Kabihasnan - Wikipedia, Angthailandthailandthailandthailandthailandthailandthailandthailandthailandthailandthailandthailandthailandthailandthailandthailandthailandthailandthailandthailandthailand Malayang Ensiklopedya

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

7/14/2014 Kabihasnan - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

http://tl.wikipedia.org/wiki/Kabihasnan 1/3
Gitnang bahagi ng Lungsod ng
Bagong York, Estados Unidos. Isang
katangian ng kabihasnan ang
pagkakaroon ng mga lungsod.
Kabihasnan
Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Sa payak na kahulugan nito, ang kabihasnan o sibilisasyon ay isang
masulong na yugto ng kaunlaran ng isang lipunan.
[1]
Nagmula ang salitang
sibilisasyon sa Latin na civis na may ibig sabihing isang taong
naninirahan sa isang bayan. Naiisip nating sibilisado ang mga tao kapag
tinipon nila ang kanilang mga sarili upang maging isang matatag at
mabisang pangkat, sa halip na gumagalaw ng magkakahiwalay o bahagi
lamang ng isang tribo. Lampas dito, inaasahan nating makikilala ang alin
mang kabihasnan sa pamamagitan ng kanilang wika, sining, arkitektura,
edukasyon, at nakamit na gawaing intelektuwal, pamahalaan, at
kakayahan makapagtanggol ng sarili. Samakatuwid, isa itong konseptong
tumutukoy sa pagkadalubhasa ng mga tao sa isang kulturang kinagisnan o
nakasanayan, kulturang nalinang o kulturang tinanggap na resulta sa
paninirahan sa isang partikular na lugar o kapaligiran. Naging isang
masalimuot na lipunan o pangkat ng kultura o kalinangan ang kabihasnan
na kinatatangian ng pagsandig sa agrikultura, pangangalakal kahit sa
malalayong mga lugar, uri ng pamahalaan pang-estado at naghahari o
namumuno, espesyalisasyon sa hanap-buhay, urbanismo, at antas-antas
na mga klase ng mga tao. Bukod pa sa ganitong mga pangunahing mga
elemento, kadalasang natatakan ang sibilisasyon ng anumang
kumbinasyon ng isang bilang ng pangalawang mga elemento, kabilang ang
maunlad na sistema ng transportasyon, pagsusulat, pamantayan ng
pagsusukat, pati na pananalapi, pormal na sistema ng batas, magiting na
estilo ng sining, mabantayog na arkitektura, matematika, sopistikadong
metalurhiya, at astronomiya.
Mga nilalaman
1 Mga kahulugan
2 Paglalarawan
3 Tingnan din
4 Mga sanggunian
Mga kahulugan
Kadalasang ginagamit ang kabihasnan bilang kasingkahulugan ng mas malawak na salitang "kultura" o "kalinangan",
kapwa sa mga samahang tanyag at pang-akademya.
[2]
Lumalahok ang bawat isang tao sa isang kalinangan, na may
ibig sabihing "ang mga sining, mga gawi, mga nakasanayan... mga paniniwala, mga pagpapahalaga, ugali, at
nakagawiang mga materyal na binubuo ng paraan ng pamumuhay ng mga tao".
[3]
Subalit, sa pinakamalawak nitong
7/14/2014 Kabihasnan - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
http://tl.wikipedia.org/wiki/Kabihasnan 2/3
kahulugan, isang mapaglarawang salita ang sibilisasyon para sa nakahinlog na masalimuot na kulturang agrikultural at
urbano. Maipagkakaiba ang kabihasnan mula sa iba pang mga kalinangan sa pamamagitan ng kanilang mataas na
kasalimuotang panglipunan at organisasyon, at sa pamamagitan ng kanilang samu't saring mga gawaing
pangkabuhayan at pangkalinangan.
Sa mas matanda ngunit palagi pa ring ginagamit na diwa, maaaring gamitin ang "kabihasnan" sa pagtatakda rin ng
pamayanan: sa mga kontekstong panglipunan, kung saan inaakalang mas nakaaangat ang isang masalimuot at
urbanong mga kultura mula sa iba pang mga "barbaro" o "primitibong" mga kalinangan, ginagamit ang konsepto ng
"sibilisasyon" bilang kasingkahulugan ng "kultural (at madalas na etikal) na kaangatan ng ilang partikular na mga
pangkat." Sa katulad na diwa, nangangahulugan ang sibilisasyon bilang "kapinuhan ng kaisipan, mga gawi, o
panlasa".
[4]
Malalim na nakaugat ang ganitong masalig sa pamantayang diwa ng kabihasnan sa kaisipang nagbibigay
ang urbanisadong mga kapaligiran ng mas mataas na pamantayang pampamumuhay, na binubuo kapwa ng
benepisyong pangnutrisyon at taglay na kakayahan sa pagpapaunlad ng pag-iisip.
