak man itong labanan ang tatlo, para na
rin nitong hinarap ang sarili nitong kamatayan. Sigurado siyang wala
itong laban sa mga magnanakaw, katulad niya ay mapapahamak lang ang
binata. Maaaring armado ang mga ito ng baril o kaya naman ay patalim.
Kasalanan niya kung may mangyaring masama sa binata.
Let her go, he said with a low threatening voice. He made a step
forward. Kapag sinaktan nyo ang babaing yan, mananagot kayo sakin!
Dont be stupid! Run! pagsusumamo niya. Hindi siya nito pinansin,
parang wala lang na naglakad ito palapit sa kanila.
Mayabang kang bata ka ah! at sumugod ang isa sa mga humahawak sa
kanya. Malaking mama ito, mas matanda sa kanilang dalawa ni Jacob. Mas
malaki rin ang katawan nito. Mula sa likod ng bulsa ng pantalon ay
dumukot ito na isang balisong.
Nasindak siya. Sinugod nito ang binata. Mabilis naman iyong naiwasan ni
Jacob. Hinawakan nito ang kamay ng lalaki na may hawak na balisong,
itinaas nito ang kamay nito at hinila sa balikat upang tuhudin sa
sikmura. Bumagsak ang namimilipit sa sakit na kalaban.
Nagpatuloy sa pag lakad palapit sa kinaroroonan ng dalaga si Jacob. Wala
mang bakas ng emosyon ang mukha nito ay nagbabaga naman sa galit ang mga
mata nito. Ang lalaki naman na bagong labas sa itim na van ang sumunod
na sumugod. Mabilis itong kumilos at buong lakas na sinuntok sa mukha si
Jacob. Tinamaan ang binata pero parang balewala lang na gumanti ito.
Ginulpi nito ang lalaki, magkabilang suntok ang ibinigay ng binata dito.
Duguan ang mukha ng magnanakaw dahil sa mga suntok na inabot galing kay
Jacob. Lupaypay na ang lalaki sa gulping natamo.
Natakot si September sa nasaksihan. Parang sinapian ng masamang espirito
si Jacob. Puno ng galit ang binata, parang walang sinuman ang kayang
pumigil dito. Hindi parin nito tinitigilan ang nakahandusay na lalaki.
Papatayin ba niya ito? tanong niya sa sarili.
Sira ulo ka ah! malakas na sigaw ng natirang lalaki na may hawak sa
kanya.
Patulak siyang binitawan nito. Napahiga siya sa semento, nagasgasan ang
kamay at braso niya. Sinugod nito ang binata may hawak rin itong
patalim. Naalala niyang kunin ang baseball bat sa kanyang sasakyan.
Nagmadali siya at binuksan ang pintuan ng kanyang kotse. Mula sa likod
ng unahang upuan ay nagmamadali niyang kinuha ang bat. Mahigpit niya
itong hinawakan.
Kahit na hawak na niya ito ay hindi naman niya magawang gamitin. Hindi
niya kayang manakit ng tao. Nanatili siyang hawak ang bat habang
pinapanuod ang pag lalaban ng dalawa. Pero katulad din ng mga nauna ay
nananakit ang katawan na bumagsak ang kalaban ni Jacob.
Tila may sapi parin ito. Hindi ito tumitigil sa pagsuntok sa lalaki na
nakahiga at hindi na maka laban pa. Natakot siya na lapitan ito.
Mayamaya ay tumigil ito, humihingal na tumayo ito at inayos ang sarili.
Tumingin ito sa paligid na tila may hinahanap. Naisip niyang baka siya
ang hinahanap nito kaya patakbo siyang lumapit dito. Nang makalapit siya
ay nilingon siya nito. Wala na ang galit sa mga mata nito, napalitan ng
concern at relief ang expression ng mukha nito.
Binitawan na niya ang hawak na baseball bat at agad na yumakap dito.

Dahil sa samut saring emosyon na lumukob sa kanya ay hindi niya


napigilang umiyak.
Easy, love... Im here, he murmured in her ear, his voice was deep and
soothing. His embrace felt like home. I wont let them hurt you... I
promise.
Lalo niyang hinigpitan ang yakap sa binata. Mayamaya ay may naramdaman
siyang basa sa damit nito, nang tingnan niya ang kanyang kamay ay
sinalakay siya ng matinding gulat at takot. The sticky red stain on her
hands was blood indeed, she realized, staring in horror at the
unmistakable evidence that Jacob had been hurt. Pero paanong nangyari
iyon? Hindi niya nakitang tinamaan ito. Tumulo ang luha niya. Hindi
niya alam ang gagawin nagtatanong ang mga matang tiningnan niya ang
mukha nito. Nabasa naman nito ang emosyon sa mukha niya. Nang humiwalay
ito sa kanya ay tila nanghihina na napaluhod ito.
Chapter VII
Sa isang malaking hospital dumiretso si September kasama ang kanyang
Mama, doon nila dinala si Jacob upang gamutin. Maraming dugo ang nawala
dito kayat kailangang salinan. Hindi naman daw delikado ang natamong
sugat nito na siyang ipinagpasalamat ng malaki ni September. Ngunit
hindi naging ganap ang kanyang pasasalamat dahil umaga na ay hindi parin
ito nagkakamalay.
Mabuti nalang at hindi malalim ang pagkakabaon ng patalim, naalala
niyang sabi ng doktor na gumamot dito. Pero kailangan muna niyang
magpahinga, bawal siyang gumalaw masyado maaari kasi na dumugo ang sugat
niya paliwanag pa nito. Aside from that, hes fine. Mabilis na
makakarecover ang pasyente dahil narin sa malusog niyang pangangatawan.
Ang tatlong magnanakaw naman ay dinala sa presinto upang ikulong. Hindi
niya malaman kung magpapasalamat ba siya na kahit papaano ay ligtas ang
binata kahit na muntik nang manganib ang buhay nito. Hindi niya maalis
ang sisi sa kanyang sarili, kung hindi dahil sa kanya hindi mangyayari
ito. Kung bakit ba naman kasi niya naisipan pang lumabas ng party na
iyon at mag isang naglakad sa parking lot? Hindi sana nakahiga ngayon
ang binatang ito sa kanyang harapan sa isang puting kama sa loob ng
ospital.
Nasa loob sila ng isang private room, siya ang naiwang nagbabantay dito.
Umalis kasi ang kanyang Mama upang mag palit ng damit. Ayaw naman niyang
iwan ang binata kayat nagpadala nalang siya ng damit sa kanyang ina.
Nagbuntong hininga siya at saka nangalumbaba sa kama na hinihigaan ni
Jacob. Nasa gilid siya nito. Kahit na tulog ay hindi nabawasan ang
kakisigan ng binata. Katulad parin ng dati, para itong isang magnet na
humihila sa kanya palapit. Tinitigan niya ang mukha nito. Parang kay
sarap haplusin noon.
Sira! saway niya sa kanyang sarili. No way na mapasakanya ang
imposibleng nilalang na ito. Mas mabuti pa sigurong hwag nalang siyang
umasa pa. Pero hindi naman masama ang mangarap di ba? pilya niyang
naisip.
Ang swerte ng babae na mapapangasawa nito. Kayang kaya nitong
ipagtanggol ang sino man laban sa masasamang tao. Siguradong kaiingitan
niya ng sobra ang babae na iibigin nito. Atleast na-experience niya ang
ganoong feeling. Masarap pala sa pakiramdam nang may nagtatangol sayo
saisip niya. Naging mataas ang tingin niya sa kanyang sarili dahil
ipinag tanggol siya ng kahanga hangang nilalang na ito sa kanyang
harapan. Napangiti siya sa naisip. Pero bakit kaya nito iyon ginawa?
Nawala ang ngiti niya nang maalala ang eksena sa parking lot.
Kinilabutan siya bigla, hindi si Jacob ang taong iyon, masyadong
marahas. Ibang iba ang Jacob na nakahiga ngayon sa Jacob na nakita
niyang nakikipaglaban sa parking lot.
Maaaring nagawa lang niya yon dahil sa pag aalala niya sayo anang

isang boses sa kanyang isip. Baka mahal ka na rin niya?


