Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Anna Luna Espinol

Grade 9-hydrogen

APOLINARIO MABINI

Si Apolinario Mabini y Maranan (Hulyo 23, 1864Mayo 13, 1903), kilala bilang ang
"Dakilang Lumpo" o "Dakilang Paralitiko", ay isang Pilipino theoretician na nagsulat
ngkonstitusyon ng Unang Republika ng Pilipinas noong 1899-1901, at naglingkod bilang
ang kauna-unahang punong ministro noong 1899. Ipinanganak siya sa Talaga,
Tanauan,Batangas sa mahihirap na mga magulang, sina Inocencio Mabini at Dionisia
Maranan.
Siya ay natuto ng abakada mula sa kanyang ina at ang pagsulat ay sa kanyang
ingkong natutuhan. Nag-aral siya sa
mataas na paaralan at nagpatuloy sa
Colegio de San Juan de Letran na kung
saan natamo ang katibayan sa pagka-
Bachiller en Artes at naging propesor sa
Latin. Sa Unibersidad ng Santo Tomas
naman siya nakapagtapos ng
pagkaabogado noong 1894. Samantalang
nag-aral ng batas, sumapi siya sa La
Liga Filipina ni Jose Rizal.
Si Mabini ay nabilanggo sa
Nueva Ecija. Si Mabini ay nagkasakit
noong 1896 ng "infantile paralysis" na
lumumpo sa kanya. Ipinasundo siya
ni Aguinaldo at sila'y nagkamabutihan.
Siya'y lihim na ipinatawag ni Aguinaldo at hinirang siyang
opisyal na tagapayo. Nang pasinayaan ni Aguinaldo ang Pamahalaang Republika inatasan
niya si Mabini bilang kalihim panglabas (prime minister) at pangulo ng mga konseho. Sa
panahong ito isinulat niya ang kanyang tanyag na akdang "Tunay na Dekalogo".
Noong 1899, si Mabini ay nabilanggo sa Nueva Ecija. Kanyang isinulat noon ang
"Pagbangon at Pagbagsak ng Himagsikang Filipino", "El Simil de Alejandro", at "El
Libra". Noong ika-5 ng Enero, 1901, si Mabini ay ipinatapon sa Guam, ngunit kusa
siyang nagbalik sa bansa noong Pebrero, 1903 kapalit ng panunumpa ng katapatan sa
Estados Unidos. Siya ay nagkasakit ng kolera at namatay noong ika-13 ng Mayo, 1903
sa Nagtahan, Maynila.
Ayon sa paglalarawan sa kaniya ni Arthur MacArthur, Jr., Mabini is a highly
educated young man who, unfortunately, is paralyzed. He has a classical education, a
very flexible, imaginative mind, and Mabini's views were more comprehensive than any
of the Filipinos that I have met. His idea was a dream of a Malay confederacy. Not the
Luzon or the Philippine Archipelago, but I mean of that blood. He is a dreamy man, but a
very firm character and of very high accomplishments. As said, unfortunately, he is
paralyzed. He is a young man, and would undoubtedly be of great use in the future of
those islands if it were not for his affliction.

You might also like