Sa kanyang aklat na The Philosophy of Civilization o "Ang Pilosopiya ng Kabihasnan", ibinalangkas ni Albert
Schweitzer, isang pangunahing pilosopo hinggil sa diwa ng kabihasnan, ang ideya na may dalawang mga opinyon sa
loob ng lipunan: isang tungkol sa sibilisasyon bilang isang purong materyal at ang isa pa na ang sibilisasyon ay
kapwa etikal at materyal. Sinabi niya ang pangkasalukuyang krisis ng daigdig, noong 1923, ay dahil sa pagkawala
ng pagsilang ng kabihasnan ng sangkatauhan. Sa akda ring ito, binigyang kahulugan niya ang kabihasnan, na
sinasabing:
Ito ang kabuoang bilang ng lahat ng pagsulong na gawa ng tao sa lahat ng saklaw ng galaw at mula sa
bawat pananaw habang ang nakatutulong ang progreso papunta sa maka-espiritung pagpeperpekto ng
mga indibiduwal bilang pagsulong sa lahat ng pagsulong.
Paglalarawan
Bagaman nagkakapatung-patong sa panahon at pook ang mga kabihasnan, karaniwan silang binibigyang kahulugan
kung saan natipon ang kanilang populasyon sa pinakamalaking bilang, o kung saan nakahimpil ang kanilang
pamahalaan noong nasa pinakakalakasan ang kanilang kapangyarihan. Halimbawa, pinamahalaan ang Imperyong
Romano mula sa Roma. Dating kumalat ang kanilang imperyo mula sa mga hangganang Eskoses hanggang sa
Hilagang Aprika at Silangang Mediteraneo. Nagkaroon sila ng sariling wika, ang Latin, na naging mas ninanais na
paraan ng pakikipag-ugnayan ng edukadong mga tao hanggang sa matagal nang naglaho ang kanilang sibilisasyon.
Sa ngayon, ginagamit pa rin ng mga manananggol at mga politiko, mga manggagamot at mga siyentipiko, mga
dalubhasa at iba pa ang Latin sa kurso ng kanilang pang-araw-araw na mga gawain, bagaman namatay na ang
sibilisasyon ng sinaunang mga Romano mahigit na 1,500 mga taon na ang nakararaan. Sinasabing mahusay sa Latin
si William Shakespeare. Itinuturo pa rin ang Latin sa ilang mga paaralan. Hinahangaan pa rin natin at ginagaya ang
arkitekturang Romano, gumagamit tayo ng mga bilang na Romano upang bilangin ang ilang mga bagay, gumagamit
tayo ng mga pangalan ng mga Romanong diyos upang tandaan ang mga araw at mga buwan ng ating mga
kalendaryo, pinapangalanan natin ang mga konstelasyon sa kalangitan na ang ginagamit ay ang mga pangalan
ginamit ng mga Romano para sa mga ito, at naging huwaran ng ating mga konstitusyon at mga istrukturang
pampolitika ang kaparaan ng mga Romano, katulad ng Senado, halalan, tribunal, katarungan, pagboto, senso, pati
na ang salitang Konstitusyon, na mga salitang Latin, na hindi nagbabago ang kahulugan sa loob ng libu-libong mga
taon.
Tumagal ang kabihasnang Romano ng halos 1,000 mga tao, ngunit mas matanda ang sibilisasyon ng Sinaunang mga
Ehipto at nagtagal nang mas matagal na panahon. Nagtunggali sa mga labanan ang mga Romano at mga Ehipto.
Dalawa sa kanilang pinakamagigiting na mga pinuno, ang Romanong si Antonio at ang Ehipsyong si Kleopatra, ang
7/14/2014 Kabihasnan - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
http://tl.wikipedia.org/wiki/Kabihasnan 3/3
bumuo ng alyansa na maaaring nag-isa sa kanilang dalawang mga imperyo.
Tingnan din
Sinaunang kabihasnan
Kabihasnan sa Bibliya
Mga sanggunian
1. "Civilization". Hammond Quick & Easy Notebook Reference Atlas & Webster Dictionary. Hammond, ISBN
0843709227., pahin 45.
2. "Civilization" (1974), Encyclopaedia Britannica, ika-15 edisyon, Tomo II, Encyclopaedia Britannica, Inc., 956.
3. "Culture", Wiktionary, [1] (http://en.wiktionary.org/wiki/Culture). Nakuha noong 25 Agosto 2007.
4. "Civilization" (2004), Merriam-Webster's Collegiate Dictionary ika-11 edisyon, Merriam-Webster, Inc., pahina
226.
Kinuha mula sa "http://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Kabihasnan&oldid=1419192"
Mga kategorya: Kultura Lipunan Kabihasnan
Huling pagbabago: 03:07, 5 Hulyo 2014.
Magagamit ang teksto sa ilalim ng Lisensyang Creative Commons Attribution/Share-Alike; maaaring
mailapat ang karagdagang termino. Tingnan ang Takdang Gamit para sa mga detalye.

You might also like