Imposible mahinang sabi niya. Hindi niya tatanggapin ang rason na iyon
dahil napaka imposibleng mangyari noon. Nang akmang tatayo na siya ay
may naramdaman siyang humila sa kanyang kamay. Nilingon niya ito,
nakapikit parin ang mga mata ng binata.
Jake? mahinang tawag niya upang masiguro kung gising na ito. Unti unti
ang ginawang pag mulat ng mga mata nito.
Nasaan ako? tila nasilaw sa liwanag na sabi nito habang ikinukurap ang
mga mata. Anong ginagawa ko dito?
Nasa hospital tayo, ginamot ka nila, nag aalalang paliwanag niya. Nang
aktong babangon na ito ay pinigilan niya. Humiga ka muna, hindi pa
magaling ang sugat mo.
Tahimik siyang sinunod nito. Nagkatitigan sila, siya ang unang nagbaba
ng tingin. Mas mabuti pa tawagin ko nalang yung doktor para
Stay, bulong nito, halatang hindi pa nakakabawi nang lakas.
Are you sure? Ok ka lang ba? I mean, sumasakit pa ba ang sugat mo?
natatarantang tanong niya.
No... mahinang sagot nito.
Ok.
Mahabang katahimikan ang sumunod. Muling ipinikit ng binata ang mga mata
nito, hindi niya alam kung natutulog na ba ito o hindi. Ipinatong niya
ang mag kabilang siko sa gilid ng kama ni Jacob habang nakapangalumbaba
na hinintay niyang bumukas muli ang mga mata nito. Bumuntong hininga
siya. Hindi nagtagal at namigat ang kanyang mga mata. Hindi kasi siya
natulog, buong magdamag niyang binantayan ang binata. Naisip niyang
umidlip sandali.
Hindi alam ni September kung gaano siya katagal nakatulog. Nagising na
lang siya na nakahiga sa mahabang sofa sa loob ng kwarto. Meron ding
nakataklob na kumot sa katawan niya. Napansin niyang naka dress parin
siya. Sino kaya ang bumuhat sa kanya papunta roon? Si jacob? Nang
maalala ay napabalikwas siya at hinanap ito sa higaan nito. Wala ito
roon, wala rin sa banyo nang tingnan niya. Papalabas na sana siya nang
biglang bumukas ang pinto. Nakita niya ang mukha ng kanyang Mama,
sumunod ang mukha ni Jacob. Mag kasama ang dalawa.
Ma, saan kayo galing? agad na tanong niya.
Sa doktor, dumugo kasi yung sugat niya sa likod kaya sinamahan ko.
So, totoo pala ang hinala niya. Kaya siguro dumugo iyon ay dahil sa
pagbuhat sa kanya. Sinundan niya ng tingin ang binata habang pabalik sa
higaan nito.
Sinabi ko na kasing hwag gumalaw masyado, mahinang sabi niya sa binata
nang makalapit siya dito.
Kumunot ang noo nito. Hindi ko alam na ganoon ka kabigat, sa payat
mong yan, natatawang kunwaring reklamo nito sa kanya.
Nangingislap pa rin ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya.
Naalala tuloy niya ang gabing iyon kung saan nakita rin niya ang kislap
sa mga mata nito. Sandali siyang lihim na napangiti.
Nagpapa-cute ba ang ugok na to? tanong niya sa sarili. Pinameywangan
niya ito. Eh sino bang may sabi sayong ilipat ako sa sofa? mataray
na sagot niya.
Natawa ito sa ginawa niya. Kaya kong tiisin yung sakit ng sugat ko,
hindi ko lang talaga kinaya ang paghihilik mo. Hindi ako makatulog.
Namula siya. Yabang nito, dont worry kasi never mo na ulit yung
maririnig no.
I dont think so, sa susunod kasi na babantayan mo ko siguradong
makakatulog ka ulit, malapad ang ngiting tila may kahulugan ang
ibinigay nito sa kanya.
Sa susunod? ulit niya.
Seph, honey... tawag sa kanya ng kanyang ina sa likod.
Nakalimutan na niya ito. Bakit Ma?
In-invite ko kasi si Jake na sa bahay na muna magpagaling. Tutal malayo

ang byahe pauwi sa kanila. And sinabi ko rin na ikaw muna ang
magbabantay sa kanya, nakikiusap ang tingin nito sa kanya.
What?! naibulalas niya.
NURSE pakilipat nga sa ibang channel utos ni Jacob kay September
habang nakahiga sa malaking kama sa loob ng guest room ng bahay ng mga
Olivarez.
Katabi mo lang yung remote ah reklamo niya dito.
Hindi ako makagalaw eh, pagdadahilan nito habang malapad ang ngiting
nakatingin sa kanya.
Do not lose your temper, do not lose your temper, she chanted to
herself. Kinuha niya ang remote sa kama nito na ilang dangkal lang ang
layo mula sa kamay nito. Unang araw ng pagsisilbi niya dito pero
pinapahirapan na kaagad siya. Kanina pa siya nito inuutusan ng kung
anu-ano. Kung tutuusin ay kaya naman nitong gawin ang mga ipinagagawa sa
kanya. Ni hindi siya makalabas ng kwarto nito. Kung lalabas man siya ay
sandaling sandali lang dahil kapag natagalan siya ay pinapatunog nito
ang bell para matawag siya. Ayaw nitong utusan ang ibang katulong sa
bahay. Sa tuwing pinapaakyat niya sa kwarto ni Jacob ang isang kawaksi
ay bumabalik ito sa kanya at sinasabing siya ang tinatawag nito.
Siya rin ang nagluto ng umagahan at tanghalian nito. Ayaw kasi nitong
kainin ang luto ng cook nila. Ngayon naman ay katatapos lang niyang ipag
bake ito nang cheese cake na may kasamang strawberries sa ibabaw. Ngunit
nagreklamo pa ito dahil masyado daw iyong matamis, pero patuloy naman sa
pagkain ng cake. Para itong nagbalik sa pagkabata.
May kailangan pa po ba kayo Seorito? sarkastikong tanong niya.
Talagang ginampanan na nito ang pagiging hari ng pag uutos. Yung unan
ko masyadong mataas, pakiayos nga.
Sarap kutusan! Nagbuntong hininga siya at inikutan niya ito ng mga mata.
I cant believe this, bulong niya. Inayos niya ang unan sa likod nito.
Anything else? Your highness? pilit na ngiti ang ibinigay niya dito.
Pakipatay ng TV, utos nito at binuklat ang comic book na binabasa.
Lumapit siya sa TV at in-off ito. Humalukipkip siya at naupo sa gilid ng
kama. Kung wala ka nang ipagagawa lalabas na muna ako para
makapagpahinga ka. O mas tamang sabihing magpapahinga na muna ko,
kanina mo pa ako inuutusan eh.
Seph, about that night, tukoy ng binata sa gabing nangyari ang
masamang insidente. Natakot ka ba? pag iiba nito sa usapan.
Natigilan si September sa biglaang interogasyon nito. Mahirap balikan
ang mga nangyari nang gabing iyon lalo na at palagi niyang naaalala na
naging kasalanan niya ang pagkakasaksak sa binata. Hanggat maaari ay mas
gusto niyang hwag na lamang pag usapan ang nangyari. Bumuntong hininga
siya saka tinitigan si Jacob. Naghihintay parin ito ng kasagutan sa kanya.
Well, syempre natakot ako. Akala ko nga mamamatay na ako nung gabing
yon. Napangiti siya nang pagak nang maalala ang nangyari. Lumunok siya
bago nagpatuloy. Balak kasi nila akong isamakidnapin...? I dont know,
pero alam kong natigilan siya nang biglang nagbago ang ekspresyon
nang mukha ng binata. Bahagyang tumiim ang mga bagang nito.
Kung ganoon bakit hindi ka sumigaw? para itong tatay na pinapagalitan
siya dahil sa nagawang kasalanan. At saka bakit lumabas ka nang hindi
nagpapaalam sakin ang sabi mo sa ladies room ka lang?
Napakamot siya ng ulo sa itinanong nito. Bakit ba bigla nalang napapunta
dito ang usapan? Balak ko talagang bumalik nun sa table natin ang kaso
masyadong madilim. Hindi ko makita ang daan kaya... ayun naisipan ko
nalang na lumabas.
Alam mo kakaiba ka...
Huh? Paanong kakaiba? Yung kakaiba na maganda o pangit?
Simpleng ngiti lamang ang itinugon nito at saka napailing. Ano ba ang
dapat kong gawin sayo? he sigh.

