Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 5

Si Putot: Ang Asong Maikli ang Buntot

Kuwento ni Mike L. Bigornia, Iginuhit ni Charles Funk



I. Layunin (Objectives)
A. Kaalaman
a. Makilala Ang ibat ibang uri ng hayop
b. Malaman ang kahulugan ng mga salitang magkasalungat
c. Matutunan ang katumbas sa Ingles ng ilang piling salita.
B. Pandamdam
a. Madagdagan ang pagpapahalaga sa kalikasan
b. Matutuhang tanggapin ang pagkakaiba ng pisikal na itsura mapatao man
o hayop
C. Kakayahan
a. Matukoy kung sino ang nagmamay-ari ng mga buntot
b. Ayusin ayon sa haba ang mga buntot
c. Makasabay sa pampasiglang Gawain

II. Mga Kakailanganin ( Materials Needed)
Para sa Pag-aalis ng Balakid:
Mga salitang nakasulat sa metacards
Mga larawan ng mga hayop sa kwento
Pre- reading
Pagganya/ Motibasyon
Cut-out ni Putot na umiiyak
Reading Libro: Si Putot
Larawan ng mga hayop
Talakayan:
Pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari-timeline-
nakasulat sa piraso ng papel
Pagpapalawig:
Pagpapares ng buntot sa hayop:
- larawan ng mga hayop at mga buntot

Post-reading
Pagpapayaman:
-mga salitang nakasulat sa metacards
-mga larawan ng ibat ibang tao




III. Pamamaraan (Procedure)
A. Bago Magbasa (pre-reading activity)
1. Pampasigla
(ice breaker)
5 min Ituturo ang aksyon na kaagapay ng sumusunod na kanta:
May magsasakang may aso, pangalan niya ay BINGO,
B-I-N-G-O (3X), pangalan niya ay BINGO
2. Paghahanda
para sa leksyon
1 min Pagpapaalala sa mga mahalagang patakaran gaya ng
pakikinig, pakikilahok, atbp.
3. Pag-alis ng
Balakid
(Unlocking of
difficulties)
10 min Maipaunawa ang kahulugan ng mga sumusunod na
salita/parirala sa pamamagitan ng:
Iaakto Magpapakita
ng larawan
Magbigay ng
sitwasyon
Himutok

Brotsa
Plomera
panot
Dangal
Kapintasan

Ipapakita at babasahin ng guro (ipapaulit sa mga bata) isa-
isa ang mga salita tapos ay:
Ipapakita ng guro kung paano maghimutok, kalian
mo makikita ang mga taong naghihimutok?
Ipakita ang larawan ng brotsa. Sino ang kadalasang
gumagamit ng brotsa?
Ipakita ang larawan ng plomera. Saan nakakakita ng
plomera? Para saan ito?
Ipakita ang larawan ng panot. Ano ang itsura ng
isang panot?
Magbigay ng sitwasyon kung saan ipinapakita ang
kahulugan ng dangal. (Magulang ikinararangal ang
anak.)
Magbigay ng sitwasayon kung saan ipinapakita ang
kahulugan ng kapintasan. Tama bang mamintas tayo
ng kapwa?

Babasahin uli ang mga salita at ipapaulit sa mga bata
matapos ang bawat salita
4. Motibasyon/
Pagganyak bago
Magbasa
3 min Ipapakita ang librong ikukuwento. Eenganyuhin ang mga
bata na alamin kung Bakit umiiyak si Putot? sa larawang
ididikit sa pisara/dingding. Isulat kung ano sa tingin ng mga
bata ang dahilan kung bakit nalulungkot si Putot.
B. Pagbabasa (reading)
1. Bago magkwento, basahin ang pamagat ng libro,
may-akdaat gumuhit ng larawan.
2. Habang nagbabasa, ipapakita ang larawan at ituturo
ng guro ang linya na binabasa. Siguraduhing
nakikita ng maayos ng mga bata ang mga larawan at
salita.
Ididikit ang larawan ng bawat hayop na
kaiingitan ni Putot sa palibot ng larawan ng
umiiyak na Putot kanina.
Ipauulit sa mga bata kung bakit naiingit si
Putot sa mga hayop na ito.
3. Pagkatapos ng kuwento, balikan ang tanong kung
bakit umiiyak si Putot sa simula ng kuwento. Tingnan kung
tama ang hula ng mga bata.
C. Mataopos magbasa (Post-reading)
1. Talakayan 3 min 1. Sinu-sino ang mga hayop na kinainggitan ni Putot?
2. Ayusin ayon sa pagkakasunud-sunod sa kuwento ang
mga pangyayari na nakasulat sa mga piraso ng papel.
Pagkatapos mabuo, basahin ulit ito.
3.Ano ang natutuhan ni Putot sa dulo ng kuwento?
2.
Pagpapaliwanag
(Engagement)
15 min 1. Pagpapares
Ikabit ang buntot sa nagmamay-ari nito.
2.Pagtuklas sa kahulugan ng magkasalungat na salita:
Masaya at Malungkot
Mahaba at Maiksi
Unat at Kulot
3. Pagguhit (before and after)
Iguhit ang luha at ang nakasimangot na bibig ni
Putot. Iguhit ang nakangiting bibig ni Putot.
3.
Pagpapayaman
(enrichment)
1. Pagtukoy sa ibat ibang hayop
Tukuyin ang ibat ibang hayop.
Kumpletuhin ang pangalan ng hayop. Baybayin ang
bawat letra.
Ipakita ang katumbas na salita sa Ingles.
2. Pagtukoy sa ibat ibang hitsura ng tao
Tukuyin ang mga pisikal na katangian ng tao.
Magpakita ng larawan. Magbigay ng halimbawa.
3. Ibigay ang dahilan ng pagkakaiba ng hitsura ng tao man o
hayop.
Pakikibagay sa kapaligiran. Magbigay ng
halimbawa.
Silbi sa kalikasan. Magbigay ng halimbawa.


Pagtatasa (tinanggal muna ang ilang larawan para magkasya sa email)
Unang Bahagi: Punan ang patlang ng nawawalang letra.
1. lor_
2. _aka

3. p_sa
4. bu_at_
5. k_bay_
6. bab_y
Ikalawang Bahagi: Pagdugtungin ng linya ang magkapares na salita at larawan
7. Mahaba


8. Maikli




9. Masaya




10. Malungkot












---Theresa Tan, Lara Lacap




---Theresa Tan, Lara Lacap

You might also like