Hey, whats that supposed to mean? tinampal niya ito sa binti na


nakapag paigtad naman sa binata. Natawa siya sa reaksyon nito.
Im bored, dance for me, balik sa paguutos nito at saka itinapon ang
binabasang komiks.
Naningkit ang mga mata niya. Kainis na tong unggoy na to ah! Ano
bang akala nya sakin sumasali sa audition? Pasalamat siyat...
Ngalingaling iumpog niya ang ulo nito sa pader. Pinilit niya itong
ngitian, yung may kahalong pagkainis. Im afraid thats not possible.
I cant dance. palusot niya.
Then sing, naiinip na sabi nito.
Hindi ako marunong kumanta. Tinirikan niya ito ng mata.
Bumuntong hininga ito at nag isip ng ibang ipagagawa sa kanya. Mayamaya
ay bigla nitong tinanggal ang suot na T-shirt. Parang slow motion ang
naging pagtanggal nito ng damit. Kahit anong pilit niya sa sariling
iiwas ang tingin dito ay hindi niya magawa. Napalunok siya. Nagulat siya
ng makita ang hubad nitong katawan. Bumilis ang tibok ng kanyang puso.
Agad niya itong tinalikuran bago paman mahuli ang lahat. Tumayo siya at
dumistansya dito.
Ano bang ginagawa mo? Isuot mo nga yan! kunwari ay inis na sabi niya
dito. Narinig niya itong tumawa sandali.
Dont tell me, hindi ka pa nakakakita ng mga nakahubad na lalaki,
anito. Lumapit ka nga dito utos nito.
Teka anong balak ng unggoy na to? saisip niya. Ayoko nga, mataray
na sagot niya.
Baka kung anu-anong kalokohan yang iniisip mo dyan. Lumapit ka dito at
tulungan mo ako na alisin tong benda. Maliligo ako.
Namula siya. Naimagine niyang naliligo ito. Bad girl! Bakit ba kasi
kailangan pa nitong sabihin na maliligo ito?
Ikaw nalang ang magtanggal, kaya mo naman yan... Gupitin mo nalang, no
way na sumunod siya sa utos nito! Hindi niya gustong makita ang
mapangakit na katawan ng binata. Baka ikahimatay niya iyon kung sakali
man na tingnan niya o mahawakan. Pero isang bahagi ng isip niya ang
gustong gawin iyon. Kadiri ka September, behave!
Natatakot ka ba sakin? tanong nito. O baka naman ngayon ka lang
nakakita ng ganitong kagandang katawan? Siguro naglalaway ka na dyan
ano? at tumawa ito nang malakas.
Napapihit siya dito at saka pinamaywangan ang kausap. Pwede ba?
mataray na sabi niya at tinaasan niya ito ng isang kilay. Puro kaya mga
lalaki ang kasama ko sa banda dati. And for your information hindi kita
pinagnanasahan. Asa ka pa! You wish!
Nagulat ito sa sinabi niya.
Banda?
Oo, bakit?
Kasali ka sa isang band, pero hindi ka marunong kumanta? natatawang
sabi nito.
Bakit? Kailangan bang marunong kang kumanta para makasali sa banda?
So anong position mo don? manghang tanong nito, tila interesado sa
nalaman.
Wala ka na don, at tsaka pwede ba isuot mo na nga yang damit mo utos
niya.
Akala ko ba hindi ka affected sa katawan ko? pilyo itong ngumiti.
Jacob dela Vega! Isuot mo yang T-shirt mo ngayon din, kung ayaw mong..
A-anong ginagawa mo? nagpa-panic na tanong niya nang bigla itong tumayo
sa kama at lumapit sa kanya.
So natatakot ka sakin? tanong nito nang ma-corner siya.
Napaatras siya. A-anong ginagawa mo? nanginginig na tanong niya. Tuloy
ito sa paglapit at siya naman ay tuloy sa pag atras. Napasandal siya sa
nakasarang pintuan ng kwarto. Itinukod ng binata ang dalawang kamay sa
dalawang tagiliran ni September upang maikulong siya.
Naranasan mo na bang mahalikan? bigla ay tanong nito habang nakatitig

sa kanyang mga labi. Mapang-akit ang sumilay na ngiti nito sa mga labi.
Napalunok ang dalaga. Magkalapit ang kanilang mga mukha na siyang naging
dahilan upang maamoy niya ang mabangong hininga nito. Nakagat niya ang
ibabang labi. Unti unting inilapit ng binata ang mukha sa kanya.
Napatitig siya sa mapang akit nitong mga labi. Napapikit siya nang
mariin at hinintay ang susunod na gagawin nito, mayamaya ay suminok siya.
Napatigil sa paglapit ang mukha ng binata at tiningnan siya. Puno nang
amazement ang mukha nito. Hanggang sa inalis na nito ang dalawang kamay
sa kanyang mag kabilang tagiliran. Lumayo ito ng bahagya at tumuloy sa
pagtawa.
Unbelievable! singit nito sa pagitan ng pag tawa.
Muli siyang suminok at mas lalo pa itong napatawa ng malakas.
Sarkastikong nginitian niya ito at saka binuksan ang pinto at lumabas ng
kwarto. Nagpatuloy siya sa paglakad hanggang maabot ang pintuan ng
sarili niyang kwarto. Binuksan niya iyon at agad na pumasok sa loob.
Napahiga siya sa kanyang kama at hinawakan niya ang kanyang mga labi.
Muntik na! Ang unggoy na yon, kainis!
Inis na tinakpan niya ang mukha ng unan.

Chapter VIII
Makalipas ang dalawang linggo ay walang paalam na umalis si Jacob sa
bahay ng mga Olivarez. Samantala, si September naman ay nagtagal pa ng
isang araw sa bahay na iyon sa alabang bago bumalik sa Laguna.
Nang lumipas ang tatlong araw ay hindi parin nakikita ng dalaga si
Jacob. Hindi ito sumusulpot sa Diner. Ni tawag man lang ay wala siya
ritong narinig. Nag alala siya kaya naman tinawagan niya ang abogado ng
kanyang ninong para mahingi ang address na tinitirahan ng binata.
Nang makuha ay nagmamadali siyang umalis sa Diner para bisitahin si
Jacob. Paano ba nitong nagawa na umalis ng hindi man lang nagpapaalam at
hindi man lang tumatawag para malaman niya kung ayos lang ito o hindi?
Pagkalipas ng halos kalahating oras ng pagddrive ay narating ni
September ang isang maliit at tagong barangay. Kakaunti lamang ang mga
bahay roon. Ipinagtanong niya kung saan matatagpuan ang bahay sa address
o kung may nakita silang bagong lipat roon na matangkad at maputing
lalaki. Mukhang kilala ng mga tagaroon ang binata dahil madaling naituro
ng mga ito ang lugar na tinitirahan ni Jacob.
Ang bahay pala nito ang nasa pinakadulo ng daan kung di-diretsuhin niya.
Nag pasalamat siya sa mga napagtanungan at saka nagpatuloy sa pag
da-drive. Hindi na sementado ang dinadaanan ng kanyang kotse, isa na
itong maalikabok at hindi patag na lupa.
JAKE?! tawag ng isang pamilyar na boses kay Jacob. Napabalikwas siya
mula sa pagkakahiga sa kama at agad na sumilip sa bintana ng kanyang
kwarto. Tama siya, si September nga ang may ari ng boses, ang akala niya
ay imahinasyon lamang niya iyon. Pero ano naman kaya ang ginagawa ng
dalaga sa tapat ng bahay niya? May kailangan kaya ito? Jacob! Nandyan
ka ba?! muli nitong tawag.
Isinuot niya ang T-shirt na nasa tabi ng kanyang kama. Masyadong mainit
ang panahon dahil summer kaya naisipan niya itong hubarin kanina.
Lumabas siya ng bahay upang mabuksan ang nakasarang gate.
Kunot ang noo na sinalubong niya ng tingin ang dalaga. May nakita siyang
nagdaan na relief sa mukha nito. Pano mo nalaman ang bahay ko? agad
na tanong niya rito. May kailangan ka ba?
Hindi mo man lang ba ako papapasukin? Ang init dito...
Umalis siya mula sa pagkakaharang sa daraanan nito. Agad itong pumasok
at dumiretso sa terrace ng bahay. Huminto ito roon at hinintay siyang
makalapit upang buksan ang pinto ng bahay. Napansin niyang may dala

itong malaking paper bag sa isang kamay. Lumapit siya at binuksan ang
pinto para sa dalaga.
Ano yan? tanong niya nang makapasok sila sa loob ng bahay. Naupo ito
sa sofa sa sala samantalang nanatili siyang nakatayo. Iniikot ni
September ang tingin sa buong kwarto.
Ito? tanong ng dalaga habang itinataas ang dalang paper bag. Uhmm...
Mga bagay na dinadala kapag dumadalaw sa may sakit anito habang
iniaabot ang paper bag sa kanya.
Tiningnan niya ang laman ng bag, may mga prutas at isang malaking kahon
ng pizza. Natawa siya ng mahina. Napalingon ang dalaga sa kanya. Pizza?
Dapat flowers yan, pero mas maganda nang pizza simpleng sagot nito.
Bakit ka nga pala umalis nang hindi man lang nagsasabi? Hindi ka man
lang tumatawag, hindi ka rin napasok. Ang akala ko tuloy kung napano ka
na. Wala ka bang cell phone? O masyado kang busy dito para maisip man
lang na tumawag sakin? sunod sunod na tanong nito, na tila
nagtatampong bata na hindi inuwian ng pasalubong.
Natawa siya sa inasta nito, hindi madalas na makita niyang ganoon ang
hitsura ni September. Cute. Kung sa iba siguro mate-turn off siya pero
hindi kay September dahil espesyal ito para sa kanya, since na once in a
blue moon lang siya humanga sa isang babae, sasamantalahin na niya ang
pagkakataon. Umupo siya sa tabi nito at halos idikit ang mukha na
nagtanong.
Na-miss mo ko no? malapad ang ngiting tanong niya. September was
blushing like a teenager. Her mouth opened that lovely lush, delicious
mouth of hers but no sound came out. Hinawakan niya ang isang pisngi
nito upang salubungin ang mga mata niya, tila nagulat ito kaya hindi na
nakapagprotesta. Akmang aangkinin na niya ang mga labi nito nang biglang
may kumalabog sa kanyang pintuan. Napatigil siya sa ginagawa at
napasulyap sa pinto, hindi na niya napigilan ang dalaga nang tumayo ito
upang pagbuksan ang kumakatok. Dammit! Hindi ko ba talaga magagawang
halikan ang babaing ito nang walang istorbo? Hinayang na hinayang siya
sa nasayang na pagkakataon. Sa susunod siguro ay dadalhin na niya si
September sa isang deserted island para magawa na niya ang gusto niyang
gawin dito.
NAPAKABILIS ng mga pangyayari para masundan ni September. Paano ba sila
humantong sa ganoong ayos? Hindi man tingnan ang sarili ay alam niyang
kulay kamatis na ang kanyang mukha sa sobrang hiya. Pilit mang
pakalmahin ang sarili ay hindi niya magawang kontrolin ang tila
sumisirko niyang puso. Parang mabilis na tinatambol ang puso niya.
Sa
buong buhay niya ay ngayon lamang ito nangyari sa kanya. Kahit na parang
sumisikip ang dibdib niya ay nakapagtatakang napakagaan ng pakiramdam
niya at gusto niya iyon.
Nang maabot ang knob ng pintuan at buksan niya iyon ay naalis ang ngiti
sa kanyang mga labi nang makita ang batang luhaan.
Ate tulungan nyo po ang lola ko... tuloy sa pag iyak ang batang babae
na sa tingin niya ay kasasampa lamang ng sampu ang edad.
Lumuhod siya sa harap nito upang magpantay ang kanilang mga mukha.
Bakit? Anong nangyari?
Humikbi ito habang kinukusot ang basang mga mata. Si lola, tulungan
nyo po si lola, pagsusumamo nito.
Dala marahil ng instinct ay binalikan niya si Jacob at hinila papunta sa
bata, basta ang alam lang niya ay kailangan nilang magmadali at
kailangan nila ang tulong ng binata.
Ituro mo samin kung nasan ang lola mo. utos niya sa bata.
Nagmamadali itong tumakbo at sinundan nilang dalawa ni Jacob.
Hindi kalayuan ay may natanaw silang maliit na bahay. Sa labas noon ay
nakita nila ang walang malay na matanda na nakahiga sa lupa. Patakbo
nila itong nilapitan. Lumuhod siya at hinawakan ito.

Lola? Lola? Still no sign, no movement. Nakaramdam siya ng kaba na


baka nahuli na sila at patay na ito, but then she was breathing. Her
chest barely rising and falling, the air going in and out. So shes not
-- in the other word -- dead. Think. Ano ba ang ginagawa sa mga taong
unconscious? CPR? No need for that, humihinga siya. Check the heart? She
put her ear to her chest and heard the heart thumping. Okay, so buhay
talaga siya. Kahit paano ay nabawasan ang pag aalala niya.
Anong nangyari sa lola mo? narinig niyang tanong ni Jacob sa umiiyak
na bata, bakas ang pagkabigla at pag aalala sa boses nito.
H-hindi ko po a-alam, b-bigla po siyang natumba... umiiyak na saad nito.
Jake, tulungan mo ko dito, kailangan natin siyang madala sa ospital
Agad itong lumapit at binuhat ang matanda. Tinungo nila ang kanyang
kotse na nakaparada sa tapat ng gate ng bahay ni Jacob. Nahirapan sila
sa pagpasok sa matanda sa kotse niya dahil ang dalawang pintuan lang sa
may front seat ang available. Dahil sa may kaliitan ang kanyang kotse ay
siya ang naunang pumasok at inalalayan ang matanda patungo sa backseat.
Si Jacob ang umupo sa harapan ng manibela at nasa opposite side naman
nito ang batang babae.

Chapter IX
May nakita kaming bara sa ugat ng pasyente malapit sa puso saad ng
doktor na tumingin sa matanda na dinala nila ni Jacob sa ospital.
Kailangan niyang maoperahan dahil maaaring ikamatay iyon ng pasyente
patuloy nito.
Natutop niya ang bibig sa narinig.
Kayo ba ang kamag anak ng pasyente?
Kapit bahay po.
Ganoon ba? Kailangan kong makausap ang ibang kamag anak ng pasyente
dahil kailangan niyang maoperahan sa lalong madaling panahon. Kailangan
ko rin silang makausap tungkol sa mga gastusin, hindi biro ang halagang
kailangan para sa operasyon at pagpapagaling ni lola.
Wala na po akong alam na ibang kamag anak ni lola. Ang alam ko siya at
ang apo nya nalang ang magkasama sa buhay, saad niya. Nalaman niya iyon
dahil sa apo ng matanda na ang pangalan pala ay Marie. Yung sa
hospital bills po, ako nalang po ang bahalang umasikaso. Kung maaari
lang po, sa lalong madaling panahon, operahan nyo na po si lola.
Iligtas nyo po siya, pakiusap niya.
Hindi man niya kilala ang matanda ay naaawa naman siya sa apo nito na
walang tigil sa pag-iyak. Paano na ito kung mawawala pa ang nag iisang
kamag anak at kasama nito sa buhay. Naalala niya kung gaano kasakit ang
mawalan ng minamahal. Katulad ng pag kawala ng kanyang ama noong maliit
pa siya. Maswerte pa nga siya dahil may ina pa siya na mag aalaga sa
kanya. Pero ang kaawa awang batang iyon ay wala nang ibang inaasahan
kung hindi ang lola nito.
Ang problema nalang ngayon ay ang pera na ibabayad sa mga bills ng
matanda. Malaking halaga ang kakailanganin. Hindi kasya ang pera na
naitabi niya sa bangko. Kulang na kulang iyon. Nahihiya naman siya sa
kanyang Mama na humingi ng pera na pambayad para sa taong hindi naman
nila kakilala. Ang tanging solusyon ay ang ibenta niya ang kanyang
sasakyan. Siguradong kakasya ang perang matatanggap niya para sa mga
gastusin sa ospital.
ANONG problema? Anong sabi ng doktor? tanong ni Jacob kay September
nang makita niya itong nakaupo sa bench sa tapat ng kwartong kinuha nila
para sa matanda. Kasama nitong nakaupo si Marie. Lumingon sa kanya ang
bata, mayamaya ay pumasok sa loob ng kwarto ng lola nito. Siya ang

pumalit sa pwesto ni Marie. Umupo siya at hinawakan ang isang kamay ng


dalaga.
Kailangan daw ng malaking halaga para sa operasyon pati na sa gamot at
iba pang hospital bills malungkot na sabi nito.
Bumuntong hininga siya. Are you okay? tanong niya. Anong iniisip mo?
Humugot ito ng malalim na hininga at saka tipid na ngumiti sa kanya.
Iniisip ko kung anong gagawin ko para matulungan sila, actually may
plano na nga ako. Kung maibebenta ko ang kotse ko wala ng problema.
Ibebenta mo ang kotse mo?
Kotse para sa isang buhay, hindi na masama di ba? Pwede naman akong
bumili ng isa pang kotse kapag nagkapera ulit ako, kahit na hindi iyon
kasing ganda ng una. Wala naman sakin yun, ang mahalaga gumaling si Lola.
Nakaramdam siya ng panliliit sa sarili. Kaya nitong magbigay samantalang
siya ay nananatiling makasarili. Ano nga ba ang materyal na bagay kung
ikukumpara sa buhay?
Bakit ba ngayon lang niya na-realize ang bagay
na iyon? Wala siyang ibang inintindi kung hindi ang sarili lang niya at
walang ibang minahal kung hindi sarili lang din niya. At ngayon, hindi
niya maatim na umupo sa silyang ito nang hindi kumikilos. Hindi kaya ng
pride niya na pabayaan si September na pumasan ng lahat ng problema.
Alam niyang hindi lang ito pride, marahil ay may nagbago na talaga sa
kanya. Pagbabago na hindi niya namalayang dumating. Love was so strange.
It didnt mean anything then it meant everything.
Hwag na, hindi mo kailangang ibenta ang kotse mo. Alam kong mahalaga
sayon yon. Ako na ang bahala, aanhin ko pa ang milyones ko kung hindi
ko gagastusin? pagmamayabang niya.
Makahulugan siya nitong tiningnan. Hwag ka ngang mayabang dyan, ni
kotse nga wala ka.
Kapag sinabi kong ako ang bahala, ako ang bahala, okay? Hwag ka nang
masyadong mag isip. Hinaplos niya ang pisngi nito.
Kumunot ang noo nito at saka parang may biglang naalala. Natutop nito
ang bibig. Please dont tell me na... may pag susumamo sa boses nito.
Hinawakan siya nito sa kamay, nanlalamig ang mga iyon.
Bakit? alam niyang nabasa na nito ang nasa isip niya.
Hindi ako tanga para hindi maisip ang binabalak mo tumaas na ang boses
nito. Plano mong isuko ang mana mo para makuha ang... Alam mong hindi
mo kailangang gawin yan, hindi ako papayag na gawin mo yan.
I made a choice, Seph he said with a sigh. If it will help others, I
have to do it!
No, pag protesta nito na sinabayan ng pag iling.
Marami na akong naging kasalanan, mga pagkakamali. At gusto ko na kahit
ngayon lang may magawa akong tama sa buhay ko. Natawa siya sa sarili.
Malaki na talaga ang ipinagbago niya. Tinulungan siya ni September na
magkaroon ng pag asa sa buhay, ang maging masaya. Higit sa lahat ay
tinuruan siya nito kung paano ang magmahal. Bigla tuloy niyang naalala
ang Pandoras Box. Sa lahat ng hindi magagandang bagay na nangyari sa
buhay niya, may natira parin sa kanyang pag asa.
Hayaan mo sana akong gawin ang kung ano ay sa tingin kong tama.
Hinawakan niya ng mahigpit ang mga kamay ng dalaga. Gusto kong bumawi
sa lahat ng kasalanan na nagawa ko, gusto ko silang tulungan. Kung
patuloy akong aasa sa mana na matatanggap ko, patuloy lang akong
magiging makasarili. At ayokong maging huli ang lahat para sakin.
Tinitigan niya ito.
Sandaling natahimik si September at nagbaba ng tingin.
Sige, humugot ito ng malalim na hininga. May gusto lang akong
hilingin sayo. Mataman siya nitong tinitigan.
Anything, ngumiti siya kahit bahagyang naguguluhan.
Pakasalan mo ko, hindi iyon isang pakiusap kung hindi isang utos.
Ganoon na lang ang pagkagulat niya. Nawala ang ngiti sa kanyang mga

labi. Hindi niya maintindihan kung bakit bigla nitong sinabi iyon sa
ganoong sitwasyon. And to think na ito pa ang naunang mag-yaya na mag
pakasal sila. Hindi ito ang tipo ng tao na magdedemand ng ganoon.
Pakasalan siya? Syempre sa hinaharap alam niyang aalukin niya ito ng
kasal pero hindi pa ngayon at hindi sa ganitong pagkakataon. At wala rin
siyang balak magpropose ng kasal habang nasa loob sila ng ospital. Ano
ba ang iniisip nito? Bakit bigla itong nagyayang magpakasal? Alam niyang
hindi pa ito handa sa bagay na iyon at ganoon din siya.
Nang matigilan siya at hindi kaagad nakasagot ay nagpatuloy ito.
Sa oras na mapunta sa pangalan ko ang lahat, ipangako mo sana sakin na
hahayaan mo akong maging asawa mo, seryoso ang mukha nito sa sinabi.
Iyon lang ang tanging paraan para...
Para mapunta sa ating dalawa ang properties ni Papa, tama ba? pilit na
tawa ang ginawa niya. Magpapakasal ka ba sa taong hindi mo mahal?
Pasensya ka na, pero hindi ko hahayaan na gawin mo yan. Maling mali ang
konsepto at dahilan mo sa kasal huminga siya ng malalim upang maibsan
ang paninikip ng dibdib niya. Mahirap tumanggi sa taong mahal mo. Dont
feel sorry for me Seph, please. Dont marry me just because
Pero mahal kita, punong puno ng emosyon na sambit nito.
Napakalaki nang idinulot nitong kaligayahan sa kanya. Mahal siya nito.
Gusto niyang yakapin ito ng mahigpit at hwag nang pakawalan pa. Ngayon
mahihirapan na siyang iwan ito. Nag uumapaw ang damdaming gustong
kumawala sa loob niya. Pakiramdam tuloy niya ay sasabog siyang parang
bomba dahil alam niyang hindi pa ito ang tamang panahon para sa kanilang
dalawa. Hindi pa tamang umamin siya dito. Marami pa siyang dapat baguhin
sa sarili, kailangan pa niyang iayos ang napabayaang buhay. Paano niya
magagawang ibigay dito ang puso niya nang buong buo kung hindi pa
kumpleto ang pagkatao niya?
He took a deep breath, held it, let it out. Im sorry but I cant marry
you Seph. Tila pinisil ang puso niya sa sariling binitawang salita.
God, was that my voice? I just cant. Pigil niya ang sariling hwag
tingnan sa mga mata ang dalaga. He knew she was hurting, pero ito ang
mas makabubuti para sa kanilang dalawa. Mabuti nang ayusin muna niya ang
buhay niya bago tuluyang ibigay ang puso dito. Im sorry.
Patakbo itong lumayo sa kanya. Doon lang niya napakawalan ang galit sa
sarili. Naikuyom niya ang kamay at buong lakas na sinuntok ang pader.
Hindi niya mapapatawad ang sarili sa pananakit dito.
WALA NANG Jacob na naabutan si September sa ospital pagbalik niya.
Katulad ng dati, walang paalam na umalis ito. Tila tumigil ang pag ikot
ng mundo para sa kanya dahil alam niyang hindi na ito babalik pa. Tila
binalot ng yelo ang puso niya ng mga sandaling iyon. Ikinagulat naman
niya ang pagdating ni Attorney Dominguez sa ospital sa napakaiksing
oras. Sinabi nitong tinawagan daw ito ni Jacob at mabilis na pinapupunta
at ipinapaasikaso ang mga dapat bayaran sa ospital. Ibinalita nito sa
kanya ang ginawang pag suko ng binata sa mana kapalit ng maliit na
porsyento na matatanggap nito na tamang tama lamang sa kinakailangang
halaga.
Sa palagay ko ay naging napakalaki ng pagbabago ng ugali ni Jacob dela
Vega saad ng abogado kay September habang umiinom ng kape sa canteen ng
ospital. Malaki ang naitulong mo Ms. Olivarez sa pagbabago niya. Natuto
na siyang maging mapag bigay at mag pahalaga sa buhay ng ibang tao. Sa
tingin ko, ikatutuwa ng ama niya ang makitang nag bago na ang anak niya.
To think na isinuko nito ang kayamanan para matulungan ang mag lola,
humahanga ako sa ginawa niya.
Sa tingin ko, mapagbigay na talaga si Jacob simula palang noong una.
Nakalimutan na nga lang niya ang bagay na iyon dahil sa pagbabago bigla
ng buhay niya. Hindi naging madali para sa kanya na mamatayan ng ina,
napakabata pa kasi niya nang iwan siya. Biglang nagbago ang pananaw niya
sa buhay aniya habang hawak ang tasa ng kape. Nakaramdam siya ng

matinding pangungulila sa binata. Mag iisang linggo na rin ang nakalipas


simula nang umalis ito. Naoperahan na ang matanda na ngayon ay
nagpapagaling na salamat sa tulong ni Jacob.
And we thank you for bringing the old Jacob back, He set his cup down
carefully on the saucer.
Attorney, ano po ba talaga ang plano ni Ninong? May inililihim po ba
kayo samin? Siguradong may iba pang balak si Ninong.
Natawa ito senyales ng pagkabisto. Kaya nga ako naririto ay upang
idis-cuss ang tungkol dyan. Ang totoo niyan ginawa lang talaga ang mga
kondisyon na iyon para matuto si Jakob na sumunod at mag karoon ng bagay
na pahahalagahan niya. Matuto sa buhay at maging responsableng tao.
Hindi naman talaga mahalaga kung matapos ang anim na buwan, anito at
inilapag ang dalawang kamay sa lamesa.
Mananatili sa pangalan ni Jacob dela Vega ang mga natirang ari-arian ng
ama niya. Isa iyong regalo mula sa Seor, sa oras daw na matutunan na ni
Jacob ang pagbibigay ng halaga sa ibang tao hindi lang sa kanyang sarili
ay maaari na nitong makuha ang mana, nakangiti nitong sabi.
Napaawang lang ang kanyang bibig, wala siyang masabi. Tama nga siya,
hindi ito maaaring pabayaan ng ama nito. Nakaramdam siya ng tuwa para sa
binata. Siguradong magiging responsable na ito sa pagpapalakad ng mga
negosyo na naiwan ng ama.
And this is for you, nakangiting sabi ng abogado sa kanya. May
inilabas itong dokumento mula sa attache case at inilapag sa lamesa
upang tingnan niya. Ipinabibigay ni Seor dela Vega ang dokumentong
iyan. Nakasaad diyan na simula ngayon, ang villa ay nasa ilalim na ng
iyong pangalan.
Gulat na napatingin siya sa dokumento na nasa lamesa. Binuklat niya
iyon. Totoo nga, nakalagay ang pangalan niya bilang may ari ng villa.
Hindi niya inaasahan na ireregalo iyon sa kanya ng kanyang yumaong
Ninong. Ngayon ay alam na niyang hindi lang ang pagiging matigas ang ulo
ang namana ni Jacob sa ama nito, namana rin nito ang pagiging mapag
bigay. Napangiti siya sa naisisp. Punong puno talaga ng sorpresa ang
dalawang iyon. Ibang klaseng mag ama.
ILANG linggo pa at nakalabas na ng ospital ang matanda. Labis ang naging
pagpapasalamat nito sa kanya at sa abogado. Halos maluha ito sa sobrang
pasasalamat. Kung hindi daw kasi dahil sa kanila ay malamang na wala na
ito. Wala rin kasi itong ibang kamag anak na magbabantay kay Marie.
Inihatid niya ang mag lola sa bahay ng mga ito.
Salamat talaga nang marami, hija ha, ulit nito sa di niya mabilang na
beses.
Mag ingat po kayo dito lola ha? Minsan po dadalawin ko kayo, aniya.
Yumakap sa kanya si Marie. Napalapit na rin siya dito dahil malambing at
mabait ito kahit na may pagkamahiyain.
Sa susunod dadalhan kita ng mga laruan, ngumiti siya dito.
Sige po lola, aalis na po ako pag papaalam niya.
O sige, mag ingat ka ha. Dumalaw ka kahit kailan mo gusto.
Kumaway na siya dito at saka lumulan sa kotse. Sinimulan na niyang
patakbuhin ang sasakyan. Hindi na niya napigilan ang sarili nang
magdrive siya patungo sa bahay na tinirahan ni Jacob. Binuksan niya ang
hindi naka lock na gate at pinasok niya ang bahay. Tahimik sa loob na
parang matagal nang hindi tinitirahan. Binuksan niya ang pintuan ng
kwarto ni Jacob. Wala na ang mga gamit ng binata sa loob ng maliit na
closet. Nag simula na ang pagtulo ng mga luha niya na matagal na rin
niyang pinipigilan. Paano nitong nagawang umalis ng hindi man lang
nagpapaalam? Sanay na siya sa hindi nito pagpapaalam, pero ng mga
sandaling iyon ay alam na niyang hindi na sila muli pang magkikita ng
binata.
Umiiyak na nahiga siya sa kama nito. Buong puso niyang hiniling ang
pagbabalik nito.

Chapter X
Three years later...
Nanay Rosie kumusta na po? bati ni September nang salubungin siya ng
matandang namamahala sa villa na ngayon ay kanya nang pag aari.
Tuwang tuwa ito nang makita siya. Tinulungan siya nito sa mga bitbit
niyang bagahe. Mabuti at nakabisita ka, naku hija mas lalo ka yatang
gumanda ngayon, may nobyo ka na ba anak? excited na tanong nito sa
kanya habang inaakyat nila ang mataas na hagdanan.
Iginala niya ang paningin sa loob ng malaking bahay. Halos wala paring
nagbago, ito parin ang villa na iniwan niya tatlong taon na ang
nakararaan. Tandang tanda parin niya ang mga nangyari sa loob noon. Ang
mga masasaya at malulungkot na alaala. Pilit niyang inalis sa isipan ang
lahat ng tungkol kay Jacob. Hindi parin lumilipas ang sakit na
nararamdaman niya dahil sa pag alis nito. Nang mawala ito ay parang
nawala ang kalahati ng pagkatao niya. Wala siyang ibang ginawa kung
hindi ang pakilusin ang katawan niya sa nakasanayan nitong gawin bago
dumating ang binata sa buhay niya. Hanggang sa hindi na niya nakayanan o
hindi na siya nakayanan tingnan ng mga taong nakapaligid sa kanya.
Nandoon nga ang katawan niya pero wala ang isip niya. Minabuti niyang sa
bahay nila sa Alabang siya magbakasyon pero hindi siya nakayanan ng
kanyang ina. Palagi daw kasi syang wala sa sarili at hindi makausap
minsan. Kaya napag isipan nalang niya na dumalaw sa villa.
Nandito na tayo, sabi ni Nanay Rosie at inilapag ang bag sa tabi ng
kama. Katulad pa rin ng dati ang kwarto mo. Sya nga pala kung may gusto
kang ipabago dito sa villa sabihin mo lang, ngayong sa iyo na ito eh mas
makabubuting bago sa paningin mo ang lahat. Alam kong may mga bagay na
hindi mo gustong maalala.
Salamat po, Nay. Mas gusto ko po na manatili ang lahat sa dati nitong
ayos.
Napansin niyang biglang lumungkot ang mata nito. Bumuntong hininga ito.
Anak, kung minsan hindi rin maganda na manatili tayong nabubuhay sa
nakaraan. Minsan para maharap natin ang bukas kailangan nating matutunan
na bumitaw sa nakalipas na. Suhestyon nito na parang alam ang
pinagdaraanan ni September. Mas makabubuti iyon para sayo.
Ngumiti siya ng tipid. Tama ito sa sinabi. Kapag po siguro handa na ako.
Nakakaunawang nginitian siya nito.
Teka ipag luluto kita ng paborito mo, sinigang hindi ba? pag iiba nito
sa usapan. Siguradong gutom ka na. tumalikod ito at hinarap ang pinto
palabas Sandali lang ha sabi pa nito. Tumango siya at tuluyan na itong
lumabas ng silid.
Nanghihina na napahiga siya sa kanyang kama. Tinitigan niya ang kisame.
Nagtagal ang paningin niya roon kahit wala naman siyang ibang nakikita.
Bumuntong hininga siya at saka napagpasyahan na ikutin ang buong villa
para lang mawala ang pagka inip. Lumabas siya ng kwarto at nagpatuloy sa
paglalakad. Inisa isa niya ang bawat kwartong madaanan niya. Wala namang
masyadong ipinagkaiba ang ibang kwarto sa isat isa. Binuksan niya ang
may kalakihan pinto na sa tingin niya ay ang kwarto ng dating may ari ng
villa. Simple ang design ng kwarto pero elegante. Isang malaking
portrait ng babae ang umagaw sa atensyon niya na nakasabit sa dingding.
Umabot ang taas nito sa kisame. Napakaganda nito, maamo ang batang
mukha. Tila multo naman na nagbalik sa kanya ang mukha ni Jacob.
Magkatulad sila ng mga mata. Pamilyar ang sakit na naramdaman niya.
Napalunok siya at nanatiling nakatitig sa magandang mukha ng ina ni

Jacob.
PINAGMASDAN ni September ang napakagandang paglubog ng araw sa may
dalampasigan. Malamig ang hangin na dumadampi sa balat niya. Nakaramdam
siya ng biglang panlalamig. Ngunit kahit na ganoon ay hindi parin niya
maialis ang tingin sa napakagandang tanawin. Umupo siya sa hagdanan ng
kubo at inalis ang suot na tsinelas upang maramdaman ang buhangin sa
kanyang mga paa. Pakiramdam niya ay isa siyang preso na bagong laya mula
sa napakatagal na pagkakakulong. Sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi,
magaan ang pakiramdam niya. Ipinikit niya ang mga mata at pinakinggan
ang tunog na nagmumula sa dagat.
Daydreaming again? mayamaya ay untag ng isang pamilyar na boses na
malapit sa kanya.
Hindi maipaliwanag ang kaba na naramdaman niya ng mga oras na iyon.
Awtomatikong bumilis ang pintig na kanyang puso nang marinig ang tinig
nito. Napasinghap siya nang makilala kung sino ang nasa tapat niya
habang nakangiting nakatitig sa mukha niya. Si Jacob dela Vega.
Napakurap kurap siya na parang multo ang nakita. Hindi na siya magtataka
kung tinakasan man ng kulay ang mukha niya dahil sa tingin niya ay
malapit na siyang mawalan ng malay. Hindi siya nakakilos ng matagal.
Tinitigan lang niya ang mukha nito sa matang nagtatanong. Akmang
hahawakan nito ang pisngi niya subalit agad siyang tumayo at dali-daling
nilagpasan ito.
Hindi niya alam kung bakit bigla siyang lumayo. Hindi bat matagal na
niya itong gustong makita? Mayakap? At masabi dito na kahit kailan ay
hindi ito nawala sa isip niya? Itanong kung bakit ito biglang nawala at
iniwan siya? Punong puno ng ibat ibang emosyon ang dibdib niya. Ang
alam lang niya sinaktan siya nito. Pinaasa.
Isang kamay ang pumigil kay September mula sa mabilis na paglalakad.
Hinawakan siya nito sa isang braso at pinaharap sa direksyon nito. Hindi
niya ito magawang tingnan sa mata kaya hinawakan nito ang magkabilang
pisngi niya upang magkatitigan sila. Nakaramdam siya ng matinding
panghihina lalo na sa kanyang mga paa.
Please dont walk away from me, may pagsusumamo sa boses ni Jacob.
You taught me how, naghihinanakit na sabi niya rito.
Forgive me... I did what I thought was right, what was best for us.
No, she shook her head. you only did what you thought was best for
you. Tears shone in her eyes. Bakit ka pa ba bumalik? Pinilit niyang
patatagin ang sarili habang nakikipaglaban sa titig ng binata.
Believe me, Its not like that... umiling iling ito, tila nararamdaman
ang paghihirap niya.
The hell it is! parang bulkang sumabog ang pagtitimpi niya. Sinubukan
niyang makakalas mula sa pagkakahawak nito sa kanya subalit nabigo rin
siya sa bandang huli.
Damn it! Listen to me! Just listen to me, utos nito.
Please let go of me! she sobbed the words out.
I cant. Just listen to me please... Hindi ako umalis nang walang
mabigat na dahilan. Bumalik ako sa states para tapusin ang pag aaral ko.
Noong una, balewala lang naman sakin kung hindi ako makapagtapos, pero
sa kagustuhan kong ayusin ang buhay ko, kinailangan kong gumawa ng
desisyon. Hinawakan ni Jacob ang isang pisngi niya at tinitigan siya.
Dahil sayo kaya ko nagawa yon, dahil gusto kong maging karapat dapat
para sayo.
Patawarin mo ako, alam ko na nasaktan kita. Naging mahina ako, alam ko
na hindi ko kayang magpaalam sayo. His voice was soft and sincere,
his eyes were honest. Kung alam mo lang sana kung gaano kahirap para
sakin na hindi ka makita o hindi marinig ang boses mo. Kung paano ko
tiniis ang bawat araw at oras na wala ka sa tabi ko. Halos mabaliw ako.
Ilang beses na naisip ko na sumuko nalang at bumalik sa Pilipinas para
makita ka, pero sa tuwing naiisip ko yun kinakain ako ng pride ko.

Hindi ko kayang bumalik nang walang maipagmamalaki sayo. God! I thought


too damn much of you. Ive suffered being without you. he pressed his
lips to her numb hands. Forgive me...
Sukat sa narinig ay nag uunahang tumulo ang butil ng luha niya. Wala
kang ideya kung gaano ako nasaktan nang iwan mo ko. Pakiramdam ko
mamamatay na ako. Humikbi siya.
I can see it in your eyes, I see every ounce of pain I caused you. He
cupped her face I love you. Im asking you to forgive me for doing what
I thought was right. And Im begging you to take me. Ill have no other
but you.
Naramdaman niya ang sinseridad sa boses ni Jacob at pagmamahal sa mga
sinabi nito. Buong puso niya itong tinanggap ng walang halong
pag-a-alinlangan. Parang bulang naglaho ang sakit na dinadala niya.
Nagkaroon ng tunog ang pag iyak niya. Alam niyang seryoso ito sa kanya,
na mahal siya nito at katulad niya ay nahirapan din ito ng maghiwalay
sila. Naniniwala siya sa lahat ng mga sinabi nito sa kanya. Gusto niyang
sabihin dito na pinapatawad na niya ito at katulad nito ay mahal rin
niya ang binata. Mahal na mahal. Nag uumapaw na ibat ibang emosyon ang
nararamdaman niya pero mas nangingibabaw ang kasiyahan ng kanyang puso.
Im sorry, please dont cry. Hinalikan siya nito sa noo at pinahid
nito ang mga luha sa kanyang mga pisngi.
Nang hindi parin tumigil ang pag-iyak niya ay niyakap siya nito ng
mahigpit. Sa yakap nito siya nakaramdam ng security, unti unti siyang
tumigil sa pag iyak. Kay tagal niyang pinanabikan na muling makulong sa
mga bisig nito. Naalala tuloy niya ang unang beses na patahanin siya nito.
Im really sorry, I know your not ready for me...
No, its not that. I forgive you.
And? tila may hinahanap ito sa mukha niya. Do... you... love me too?
may hindi pagkasigurado na tanong nito. Hindi ito nakatiis ng matagalan
si September sa pagsagot. Damn it, Seph! I know you do. Just say it.
Natawa siya. Yes. I love you too Jacob dela Vega! mabilis na sagot
niya habang hawak ang isang pisngi nito.
Napuno nang excitement ang mata nito. He touched his lips to hers, held
them there for a moment. Hindi pa doon natapos ang kasiyahan na
nararamdaman niya. Buong gulat ni September nang lumuhod si Jacob sa
harapan niya at saka nag propose.
I want you to marry me September Olivarez. Will you marry me? mayamaya
ay tanong nito sa kanya.
Walang pag aalinlangan na sumagot siya. Yes! With joy overflowing in
her heart, wala na siyang mahihiling pa.
Pleasure swirled into his eyes. Tumayo ito at hinalikan siya sa noo.
I swear Ill cherish you as long as I live.
Kailan mo pa nalaman na mahal mo ko? tanong ni september kay Jacob
habang naglalakad sila sa dalampasigan.
Tumawa ito. Matagal na, nag isip ito. Nung tuktukan mo ako ng sandok
sa ulo sa kusina. Noon ko narealize na ikaw ang babaing pakakasalan ko.
Ikaw kasi ang may kakayahan na makapagpatino sakin. Kahit si Papa hindi
ako nagawang patinoin.
Mahal mo na ako bago mo pa ako tinanggihan sa alok ko dati na pakasalan
mo ko? kunwaring nagtatampo na tanong niya. Ang daya mo.
Wala kang ideya kung gaano kahirap para sa akin na humindi sa iyo. At
ang isa pa, ayokong pakasal sa taong naaawa lang sakin.
Tinampal niya ito sa braso at umarte naman itong nasaktan sa palo niya.
Cute!
Sinabi ko naman na mahal kita hindi ba? Hindi ka ba naniwala sa akin dati?
Hinawakan siya nito sa baba. Mahirap maniwala sa taong saksakan ng
bait. Pero napasaya mo

ako nung sinabi mo yon.


Kumunot ang noo niya. Hindi halata, nakalabing sagot niya.
Tumawa ito. You look cute when you do that. Do it again.
Hindi siya kumibo at tuluyan nang ginampanan ang pagkukunwaring
nagtatampo dito.
Mahal na mahal kita! Alam mo ba kung gaano karaming I love you meron
para sayo sa puso ko?
Gaano nga ba? nangingiting tanong niya.
Hindi ko rin alam eh, ang alam ko lang pakiramdam ko sasabog ako sa
sobrang pagmamahal sayo. I love you, I love you, I love you, I love
you. Walang katapusan.
His words warmed her heart. I love you too.
And I love more... And his lips found hers.
<PIXTEL_MMI_EBOOK_2005>3</PIXTEL_MMI_EBOOK_2005>

You might also like